My Bastard Ex (Published Und...

By Whroxie

13.9M 271K 18.2K

Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's... More

Synopsis
PROLOGUE
Chapter 1 - we met again
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Author's note
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Promote
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue
Sneak peek for Longing for Innocence
Author's Note

Chapter 29

320K 6.6K 374
By Whroxie

         DALAWANG linggo na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang mga nakakagulantang na pangyayari sa buhay ni Reghie. Ang daming nagulat sa mga kaganapan sa totoong pagkatao niya. Ang pamilya Del Prado, sina Vivienne at Kade, maging ang mga kaibigan niya ay hindi makapaniwala. Maihahambing daw sa isang teleserye ang buhay niya. Akala rin ni Reghie ay kapatid niya si Vivienne at Kade pero hindi pala. Ampon lang si Vivienne at Kade. Noong akalain ni Camellia na patay na ang sariling anak, sobrang kalungkutan ang kinaharap nito na dumating pa sa punto na parang gusto na nitong sumuko sa buhay. Until she had met Vivienne and Kade. Si Camellia ay isa sa mga benefactor ng isang ampunan dito sa Pilipinas — Angel's home. Minsan ay nagpadala ng mga larawan kay Camellia ang charity home na ini-sponsoran nito. Nakita nito ang larawan ni Vivienne habang karga ni Kade. Vivienne was 3-year-old while Kade was 8-year-old. Nakaramdam ito ng awa sa bata. Naalala ni Camellia ang sariling anak. Nagtungo ito ng Pilipinas para ampunin si Vivienne. Kasama nitong inampon si Kade na dapat ay si Vivienne lang. Umiiyak daw kasi si Vivienne kapag kinukuha ito kay Kade kaya pati si Kade ay inampon na rin lang.

Sila naman ni Amira ay hindi pa rin gan'ong nag-uusap. Medyo may ilangan pa rin pero at least ay hindi na sila nagbabangayan. Hindi na siya nito tinatarayan. Alam niyang darating ang araw na magiging maayos ang lahat sa kanila. One step at the time. She doesn't want to rush the things between them. Nagkakapaan pa silang magkapatid ng loob. Minsan ay niyaya niya itong mag-lunch at pumapayag naman ito. Alam niyang willing si Amira na mag-reconcile silang magkapatid. Ang tungkol naman sa kanyang mga magulang; Tingin niya ay wala na talagang patutunguhan. She heard her father talking with their family lawyer. Pinapaasikaso nito ang divorce papers na kakailanganin. Sa San Francisco kinasal ang mga magulang niya kaya madali lang ang proseso ng paghihiwalay ng dalawa. Nalulungkot siya sa mangyayari sa parents niya pero ang daddy na niya ang nagdesisyon. Nangako naman ang daddy niya sa kanyang mommy na hindi ito aalisan ng karapatan sa kompanya, pero hindi niya alam kung papayag si Almira sa divorce na nais ng kanyang ama. Hindi na rin nakatira si Enrique sa sariling bahay.

"Hi, sis," genuine na bati ni Vivienne kay Reghie pagpasok nila ng bahay. Humalik pa ang dalaga sa pisngi niya. Tanggap naman ni Vivienne ang tungkol sa kanya. Humingi na rin ito ng tawad sa mga nagawa nito at ngayon ay maayos na sila ng dalaga. Magkakaroon ng maliit na salo-salo sa bahay ni Camellia. Kinuha ni Vivienne si Mateo at nagtungo sa may kitchen.

Isang linggo na rin silang nagkasama ng kanyang tunay na ina at madali naman silang nakapagpalagayan ng loob. Nag-stay siya ng isang linggo sa bahay ng kanyang mommy. Kulang pa nga 'yon at gusto pa sana nilang mag-bonding kaya nga lang ay sobra na ang pagmamakaawa ni Matthew na kung pwede na silang bumalik ni Mateo sa bahay nila. Araw-araw rin silang pinupuntahan ni Matthew sa bahay ng kanyang mommy. Bumalik na lang siya dahil kapag nagpapang-abot si Kade at Matthew ay mukhang magsusuntukan lagi.

"Hi, Redge!" Masiglang bati ni Kade kay Reghie habang patakbong bumababa ng hagdan. Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng magkabilaang halik sa pisngi bago mahigpit na niyakap.

"Dammit, Kade! Puwede bang 'wag mong hinahalikan at niyayakap si Reghie!" Pabulyaw na sita ni Matthew sa binata.

"She's my sister. Puwede bang 'wag kang malisyoso," depensa ni Kade.

"Alam nating parehas na hindi kayo magkapatid, ampon ka lang."

Kade smirked, placing his hand on Reghie's shoulder. "Whatever, Del Prado!" sabay hila kay Reghie patungo sa dining area. Narinig ni Reghie ang pagpapakawala ng maingay na buntong-hininga ng kasintahan. Alam niyang napipikon na naman si Matthew at itong si Kade naman ay halatang namimikon din. Sinasadya talaga nitong inisin si Matthew.

