My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 49 - Shady

44.2K 1.8K 1.3K
By NerdyIrel

Chapter 49 – Shady


"Oy ano yan?" Tanong ni Nixon na bigla na lang sumulpot out of no where. I looked around, magisa lang siya.


"Bakit andito ka?" Tanong ko sa kanya.


"Ayos ah. Sinagot din ako ng tanong haha" Umupo siya sa tabi ko at sinilip ang binabasa kong libro. "Nagaaral ka?"


I rolled my eyes. "Malamang. Kaya nga ko napasok sa school diba? Hahaha"

"Piloposo neto" He even pouted.


Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagbabasa.


"May recitation kami bukas. Ayoko namang mapahiya kaya minememorize ko itong limang chapters na diniscuss niya"


"Wow. Ang talino mo naman. Ako nga, isang page lang, di na pumapasok sa utak ko"


"Sus, kunwari ka pa. Ang sabi ni papa kagabi, pasado ka na sa examination for scholarship in Canada. Congrats ha! Ang galing mo!"


Ngumisi siya dahil don. "Naunahan pa ko ng papa mo magsabi sayo hahaha"

"So...aalis ka na nga talaga?"


"Yup. This month agad. Pinapaayos na nga sakin yung papers ko. Buti may passports na kami ni ate, di na madedelay yung alis namin"


I smiled. "I'm so happy for you. For sure, gaganda pa lalo ang buhay mo"

"Ako yung malungkot kasi malalayo na talaga ako sayo"


Nagpretend akong hindi ko narinig iyon.

Nagbasa na lang ako para hindi niya mahalatang nailang ako sa sinabi niya.


Sometimes I keep on forgetting that he likes me. Parang tropa lang din kasi ang trato niya sa akin minsan.


"Okay na kayo ni Jiro?"

Tumigil ako at tumingin sa kanya. "Hindi pa kami nagkakausap. He's busy"

"Walang busy busy kapag priority ka ng isang tao"


I frowned at that.

"May sarili siyang plans in life. Kailangan niyang matupad ang mga pangarap niya"


"At hindi ka kasama doon? Kenz, hindi naman sa sinisiraan ko si Jiro pero ako yung naiinis sa ginagawa niya sayo. Palibhasa alam niyang palagi kang available dahil girlfriend ka na niya. Alam niyang mahal na mahal mo siya kaya tine-take for granted ka na niya"


"You're wrong. Hindi ganyang klaseng lalake si Jiro"

"I hope so"

"Why are you so pissed off, Nixon?"


"Because it would hurt me to know na nag-step aside lang pala ako para ibigay ka sa isang gago. Di sana, pinaglaban pala kita"


Nagkatitigan kaming dalawa.

Sobrang na-speechless ako sa mga narinig ko.


"Kenzie, kahit na pumunta pa ko sa Canada, lagi mong aalalahanin na matatakbuhan mo ko. I will do everything to soothe you"


I looked at my book again.

Nao-awkward na ako dahil nagiging seryoso na ang usapan namin.


"Anyway, magpapadespedida party siguro kami ni Ate next next Friday. Punta ka ha"

"Sure..."


Tumayo na siya at ginulo pa ang buhok ko.


"Take care of yourself, Kenzie. Wag mong hayaang sinasaktan ka ng mga tao sa paligid mo"


Tumakbo na siya palayo at naiwan na kong magisa dito sa library.

I stared at his back.


Buti ka pa Nixon, ramdam ko ang malasakit mo.

Ramdam kong nagaalala ka.

Ramdam ko ang pagmamahal mo.


Ayan ang namimiss ko kay Jiro.


***


Isang linggo ulit ang nakalipas pero ganun pa rin talaga si Jiro.

I tried to reach out to him pero siya na mismo ang lumalayo.


It pains me not knowing kung ano ba ang problema.


"Can you share your thoughts?" Tanong ko kay Jiro dahil halatang mamalim ang iniisip niya.


Pinuntahan ko siya dito sa bahay nila dahil miss na miss ko na talaga siya. Parehas naman kaming available since Sunday ngayon at wala sila Tito at Tita dahil umalis daw sila.


Nandito lang kami sa living room, nanunuod ng tv kasama si japeth na kausap daw si Ally sa facebook.


Jiro looked at me but he didn't smiled.


"Iniisip ko lang yung mga plano natin sa future... Sana matuloy lahat"


Halos mapangiti ako ng marinig ko yun.

