DEATH: The Bloody Queen

Door Love_Jun

587K 16.7K 740

Isang sikat na mamamatay tao na naipadala sa Pilipinas para sa isang misyon. Napunta sa isang kakaibang schoo... Meer

1. Death. (Edited)
2. Keila. (Edited)
3. Keila. (Edited)
4. Keila. (Edited)
5. Keila. (Edited)
6. Keila. (Edited)
7. Keila. (Edited)
8. Keila. (Edited)
9. Keila. (Edited)
10. Keila. (Edited)
11. Keila. (Edited)
12. Keila. (Edited)
13. Keila. (Edited)
14. Keila. (Edited)
15. Keila. (Edited)
16. Keila. (Edited)
17. Keila. (Edited)
18. Keila. (Edited)
19. Keila. (Edited)
20. Keila. (Edited)
21. Keila. (Edited)
22. Keila. (Edited)
23. Keila. (Edited)
24. Keila (Edited)
25. Keila. (Edited)
26. Keila. (Edited)
27. Keila. (Edited)
29. Keila. (Edited)
30. Fynn Teiko (Edited)
31. Hannah Yuu and Kaiser Ferrer (Edited)
32. Keila (Edited)
33. Keila (Edited)
34. Hannah Yuu (Edited)
35. Keila (Edited)
36. Keila (Edited)
37. Black Royalties (Edited)
38 Keila (Edited)
39. Keila (Edited)
40. Keila and Hannah (Edited)
41. Keila (Edited)
42. Keila (Edited)
43. Keila (Edited)
44. Keila & Hannah Yuu (Edited)
45. Keila (Edited)
46. Keila (Edited)
47. Hannah Yuu (Edited)
48. Keila (Edited)
49. Keila (Edited)
50. Keila (Edited)
51. Keila (Edited)
52. Keila (Edited)
53. Hannah & Keila
54. Keila
55. Black Royalties
56. Hannah Yuu
57. Keila
58. Keila and Hannah
59. Keila
60. Keila and Black Royalties
61. Kaiser and Keila
62. Keila
63. Keila
64. Author
65. Author and Keila
66. Keila
67. Keila
68. Keila
69. Keila
70. Author (Farewell)

28. Keila. (Edited)

7.8K 255 2
Door Love_Jun

Natapos ang exam na wala man lang kapawis-pawis. Alam ko na ang tinuturo ng mga instructor dito. Advance ang pinag-aaralan namin sa mansyon, kaya madali lang sa akin na sagutin ang mga katanungan.

Wala naman kaming susunod na exam at bukas pa ito, napag-pasyahan ng mga Black Royalties na gumala. Pero hindi pa natapos si Hannah sa kanyang exam. May gagawin rin ako at si Fynn ay umuwi daw at babalik rin naman dito sa school.

"Since tatlo naman kayong maiiwan dito sa school, sumunod na lang kayo sa mall." Napatingin naman agad ako kay Clynn dahil sa kanyang sinabi. Alam naman niyang ayaw ng kapatid niya sa akin. Tiningnan ko lang ito ng taas-kilay.

"What? For you to get closer with my brother,"

"I don't fucking care, Clynn Teiko!"

Malamig kong tugon sa kanya. Anong bang nasa isip ni Clynn, bakit gusto niyang mapalapit ako sa kapatid niyang may galit sa akin? Wala akong pak- 'Okay. Slight'

"Payag ka na bespren! Kayo lang kasing dalawa ang hindi close dito, eh." As far as I remember si Clynn lang ang close ko dito.

"Are we close?" Taas-kilay kong tanong kay Winston.

"Pfft..." Tiningnan ko naman ng masama si Clynn dahil nakita ko itong nagpipigil ng tawa. Pati rin pala si Kaiser at Yurri.

"Ang sakit bespren!" Napatawa naman ako. And I realize na dapat hindi ko nalang ginawa. Naka-tulalang napatingin si Yurri at Winston sa akin. Si Kaiser naman ay nakangiti, habang si Clynn ay patango-tango.

Problema nun?

"You must smile always," Napatingin naman agad ako kay Yurri nang bigla niya itong sinabi na sinang-ayunan nina Kaiser at Winston.

"Yeah, you look beautiful" Napa-iwas agad ako ng tingin pagkatapos sabihin yun ni Kaiser. Nababaliw na naman itong puso ko.