Napasinghap at napaawang ng todo ang bibig ni Reghie nang biglang mawala sa tabi niya si Kade. Nasa sahig na ito at nakadapa. Inakbayan siya nito Matthew, tiningala niya ito at may nakakalokong ngisi. Binalingan niya uli si Kade na ngayon ay matalim na nakatingin kay Matthew.

"May nahuli ka bang isda?!" kantiyaw ni Matthew sa binata. Tumayo si Kade.

"Gago ka talaga! Kung ikaw kaya tadyakan ko!"

"Nagtatalo na naman ba kayong dalawa?" sabay-sabay na naibaling ng tatlo ang tingin sa pinanggalingan ng boses. Ang mommy niyang si Carmellia at ang nanay ni Matthew na si Nathalia na mukhang galing sa kusina. Humalik si Reghie sa dalawang ginang hustong makalapit ito sa kanila.

Dumating naman si Enrique at hindi niya inaasahan ang kasama ng ama, si Amira.

"Amira, mabuti sumama ka," nagbeso silang magkapatid.

"Magandang araw," tipid nitong bati kay Camellia. Tipid na ngumiti si Camellia. Dama niyang nagkakailangan ang dalawa.

Natapos na mapayapa ang dinner. Hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ni Amira at Camellia na nag-uusap sa lanai. Humihingi ng tawad si Camellia sa gulong naidulot nito.

"Wala po kayong kasalanan, ang pamilya ko ang may malaking kasalanan sainyo. Maraming salamat po at hindi niyo kinasuhan si mommy at lolo," sabi ni Amira. Mabait ang kanyang tunay na ina dahil hindi nito naisapan pang kasuhan si Senior Claudio at Almira dahil sa ginawa ng mga itong pagkuha sa kanya. Nang matapos sa pag-uusap si Amira at Camellia ay nilapitan niya si Amira. Umupo silang magkapatid sa mahabang sofa na gawa sa rattan.

"Kumusta si mommy?" tanong niya.

"Ayon, malungkot lagi simula nang umalis si dad sa bahay."

She sighed heavily, feeling sorry for her mother. Naramdaman niyang ipinatong ni Amira ang kamay sa ibabaw ng kamay niyang nakapatong sa kanyang hita. Binalingan niya ito.

"Mommy is a strong woman, she will be okay," Amira reassured her.

"How about your dad? Your biological father?"

Pinagsalikop ni Amira ang mga kamay sa ibabaw ng hita nito. "I'm trying to get to know him better. Mabait naman siya.. mabait siya actually. Lagi siyang pumupunta sa bahay. Wala rin siyang pamilya. Hindi pala niya anak 'yong masungit na 'yon, si Patrick. Anak ng kaibigan daw at sa kanya iniwan, siya na ang kinilalang tatay," kuwento ni Amira na bahagyang umingos ng mabanggit ang pangalan ni Patrick.

Napangiti si Reghie. "Guwapo siya," aniya na ikinalukot ng mukha ni Amira kaya natawa siya. Napapitlag siya nang biglang may humalik sa pisngi niya.

"Sino'ng guwapo, ako?" naitirik niya ang mata niya. Umupo si Matthew sa tabi niya at agad na yumakap mula sa kanyang tagiliran, ipinatong ang baba sa kanyang balikat.

Napapangiting tumayo si Amira. "Maiwan ko na kayo." Tinungo ni Amira ang pinto pero tumigil ito at nilingon sila.

"Iyong mga sinabi ko sa 'yo about sa nangyari sa bar noon, hindi totoo 'yon. Kulang na nga lang tadyakan ni Matthew ang mga babaeng lumalapit sa kanya eh. Masuwerte ka sa kanya, kaya huwag mo nang pakawalan," tuluyang pumasok si Amira at naiwan sila.

"Narinig mo 'yon? Hmmm?" idinikit ni Matthew ang labi sa pisngi ni Reghie.

"Babe?"

"Hmm?" hinawakan ni Reghie ang pisngi ni Matthew.

"Please marry me.." napatulala si Reghie nang biglang may isang antique red velvet ring box with an extraordinary old European round cut diamond ring sa kanyang harapan, hawak ni Matthew. It's a heirloom! She guessed.

Sa itsura pa lang ng lalagyan at sa mismong singsing ay masasabi niyang galing pa ito sa kanununuan. Pero paano nagkaroon nito si Matthew? Unless he inherited it from her mother. At ipapamana lang naman ito ng isang magulang sa isang anak na lalaki kung may babae ng pakakasalan at syempre kung gusto ng isang nanay ang kanyang mamanugangin. Importante sa kanya ang bagay na 'yon. Medyo na trauma talaga siya sa mga nangyari sa kanila ni Matthew. Hindi niya matanggap ang alok nitong kasal hanggat walang assurance na tanggap nga siya ng magulang ni Matthew. Hanggat hindi niya naririnig mismo sa mga magulang ni Matthew ang bagay na iyon.

