My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 31 - Trouble

68.4K 2.4K 1.3K
By NerdyIrel

Hi mistakers! Tibay natin ah, anong oras na (1:35 am) pero talagang hinintay niyo ang update. Emeghed I love you all talaga! (^_^) Enjoy reading!!!


--------------------------------


Chapter 31 – Trouble


Wagas kung makangiti ako ngayon habang naglalakad kami pabalik ni Jiro.


"San kayo nagpunta?" Tanong ni Gigi nung tumabi ako sa kanya.


I looked at the others. Mukhang sobrang busy sila sa pagpipicture kaya di nila napansing umalis pala kami ng ilang minuto ni Kuya Biceps.

Mehehez.


"Dun lang, nagpicture-picture"

"Speaking of...Jiro, picturan mo nga kami ni kenken!"


Natawa ako sa itsura ni Jiro ng iniabot sa kanya ni Gigi ang camera.


"Nyeta. Oy Jackson, ikaw dito!" Pangangal niya.

"Luh. Bahala ka diyan!" Sabay nagtatakbo yung mga boys palayo.


Jiro hissed. "Mga isip bata. Tsss. Oh, smile na. One two three! Ayan. Tara na, kenz"


Parehas kaming na-shock sa bilis ng pagbibilang ni Kuya Biceps.


ANOBAYAN! Nakanganga kami dun!

(-_-)


"AYUSIN MO KAYA!" Sigaw ni Gigi.

"Ehhh....tinatamad ako" Napakamot pa siya sa ulo niya. "Eli! Ikaw nga dito!"

"Nagpipicturan din kami ni Leah. Wag kang epal" Sagot naman ni Adeline.


He groaned.


"Love. Please?" Paglalambing ko.

Tinitigan niya ko bago siya nagbuntong hininga.


"Sige na nga. One...two...three"

Nagpose kami ni Gigi na naka-peace sign. Hehe.


"Siguro naman titigilan mo na ko noh?" Sabay abot niya ng cam kay Georgina.

"Thank you ha kahit labag sa loob mo! Grabe, kay kenken ka lang talaga nakinig hahaha"

"Malamang. Mahal ko eh"


I blushed and smiled at Jiro.


"Dapat talaga masanay na kong taken ka" She told me.


Nagtawanan kami ni Gigi bago ako hinila ni Kuya Biceps papunta sa gilid niya. My bestfriend just rolled her eyes.


"HAY NAKO! Tara na nga, maglunch na tayong lahat"

"Mabuti pa nga. Gutom na kooo!"


Tinawag ko na sila Ally at Leah na parehas tahimik ngayon at magkalayo sa isa't-isa.


Hala?

Ano kayang nangyari nung nawala ako?


Habang tinetext nila Ika yung mga lalake, nilapitan ko si Leah na nakaupo sa gilid. 

Sumunod lang si Jiro at nagstay sa likod ko. Hinahalik-halikan niya yung buhok ko.


"Everything okay?" I asked her.

Leah shook her head. "Ally seems to be angry at me. I don't understand why..."


Ugh. Itong si Allyson, pinagsabihan ko na, di pa rin nakinig!!!


"Bat mo naman nasabi?"

"Nagyaya akong magpicture kaming dalawa but she just glared at me. Tapos palagi niya pa kong iniirapan"

"Just don't mind her, leah. Masisira araw mo niyan, sige ka"


Ngumiti ako sa kanya at hinila siya patayo para yumakap sakin.

Now I can say na tanggap ko na nga talaga si Leah bilang kapatid ko.

Mabait kasi siya at totoo yung mga pinapakita niya.


May malasakit na ko sa kanya unlike before.


"Ate! Let's go!"

Napatingin kami kay Allyson.


"Okay!" Sigaw ko pabalik.


Nung nakasakay na kami sa van, bumulong sakin si Jiro.

"I think Ally's not just jealous of Leah and Japs. Tingin ko, nagseselos din siya dahil mas nagiging close na kayo ng sister mo"


Bakit naman siya maiinggit eh parehas ko naman silang mahal?

