My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Epilogue

57.9K 2.3K 524
By NerdyIrel

#MyOnlyMistakeFinale

The most awaited request hahaha

Malalaman na natin ang side ni Jiro. Enjoy :)


------------------------


Epilogue


Jiro's POV


Nanghina ako ng binabaan na ako ni Kenzie ng telepono.

I knew it was too late.


"Anong sabi? Ha? Nakausap mo ba?" Pagpapanic ni Gigi.

Umiling ako kaya napahagulgol siya lalo sa iyak.


"Tarantado ka kasi pare!" Sigaw ni Enzo sabay sinapak ako ng malakas.


Napaupo ako sa sahig.

Susuntukin niya pa sana ako ng pinigilan na siya ni Ian at humarang na si Zach.

The girls are all crying.


Napayuko na lang ako at sinubunutan ang sarili habang galit na galit akong pinagsabihan nila Enzo.


Wala akong alam na ang bigat na pala ng pinagdadaanan ni Kenzie...

I broke her heart when she needed me the most.


Pero nagmahal lang naman ako ng sobra kaya ko nagawa yun.


Hindi totoong may relasyon kami ni Jasmine.

Palagi lang kaming magkasama dahil nanghihingi ako sa kanya ng advice.


About a month ago, nagpakita sakin ang Henry na yon.

Gabi na ng umuwi ako galing sa bahay nila Gigi dahil doon ako pinagdinner ni Kenzie.


Papasok pa lang sana ako sa gate namin ng may makita akong lalakeng nakatayo sa tapat ng bahay.

Nakatayo lang siya dun.

Hindi ko agad namukhaan pero may pakiramdam akong pamilyar siya kaya hindi ako gumalaw.


I stared at him until he walked towards me.

At ng makita ko na ang mukha niya ay agad ko siyang nilapitan at inupakan.


Malaking tao si Henry at hindi naman ako expert fighter kaya hindi ko siya napatumba.

But it was enough for him to step back.


"TARANTADO KA! LAKAS NG LOOB MONG MAGPAKITA SAKIN PAGKATAPOS MONG PAGTANGKAAN ANG GIRLFRIEND KO!"


Kinuha ko agad ang phone mula sa bulsa ko to call the police pero natigil ako ng may marinig ako.

Isang kasa ng baril.


Unti-unti kong inangat ang ulo ko.

He smiled at me like a devil.


Hindi ako natakot kahit na nakatutok sa puso ko ang baril na hawak niya.

Siguro ay dahil sa punong-puno ako ng galit.


"Ano? Papatayin mo ko? Go ahead! Di ako natatakot sayo"


Iniangat ko pa ang baril para nakatutok iyon sa ulo ko.

He laughed at me.


"Mukhang mas malakas ang loob mo kaysa sakin, boy"

"Kill me while you still can. Dahil kapag binuhay mo pa ko, ikaw ang mawawala"


He pressed the gun on my forehead.

"Maganda nga sigurong makitang warak yang bungo mo ng hindi ka na makasabat pa. Kaso, may awa pa rin ako kahit papaano eh. Wala ka namang ginagawa saking masama kaya bakit kita tatanggalan ng buhay? Diba?"


I frowned at him tapos tinabig ko yung baril para makalapit ako sa kanya.


He didn't moved.

Mukhang amused pa siya sa ipinapakita ko.


"Then why the fuck are you here?"

"I want to give you a deal"

"Sinong tanga ang makikipag-deal sayo? Ha?"


"Oh di wag. Madali naman akong kausap. Kapag di mo ginawa ang gusto ko, baka makita mo na lang ang girlfriend mong duguan sa tapat ng bahay niyo"


Nandilim ang mga mata ko. Kinwelyuhan ko siya pero mas lalo niya lang itong kinatuwa.

"Gago ka! Wag na wag mong gagalawin si Kenzie!"

"THEN DO WHAT I SAY! Break up with her!"


My eyes widened. "ANO?"


"Simple lang, Jiro. Makikipaghiwalay ka lang sa kanya with no explanations and in return, tatantanan ko na siya. Lalayo na ko at hindi ko na siya lalapitan pa habang buhay"


Tinulak ko siya sa inis ko. "At paano mo ko masisiguradong tutupad ka sa usapan?"

"I can't prove it but you have my word. Mukha naman akong hindi nagsisinungaling diba?"


