Where is True Love [BOOK 1] C...

By Mrs-Lee

51.1K 2K 157

First Published: June 7, 2015 Original Story by: Mrs-Lee More

Author's Note.
PROLOGUE
[1] Jessica Jung
[2] Morgan Williams
[3] Charity Event
[4] Strangers
[5] Unending Fights
[6] The Gangster
[7] A Night With Him
[8] His Name
[9] I want to know you better
[10] Egg Party
[11] Revenge
[12] Masquerade Ball
[13] Sandy Peterson
[14] Living Like a Hell
[15] Unbelievable
[16] The Other Story
[17] The Broken Hearts
[18] Missing Jessica
[19] Stupidity
[20] Photoshoot
[21] The Contract
[22] Fries and Cokefloat
[23] Family Tradition
[24] Sweet Lies
[25] Wedding Dress
[26] I do? I don't?
[27] Closure?
[28] Truth + Dare
[29] Changed
[30] Maybe
[31] Day 10
[32] Know your place
[33] What if
[34] Captured
[35] She's MINE
[36] Trespassers
[37] Answers
[38] The EX Lovers
[39] Kiss
[40] Bouquet of Roses
[41] Jealous?
[42] Guilty?
[43] Can we talk?
[44] I'm Lost
[45] Will you choose me?
[46] The Reason
[47] This is my World
[48] I'm Sorry
[49] History
[50] Letter K & J
[51] Almost
[52] Different Way
[53] Possessive Husband
[54] Approval
[55] Start of Something New
[56] Her Side
[57] Wrong Move
[58] Let's Fall in Love
[59] Falling?
[60] Give a Chance
[61] Three Words
[62] Red Sandoval
[63] Class Picture
[64] His Eyes
[66] I'm into You
[67] Revealed
[68] Broke
[69] Go away
[70] Can you wait for me?
[71] Selfish Decision
[72] Still The Same Jessica Jung
[73] A Father's Love
LAST CHAPTER
BOOK 2
TRIPLETS, YURI AND KAI

[65] Truth Hurts

665 22 4
By Mrs-Lee

                                                                         Chapter [65] Truth Hurts

"Hanggang kelan mo ako pagdududahan, Jessica?" 

Hindi ko nagawang mag-salita matapos kong marinig 'yon mula sa kanya. Tila ba'y nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Parang mabilisang piniga ang puso ko dahil sa sinabi niyang 'yon tapos ang makita ko pang nanggigilid ang luha sa mga mata niya. "Bat mo naman kasi sinabi 'yon? Jessica." Napa tingin agad ako sa kaibigan ko matapos niyang sabihin 'yon. 

"Ang laki na ng pinag-bago ni Kris diba? Siyempre, masasaktan talaga 'yon sa sinabi mo na 'yon. Natatakot ka parin ba?" Mas lalo ko siyang tinitigan ng sabihin niya 'yon. 

Oo? Hindi? Ewan. Hindi ko alam! Ugh. Pero sigurado naman na ako sa nararamdaman ko. Si Kris na ang laman nito, Wala ng iba. Siya lang. "Pero inamin mo na sa kanyang gusto mo na siya diba?" Sabi ni Nicole habang nilalapag ang juice sa harap ko. 

Dahan dahan akong tumango. "Pero hindi ko pa sinasabi sa kanyang maha--" "Mahal mo siya?" Hindi niya ako pinatapos. Dahan dahan akong umiling. 

Nakita ko na lamang ang pag-buntong hininga niya. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Bakit ko ba kasi nasabi sabi sa kanya 'yon? Mas mainam siguro na siya nalang dapat ang piang-tanungan ko at hindi si Kai eh. Pero hindi naman ibig sabihin 'non na hindi totoo ang lahat ng detalyeng sinabi ni Kai sa akin. 

"Alam mo babs. Sa tingin ko eh, kailangan mo siyang kausapin. Nasaktan yung tao sa sinabi mo oh. Ikaw naman kasi padalos dalos ka eh." Sabi niya habang iiling iling. 

Inirapan ko na lamang siya. Imbis na palakasin niya ang loob ko tapos ito naman yung mga sinasabi niya sa akin ugh. "Si Krystal hindi ba pupunta dito?" Tanong niya at pumiraso sa cake na nasa tapat namin. Umiling ako. "May piano lesson daw." Sagot ko. 