"Bakit naman hindi? Kung di naman tayo maghihiwalay, malamang matutuloy talaga lahat ng yon..."


Tumingin na siya sa TV at hindi na nagsalita.

I can't help but to stare at Jiro habang nakikipagusap siya kay Japeth.


Pagod lang talaga siya sa work niya pero mahal niya pa rin ako.

He wouldn't think about our future if not.


Magsasalita sana ulit ako ng biglang tumunog ang phone niya.

Walang sabi-sabi ay umakyat siya sa kwarto niya bago sinagot ang call.


Bakit kailangan niya pang magtago?

Sino ba ang kausap niya?

Bakit di ko pwedeng marinig ang paguusapan nila?


I decided to follow him upstairs. Tumayo ako at pinuntahan siya. Kaso pagpasok ko sa kwarto niya ay wala siya doon.


Talagang pumasok pa sa CR...


Habang hinihintay lumabas si Jiro ay humiga ako sa kama niya at tinitigan ang ceiling.


Kamusta na kaya si Mama?

Nalulungkot din ba siya tuwing naalala niya ko?

Nagsisisi kaya siyang mas pinili niya si Tito Henry?


"Kenzie"

Napatingin ako kay Jiro.


"Hmmm?"

"Bakit andito ka?"

"Off limits na ba ko dito?"


He shook his head.


"Hindi, nagulat lang ako"

"Bakit ka naman magugulat eh lagi naman akong pumupunta dito tuwing kasama kita"


He didn't answered me. Binuksan niya na lang ang pintuan at sinenyasan ako upang lumabas.


"Kain muna tayong merienda bago kita ihatid kila Gigi. Nagugutom na ko eh"


Umupo na ko at tinitigan siya.

Something is really wrong with him...


Tumayo na ko at lumabas na ng kwarto niya. Sumunod din naman agad siya.


"Sino nga pala yung kausap mo?" I asked him.

"Wala..."


Ibinulsa niya yung phone niya at dire-diretsong pumunta sa kitchen nila.

Wala daw pero halata namang meron.


Kanina pa siya kahina-hinala...


Sinandukan ako ni Jiro ng champorado na luto daw ni Tita.

Sinadya kong hindi yayain si Japeth para makapagusap kaming dalawa.


Paano ko ba sisimulan ito...

Ah. Siguro dapat tungkol muna sa sarili ko ang ikwento ko sa kanya para di agad uminit ang ulo niya.


"Magpapadespedida nga pala sila Ate Nina at Nixon. They're inviting me. Pupunta ako since matatagalan na bago ko ulit sila makita. Sama ka?"


"Anong araw yun?"

"Friday"

"I can't. May ramp ako nun. First ramp ko para sa isang fashion show" Tamad na kwento niya.

"Hala, bakit di ko alam yan? Congrats, love! I'm so proud of you"

"Biglaan din kasi. Kanina lang sinabi sakin" 


May hindi man lang siya ngumiti.

Di ba siya masaya na may project agad siya after his workshop?


"Ayun ba yung kausap mo sa phone?"

"Hindi"


Natahimik ako.

Eh sino yung kausap niya?


"Sige, manunuod ako niyang ramp mo"

"Kahit wag na"


Natahimik ako. "Anong wag na? Ayaw mo kong manuod?"


Napaangat ang tingin niya sa akin.

"Hindi...I mean...diba sabi mo pupunta ka sa despedida party nila Nixon..."


"It's your day. Hindi pwedeng hindi kita suportahan dun. I'm sure Ate Nina will understand kung di ako makakarating"


"Ikaw bahala..."


Nasasaktan na talaga ako sa pagiging cold niya.

I can't be quiet about this.


"Talaga bang ayos ka lang? Baka naman may problema ka...di mo lang sinasabi sa akin"

"You're being paranoid"


Nung isang araw, nago-overthink daw ako. Ngayon, paranoid na? Wow.

Ayaw niya yatang magconcern pa ko sa kanya.


"No. You're being an asshole! And a huge jerk!"


Tumayo na ko at nagmadaling kunin ang bag ko sa sala.

Napatingin pa nga sakin si Japeth dahil nagulat yata siya.


"Kenz, come on" Pagtawag ni Jiro.


Oh bakit mo ko hinahabol?

Diba ayaw mo kong makasama?


Tinignan ko lang siya pero lumabas din agad ako ng bahay nila.