Tinignan ko siya ng masama.

I want to save Kenzie's life pero hindi ko naman yata kayang gawin yun.


No explanations?

Ang sakit nun.

Baka kamuhian niya ko habang buhay.


"Think about it, boy. Tutal isang buwan naman akong mawawala. Pag balik ko, tsaka ka magdesisyon. Ano? Ayos ba?" Tumawa pa siya ng malakas.


"Go die in your own shit cause I won't do it, asshole"

"Nakakahiya ka, Jiro. Kasi di mo kayang magsakripisyo para sa taong mahal mo. It only shows how pathetic you are"


"What do you know? Isa ka lang namang pedophile"

"If you say so. Oh pano, goodluck na lang ha. Bantayan mo maiigi girlfriend mo ha"

"Hoy, tingin mo hahayan pa kitang makatakas? You deserve to go in jail!"

"At anong magagawa ng isang binatang katulad mo laban sakin? Hahaha tapang mo talaga"


Pumasok sa isip kong agawin ang baril na hawak niya at barilin siya para makatawag ako sa mga pulis at mahuli na ang tarantadong ito. Pero napakadelikado. I could die.


At kapag nangyari yun, wala ng magtatanggol pa kay Kenz.

Aish. Bahala na nga! Kaysa naman panoorin ko lang siya makalayo.


I grabbed the gun from his hand pero hindi niya iyon binitawan.

Sinuntok niya ko sa tiyan kaya gumanti ako sa kanya.

I punched him in the face again.


Susuntukin ko sana ulit siya ng pinukpok niya ang baril sa ulo ko.

Ayun ang huling naalala ko dahil nagblack out na ako.


I woke up the next morning feeling a little bit dizzy.

Tinanong ako nila Papa kung ano daw ang nangyari.

Ang sinabi ko na lang ay may sira ulong nanakit sakin.


Ayokong mas magworry pa sila at mas ayaw kong malaman ni Kenzie na muntik na kong mapatay ng henry na yon.


She's so problematic right now. Hindi ko gustong makadagdag pa sa mga iniisip niya. Magaalala lang siya ng magaalala sa akin.


It also didn't help my situation ng tumawag pa sa akin ang papa ni Kenzie that day.

He pleaded to me to convince his daughter na magtake ng exam for the scholarship in Canada.


I know Kenzie didn't want that.

Kasi kung gusto niya, babanggitin niya sa akin ang tungkol doon.


Nakakaguilty lang na ako ang pumipigil sa kanya sa pagalis niya.

Ayokong magkalayo kami pero future niya kasi ang pinaguusapan dito.


Dahil doon ay naging malayo ako ng sobra sa girlfriend ko.

Madalas ay siya ang napagbubuntungan ko ng init ng ulo ko.


"Pwede ba jiro, hindi mo kinacool yang mga pinagsasasabi mo" She muttered.

"Sinabi ko bang nagpapa-cool ako? Tangna!"


Tumayo na lang ako at umalis sa gilid niya.


Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para protektahan siya.

I feel so useless.


"Pasensya na Jiro kung puro sakit sa ulo na lang ibinibigay ko sayo" Malungkot na sabi ni Kenzie.


Napatingin ako sa kanya.


Nawawala na ko sa sarili. 

Unti-unti na kong nagbabago.


Tuwing magkasama kasi tayo ay di ko mapigilan ang sarili kong maalala ang deal na binigay ng Tito Henry mo at ang mga sinabi ng papa mo sakin.


"Anong klaseng boyfriend ka? Wala kang kwenta! Hinihila mo lang siya lalo pababa kasama mo! She doesn't have any future with you! Anong maibibigay mo sa kanya? Yang sweldo mo mula sa pipitsuging pagmomodel mo? Malayo ang mararating ng anak ko kung makakasama ko siya sa Canada. Kaya hiwalayan mo na siya ngayon pa lang! Bigyan mo siya ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay! Kung mahal mo siya, gagawin mo ang sinabi ko!" Panlalait ng tatay niya.


Sinubukan kong lumayo to test myself.

Lagi ko siyang sinusungitan at iniiwasan.

Maski ang mga text ko ay tinatanggalan ko ng I love you.


I hated doing it pero nung unti-unti na kong nasasanay ay nagkaroon na ko ng lakas ng loob.

Nasabi ko sa sarili kong, kaya ko ngang magsacrifice para sa mahal ko.