"Piano Lesson, Makiki-pag date lang 'yan eh." Sabat niya agad. Hindi ko na lamang pinansin 'yon. 

Buong araw. Nag-lalaro lang sa isipan ko si Kris, siya lang yung iniisip ko buong araw. Iniisip ko kung paano ko siyang susuyuin. Ano ang una kong sasabihin? Saan ko siya kakausapin. At paano kapag hindi niya tinanggap ang sorry ko? Ugh. Ito nanaman kung ano ano nanaman ang iniisip ko! 

"Hoy! Ala una na." Pag-gulat sa akin ni Nicole. Napa upo naman agad ako dahil doon. Hindi ko namamalayan ang oras dahil sa kakaisip ko sa kanya. Tumingin ako sa orasan ang Ala una na nga. Wala pa naman siya sa bahay 'non gabi naman 'yon umuuwi lagi. "Nicole pwede ba?!" Inis kong sabi sa kanya at ngumuso. 

Hindi ko na nga alam kung ano ang sasabihin ko kay Kris tapos sumasabay pa siya. Narinig ko na lamang ang pag-halakhak niya. "Matanong ko lang.. Hindi pa ba kayo nag-uusap ni Morgan?" Tanong niya at tinitigan ako sa mga mata ko. "Na-nagkausap na.." Sagot ko at iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. 

"W-wala daw.. Maalala si Micah tungkol sa kanya.." Mahina kong sagot pero sapat na 'yon para marinig niya. Binalot kami ng katahimikan matapos kong sabihin 'yon. Tinignan ko naman kung ano ang reaksyon niya, Ngangang nganga siya dahil sa gulat. Bumuntong hininga na lamang ako. 

"Hoy! Hindi mo kasalanan 'yon, Nag-iisip ka nanaman eh! I know you, Jess. Tumigil ka." Sabi niya. Hindi na lamang ako nag-salita pa. 

Kilalang kilala niya na talaga ako. Since kinder or nursery. Best friends na kami ni Nicole. Kaya alam na ng bawat isa ang ugali. Kaya eto hindi ako makapag lihim sa kanya. She can read my mind. Duh. 

"Eh totoo naman diba? Ako yung kausap niya kung bakit siya.. Nabangga." Sabi ko. 

"Hindi! Tanga lang siya talaga!" Singhal niya habang may tinatype sa cellphone niya. Binato ko agad siya ng unan dahil sa sinabi niyang 'yon. Kahit kelan talaga napaka prangka niya. Aksidente yung nangyari hindi naman katangahan 'yon. 

"Kung makikipag-usap kasi siya, Dapat hindi siya lumilingon lingon kung saan." Ramdam ko parin ang inis sa boses niya. Muli ko siyang binato ng unan. "Bitter parin siguro siya hanggang ngayon. Pangalawa lang siya huh!" Muling sumbat niya kasabay 'non ang pag-bato ko sa kanya ng unan. 

"Kanina ka pa ah!" Natatawa niyang sabi at ibinalik sa akin ang mga hinagis ko sa kanya. Pagkatapos niyang gawin 'yon. Tumawa siya bigla ng tumawa. "Bitter lang 'yon, Sure ako! Bitter 'yon!" Tumatawa niyang sabi. 

Hindi ko na lamang 'yon pinansin at hinayaan ko nalang siya sa mga sinasabi niya tungkol kay Micah. Nag-tagal pa ako ng ilang oras sa bahay nina Nicole. Hanggang sa napag-pasyahan ko nalang umuwi. "Uwi ka na?" Tanong ni Nicole at gumagawa ng iyak aso. "Gross!" Singhal ko at tumawa dahil sa naging reaksyon niya. 

Hinampas niya ako sa balikat ko habang ako naman ay tuloy lang sa pag-tawa. "Ma'am.. meron pong tao sa labas." Mahinahon na sabi sa amin ni Manang ang yaya ni Nicole. "Sino naman 'yon?" Tanong ni Nicole. Nakikinig nalang ako sa kanilang dalawa. 

