My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 39 - Lover's Quarrel

52.1K 2K 992
By NerdyIrel

SPG: Language


-----------------------------


Chapter 39 – Lover's Quarrel


"Huh? Hindi...ang ibig kong sabihin...akala ko wala ka dito ngayon. Parang nabanggit kasi ni Kenzie sakin na aabsent ka dapat"


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko upang tignan si Jiro.

Naguguluhan ako sa mga sinabi niya.


"Ah ganon ba? Bakit naman ako aabsent Kenzie?" Tatawa-tawang tanong ni Jarren.


Hindi ako umimik. Nakadikit lamang ang mga mata ko kay Jiro.

Kaya siguro siya nagsinungaling ay para hindi siya mapahiya.

It would be a shame to everyone that his own girlfriend lied to him.


"Uhmmm siguro dapat umalis na tayo? Gutom na rin kasi kami" Pagsingit ni Gigi.


Sumangayon ang lahat at narinig kong isa-isa silang nagsisakayan na sa mga kotse.

I kept staring at Jiro. Binitawan niya na ang kamay ko kaya natakot na ako.


"Mabuti pa nga" Sagot ni Jiro bago niya ko tinignan. Malamig ang pakitungo niya sa akin. Galit na galit siya sa ginawa ko.


Tumalikod na siya at sumakay na sa loob ng kotse ni Enzo. Sumunod agad ako.


"Ah sige doon na lang" I looked at Gigi. Magkausap sila ngayon ni Jarren.

Siguro ay sinasabi ni Jarren ang lugar kung saan kami kakain.


"Tara na kenzie" Pagyayaya ni Ika. Pinasasakay niya na ko upang makaalis na kami dito.


Tumabi ako kay Jiro since nandoon na sa kabilang dulo si Zach.

Nasa kotse ni Jax sila Gigi, Eli at Ian.


"Kamusta finals zach?" Tanong ni Enzo. Alam kong gusto niya lang may magsalita sa aming lahat dahil sobrang tahimik. They know that me and Jiro are not in good terms right now.


"Ayon, sisiw. Sabi ko nga sa loob loob ko, bakit ba nagpapaexam pa yung prof eh parang nagsasayang lang naman siya ng papel"


Tumawa silang tatlo pero wala kami ni Jiro sa wisyo upang maging masaya.


Nakakuyom ang palad niya at diretso ang tingin niya sa kalsada.

I'm really scared. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.


Gusto kong magexplain pero kasama pa namin sila Eli.

Siguro mamaya na lang kapag nakakuha ako ng tsempo.


"Kapal mo talaga bro. Pag ikaw may cinco, papakain kitang buhay na sisiw" Asar ni Enzo.


"Ah baka naman! Tres lang 'tol pero cinco? HAHAHAHAHA wala sana"

Bigla pang sumeryoso si Zach sa pagsabi ng 'wala sana' kaya tawa ng tawa si Ika.


Convoy ang mga sasakyan ngayon. Nauuna yung kotse ni Jarren dahil siya naman ang may alam kung saan kami pupunta.


Pagkapark namin sa parking lot ng resto, bumaba agad si Zach. Gutom na yata siya kaya nagmamadali. Medyo kumirot ang puso ko ng doon dumaan si Jiro.


Balak ko sana ay maiwan kami dito sa kotse upang makapagusap...pero ayaw niya pa yatang mangyari iyon.


Nanghihina akong lumabas. Ika gave me tight smile.

She wants me to be brave.


Tanga mo kasi kenzie! Bakit ba naglihim ka pa?

Oh ano ka ngayon? Natatakot ka sa sarili mong multo. Gumawa ka ng problema kaya ngayon, harapin mo ang consiquences niyan.


Iniwan na ko ni Jiro dito sa labas. Dire-diretso talaga siyang pumasok sa loob kasama si Zach. Nakita kong nagaalala na rin si Enzo kaya niyaya niya na ko sa loob.


Isang mahabang table ang pinaayos nila sa mga waiter. Paano ay 30 yata kami ngayon.

Nung nakita ko si Gigi, hinila ko agad siya papunta sa girl's comfort room.