Hindi naman porket may real sister na ko ngayon eh magbabago na ang turing ko sa kanya.

Kapatid rin naman ang turing ko kay Allyson.


Hindi na lang ako umimik at tinignan ko na lang si Ally.

Iniisip ko kung ano ba dapat kong gawin para bumalik siya sa dati.


"SSHH WALANG MAINGAY! FAVORITE SONG KO TO! WORK WORK WORK WORK WORK!" Pagkanta ni Zach with head bang.


(-_-) Di na naman nakainom ng gamot toh.


"Graba graba graba WORK WORK WORK WORK" Nakisabay pa si Jax na mali-mali naman ang mga lyrics kaya napahalakhak kaming lahat.


"Madami labada DER DER DER DER!" With matching pagsayaw pa si enzo.

GOSH! Nakahithit ba sila? HAHAHA.


"Spaghetti sa lata WORK WORK WORK WORK" Sigaw ni Ian na ikinagulat naming lahat.

HALA! Nakigaya na!

Di ko na kayaaa! HAHAHAHA.


"Supot si Zach LA LA LA LA"


O____O

HAHAHAHAHAHAHA!


Kumanta din si Jiro! Ohmyghad!

ANG SAKIT SA TIYAN! HAHAHAHAHA!


"INAMO JIRO!" Sigaw naman ni Zach kaya halos magwala na kaming lahat kakatawa.


Gigi: "Laughtrip potek!"

Eli: "You guys are so gay"

Ika: "Epic non! HAHA"


"Ang saya mo ah" Sabay ginulo ni Jiro yung buhok ko.


Tawa ako ng tawa kasi naaalala ko yung lyrics niya.


"Do you guys always do this? Yung nagkakantahin pag magkakasama?" Tuwang-tuwang tanong ni Leah.

"Oo leah. May dugong highschool musical kasi kami" Biro ni Enzo.

"Corny mo. Sarap mong ibaba ng van!" Sigaw ni Jax.


Tapos muntikan pa silang magrambulan dito kung di lang napigilan nila Ika at Gigi.


"San ba tayo kakain?" Seryosong tanong ni Ally kaya unti-unting nawala yung pagtawa naming lahat.

"Dun na lang sa racks, kuya" Sabi ni Ian sa driver.

"Okay po sir"


Buti pala malaki-laki din yung halagang pinabaon ni Papa kay Leah. 

Ang mahal pala ng mga pagkain dito sa racks! Jusko, first time ko kasi kaya di ko alam. HAHAHAHA.


Ako na umorder sa kakainin ng pinsan at kapatid ko dahil parehas silang busy ngayon.


Magaling makisama si Leah kaya kaclose niya na yung buong tropa.


Si Ally naman, tawa ng tawa dahil nag-face swap sila ni Japs.

"You're so ugly. Look" Sabay hagalpak niya na naman ng tawa.


*sigh*

Sana nga magpatuloy-tuloy na yang pagka-good mood niya.


Nagkwentuhan kaming lahat habang hinihintay yung food.


"Bale, new year na pala ulit tayo magkikita-kita?" Tanong ni Enzo.

"Oo dre. May kanya-kanya tayong family plans eh" Sagot naman ni Jax.

"Okay na rin. Kakasawa kaya mga mukha niyo HAHAHAHA"


Panira talaga tong si Zach.

(-_-)


While laughing, napansin kong hindi nakikitawa si Jiro.

Tinignan ko siya. Nakangiti lang siya.


"Hey, what's wrong?"

"Hmm?" Gulat na tanong niya.

"Bat parang wala ka sa mood?"

"Ha? Wala..."


Wala pa kaming isang buwan na magkasintahan pero masasabi kong kahit papaaano ay kilala ko na siya. I know if something is bothering him.


"Jiro, ano nga yun?"

"Wala nga"


A smile vanished from his face.

I frowned at him.


"Magtatampo ako sa'yo. Sige ka"

"Wala lang naman talaga yun eh. May naalala lang ako"

"Ano nga?" Pangungulit ko.