"Kris po, pangalan." Gulat akong tumingin kay Manang. Nag-katinginan naman kami ni Nicole at sumensyas na umalis na ako. Mag-dadalawang isip pa ako kung lalabas na agad ako o hindi. "Go.." Naka ngiti niyang sabi. Ngumiti na lamang din ako sa kanya at niyakap siya tapos lumabas narin agad ako ng bahay nila. Hindi siya sumunod, walang sumunod dahil gusto niyang meron kaming privacy na dalawa. 

Nag-lalakad palang ako patungo sa Gate ay nakita ko na siyang kababa niya lang sa pula niyang Mazda cx 5. Lumunok agad ako ng mag-tama ang tingin naming dalawa. Iniwas ko agad ang tingin ko habang papalapit sa kanya. "It's nine pm." Mariin niyang sabi at lumapit agad sa akin. Akala ko kung ano ang gagawin niya. Kinuha niya ang shoulder bag ko at hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay. 

Sa pag-lapat ng kamay niya sa kamay ko. Naamoy ko na agad ang mabango niyang amoy, Bagay na bagay sa kanya ang CEO Uniform niya. Pinag-buksan niya ako ng pinto sa front seat at sumakay naman agad ako don. "A-akin n-na.." Sabi ko habang kinukuha ko ang bag ko sa kanya. Hindi naman siya umalma. Ibinigay naman niya agad sa akin 'yon, Habang papasakay siya sa Driver seat. Kinakabit ko na ang seat belt ko.

Nag-tataka naman ako kung paano niyang nalaman na nandidito ako kila Nicole. Ini-start niya agad ang Engine ng sasakyan pagka-sakay niya. Humugot ako ng malalim na hininga at humarap sa kanya. "P-paano mong nalaman na nandito ako?" Nahihiya kong tanong. "GPS." Sagot niya agad. 

Ramdam na ramdam ko ang malamig na trato niya. "S-san tayo pupunta?" Pilit akong gumagawa ng topic upang makapag-usap pa kami. "Dinner at Grandma's house." Simpleng sagot niya. Palihim na lamang akong napa buntong hininga, Ayaw niya siguro akong kausap kaya ganon yung pag-sagot niya sa mga tinatanong ko. Nakikita ko nga ang mahigpit na hawak niya sa manibela ng sasakyan, Hinahayaan ko nalang muna siya. Baka kasi kapag kwinestyon ko kung bakit ganoon ang mga sagot niya sa akin ay baka mas lalo niya akong hindi kausapin. 

Buong byahe namin papunta kay Lola, ay walang umiimik sa amin. Tahimik lang, tanging radio lang ng sasakyan niya ang nakakagawa ng ingay at ang pag-busina niya minsan. Ramdam ko ang galit niya talaga hindi lang siya nag-sasalita. 

Naramdaman ko na lamang ang pag-park ng sasakyan niya sa harap ng gate ng bahay ni Lola. Tinanggal ko agad ang seat belt ko at mabilis na bumaba ng sasakyan niya. Nauna na akong mag-lakad patungo sa pinto pero hindi pa 'man din ako nakakalayo sa sasakyan niya. Agad niyang hinawakan ang braso ko. "Don't insult me, Jess." Mariin niyang tono sa boses. Pinalis ko nalang ang kamay niyang naka-hawak sa braso ko. 

Hindi ko na siya nilingon pa at nag-patuloy na lamang sa pag-lakad papasok sa bahay. Narinig ko pa ang iilang bulong niyang mura. Napa hinga na lamang ako ng malalim at tuluyan na akong pumasok sa loob. Nakita ko naman agad doon ang Mommy at Daddy niya. Sinalubong agad nila ako at niyakap ko naman agad sila. "Jess, Hija!" Naka ngiting sabi sa akin ng Lola niya. Lumapit naman agad ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi niya. 

"Ano pong meron 'La?" Tanong ko pagka layo ko sa kanya. "Family Dinner, I called your Dad kanina. Sinabi ko sa kanyang meron tayong family dinner, Sabi niya. Ita-try niyang maka-punta dito." Sabi niya. Tumango na lamang ako. 

"And you sister Krystal is here. Sinundo siya ng Asawa mo kanina." Duktong niya pa. Tumango na lamang muli ako at hinanap ko kung nasaan ang kapatid ko. Nakita ko naman na meron siyang kausap sa cellphone niya. Maya maya pa, nag-tawag narin sila upang kumain na. Pero siya? Wala pa siya sa loob hindi pa siya pumapasok. "Asaan na ba ang apo ko?" Tanong ni Lola habang lumilinga linga sa paligid. 