"Whatever," At umalis na ako, I cant take this anymore. 'Them, seeing my other side'

"Sunod kayong tatlo, Keila!" Narinig ko pang sigaw ni Clynn.

Nandito ako ngayon sa likod ng abandonadong building. Kanina ko pa ito nalaman na may mini forest pala dito sa likuran. Gusto kong libutin ang kabuuan ng Academy pero baka abutin ako ng araw sa laki ba naman ng paaralan na ito. I wonder sino ang founder nitong school?

Nilibot ko ang paningin ko dito sa mini forest. Walang estudyanteng napadpad dito bukod lang sa akin. Maya-maya lang may narinig akong kaluskos sa unahan. Tinago ko ang presensiya ko at dahan-dahang pinuntahan ang unahan.

Kinuha ko ang dagger na nasa loob ng leather jacket ko. Habang papalapit ako, nararamdaman ko na ang presensiya nito.

"Fuck! Ughh..." Rinig kong mura dito kasabay ng ungol na parang nasasaktan.

Hinanda ko naman ang hawak kong dagger. May naaninag akong taong nakasandal sa puno na parang gustong tumayo pero hindi niya kaya.

Pinagmasadan ko lang ito hanggang sa nagtagumpay na itong tumayo ng matuwid pero naka-alalay ang kanang kamay nito sa puno. Lilingon na sana ito ngunit tumakbo ako papalapit sa kanya. Agad ko itong hinawakan sa kwelyo at isinandal sa puno habang nakatutok ang patalim na dagger sa mukha nito.

"Shit!" Gulat nitong tugon. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ito sa akin.

"Who are you?" Malamig kong tanong sa lalaki.

Kung kanina gulat ang nasa mukha nito pero ngayon napalitan ito ng malamig na aura.

"Don't touch me," Malamig rin ang naging tugon nito sa akin.

Nginisihan ko lang ito.
"What if, I don't?" Sa isang iglap, nagkapalit kami ng pwesto. Ako na ngayon ang nakasandal at siya na ang may hawak ng kwelyo sa jacket ko. Nahulog naman ang kaninang hawak kong dagger. Napangiwi naman ako dahil sa parte ng likod ko na may sugat ang naisandal sa akin.

'Ang bilis niya'

Tiningnan ko ito ng mata sa mata. Mababakas ang malamig niyang mata at seryosong nakatingin sa akin. Hindi rin ako nagpatalo. Mababakas rin sa aking mga mata ang lamig at nakakatakot na presensya habang nakangisi ng mala-demonyo. Naramdaman ko namang napa-stiffed ito, pagkatapos ay napa-kagat ito ng labi na parang may iniinda siyang masakit. Unti-unti itong nawawalan ng lakas, hanggang sa natumaba ito, pero hindi ito sa lupa natumba kundi sa akin mismo.

"Oh, shit!" Nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap para hindi tuluyang matumba. Wala na akong ibang nagawa kundi hawakan ito at pinahiga sa lupa.

Ngayon ko lang napansin na may itsura pala ang lalaking ito, matangos na ilong at may manipis na labi. Napansin ko rin na maputla na ito at ang kanyang mga mata, parang nakita ko na ito dati. I check his whole body at agad napansin ang basang bahagi sa kanyang tiyan. Hinawakan ko ito at napa-ungol naman ang lalaki.

Nakita ko ang kamay kong may bahid na dugo. May sugat ito sa bandang tiyan nito. Hinawakan niya ang wrist ko.

"Don't you dare" May pagbabanta ang boses nito.

"Oww, I thought your dead!" Sarcastic kong tugon dito. Kahit nahihirapan itong dumilat, nagawa pa rin akong tignan ng masama.

"Leave me alone"

"Okay. Madali naman akong kausap. Bye!" Tumayo na ako at nagsimulang lumakad.

"Bitch! Help me! Fuck it!" Napahinto naman ako ng marinig kong sumigaw ito.

"What did you say?"

"Just fucking help me!" Galit nitong sigaw. Napatawa naman ako. 'Hihingi rin naman pala ng tulong. Tss!' Naglakad ako pabalik sa kanya.

'Bumabalik na ako sa dati' Bigla ko na lang ito naisip.