Nagbuntong hininga siya. "Fine. If you really want to know..." Hinawakan niya yung kamay ko bago siya nagsalita. "Sa racks kami lagi kumakain ng dinner ni Stacy"


Parang nakalunok ako ng bato ng marinig ko yun.


Alam kong hindi niya agad makakalimutan yung ex-girlfriend niya.

Halos isang taon din sila nun.


Pero bakit nasaktan ako ng kaunti?

Ang engot ko rin eh. Dapat di ko na siya pinilit magsalita.


"See? This is mainly the reason kung bakit ayokong sabihin sayo. Maaapektuhan ka lang ng isang bagay na di naman dapat"


"I'm sorry" Bulong ko.


I'm new at this, okay?

Hindi ko pa alam kung paano pipigilan ang sarili ko na wag magselos.


"Wag ka ngang magsorry, love. Tsaka naalala ko lang naman yun. It doesn't mean that I miss her"


I nodded.

At least malinaw sakin yung feelings niya.


"Sir, Ma'am" Bati bigla nung waiter. Nilapag niya na yung mga pagkain namin.

Nanahimik na ako at di ko na siya ulit kinulit.


Kenzie, wag ka na magselos kay Stacy.

Tapos na sila. Wala ng sila.


Sayo na si Jiro. Ikaw na yung mahal niya ngayon.

Kung ano man yung nakaraan nila, memorya na lang yun ngayon.


Ang intindihin mo ay yung present at future niyo ng boyfriend mo.

Mas mahalaga yun.


Habang nakain, nakareceive ako ng isang text message.


From: Jarren

12:38 pm.

Hi Kenzie. Busy ka?


Bat kaya nagtext 'to?


To: Jarren

12:38 pm.

Nakain kami ng lunch. Bakit?


From: Jarren

12:39 pm.

Wala. Yayayain sana kita lumabas mamayang gabi :)

Kung okay lang?


"Tangina, lakas ng loob niyan ah"


Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng magsalita ng ganun si Jiro.

Napatingin samin yung tropa.


"Tol, ano meron?" Tanong ni Enzo.

"Pwede mo bang pagsabihan yang kuya mo na tigilan 'tong girlfriend ko? Pag ako napuno, di niya magugustuhan gagawin ko"


"Jiro..." I whispered. Nakakatakot dahil kita ko sa mga mata niyang nabadtrip siya.


"Geh, kakausapin ko paguwi" Sabi naman ni Enzo.


"At ikaw" Napalunok ako ng ako na yung tinignan niya. "Wag mo ngang hinahayaan na pormahan ka ni Jarren"


"Hindi naman eh. Nagulat nga ako na ganun yung text niya"

"Nakakaasar, kenzie"


I bit my lip.

Di naman ako nagpapaligaw...


"Love..." Bulong ko.


Di niya ko pinansin.

I crossed my arms.


OH DI SIGE. Walang imikan!

Wala naman akong kasalanan pero sakin siya nagagalit.

Hmmph!


"Hoy. Kumain nga kayong dalawa. Parang mga tanga lang. Jiro wag kang masyadong seloso. Ayaw ni kenzie ng ganyan" Pagsita ni Gigi.


From my peripheral vision, nakita kong tumingin siya sa akin.


"Totoo?" Tanong niya.

I finally looked at him.


"Ang alin?"

"Ayaw mo sa seloso?"


Gusto kong ngumiti dahil ang cute cute niya tignan pero pinigilan ko sarili ko.

"Bat pag sinabi kong oo, anong gagawin mo?"


Napakamot ng ulo si Jiro. "Ewan...Seloso talaga ako eh. Di ko mapipigilan toh"

"Aish. Wag ka na kasi magselos! Di ko type si Jarren! Kuya lang tingin ko dun!"


Tumawa si Enzo. "Sabihin ko nga sa kanya yan HAHAHA kuya-zoned. Awtsu HAHAHA"


"Babe, wag ka nga makisali sa usapan nila" Maika said.

"Opo babe"


"SHET UNDER HAHAHA" Asar ni Zach.