"Gi!!! Bakit hindi mo man lang ako winarningan na pupunta kayo dito?" Naiiyak na tanong ko.

"I tried to call you pero di ka nasagot. Nagleave ako ng message, kenken!"


Tinignan ko yung phone ko. SHIT! Bakit di ko man lang binasa ang laman ng inbox ko?


"Sorry talaga. Eh kahit ako nahirapan sa pagkumbinsi kila jiro na wag ka na i-surprise kaso nagduda na sila sakin. Ayoko namang manggaling mismo sakin na may sikreto ka kaya nanahimik na ko. Nagdasal na lang ako na sana hindi lumabas si Jarren kaso..."


Napahawak ako sa ulo ko. "Have you seen Jiro? Ghad, ngayon ko lang siya nakitang ganyan!"

"Ayan na kasi sinasabi ko sayo eh. You shouldn't have lied to him in the first place"


Kumapit ako sa sink dahil nanlalambot talaga ako.

"Ano ng gagawin ko, gigi?"


"Ang tingin ko, ayaw munang ipahalata ni Jiro na magkaaway kayo kaya sumama siya dito. Hintayin mo na lang siguro na makapagusap kayo mamaya"


So I have to endure his glares at me? Kaya ko ba yon? Baka bigla na lang ako umiyak...


"Keep yourself together, kenken. Kung si Jiro, kayang itago ang galit niya, eh di magpakatatag ka na rin muna. Pagkakain na pagkakain nating lahat, magyayaya akong umalis para hindi na kayo magtagal dito ni Jiro"


I nodded at her. I have to do what she said. Wala na rin namang akong choice. Ayoko ring mapansin pa kami ng mga ka-work mates ko.


Sabay kaming bumalik doon sa table. Ayos na ito ngayon at nalagyan na ng mga plato.

May mga hawak silang menu at busy lahat sa pagpili ng mga order nila.


Nakita kong empty yung seat sa gilid ni Jiro. Tahimik akong umupo doon. Tiningnan ko siya pero umaakto siya na parang di niya ko naramdaman o narinig man lang.


"Jiro, anong sayo?" Tanong ni Jax dahil kami na lang ang hindi pa nakakaorder.


"Kung anong inyo" Simpleng sagot niya sabay tingin doon sa tv sa likuran ni Jackson. Halata namang hindi siya nanunuod kasi naka-mute yon. Sadyang ayaw niya lang ako makita.


"Ikaw kenzie?"

"Kung ano ding inyo" Sagot ko.


Wala nga akong gana kumain...


Habang naghihintay ng mga inorder namin, nagkwentuhan muna silang lahat. I saw Jarren look at me. Nakakunot ang noo niya.

Nahalata niya sigurong hindi ako okay.


"Kenz, pakilala mo naman kami sa mga friends mo" Sambit ni Jasmine.

"Uhmm ito si Zach----"


"Yow! Single and ready to mingle! Ito nga pala number ko 0906*******, text niyo na lang ako kung crush niyo ko"


They all laughed at him. May nakita apat na babae na inilagay agad ang number ni Zach sa phone nila.


"Ito naman si Gigi at yung boyfriend niya na si Jax----"


"Ay sayang taken"

"Pero bagay sila ah"

"Oo nga. Maganda't gwapo"

"Si Ika tsaka si Enzo"

"Sure akong sila"

"Oo nga ang sweet oh"

"Kailangang magkadikit na magkadikit"

"Gwapo mo enzo"


Umirap si Maika pero binalewala siya ng mga kasamahan ko.


"At si Eli. Tapos ayun si Ian"

"Sila ba?" Tanong ni Jas.

"No. Magkaibigan lang kami" Paliwanag ni Adeline.


Killian snorted sabay nagfake cough.

Nahuli ng mga mata kong nagkatitigan sila saglit.


"Ayan walang gf!"

"Hi pogi!"

"Single din ako hehe"


"Ehem Kenzie, may nakakalimutan ka" Tinuro ng isa sa mga models itong katabi ko..

"Uh...si Jiro nga pala...b-boyfriend ko"


"Hi!"