Bubuksan ko na ang pintuan ng gate ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.


"Wag ka namang magalit oh---"


"Wag magalit? Aba matindi ka rin, ano? Ayaw mong magalit ako pero ikaw mismo ang gumagawa ng dahilan para yun ang maramdaman ko. Jiro, gulong-gulo na ko! Alam ko namang unti-unti ka ng nawawala sakin eh! Ang masakit lang, hindi ko alam kung bakit! Hindi ko alam kung ano ba yung nagawa ko para magkaganyan ka!"


Pinipigilan ko ang sarili kong magsabi ng kung ano-ano.

Baka pagsisihan ko pa yun ng di oras.


"You need to sort your things out! Kausapin mo na lang ako pag nakapagdecide ka na kung ano ba ang gusto mong mangyari. Kasi Jiro, tingin ko hindi mo na ko mahal. Tingin ko, hindi na ko yang tinitibok ng puso mo"


Lumabas na ko at sumakay agad ako ng tricycle.

I don't know how I can do this pero di talaga ako naiiyak.


Siguro ay dahil galit na galit na ko sa kanya.

Kung pwede ko nga lang siya sapakin ay ginawa ko na.

He deserves that!


Pinatay ko ang phone ko para di niya ko matawagan.


Shit ka, Jiro.

Dumadagdag ka pa sa mga iniisip ko!


***


Pinandigan ko ang desisyon ko. Tutal yun naman talaga ang gusto niya.

Nagdeactivate ako ng facebook account ko at hindi ko talaga siya tinetext.


Ganun din naman siya sa akin.

Talagang iniisnob niya ko.


Hindi na rin kami sabay kumain tuwing lunch dahil lumalayo talaga ako sa kanya.

Alam naman ng tropa na may away kami eh. They tried to help us pero wala din silang nagawa.

Nagagalit daw si Jiro pag kinakausap siya ng mga boys.

Kung andito pa siguro si Jackson, baka siya pa makatulong sa amin.


Minsan nagkikita din kami sa VMA pero iniiwasan ko siya kapag ganun.

Napansin yun ni Jarren kaya madalas ay nilalapitan niya ko para kausapin.


"Break na ba kayo ni Jiro? Hahahaha" Biro niya habang nagmemerienda kami.

Pinuntahan niya ko sa office ko at dinalhan ng fries at pizza.


"Tsk, pwede jarren wag na natin siya pagusapan? Mas lalo lang ako naba-bad mood"


"Oh sige. Anong gusto mong pagusapan natin? Yung pagiging tanga ko kasi gusto pa rin kita o yung pagiging tanga mo kasi hinayaan mong mapalapit ang boyfriend mo sa iba? You know we would make a great team. Tanga squad hahaha sama natin si Angela. Tanga din yun sa syota niya eh"


Imbis matawa ako ay mas lalo yatang nagseryoso ang mukha ko.


"Kanino napapalapit si Jiro?"


Tumigil sa pagtawa si Jarren.

Ngumiti lang siya pero di na nagsalita.


"Kung kaibigan talaga kita, sasabihin mo sakin ang nalalaman mo" Pagpupush ko para umamin siya.


"Ano kasi, kenzie---"

"Just tell me. Please"


Huminga siya ng malalim.


"I've been noticing Jas and Jiro every time na may workshop sila together. Palagi silang nasa sulok tuwing break time at magkausap"


Umiling ako. "Magkaibigan lang sila. Jasmine likes another guy"

"You mean me? Ayan ba ang sinabi niya sayo?"


Nagulat ako kasi alam niya pala yun.


"Kenzie, she's lying to you. Naaalala mo nung kumain tayong apat sa labas? Iniwanan niyo kami ni Jiro para makapagusap kami ni Jasmine. Doon napaamin ko siya. She confessed that she have a crush on Jiro at pinapalabas niya lang daw sayo na ako ang gusto niya para hindi ka daw maghinala. Baka daw kasi magselos ka sa friendship nila. Wala naman daw siyang balak mangagaw. Hanggang crush lang daw yun"


Dahan-dahan nagsink in sa utak ko ang mga sinabi niya.


"Kaya gusto mong makipagpalitan ng sched with Jiro. In that case, hindi sila masyadong magkakasamang dalawa" I almost whispered.


Shocked na shocked ako sa mga nalaman ko kaya hindi ako makareact ng maayos.