"SHET SINGLE HAHAHA" Asar naman ni Enzo kaya binato siya ng tissue ni Zach.


Nagtawanan silang lahat.


"Sorry" Jiro whispered.

"OA mo kasi. Parang tinext lang ako, kung magalit, akala mo naman nakipagdate na ko"

"Sorry na nga eh"

"Pakagat muna sa biceps ehehe"

"Ano?"


O__________O

Sinabi ko ba talaga yun?


"Sabi ko....pakagat sa...bisteak! Oo tama! yun nga! Mukhang masarap yang steak na inoder mo  ehehe"

"Hindi to bisteak, love. Pork ribs to"

"Ahhh"


Iniwas ko na yung tingin ko sa kanya at sinimulan ng kumain. 

I heard him laugh.


GOSH KAKAHIYA!

Binuking ko yung sarili ko!

Pesteng malalanding cells toh!


Bumalik na rin kami sa dati ni Jiro pagkatapos kumain. Nagkayayaan pumunta sa SM Aura dahil walang ibang tatambayan. Ayaw pa naman nila umuwi dahil masyado pa daw maaga.


"Hiwa-hiwalay muna tayo guys" Suggest ni Jackson.

"Sus, gusto mo lang masolo si Gigi eh" Pangasar ni Zach.

"Talaga. Yun naman habol ko dito" Tatawa-tawang sagot niya.

"Ako rin HAHAHA Ge. Text text na lang" Sigaw ni Enzo na nakaakbay kay Ika. Naglalakad na sila palayo. Umalis narin sila Jax at Gigi.


"Ate, pwede ba kami maghangout ni Japs together? Dun lang kami sa food court sa taas" Paalam ni Ally.

"Can I go with you guys?" Excited na tanong ni Leah.


*silence*


"Sure. Why not?" Sagot ni Japeth.


O___O

Kita kong nanlisik na naman ang mga mata ni Allyson.


"Ah Leah, samin ka na lang sumama" Singit ko.

"But Japs said---"

"Please?"


Tinignan niya ko and then si Ally and then ako ulit. "Okay"


"Sige ate!" Hinila na agad ni Ally palayo si Japeth bago pa ito makapagsalita.

Hay nako Allyson.


"Pano naman tayo, love?" Angal ni Jiro sa tenga ko.


Alam kong gusto niya kong makasama.

Yung kaming dalawa lang ulit katulad kanina sa ocean park.


"Eh kailangan kong bantayan si Leah"


"Leah, gusto mong sumama sakin? Shopping tayo?" Tanong ni Eli.

She winked at me kaya napangiti ako ng sobra.


"Sure. Okay lang ate kenzie?"

"Oo naman. Wait"

Kinuha ko yung wallet ko at binigyan siya ng pera na pinadala ni papa sa amin.


"Thanks ate! Kuya Ian, go with us too. Please?"


Napatitig si Ian kay Adeline. Eli looked away.


"K-kung ayos lang kay Eli...bakit h-hindi?"


Ang awkward nila tignan. Nagiiwasan ng mga tingin.

Geez. Can't they at least stay as friends?


"Let's just go" Sagot ni Adeline bago sila umalis tatlo.


"Yey. Nasolo ulit kita" Parang batang bulong ni Jiro.

Inakbayan niya na ko at maglalakad na sana kami palayo ng sumigaw si Zach.


"Hep hep hep! Paano naman ako?"

Tinawanan namin siya.


"Bahala ka diyan bro" Sagot ni Jiro.

We left him on his spot. Laughtrip lang, talagang nagrereklamo siya dun kahit di na namin siya naririnig.


"One week kang magstay sa Cebu di'ba?" Tanong niya habang naglalakad-lakad.

"Yup. Paulit-ulit?"

"Hehe. Anong gagawin mo dun?"

"Wala. Dun lang siguro kami sa bahay ni Lola Maricell"

"Boring nun"


"Sinabi mo pa. Pero baka magbago ngayon kasi kasama namin sila Tita Kriza. Galaera yun si Tita eh, gusto palaging umaalis. Eh kayo ng family mo?"