I don't want to leave her but it's the only option I have to keep her safe.


"Kenzie naman eh. Sinabi na ngang bawal! Bakit ba ang kulit kulit mo? Ikaw kaya magtrabaho don ng malaman mo kung gaano kahigpit ang manager namin"


Gusto kong magpakalayo-layo tayo pero pag ginawa ko yun, baka hindi na kita ibalik pa dito.


"Umamin ka nga sakin. May problema ba tayo? Kasi lately you've been like this. Parang naiirita ka tuwing kasama mo ako. Did I do something wrong? Feeling ko galit ka sakin, Jiro"


I'm not angry at you.

I'm angry at myself for keeping this as a secret to you.


Hindi ko magawang sabihin sayo na kinukulit ako ng papa mo dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal. Hindi mo pa siya lubusang napapatawad para mawalan na naman ng tiwala sa kanya.

At traumatized ka na masyado sa ginawa sayo ng Henry na yon for me to even mention him.


"Jiro, gusto lang naman kitang makasama..."


Damn it.


Pwede bang bumalik na lang tayo dati?

Yung panahong walang scholarship offer at walang henry na nagtangka sayo ng masama?


"Magkasama na tayo ngayon oh. Di pa ba sapat to?"


Masasakit ang mga salitang binibitawan ko tuwing naguusap kami.

Para siya na mismo ang lumayo at makipagbreak sa akin.


But she's really tough.

Masyado niya kong mahal kaya hindi siya bumibitaw.


"Sino nga pala yung kausap mo?" Tanong niya pagbaba namin galing sa kwarto. Sinundan niya pala ako ng sinagot ko ang phone call sa loob ng CR.


Ang papa mo. Nangungulit na naman.

Halos murahin niya na nga ako.


Di ko naman magawang babaan ng telepono dahil nirerespeto ko siya bilang tatay mo.

Kapakanan mo lang din naman ang iniisip niya kaya siya ganyan sa akin.


"Wala..."


Nagkaroon ako ng idea dahil doon.

Palabasin ko kayang may iba na ko para iwanan niya na ko ng tuluyan?


Nagdecide akong gumawa ng mali.


Jas is just a good friend of mine.

Oo, close kami pero hanggang doon lang yun.

I will never choose her over Kenzie kahit na ramdam kong gusto ako ni Jas.


Umakbay ako sa kanya dahil malayo pa lang, nakita ko na ang sasakyan ni Nixon.

Hindi ko naisip na kasama niya si Kenz. Ang tanging pumasok lang sa utak ko ay pwede niya yon paratingin kay Kenzie.


Jasmine suddenly whispered to me since may mga kasabay kaming maglakad.


"I saw Jarren and Kenzie at the show tonight. Paano mo nakakakayang saktan ng ganun si Kenzie? Paano kung sila ang magkadevelopan? Kaya mo?"


Napatitig ako sa kanya dahil doon.


Bigla akong nagimagine ng kung ano-ano.

Seeing Kenz hold hands with other guys....

Tapos hahalikan siya sa pisngi at mapapangiti siya.


Hell.

Ikamamatay ko kapag napunta siya sa iba.


Pero ayoko rin naman na ako ang maging dahilan upang habang buhay siyang malasin.


"Ayos ah. All this time, akala ko busy ka lang sa work mo. Busy ka na rin pala sa ibang babae" Pagsugod ni Kenzie.


Nagkasigawan kami kaya naiyak na siya.

Habang pinapanuod ko ang paghagulgol niya ay ay nanlambot ang puso ko.


I can't do this.

Sasabihin ko na ang lahat sa kanya.


Di bale ng habang buhay akong kamuhiaan ng tatay niya, wag ko lang siya masaktan pa.

Gagawin ko na lang ang lahat para di na siya malapitan pa ulit ng Henry na yon.


Nung gabing yun ay di rin ako nakatiis.

Tinext ko siya to meet me at the district.


"Masaya ako na nakapunta ka. Akala ko iiwanan mo na talaga ako"


Kung ibang babae siguro yan ay hindi na ko imimeet pa.

Pero iba talaga si Kenzie.

Kahit sinaktan ko na siya ay nagpakita pa rin siya.


I reached for her hand.

Ang tagal ko ng hindi iyon nahahawakan.


I saw her lips parted but then her phone vibrated.