"Grabe ang gwapo mo"

"Talaga bang bf ka ni Kenzie?"

"Ang sweet mo naman, may rose ka pang dala"

"Sarap mo sigurong magmahal!"


"Hello" Simpleng bati niya.


May mga nag-giggle at kumaway kay Jiro. Tibay netong mga ito.

Harap-harapan ang kaharutan.


Dumating na yung mga pagkain namin kaya mas lalong umingay. Panay steak ang inorder namin.

Kanina pa walang laman ang tiyan ko pero parang di na yata ako gutom ngayon.


Tinititigan ko lang ang plate ko.

Pwede bang magusap muna kami sa labas para maayos na namin ito?


"Kenzie, kumain ka nga"

Napatingin ako kay Jiro. Galit ang tono ng boses niya pero pabulong niya iyong sinabi sakin.


"Kaya ka nangangayayat e. Lagi mong ginugutom ang sarili mo" Kinuha niya yung steak knife ko at tinulungan pa akong i-cut yung steak sa plato ko.


Gusto kong umiyak dahil kahit inis siya sa akin ay inaalagaan niya pa rin ako.


"Thank you" Bulong ko ng tapos na siya. Kumain na siya at sumubo na rin ako ng pagkain ko.


Napansin kong nakatingin sa akin si Jarren kaya agad akong nagiwas ng tingin.

Ayokong mahalata niyang may LQ kami ni Jiro...


Sinubukan ko namang ubusin ang pagkain ko pero kalahati lang talaga ang kinaya ng tiyan ko.

Napailing nga si Jiro sa akin.


"Kenzie, gaano na kayo katagal ng boyfriend mo?"

Napatingin ako kay Jasmine.


"Magfo-four months pa lang sa 28"


"Talaga? Paano ba kayo nagkakilala?"

Umiinom lang ng softdrinks si Jiro. Talagang wala siyang balak sumagot.


"Batchmates kami"

"Ah. Madami bang gwapo sanyo? Maka-transfer nga" Tatawa-tawang biro niya. Ngumiti na lang ako.


Just like what Gigi said, tutulungan niya akong umalis agad dito. Nagyaya agad siya umuwi at walang nagawa ang mga ka-work mates ko dahil nagsitayuan na rin sila Jackson.


Katulad kanina ay wala pa ring imik si Jiro sa loob ng sasakyan. Hindi niya rin ako tinitignan.


I looked outside and sighed.

Ayan napapala ng pagiging sinungaling mo, Kenzie.


Una nila akong hinatid sa bahay dahil ako ang pinakamalapit. Malungkot akong bumaba ng kotse.


"Good night. Thank you sa pagsurprise sakin" Sabi ko kay Maika pero kay Jiro naman ako nakatingin.


"See you tomorrow!"


Pinanood ko lang makalayo ang sasakyan. Ni isang sulyap mula kay Jiro ay wala akong natanggap.


Pumasok na ko sa loob at naligo. Si Mama tulog na sa kwarto niya, napagod yata dahil ang alam ko na-assign ulit siya sa emergency room.


Humiga na ako at tinitigan ang cellphone ko.

No unread messages.


Tumulo na ang luha ko dahil first time na walang goodnight text sa akin si Jiro. Hindi ako sanay. Nakakapanibago.


Nilakasan ko ang loob ko. I had to do something.

Hindi naman porket nanlalamig siya ay tutunganga na lang ako.


I made a mistake.

I had to fix it.


To: Love <3

9:16 pm.

Jiro, sorry talaga.

Sana makapagusap tayo para makapagexplain ako.

Sorry. I love you.


Naghintay ako ng fifteen minutes pero wala pa rin siyang reply.

Tuluyan na kong naiyak.


Hanggang kailan siya magiging ganito sakin?


***


Buti na lang ay tapos na ang finals dahil sa kondisyon ko ngayon, malamang babagsak ako ng di oras.

Wala ng klase ngayon pero nasa school pa rin kami for clearance.


"Wag ka ngang tuleg Kenken. Reg form ang hinihingi, hindi ID" Kanina pa ko pinapagalitan ni Gigi.