"Look, I'm not saying that he's cheating on you. Wala akong alam, Kenzie. Basta ang nakita ko lang ay mukhang close na nga sila"


I nodded.


Jiro loves me so much.

Di niya magagawang magkaroon ng babae.


Siguro nga close na sila ni Jasmine pero hanggang dun lang yon.

They're just friends, nothing more.


Tama kenzie. Wag kang magisip ng kung ano-ano.


Ngayon ang ramp na sinasabi ni Jiro pero sumilip lang ako nung nagstart na yung event. Ayokong makita niyang nanunuod ako. As much as possible, I'm gonna pretend that I don't care anymore.


"Magaling siya. Parang hindi baguhin" Pagkomento ni Jarren.


Pinipicturan ko si Jiro kaya hindi ako naimik. Malayo naman kami for him to notice dahil nakisiksik lang kami sa crowd.


"Patay na patay ka talaga sa kanya, noh? Hay. What a lucky guy"


Inilagay ko na sa bag ko ang phone ko bago ako tumingin sa kanya.


"May pupuntahan pa ko. Mauna na ko sayo ha. Bye"

"Hatid na kita"

"Nah. I need you keep an eye at them"

"Ano ako, spy mo?"


"Please? I'm asking for this favor. Ikaw din naman ang nagpasok sa utak kong may iba si Jiro kaya dapat ay tulungan mo ko"


Sumimangot siya. "Fine. Ingat ka ha"

"Yeah, you too"


Ayoko man umalis pero kanina pa text ng text si Ate Nina.

Fifteen minutes lang yung naging byahe ko papunta sa bahay nila.


Wala naman kasing traffic.

Nakadaan pa nga ako sa isang bakery to buy a cake.


"Ate!" Pagbati ko sa kanya.

"Finally! Kanina pa kita hinihintay!"


We hugged each other bago ko iniabot sa kanya ang box ng cake.


"Sorry ito lang yung dala ko. Wala kasi akong time to shop for gifts"

"Nako, nagabala ka pa pero thank you. Nixon!" Sigaw niya. "Andito na si kenzie!"


Ngumiti ako sa kanya.


"Wag niyo kong kalimutan ah" I told her.


"Of course! Chat tayo palagi! Hahaha sige kenzie, kumuha ka na ng plate mo. Sorry ah, di kita maaasikaso. Ang daming tao"


"It's okay. Busog pa naman ako. Upo muna ko don"

"Sige"


Umalis ako sa kitchen nila at dumiretso sa sala. Madami ngang tao.

Halos lahat di ko kilala.

May mga familiar faces, classmates siguro sila ni Nixon.


"Heyyy" Bati niya pagbaba niya ng hagdan.

He hugged me kaya nanlaki ang mga mata ko pero ngumiti na lang din ako.


"Ikaw lang? Asan si Jiro? AY OO NGA PALA, BUSY HAHAHAHA"

Hinampas ko siya ng mahina. "Ewan ko sayo, napaka-mapangasar mo talaga"

"Hehe tara dun sa labas, ang ingay dito"


Tumango ako at umupo sa porch ng bahay nila. Umalis siya saglit para kumuha ng iced tea.


"Thanks" Sabi ko pagabot niya ng baso.

He sat beside me. Nginitian niya muna yung mga dumating pang bisita bago nagsalita ulit.


"Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, nilapitan kita sa canteen dahil sa dare ng mga kaibigan ko"


Tumawa ako ng maalala yun.

"Sinungitan kita non diba? hahaha"

"Oo"


Parehas kaming humalakhak.


"Mamimiss kita, Nixon" Pagamin ko since aalis na rin naman siya sa katapusan.

He stopped laughing. Tinitigan niya ko maiigi kaya agad namula ang mga pisngi ko.


"Mamimiss ko yung kakulitan mo at yung pagiging maaalalahanin mo. Salamat sa friendship ha" I murmured.


Tumingin siya sa mga taong dumating, para na rin siguro iwasan ang mga mata ko.


"Kung pwede lang kitang isama at ilayo sa lahat ng mga problema mo..."

Ngumiti ako at tinignan din yung tinitignan niya.


"Kapag tumakbo ako palayo, hindi ko malalaman kung niloloko na ba talaga ako ni Jiro"


He stared at me. "Bakit mo nasabi yan? Is he cheating on you?"

"I don't know..."

"Bakit di natin alamin?"

"Huh?"

"Tara. Puntahan natin siya"


Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinila papunta sa sasakyan nila.