Tumayo si Matthew sa harap ni Reghie. Inilahad nito ang kamay sa harap niya. Marahan niyang hinawakan ang kamay ng kasintahan saka siya tumayo. Biglang lumuhod si Matthew sa harap niya. Ang bilis-bilis nang pagtahip ng dibdib niya. Bumuka ang bibig ni Matthew pero muli ring ipininid habang nakatingin sa kanya.

"Redge.. Reghie..." bumuga ito ng hangin na para bang hirap na hirap huminga.

"Regina.... Babe... um.."

"Supot ka talaga, Del Prado!" Natutop ni Reghie ang sariling bibig gamit ang isang kamay nang marinig ang sigaw ni Kade at hindi mapigilan ang matawa. Nilingon niya ang kinaroroonan nito. Hindi lang pala si Kade ang naroroon kung 'di ang lahat. Nakamiron sa kanila.

"Daddy, we had practiced it already! Just say it, 'Will you marry me'!" hiyaw naman ni Mateo, tinuruan ang ama ng sasabihin. Nagsitawananan ang lahat. Muli niyang tiningnan si Matthew na nakangiwi habang napakuskos sa ulo. Tingin niya ay nakakaramdam na ito ng pagkapahiya. Umuklo siya at sinapo ang magkabilang pisngi nito. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.

"I will marry you," she then said na nakapagpatanga kay Matthew. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito. Inilapat niya ang labi niya sa labi ni Matthew.

"I said I will marry you," bulong niya sa bibig nito. Noon ay nagmadaling tumayo si Matthew.

"T-totoo? Hindi mo ako i-re-reject?" nahabag naman siya bigla para rito. Ilang beses na kasi siya nitong inalok ng kasal pero wala siyang ibinibigay na sagot.

Tumango siya saka inilahad ang kamay sa harap nito. "What are you waiting for? Slip the ring on my finger," nakangiti niyang utos dito.

Hindi magkandaugaga si Matthew sa pagkuha ng singsing mula sa box, hinawakan nito ang kamay niya. Nang isusuot na nito ang singsing sa daliri niya ay bigla naman itong nahulog kaya muling napuno ng tawanan ang buong patio. Lihim na napamura si Matthew habang nakayuko para kunin ang singsing. Tumakbo si Mateo at siyang dumampot ng singsing na gumulong ng medyo malayo sa kinatatayuan nila. Iniabot ni Mateo ang singsing kay Matthew.

"Be careful, Daddy," sabi ni Mateo bago tumakbo palayo at bumalik sa kumpulang miron.

"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Just relax, you look agitated."

Lumanghap ito ng hangin saka dahan-dahang ibinuga. "I'm sorry. I'm nervous. Honestly I'm so nervous right now." Tumingala ito at bumuga ng hangin saka siya muling tiningnan.

"I was just afraid na baka tanggihan mo na naman ako." Nangislap ang mata nito nang bigla iyon magtubig. Biglang sinundot ng konsensiya ang kaibuturan ng kanyang pagkatao. God! Naapektuhan pala ito nang husto dahil sa ilang beses niyang pagtanggi sa alok nito. Muli itong tumingin sa taas at inilapat ang daliri sa magkabilang mata na para bang pinigil ang luhang huwag bumagsak. Muli itong tumingin sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Alam mong mahal na mahal kita 'di ba?" nahigit niya ang kanyang paghinga ng tuluyang bumagsak ang luha ni Matthew.

"I tried to forget you since the day you left me but I failed. Sinasabi ng utak ko na dapat na kitang kalimutan, and I'll be damned if that happens. I love you, Reghie, I still fucking do." Inilagay ni Matthew ang palad niya sa tapat ng puso nito.

"My heart beats only for you, ikaw lang talaga ang may kakayahang pabilisin ang tibok ng puso ko, ikaw lang ang gustong mahalin nito."

"Gan'on din ako. Ikaw lang din ang gustong mahalin ng puso ko." Hindi na rin niya mapigil ang paglandas ng luha ng kaligayahan mula sa kanyang mga mata.

"Regina McAllister, Gonzales, De Silva, will you marry me?"

Malapad na ngumiti si Reghie. "Yes. I will marry you!"

Isinuot ni Matthew ang singsing sa daliri niya. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at hinalikan siya labi at umusal ng "I love you" nang paulit-ulit na tinugon naman niya ng "I love you too" saka sila mahigpit na nagyakap. Mababanaag naman ang labis na kaligayahan sa mga mukha ng naroroon na naging saksi ng madamdamin pero epic na proposal ni Matthew.

Continue Reading

You'll Also Like

314K 8.5K 27
"Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling luluha pa Di ka na manganga...
4.5M 107K 35
Papayag ka bang mag pretend ang boyfriend mo na boyfriend ng iba? At ikaw mag pretend na girlfriend ng boyfriend ng iba? Sa madaling salita 'exchange...
2.1M 37.1K 15
Book 3: Finally, caught you! Sabrina isn't perfect, she isn't the model type but no one can deny her oozing charms. She has secrets she is trying t...
130K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...