"Wait lang"


Tinignan niya ang text message at bigla siyang napatayo.

I immediately went into her side.


Pagkabasa ko ng text ay nandilim ang paningin ko.


Di talaga titigil yung gagong yon.

He really wants me to do the deal.


Inihatid ko siya agad sa bahay nila Gigi.

I want her safe. Yun lang naman ang palaging nasa utak ko.


Nang hinalikan niya ako ay nadurog na ang puso ko.

Kung ano man ang mangyari, tandaan mo, iyong-iyo pa rin ako.


"I love you" Bulong ko. "Don't ever doubt that, please"


Nakipagmeet ako kay Henry pagalis ko sa bahay nila Gigi.

Tinext niya ang address kung saan kami magkikita.


Hindi ako tanga para pumunta doon ng magisa kaya nagsama ako ng mga police.


Pero hindi siya dumating.

Naghintay kami ng ilang oras pero walang nangyari.


From Henry:

2:30 pm.

Kahit anong gawin mo, hindi mo ko mahuhuli.

Do what I want.


I used my last resort. I asked help from Kenzie's father.

Kung di ko macontrol si Henry then she really needs to go to Canada as soon as possible.


"In one condition, break up with my daughter. Matagal ko ng sinasabi yan, Jiro. Maging lalake ka. Gawin mo ang gusto ko"


Naglasing ako magisa that night.


I can't decide kung tama ba ang gagawin ko.

So I went to see Jasmine the next day.


Di ko makausap ang tropa tungkol dito dahil alam kong aayaw agad sila.

They won't understand my situation.


"Sinubukan mo diba? Pero di mo kinaya. Wag na. Magsisisi ka lang niyan"


"Pero kapag nagkita sila ng henry na yon at wala ako sa tabi ni kenzie...."

Di ko matuloy ang sinasabi ko. Iniisip ko pa lang ay masakit na.


"Jiro, makinig ka sakin. Umamin ka na lang kay kenzie. She will understand you"


"She's hard headed. Matigas ang ulo niya kaya magstay pa rin yun dito. Kapag nangyari yun, wala na kong magagawa para mapaalis pa siya"


"Wala ka rin naman kasiguraduhan na sa Canada ang tuloy niya. Paano kung makipagbreak ka tapos dito pa rin siya tumira?"


Naaninag bigla ng mata ko si Kenzie sa labas ng restaurant.

Di na ko nagisip pa.


Hinila ko si Jasmine at niyakap.

And before Kenzie could look into my eyes ay hinalikan ko ang pisngi ni Jasmine.

I felt her froze.


"W-what are y-you doing?" Jasmine asked.


Lumayo ako at tumitig kay Kenzie.

Tumulo ang luha sa mga mata niya at tumalikod na siya.


"Hindi mo naman siya mahal diba? JIRO? Ako pa rin naman yung mahal mo diba?!"


Oo Kenzie.

Pero kailangan mong maniwalang hindi na.


"I'm sorry"


She hit me and cried in front of me.

Every word she said made me feel her pain.


Pagalis niya ay lumabas na ng restaurant si Jasmine.


"Huy! Bakit nakatanga ka lang diyan? Di mo ba siya hahabulin? Baka kung ano isipin niya! Jiro, wag mo namang palabasing may relasyon tayo kasi ayokong magalit sakin si Kenzie! Kaibigan ko siya! HOY!"


Tumingin lang ako sa kanya.


Pasensya na Jasmine kung pati ikaw ay nadadamay.

Pasensya kung ginamit pa kita sa plano ko.


Halos hindi ako makausap ni Japeth paguwi ko.

I couldn't think straight.


Di rin ako nakatulog buong gabi kasi tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang mukha ni Kenzie habang nagpapaalam siya.


I never thought I'll break her heart.

Plano kong pakasalanan siya pagtanda namin, hindi yung iwanan siya habang nagmamahalan pa kami.


Pinilit ko ang sarili kong pumasok sa school.

Hoping na makita ko pa rin si Kenzie.


Para na kong ewan.

Gusto kong pumunta siya sa Canada para maging safe siya pero nagbabakasakali akong pumarito na lang siya para makita ko siya araw-araw.


Tinititigan ko ang picture naming dalawa sa phone ko nang may maramdaman ako.

Ang hirap i-explain pero alam ko agad na si Kenzie iyon.


My heart ached when our eyes met.