"Nangangailangan rin naman pala ng tulong, eh" Hindi ko naman ito narinig na tumugon. Nilinis ko naman ang sugat nito. Malalim ang natamo nito kaya maraming dugo ang nawala. Kung hindi ako nagkakamali galing sa katana ang naging dahilan ng sugat nito. Dito ko na siya ginamot, I mean nilinis ang sugat. Marunong rin naman ako. Iiwanan ko nalang siya dito. Tatadtarin ako ng maraming tanong kung sakaling ihatid ko siya sa clinic. Tutal parang malakas naman ito, at magigising rin ito. Kumuha naman ako ng papel at ballpen at sumulat.

Youre welcome, Mister.

Yun lang at idinikit ko sa noo nito at umalis na.

Dumeretso na ako sa parking lot para umuwi, wala na akong planong pumunta sa Mall. Bahala sila. Maya-maya may narinig akong sumigaw.

"Keila!" Tinignan ko naman ito at nakita si Hannah at Fynn. Naglakad naman ako papunta sa kanila.

Tinaasan ko lang ito ng kilay.
"Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap, sunod raw tayo sa mall." Bungad ni Hannah sa akin.

"Kay-Fine," Sasabihin ko sana na sila nalang pero napag-isip-isip ko rin na I need to unwind rin. Puro missions rin ang nasa isip ko.

"I don't have my car," Sabi ko sa kanila.

"Sa akin nalang. Since wala ring dala si Fynn na sasakyan,"

Si Fynn ang nagmaneho. Kanina rin ako palinga-linga dahil sa itim na van na kanina pa nakasunod.

"Fynn, itabi mo ang sasakyan" Utos ko dito.

"Why would I?" Naiinis nitong sabi.

"Just follow me," Malamig kong tugon.

"Ah-eh. Sundin mo nalang siya F-fynn.." Alam kong natutunugan na ni Hannah na seryoso ako ngayon. Tinabi naman ni Fynn ang sasakyan at bumaba.

Napansin ko ring tumigil ang van. 'Fuck!'

Dali-dali naman akong pumunta sa driver seat.

"Wear your seatbelts," Paalala ko sa kanila.

"A-anong nangyayari, Keila?" Kinakabahang tanong ni Hannah.

Hindi ko pinansin ang tanong ni Hannah at pinaandar ng mabilis ang kotse.

"Oh My God!"

"Shit!"

Rinig kong tili ng dalawa. Tiningnan ko ang side mirror at nakita kong nakasunod na naman ang van.

"Ke-Keila, ang b-bilis m-mong mag-patakbo!" Sigaw ni Hannah na nakahawak pa sa magkabilang gilid ng kanyang upuan.

"What are you doing?! Kung gusto mong magpakamatay wag mo kaming idamay!" Sigaw rin ni Fynn. Itinuon ko lang ang tingin ko sa daan. Niliko ko ito, at ilang ulit pa na liko ang nagawa ko. Nakikita ko parin ang van na pabilis nang pabilis.

"Where are we going? Fuck!"

"May sumusunod sa atin!"

Napatingin naman ako sa rear view mirrow at nakita kong tiningnan ni Fynn ang likuran.

"Fuck!"

"Keila watch out! Oh my gosh!"

Nailagan ko naman ang mga malalaking kahoy. Oh shit! Hindi ko namalayan na napadpad kami sa gubat.

Ipinark ko ang sasakyan sa tabi at agad kaming bumaba.

"Wh-what a-are we going to do?!" Kinakabahang tanong sa amin ni Keila. Narinig ko namang may sasakyang paparating.

"Bloody Hell!"

"Shit!"

Sabay kaming napamura ni Fynn.

"We better run now!"

And with that agad kaming tumakbo.

'I need to unwind not to be in trouble again!'

------

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.8M 72.7K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
293K 5.5K 64
C O M P L E T E D ! [unedited] started: August 2015 ended: January 2, 2018 Paano kung ang lahat ng mga problema sa kasalukuyan ay nagsimula sa nakara...
123K 3.1K 41
written by: RedbloodSPY Author's note: The following is a work of fiction. Any resemblance to persons, story, living or dead is coincidental only. I...
275K 4.8K 74
"Karma comes after everyone eventually. You can't get away with screwing people over your whole life, I don't care who you are. What goes around come...