"Ay sorry. Oh"


Ilang beses akong natutulala simula kaninang umaga. Paano, hindi pa kami nakakapagusap ni Jiro. Tinetext ko siya pero di siya sumasagot.


"Pumasok ba daw si Jiro?" tanong ko sa bestfriend ko.

"Oo daw sabi ni Jax. Ayan na pala sila"


Lumingon ako sa likuran ko. Kita ko sila Enzo na naglalakad papunta sa amin. Tapos na rin yata silang magpa-clearance.


Jiro had his hands inside his pockets tapos seryoso ang mukha niya. He looked at me for a second bago niya iniwas ang mga tingin niya.


My heart ached because of that.

Iisnobin niya pa rin pala ako...


Habang naguusap ang tropa kung saan kami magla-lunch ay lumapit ako kay Jiro. Naguusap sila ni Ian.


"Love, pwede ba tayo magusap?" Tanong ko. Nakaramdam agad si Ian kaya umalis siya.

Jiro continued to ignore me. Diretso ang tingin niya at parang hindi niya ako narinig.


"Alam ko malaki yung kasalanan ko sayo kaya nga nandito ako para----"


"Tara, district na lang tayo" Sigaw niya kila Jax bago niya ko nilagpasan.


Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Di ko na napigilan ang sarili ko. Naiyak na naman ako.


"Kenken---"

"CR lang ako Gi" I said without looking at her. Tumakbo na ko palayo.


Ayoko ngang makita nila akong ganito. Pumunta ako sa second floor. Magpapasalamat na lang ako na clearance day ngayon kaya walang masyadong estudyante dito sa taas.


Pumasok ako sa isang empty room bago ako umupo sa sahig. Niyakap ko ang tuhod ko at umiyak ng umiyak.


Kailangan niya ba talagang gawin yon? Oo, masama ang loob niya sa akin pero para magpretend na di niya ko nakita? Na di niya ko narinig? Nagsasalita ako tapos aalis siya! Ang bastos niya!


"Kenzie?"


Napalingon ako sa pintuan. Hindi ko pala naisara yon.

"Nixon..."


Pumasok agad siya at lumuhod sa harapan ko. Kitang-kita ko yung pagaalala sa mukha niya.


"A-anong ginagawa m-mo dito, xon?"

"Ikaw ang dapat kong tinatanong. Bakit ka naiyak?"


Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya.


"Anong problema?" Tanong niya ulit.

"Wala. Sige na. Iwanan mo na ko"


Umiling siya kaya tumayo ako. Tumayo din siya at hinawakan ang braso ko.


"Kenzie----"

"Nixon please. Just leave me alone"

"Pero di kita pwedeng iwanan ng ganyan ang itsura mo. Halika"


Bigla niya kong hinila palabas ng classroom. Kaso tumigil din siya bigla.

I stared at him. Bakit? Anong meron?


"Pare, bitawan mo girlfriend ko"


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Jiro. Agad namang binitawan ni Nixon ang braso ko pero hinarangan niya ako kay Jiro.


"Umamin ka nga. Ikaw ba nagpaiyak sa kanya?"


"Fuck you dude. Wag kang mangielam samin" Tinulak ni Jiro si Nixon bago siya lumapit sa akin. He grabbed my wrist and pulled me towards the stairs.


"HOY!" Napasigaw ako ng tumakbo si Nixon at hinawakan ang damit ni Jiro. "GAGO KA! ANONG GINAWA MO?"


"NIXON ANO BA!" Sigaw ko na.

"Pero kenzie----"


"Ako yung nakagawa ng kasalanan saming dalawa" Pagamin ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal iyon mula sa damit ni Jiro.


"Naiyak ako kasi ang tanga tanga ko" Pagpapatuloy ko. "Naiyak ako kasi pinagsisisihan ko yung ginawa ko" *sniff*


Natameme si Nixon.


"Don't explain yourself to him. Tara na" Hinawakan ulit ni Jiro ang wrist ko tapos kinaladkad niya na ko papunta sa baba.


Tahimik akong umiyak hanggang sa makarating kami sa gym.

Dire-diretso lang kami papunta sa locker room nila.