Hinintay ko siyang lapitan ako pero nilagpasan niya lang ako.


So I walked straight. Pero tumigil din ako sa paglalakad pagkatapos ng ilang segundo.

Nilingon ko siya pero hindi na niya ko tinignan pa.

Yumuko na lang ako at pumunta na sa next class ko.


Maghapon akong tulero.

Ni isang diniscuss ng mga professors ko, hindi ko naintindihan.


Hanggang sa kinausap ako ni Japeth kinabukasan.


"Kuya, nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"


"Yung mama daw ni Ate Kenzie, pinatay nung kinakasama niya nung isang araw pa. Kakatawag lang ni Ally sakin"


Napatayo ako sa gulat. "ANO?!"


"Kakauwi nga lang nila galing Australia to fix Tita's funeral. Natulog lang daw si Ally pero paggising niya, wala na si Ate Kenzie. Nagiwan daw ng goodbye letter kagabi. Wala silang clue kung saan siya pupunta kaya tinanong niya ko. Nagbabaka-sakaling alam mo"


Sinabi ko na nga ba! Hindi tutupad sa usapan yung henry na yon!

Ang tanga ko para maniwala sa kanya!


Just what the fuck, Jiro?

Akala mo makakatulong ka na sa kanya pero yun pala ay mas lalo mo lang siyang sinaktan.

Napakawalang kwenta mo nga talaga. 


Tinawagan ko agad sila Ian to ask for help.

We have no idea where to find her that's why we ended up in front of her house.


Cannot be reached ang phone ni Kenzie kaya ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

Whatever her plan is, sana ay wag niya ng ituloy.


At sana kausapin niya man lang kami para makasigurado kaming maayos lang siya.

Kung ano-ano na pumapasok sa utak ko. What if nakuha siya ni Henry?

ARGHHHH! MABABALIW NA TALAGA AKO!


Kinwento ko kila Gigi ang ginawa ko dahil halos kalmutin niya ko ng magkita kami.

Eli slapped me while Ika just glared at me.


Alam kong mali ako.

Pero nagbabakasakali akong masasabi ko pa ang katotohanan kay Kenzie.


"HOY KENKEN, ASAN KA? BAKIT DI MO SINABI SAKIN NA WALA NA PALA SI TITA? TSAKA NANDITO NA RIN PALA SILA ALLY? TUMAWAG SIYA KANINA, ANG SABI NIYA UMALIS KA DAW HUHU NASAAN KA BA LOKA KA?"


Lahat kami ay lumapit kay Gigi.

Siguro ay binuksan na ni Kenzie ang phone niya kaya nacontact siya ng bestfriend niya.


"MAKINIG KA SAKIN NG MABUTI KENZIE! MAY KAILANGAN KA PANG MALAMAN!"


Hindi ko na kayang makinig na lang.

Hinablot ko ang phone ni Gigi at ako na mismo ang kumausap kay Kenzie.


"KENZIE! PLEASE! WE NEED TO TALK----"


"No need Jiro. Tapos na rin naman tayo. Wag kang magalala, hindi mo na ko ulit makikita pa. I'll disappear like a thin air. Goodbye"


"NO WAIT---"


*Beep. Beep*


Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nagaway away kaming magkakaibigan pero sa dulo ay wala na rin kaming nagawa kundi manghina.


My phone suddenly rang.

It's Kenzie's father.


Me: Tito...

Tito: Makinig kang mabuti sa akin, iho. Wag mo munang ituloy ang plano natin. Kriza called me. Wala na daw ang mama ni kenzie at----

Me: Alam ko po...pero huli na ang lahat. Wala na kami.


He was silent for a moment.


Me: Please take care of her.

Tito: Jiro, galit din sakin si Kenzie. She said she won't go in Canada.


Nanlaki ang mga mata ko.


Me: Then where is she? Saan po siya pupunta?

Tito: Wala akong idea. May number ka ba ng mga kaibigan niya? Pakitawagan naman oh. Kung pwede lang ako umuwi diyan ay ginawa ko na.

Me: Hahanapin ko po siya tito. Balitaan niyo na lang din po ako kapag may nalaman kayo.


In-end call ko na, pagkatapos ay sinabi ko sa barkadang kailangan naming puntahan sila Jarren at Nixon. Silang dalawa na lang ang naiisip kong hihingan ng tulong ni Kenzie.


If it's not us, then it should be one of them.