Hindi ba siya naka-sunod sa akin kanina? Tsk. "Sandali lang po, Baka nasa labas pa." Paalam ko at lumabas agad ng bahay. Nakita ko naman agad siya na naka-tayo malapit sa fountain at naka tingala. Kitang kita ko ang pag-buntong hininga niya. Lumapit naman agad ako sa kanya. "Kakain na daw." Sabi ko at balak kong hawakan ang kamay niya pero humarap siya sa akin. Nag-tama agad ang mga tingin naming dalawa. Umiwas agad ako. "How can you pretend that way Jessica?" Kumunot ang noo ko. 

"Anong sinasabi mo?" Kunot noo kong tanong. "Yan! 'yan yung ginagawa mo na 'yan!" Nagitla ako dahil sa naging pag-sagot niya. Umiwas agad siya ng tingin at huminga ng malalim. Habang naka pameywang. Wala akong ibang nagawa kundi ang lumapit nalang sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Isinandal ko ang ulo ko sa matigas niyang dibdib. "S-sorry.. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Para masabi sa'yo 'yon, Naguguluhan na kasi tapos ganon ka pa kung sumagot. Sorry.. Baby," Seryoso at malambing kong sabi sa kanya habang naka yakap ako. 

Dinig na dinig ko ang pag-buntong hininga niya. "We'll talk that later." Dagdag ko pa. Naramdaman ko na lamang ang maliliit niyang halik sa buhok ko habang hinahaplos niya 'yon. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. "I miss you." Bulong niya at yumakap na din siya sa akin. Pumikit na lamang ako at dinadama ko ang mga yakap niya. 

"Aww.. You guys are so sweet." Dahan dahan akong napa-bitiw dahil sa sinabi ng Mommy niya. Nalaglag ang panga ko dahil lahat sila ay naka-tingin sa amin. Uminit bigla ang pisngi ko dahil sa mga ngiti nila at kantyaw. "Stop.." Pigil sa kanila ni Kris at hinawakan na ang kamay ko at sabay kaming nag-lakad papunta sa mga magulang niya. Sabay sabay kaming pumunta ng Dining Room at nakita ko ang isang mahabang puting lamesa na punong puno ng iba't ibang putahe. 

Tabi kami sa upuan. Kaharap ko ang kapatid ko na katabi si Taemin. Kung ano ano ang pinag-kwentuhan namin, Unang topic nila ay yung nag-punta kami ng Maldives. Tinanong nila kung nagkaroon kami doon ng Honeymoon halos maibuga ko ang iniinom kong juice dahil sa tanong ng Mommy niya na 'yon. At ang kapatid ko namang si Krystal imbis na tulungan ako ay pinag-tawanan pa ako. Ugh.  

"Oh Jessica, Eat this. Specialty ito ni Kris." Sabi ni Lola niya. Tumango naman agad ako at kumuha ako ng Salted Caramel Custard. Tumikim na ako gamit ang kutsara at masarap nga siya. Lumingon naman ako kay Kris na naka taas ang kilay niya na parang nag-yayabang at naka ngisi. Umirap na lamang ako sa kanya. "He made that for you, Jess." Naka ngiting sabi ng Mommy niya. Tumango tango na lamang ako. 

Natapos ang kainan at kwentuhan. "Okay.. Kris, Take care of Jessica." Naka ngiting sabi ni Lolo. "Yes po, Always." Sagot niya at bumaling sa akin para ngumiti. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Ikaw Krystal? Sabay ka na ba?" Tanong ko. Umirap siya sa akin at ngumuso kay Taemin. Oh, Sorry. Lumingon naman ako kay Taemin na naka pamulsa ang isa niyang kamay. "Take care of my Sister. Iuwi mo siya sa bahay." Mariin kong sabi. 

Sunod sunod naman itong tumango sa akin na parang natatakot. "Ate naman!" Pumadyak pa si Krystal, tumawa nalang tuloy ang Grandparents ko at Grandparents ni Kris kasama ang Mommy at Daddy niya. "Bye.." Paalam ni Kris at humawak na sa kamay ko saka kami tumalikod para pumunta na sa sasakyan niya. Kumaway pa ako bago sumakay sa sasakyan niya. Nakita ko naman siyang tinaas niya pa ang kamay niya saglit at umikot narin patungo sa Driver Seat. "Let's Go?" Sabi niya habang ini-start ang engine ng sasakyan. "Yes." Sagot ko. 