Pagkasara na pagkasara ni Jiro ng pintuan ay sinipa niya ang upuan sa gilid.

"Punyeta" Sigaw niya.


Sumandal ako sa pintuan at pinagmasdan lang siya.


"Nakakainis ka kenzie! Wala pa kong balak kausapin ka pero nung nakita kitang umiiyak, nanlambot agad yung puso ko!!!"


Di na ko nakatiis. Tumakbo ako at niyakap siya mula sa likod.

I felt him froze in shock.


"Sorry. Sorry na talaga. Jiro, patawaran mo na ko please. Sorry"


Iyak na ko ng iyak.

Tinanggal niya ang pagkakayakap ko upang makaharap siya sakin.


"Bakit mo nagawang ilihim sakin na magkatrabaho pala kayo ni Jarren?"

"Kasi m-magseselos ka! A-alam kong h-hindi ka papayag na m-magkasama kami d-doon" *sniff*


"Bakit ba pinangunungahan mo ko? Ha?" Nanggagalaiting tanong niya. "Shit kenzie, natural lang na magselos ako! Pero tingin mo ba talaga ganun ako ka-immature para magmakaawang umalis ka sa trabaho mo? Gets ko kung gaano mo kagustong magkapera. Kaya nga kahit nagaalala ako na mapagod ka at atakihin ka ng hika mo ay sinuportahan pa rin kita sa gusto mo. TAPOS ITO?"


Tumalikod siya at tumingala. Kitang-kita na nagpipigil siya na sigawan pa ako lalo.


"3 months! 3 fucking months!!!" Sigaw niya pagharap niya. Napapikit ako. "Hindi biro yun. Pinagmukha mo kong tanga! Okay sana kung isang linggo lang eh! Maiintindihan ko pa yon!"


Minulat ko ang mga mata ko. His eyes were like on fire.

"Hindi ko naman sadya eh----"


"KENZIE TATLONG BUWAN YON! Paanonghindi mo sinasadya? Ang sabihin mo, wala ka talagang balak sabihin sakin. Kung hindi pa kita sinurprise kagabi, hanggang ngayon pala napapaikot mo pa rin ako. Tsaka bakit mo kailangang maglihim kung walang namamagitan sanyo? Sabihin mo, boyfriend mo na rin ba siya? Ha?"


"Jiro, magkaibigan lang kami. I promise!"

"Bullshit!"


Lumayo siya sa akin. Napatalon ako ng sinuntok niya yung locker doon. Kitang-kita kong nagdugo ang kamay niya.


"Jiro, sobrang mahal kasi kita to the point na lahat ng sasabihin mo, susundin ko. Natakot ako na baka hilingin mong umalis ako don kaya hindi ko nagawang sabihin sayo"


"Pero hindi ka natakot sa pwedeng mangyari kapag nabuking kita?"


Hindi ako nakapagsalita.


"Lahat sinasabi ko sayo. Lahat ng mga nangyayari sakin sa loob ng isang araw, alam mo. Tapos ikaw? Nagawa mong maglihim ng ganung katagal? Di ko talaga matanggap eh! You made me look like an idiot!"


"Sasabihin ko naman sayo, Jiro!"

"Kailan? Pag magreresign ka na? O di kaya pag nabuntis ka na ni Jarren?"


Sinampal ko siya out of anger. Nanginigang kamay ko pagkatapos.

 


"Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sakin? Hindi mo ba talaga ako pinagkakatiwalaan? Yes, I lied to you! Yes, I kept a secret from you! Pero hindi ako malandi at hindi rin ako nagchi-cheat sayo! If you're doubting my feelings for you, then I don't know what to do anymore"


Nagkatitigan kaming dalawa. Namumula na rin ang mga mata niya habang ako naman ay patuloy lang ang pagiyak.


"Siguro dapat mag-cool off muna tayo" He muttered bago siya umalis sa harapan ko.


Napaluhod ako dahil hindi ko na talaga kinaya.


I tried to explain to him. 

Pero kung di niya ko kayang paniwalaan...pwes wala na kong magagawa pa.


---------------------------------


Time check: 1:50

:)


Team vampire forevs hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 352K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...