***


Kinakabahan ako habang nagdadrive siya papunta sa VMA.


I really hope Jarren and Nixon are wrong.

Sana hindi totoo ang mga hinala namin.


Nagpark si Nixon sa tapat mismo ng kompanyang pinagtatrabahunan ko.


Uwian na ng mga models.

Mabilis lang kasi ang fashion show na naganap.


Hindi kami bumaba ng kotse. Sabi kasi niya ay hindi dapat kami makita ni Jiro.


Ilang minuto din ang lumipas bago ko nasulyapan ang boyfriend ko...na nakaakbay kay Jasmine.

Kumirot agad ang puso ko sa nakita ko.


Kenzie, relax. He's just being friendly.


Nakatingin siya sa phone niya habang nagsasalita si Jasmine.

Parang napansin naman yata ni Jas na hindi siya nakikinig kaya sinampal niya ng mahina si Jiro.

He smiled but he didn't laughed.


"Gago talaga" Rinig kong sabi ni Nixon.


May sinabi pa si Jasmine na naging dahilan para titigan siya ni Jiro.


Ang tagal...

Friends don't stare at each other like that!


Taragis.

Di ko na talaga kayang manahimik pa.


Bumaba ako ng kotse ni Nixon at agad silang nilapitan.


"Ayos ah. All this time, akala ko busy ka lang sa work mo. Busy ka na rin pala sa ibang babae"


Agad tinanggal ni Jiro ang pagakbay niya kay Jasmine.

Parehas silang nagulat sa sinabi ko.


"Oh. Nahiya pa kayo! Go ahead, maglandian pa kayo sa harap ko. Tutal, makakapal naman ang mga mukha niyo"


"Kenz" Pabulong na sabi ni Jiro. "Wag kang mageskandalo dito. Madaming tao"


Nagpintig ang panga ko sa galit.

"Sa kanya may time ka, pero sakin wala?" Sigaw ko na.


Nilapitan ako ni Jiro at hinila papunta sa gilid.


"Tol, wag mong kaladkarin si Kenzie" Biglang litaw ni Nixon.

"Wag ka ring mangielam samin. Maguusap kami ng girlfriend ko, labas ka dito pare"


Tinabig ko ang kamay ni Jiro. "Girlfriend? Sino? Ako o si Jasmine? Diba dalawa kami?"

"Ano bang pinapalabas mo Kenzie? Na niloloko kita? Magkaibigan lang kaming dalawa!"

"I'm not stupid to actually believe that! I saw how she clings to you!"

"Ganun lang talaga siya pero walang namamagitan samin!"

"Jiro, umamin ka na! Nahuli na nga kita oh!"

"TARAGIS, HINDI NGA SABI!"


Humarang na sa amin si Nixon.


"Tol, kung ayaw mo na kay Kenzie, just break up with her! Hindi yung pinapahirapan mo pa siya!"

"Para ano? Para mapunta siya sayo? Tangina mo! Mahal ko siya! Mahal na mahal ko si Kenzie!"


"Pwes bakit ka nagkakaganyan? Ha? Bakit ka lumalayo?" Pagiyak ko na. Tinutulak ko si Nixon sa gilid pero di ko magawa.


Hindi siya nakaimik.

He suddenly became quiet.


"Lumalayo ka kasi naiinlove ka na kay Jasmine! Yun ang totoo!" I shouted at him.

"Para ka rin palang si Stacy, napakaselosa mo"


Nagwalk out siya bigla, hahabulin pa nga dapat siya ni Nixon pero hinila ko ang damit niya.

Ayokong may bugbugang maganap.


Jasmine ran towards Jiro pero dire-diresto lang ito ng paglalakad.


Umiyak na ko ng sobra sa sama ng loob.

Nixon hugged me tightly.


"You don't deserve him, Kenzie. Be tough, ikaw na makipaghiwalay sa kanya"


-----------------------------------


Last 3 chapters.

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 968 54
COMPLETED/Unedited How can we say goodbye to someone without actually saying it? Could you wait for someone without a word that they would return? Um...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
963K 19.5K 63
PUBLISHED BOOK UNDER PASTRYBUG - Instead of being head-over-heels in love with each other like Shakespeare's Romeo and Juliet, sina Rome Montague at...
705K 10.9K 33
Almost Perfect Series I Perfect ang family. Perfect ang set of friends. Perfect ang lovelife.What more can I ask for? Just when I thought na perfect...