Medyo may pagka malayo ang bahay namin sa bahay ng Lola niya. Tinitignan ko lamang siya habang naka tingin sa daan. "Kris.. tungkol sa kaha--" "Please.." Mariin niyang pigil sa akin. 

Bumuntong hininga na lamang ako. "Can you please listen? Please?" Mariin kong sabat agad sa kanya. Nakita ko ang pag buntong hininga niya. At ang pag-higpit ng hawak niya sa manibela. "Nalaman ko lahat tungkol sa nakaraan ko, Tama nga yung sinabi ni Red na sino nga ba ang gustong makaalala sa nakaraan ko. Hindi ko akalain na magkakilala na pala tayong lahat noon. Si Kai, Sehun, Tao, Luhan, Eunhyuk at ikaw." Sabi ko. 

Napa iling iling siya. "Balak mo palang ligawan 'non si Red pero bakit hindi mo tinuloy? Bakit ka pumunta sa New York at anong ginawa mo doon? Pinaasa mo lang ba siya? Kung kaya't ganito ang ginagawa niya sa atin ngayon, Sa tuwing mag-kasama tayo nandyan siya palagi. You know what? Natatakot ako kapag nandyan siya. Pakiramdam ko.. Meron siyang gagawin na masa-- 

"JESSICA PLEASE! CAN YOU SHUT THE FCK UP?!" Kasabay 'non ang pag-preno niya agad ng sasakyan niya. Halos malaglag ang panga ko dahil sa sigaw niya. Hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko dahil sa naging reaksyon niya.

"Yes! Oo, aaminin ko! I'm her ex suitor. Oo, niligawan ko siya. Pero hindi ko siya pinaasa tulad ng iniisip mo. Bakit akong pumuntang New York?" Bumuntong hininga pa siya. "I go there just to Forget you, Jessica. Forget you!" Dagdag niya. 


"W-what?" Tanging lumabas sa bibig ko. Tumikhim siya at humigpit ang hawak sa manibela. Ngayon ko lang napansin na naka hinto pala kami sa isang tabi. 


"I dated Sandy.. I fall for her, I already forgot you. Tapos bumalik ka nanaman, Naka fixed marriage tayo! Nasaktan nanaman ako dahil sayo! And.. How can you pretend that you don't know anything?! Paano mong nakalimutan ang nakaraan mo?!" Sunod sunod ang malalalim niyang hininga. 


Bakit ganito? Pakiramdam ko kasalanan ko pa lahat. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at bumuntong hininga upang pigilan ang pag-iyak ko. Unti unti naaalala ko na kung ano ang nakaraan ko dahil sa mga sinabi niya. And it's so damn fckng hurts! na sakanya ko pa lahat malalaman ang buong detalye sa nakaraan ko. 


"U-umuwi na tayo." 'Yon na lamang ang nasabi ko. Tumahimik ang paligid namin. "J-jess.. I'm sorry i--"

"Umuwi na tayo." Mahina kong sabi at yumuko. 


Naramdaman ko na lamang ang pag-andar ng sasakyan. Barang bara na ang lalamunan ko at gustong gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko. 


Ako na pala yung nang-iiwan noon pa 'man. Ako.. 


** 

Continue Reading

You'll Also Like

742K 11.4K 85
Sabi nila the more you hate, the more you love daw. Pero paano mo naman mamahalin yung taong sobrang kinaiinisan mo?... yung taong wala ng ibang gina...
14.2K 548 46
Some fantasy stories begin with unforseen dreams. And then one day, nagising na lamang siya na nasa ibang mundo na siya. Louis Margarita Del Alfonso...
76.1K 1.8K 40
when a simple girl will meet a leader of a gangster anong mangyayari? lalo na kung sa unang pagkikita nila eh halos magpatayan na sila they both hat...
21.7K 942 43
Montenegro Boys #1. Harry Corvus Montenegro hates people, with his corrupt politician dad, controlling his life, for him life is unfair. Until he met...