"Kagabi naguusap sila ni Tita. Gusto ni Papa magboracay kami kaya baka sa 23 or 24, pumunta kami don"


"Wow! Sosyal"

Tumawa siya. "Anong gusto mong pasalubong?"


I stopped tapos nagisip ako ng mabuti.


"Gusto ko yung lumot sa dagat don para ma-prove mo saking totoo yung sinasabi mo. Baka mamaya ine-echos mo lang pala ako"


Napahalakhak si Jiro. "Praning talaga ng mga babae"

"Joke lang! hahaha kahit ano love. Ikaw na bahala magisip"

"Ikaw din ah. Bilhan mo ko pasalubong"

"Dried mangoes?"

"Given na yon eh pero sige. Paborito ko naman yun"


I didn't laughed at him kasi nakaramdam ako ng lungkot.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.


"I'll miss you"

"Mas mamimiss kita, kenzie rose ko"


***


Inabot kami ng 8 pm sa SM Aura.

Dun na kami kumain ng dinner.


Si Zach badtrip na badtrip samin kasi tuwing nakakasalubong niya kami, tinutulak daw namin siya palayo.


"Sorry na pre" Tatawa-tawang sabi ni Jax.

"Leche. Maghahanap na ko ng girlfriend. Dami pa namang gustong magvollunteer"

"May irereto ako sayo. Maputi at maganda" Sabi ni Ian.

"Di na. Kaya kong magisa. Pwe"


HAHAHA tampo pa rin.


*yawn*


Medyo napagod ako kakaikot sa SM Aura. Panay escalator ba naman yon. Napakadaming floors, kaloka!


"Love, tulog ka muna" Inihilig ni Jiro yung ulo ko sa balikat niya.


Napangiti ako.

Dati nung crush ko pa lang siya, inihilig niya rin yung ulo niya sa shoulder ko. Kabadong-kabado pa ko nun on the way to Jackson's house.


"Cut it out!"


Napaupo ako ng maayos ng marinig kong sumigaw si Ally.


"Kanina ka pa ah!" Sigaw niya.

Tinignan ko si Leah, mukhang nagulat at naiiyak na agad.


"Ly!" I shouted.

"Ugh. Ako na naman may kasalanan!"


Magsasalita sana ulit ako pero rinig kong nagsalita na si Japs.

Kinakausap niya si Allyson.


"Leah...wag ka na umiyak" I told my sister.


Buti andon si Eli. Pinapatahan niya rin ang kapatid ko.


My ghad! Lagot ako neto kay papa!

Pinangako ko sa kanyang aalagaan ko si Leah.

For sure kahit yung mommy niya, magagalit sa akin.


Hindi na rin ako nakatulog dahil binantayan ko yung dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay.

Habang bumababa sila Leah, nagpaalam na ko kay Jiro.


"Pano, see you na lang sa pasko?"

"No. Bababa na muna ako. Maglalakad na lang ako pauwi"

"Hindi na. Mapapagod ka pa, Jiro. Magpahatid na kayo ni Japs papunta sa bahay niyo. Goodnight na"


Umiling siya at nagexcuse kila Jax para makadaan kami.

Tigas ng ulo neto.


"Japs, mauna ka na sa bahay. Pag hinanap ako nila papa sabihin mo, may dinaanan lang" Bilin ni Jiro pagbaba namin.


"Okay kuya. Bye Ally"

Napansin kong di siya nag-goodbye kay Leah. Siguro ay dahil alam niya ng nagseselos si Ally dito.


"Bye guys. Thank you for today! Ang saya ko!"

"Bye!" Bati nilang lahat.


"Ally---" Bago pa ko makapagsalita ay pumasok na siya sa loob ng gate.

Napaka-pasaway nun!


"ALLYSON!" Sigaw ko ulit kaya napatigil siya sa paglalakad.


"Ate, wag mo na siya pagalitan. Mas maiinis lang siya sakin eh" Naiiyak na sabi ni Leah.


Di ko siya pinansin.

Si Jiro pipigilan din sana ako pero nakalayo na ko sa kanila bago pa man niya mahawakan yung braso ko.