Or di kaya sila Angela o Yeye.


"Tinawagan ko na si kuya. The last time they saw each other was at your ramp, Jiro. He's my bro, he won't lie about this" Enzo told me.


"Kay Nixon tayo" Eli commanded.


Mabilis ang pagdrive ni Enzo papunta sa bahay nila Nixon.

Nalaman namin ang address nila dahil kay Ally.


*Dingdong. Dingdong. Dingdong. Dingdong*


"Dude, easy. Kung may tao sa loob ay pagbubuksan naman nila tayo" Ian told me.

"Easy? Killian, kailangan nating mahanap si Kenzie. She's too weak right now!" Maika argued.


"Anong ginagawa niyo dito?"


Napalingon kami kay Nixon na kakababa lang ng kotse. Kasama niya ang ate niya na tinignan ako ng masama.


"Nasaan si Kenzie?" Tanong ko.


He smiled but he didn't speak.


Hinawakan ko ang collar ng damit niya kaya napasigaw ang mga babae.

Hinila naman agad ako nila Zach.


"Bro, hinay hinay lang! Di madadaan sa dahas ang lahat" Enzo said.

"Magsalita ka!" Sigaw ko.


"Hey. Kayo na nga nangangailangan ng tulong, kayo pa matatapang" Pagsabat ng ate niya.

"Ano bang alam mo?" Pagharang ni Gigi. "Wag ka ngang makisali dito!"


"Nixon, parang awa mo na. Kung alam mo kung nasaan si Kenzie, sabihin mo samin" I pleaded.


He walked towards me.

Tinignan niya ako na para bang isa akong malaking tae sa paningin niya.


"Kahit bugbugin niyo pa ko, hinding-hindi ako magsasalita. I promised her I won't say a word"

"You don't understand. May dahilan kung bakit ko nagawa yun"


"Kahit ano pa yang rason mo, hinding-hindi yan magiging sapat para lokohin mo siya"

Tama lang na ipamukha ni Nixon na napakalaki kong tanga.


"Tol, alam ko mahal mo rin siya. Kaya kung iniisip mo ang kapakanan niya, then give me a chance to ease her pain" Seryosong sabi ko.


"Ayaw niyang magpahanap kaya hindi niyo siya mahahanap. So if I were you guys, stop looking for her. Lalo na ikaw Jiro, masyado mo siyang sinaktan. Dinurog mo ang puso ng babaeng mahal ko so don't expect me to help you"


Nagpintig ang panga ko pero wala na rin akong nagawa pa.

Kahit lumuhod siguro ako sa harap niya ay hinding-hindi siya aamin.


Binangga niya ko bago niya ko nilagpasan.


"Let's go Jiro. Tayo na lang ang dumiskarte kaysa umasa pa tayo sa magkapatid na to" Inis na sabi ni Eli.


Napatingin na lang ako sa rose bracelet ni Kenzie na hawak hawak ko mula pa kanina.


Nasa'kin na, pinakawalan ko pa.


How stupid of me to let go of the girl I am in love with.

I already had her but I pushed her away.

I let Kenzie slip through my fingers and now, I'm damned.


Ngayon, paano ko maaayos ang ginawa kong pagkakamali kung iniwan mo na ako ng tuluyan?


Saan kita hahanapin, Kenzie Rose?

Saang lupalop ng mundo ako pupunta para lang makausap kita?


--------------------------------------


End of Book 1.


All rights reserved 2016.

Written by: Nerdyirel/Irel B.


Happy to announce that there will be Book 2 entitled:

My Only Chance.


I'll post the prologue after ko maipost ang mga special chapters.

Yes, you read it right. Haha details will be on the author's note. I'll post that later, after an hour siguro.


If you like, just follow me through my social media accounts for updates mehehez.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 120K 39
Alas Ferrer is blind. After witnessing the death of his sister and father before his eyes, he refused to continue living and see again. Alas was sent...
426K 6.1K 24
Dice and Madisson
943K 19.4K 43
| COMPLETED | 30 March 2017 - 27 June 2019 | Stonehearts Series #5 | Just like how her birthstone is coveted by royalty, Emerald Charisma Vinluan is...
118K 3K 20
#Fantasy #DarkRomance "I don't want this to be safe. I want our love to be destructive in the best way possible." ⚔️⚔️⚔️ Karaninna Soldueñez was a fo...