"Binibwisit mo ba talaga ako?" Galit na tanong ko.

"This isn't about you ate! It's about that leah---"

"Yun na nga eh! Why do you hate her so much? Di'ba sinabi ko na sayo na itigil mo na yan. Hindi niya inaagaw si Japeth sayo! Ano ba!"

"Oh really? Then why does she keep on flirting with him?"


Rinig kong iyak na ng iyak si Leah.

I'm just glad na si Jiro ang nandoon sa tabi ng kapatid ko.

He's trying to soothe her.


"Ly, friendly lang si Leah. Wala pa isip niya ang mga ganyan"

"No. Yun ang akala niyo. Ate, stop defending her!"

"Ally, tama na please. Magbati na kayo. Ang babata niyo pa para magaway dahil sa isang lalake"

"I'm not a kid anymore. I'm 14!"

"EXACTLY MY POINT! Nung 14 pa ko, pagtitirintas lang ng buhok ang pinoproblema ko"

"I don't care. Basta ayoko sa Leah na yan!"

"May sakit siya sa puso at di mo dapat siya ini-stress"

"SO YOU'RE JUST GONNA TOLERATE HER? MALANDI SIYA---"


*pak*

Nasampal ko siya sa galit ko.


O____O

Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Allyson.


Ito ang unang beses na napagbuhatan ko siya ng kamay.

Mula pagkabata ay kahit kailan, hindi ko pa siya nasasaktan.


"Ally....sorry. Di ko sinasadya---"

"Magsama kayong dalawa!" Sigaw niya tapos nagtatakbo siya papasok sa bahay.


Tinignan ko si Leah.

Maski ako, naiiyak na rin sa mga nangyari.


"Tita's gonna be here any minute. Please stop crying" Pagmamakaawa ko.


Hindi ko yata kayang madagdagan pa lalo ang sakit ng ulo ko.

Inalalayan ni Jiro si Leah papunta sa sala dahil nanghihina ito.


It's a good thing that Tita, Tito and Mama are not here. Nagdinner sila sa labas according to my Mom's text message.


Tumahan na rin si Leah. Inabutan ko siya ng baso ng tubig.


"Sorry talaga ate. Kasalanan ko kung bakit kayo nagaway---"

"That's not true. Wag mo na isipin 'to, okay? Isipin mo ay yang sarili mo"


She nodded.


Jiro started telling her stories that made her smile.


Ang swerte ko sa boyfriend ko.

Kahit na di naman siya involved dito ay tumutulong pa rin siya para maayos ang lahat.


Fifteen minutes after, nakarinig kami ng busina sa labas.


"Si Tita na yata yan" I said.


Tumayo na si Leah.

She hugged me tight.


"Pasensya na talaga ate. Sana magkaayos kayo. I'll apologize to Ally on facebook"

"I told you, wag mo na kami alalahanin"

"Sige ate, goodnight. Kuya Jiro, thank you din"

"Ingat ka" Jiro said.


Hinatid namin siya sa labas.

Sana ay hindi mapansin ni Tita na namumula ang mga mata niya.


"How was the road trip?" Tanong ni Tita sa anak niya pagkasakay nito ng kotse.

"It was great mom! Pero nagstay kami sa mall at nagshopping kami nila ate. Here oh! I bought some new bags" Masayang kwento ni Leah.


"Bags again? Ang dami mo ng ganyan sa bahay" Tatawa-tawang pagsita ni Tita. "Oh pano kenzie. Thank you ha. I'm sure my daughter had so much fun"


Naguilty ako bigla.


"Wala po yun, tita" Sagot ko.


Pinanuod ko na yung kotse nila makaalis.


I groaned when I realize na kailangan ko pa nga palang kausapin si Allyson na ngayo'y nagmumukmok sa kwarto nila.


"Mukhang kailangan mo yata ng yakap ko. Come here"


Hinila ako ni Jiro palapit sa kanya.

Nung naamoy ko na yung katawan niya ay narelax ang utak ko.


"Napakadaming issues ng pamilya ko" I murmured.

"At lahat yun malalagpasan mo"

Lumayo ako ng kaunti sa kanya. "How could you be so sure?"


"Cause you're Kenzie Rose Vasquez. Ang babaeng takam na takam sa biceps ko"


Natawa ako dun. "Kapal mo"

"Bat hindi ba?"


Mas lalo akong natawa. "Medyo lang kaya"

"Ayonnn..." Niyakap niya ulit ako ng mahigpit.


"Uwi ka na, love. Gabi na. Baka mapahamak ka pa" Pagaalala ko.

"Ayokong iniiwan ka na may problema ka pa"

"I'll be fine"

"Sigurado ka?"

I looked up to him. "Yes"


Akala ko bibitawan niya na ko pero di pa rin siya lumalayo.


"Jiro..."

"One minute pa para sa one week na di kita makakasama"


Hinayaan ko siya sa gusto niya.


"Sige na. Mas lalo mo lang ako mamimiss niyan eh" I told him nung ibinaon niya ang mukha niya sa may leeg ko.


Labag man sa loob niya ay umayos na siya ng tayo.


"Baka naman may mahanap kang iba sa Cebu"

"Baliw ka ba? Di ako marunong mag-bisaya noh! Kahit may gwapo don, di naman kami magkakaintindihan"


He chuckled at that. "Pano kung marunong siya magtagalog?"

"Patay tayo diyan. Pag inakit ako, di ko na kasalanan ah" Biro ko.


Tinignan niya ko ng masama. "Ah ganon. Ipagpapalit mo na ko agad? Di pa nga tayo nagma-monthsary, iiwan mo na ko?"


Ikaw nga lang yung nagiisang lalake na nagkagusto sakin eh.

Malamang di na kita pakakawalan.

(^_^)


"Just kidding hehehe peace!"

"Tsss. Angkinin mo naman ako"

"Ha?"


"Ibig kong sabihin, maging possessive ka naman minsan. Lagi na lang ako yung nagseselos sating dalawa"


"I'll take note of that. Sige na Jiro, uwi ka na"

"Goodnight. I love you"

"Love you too"


He kissed me bago siya umalis.


Hay. Isang linggo din kaming magkakawalay.

:(


Naglakad na ko papasok ng bahay.

Dumiretso ako sa may pintuan ng kwarto nila Ally.

I knocked twice.


"Ly, can we talk? Please? I'm really sorry. Di ko sinasadyang saktan ka"


She didn't answer.


"Parang kapatid na rin kita eh. Ayokong nagkakaganito tayo..."


And again, di niya ko sinagot.


Magsasalita na ulit sana ako ng nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib ko.

Napahawak ako sa doorknob ng pinto dahil bigla akong nahirapan huminga.


SHET!

INAATAKE AKO NG HIKA KO!


Tumakbo ako sa baba at nagpapanic na hinanap yung inhaler ko sa bag ko.


ASAN NA YUN? 

SAN KO BA NILAGAY YUN?


Kahit hirap na ko ay pinilit ko ang sarili kong umakyat sa taas.

Ang tagal ko sa hagdanan dahil tumitigil-tigil ako.


Hindi na talaga ako makahinga...


"Ally" Mahinang tawag ko pero di niya ko pinakinggan.


Papasok na ko sa kwarto ko ng magdilim ang paningin ko.

Sisigawan ko sana ulit si Allyson pero bumagsak na ko sa sahig.


-------------------------------------


Oops.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 232 9
Mackenzie's dream is to study at a prestigious university in London and be with her month-long boyfriend. She thought her life would be perfect and b...
705K 10.9K 33
Almost Perfect Series I Perfect ang family. Perfect ang set of friends. Perfect ang lovelife.What more can I ask for? Just when I thought na perfect...
65.1K 1.5K 25
Billionaire Series - Book No. 2 (Damon Forteza) He is one of the leader of El Griego Organization and a Billionaire bachelor, while she is a runaway...
38.2K 968 54
COMPLETED/Unedited How can we say goodbye to someone without actually saying it? Could you wait for someone without a word that they would return? Um...