My Bastard Ex (Published Und...

By Whroxie

13.9M 270K 18.2K

Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's... More

Synopsis
PROLOGUE
Chapter 1 - we met again
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Author's note
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Promote
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue
Sneak peek for Longing for Innocence
Author's Note

Chapter 28

297K 6.2K 217
By Whroxie


          PAGKATAPOS ng mga nakakagulantang na rebelasyon ay nagtungo si Reghie kasama ang kanyang ama at si Camellia — na kanyang tunay na ina pala — sa mas pribadong lugar para makapag-usap ng masinsinan — sa bahay ni Camellia. Isinalaysay ni Camellia ang lahat-lahat na nangyari noon. Nakumpirma nitong dalawang buwan na itong nagdadalang tao. Takot na takot ito, lalo na't wala ng sagot si Enrique sa mga telegrama nito. Apat na buwan na ang tiyan ni Camellia nang magpasyang tumigil ng pag-aaral bago pa man mapuna ng lahat ang paglaki ng tiyan nito.

Minsan ay nakikibalita si Camellia kay Almira tungkol kay Enrique. Binilin nito kay Almira na kung makakausap si Enrique kung maaari sanang patawagan siya kay Enrique dahil may mahalaga itong sasabihin. Binigyan ni Camellia si Almira ng numero kung saan siya puwedeng matawagan. Pero kahit isang tawag ay wala itong natanggap mula sa kasintahan. Ang kaibigang si Nathalia — Matthew's mother — ang tumulong dito na kasalukyang nakatira noon sa probinsiya. Matalik na magkaibigan ang dalawa. Si Camellia ay piniling mag-aral sa Maynila dahil ang kursong nais nito ay hindi available sa nag-iisang unibersidad sa probinsiyang kinalakhan nito. Matanda ng sampung taon si Nathalia kay Camellia at parang magkapatid kung magturingan ang dalawa.

Ang mga magulang ni Camellia ay parehong nasa Chicago at doon nagtatrabaho. Ang buong akala ng mga magulang nito ay nagsusunog ito ng kilay, pero lingid sa kaalaman ng mga magulang nito ay nagdadalang tao na si Camellia. Bumalik si Camellia sa probinsiya at ipinaalam nito sa tiyahin — na siyang guardian niya — ang kanyang kalagayan. Matinding sermon ang nakuha niya mula sa tiyahin. Ang tiyahin ni Camellia ang nagpasya na hindi nito maaaring ipaalam sa mga magulang ang kalagayan dahil baka ikamatay pa ng tatay niya sa oras na malaman iyon, o baka raw pilitin si Camellia na ipalaglag ang bata na lubhang ikinabahala ni Camellia lalo't alam nito kung gaano rin pinapahalagaan ng ama ang kanilang pangalan. Nagrenta ng isang maliit ngunit komportableng silid sa kalapit na bayan si Camellia ayon sa kagustuhan ng tiyahin nito. Kailangan daw itago ang pagbubuntis nito. Si Nathalia ang naging katuwang ni Camellia.

Ang tiyahin naman nito ay wala naman gaanong pakialam sa dalaga. Ang pakialam lang ng tiyahin ay ang pumapasok na pera sa tuwing anihan ng niyugan nila at isa marahil iyon sa dahilan kaya ayaw nitong ipaalam ang kalagayan niya sa kanyang magulang dahil paniguradong mawawalan ito ng kabuhayan. Regular itong tumatawag sa magulang para ipaalam na nasa maayos na kalagayan si Camellia hanggang sa manganak ito. Sinubukan rin ni Camellia na tawagan si Enrique pero hindi nito matiyempuhan kahit isang beses man lang ang katipan hanggang sa nagsawa na lang si Camellia at hanggang sumapit ang araw ng panganganak nito. Ang sama ng loob ni Camellia kay Enrique noon. Pakiramdam ni Camellia ay kinalimutan na talaga siya nito.

Until Camellia received a long distance call from her mother, informing her that her father was in the hospital due of sudden heart attack. Pinapupunta siya ng ina sa Chicago. Dalawang buwan pa lang mula nang manganak si Camellia. Nagpasya si Camellia na magtungo kay Enrique kahit masamang-masama ang loob nito sa utos ng sariling tiyahin. Dapat daw ay kay Enrique iwan ang bata pansamantala dahil hindi raw kakayanin ng tiyahin na alagaan ang anak nito, at hindi rin naman gusto ni Camellia na iwan sa tiyahin ang bata dahil alam nitong pabaya ang tiyahin. Mahilig magsugal at mismong sariling anak ay hindi kayang alagaan. Pero bigo si Camellia na makita si Enrique. Sakto naman na nadatnan nito si Almira sa bahay nila Enrique noon. Inalok ni Almira na iwan sa kanya ang bata at agad daw nitong ipapaalam kay Enrique ang kalagayan niya na pinaniwalaan naman ni Camellia.

Nagpasya si Camellia na ibigay ang bata kay Almira kahit napakabigat sa loob na gawin iyon. Wala itong mapagpilian. Nangako si Camellia na babalikan ang anak. Kailangan niya lang talagang iwan ang bata para puntahan ang amang nag-aagaw buhay. Hindi naman nito magawang isama ang bata dahil baka iyon pa ang maging dahilan ng maagang kamatayan ng ama. Hindi rin nito gustong iwan ang bata sa kung sino lang. Ang kaibigan naman nitong si Nathalia ay nakatakda na rin ang pag-migrate noon sa Chicago kasama ang pamilya kaya hindi niya rito maaaring iwan ang bata. Maselan din ang kalagayan ng kaibigan niya dahil sa sakit sa puso at iyon ang dahilan kung bakit ito tutungo ng Chicago para sa regular na pagpapagamot. At mas gusto rin ni Camellia na kay Enrique iwan ang mahal na anak. Alam ni Camellia na hindi pababayaan ni Enrique ang bata. Nag-iwan ng address ng tirahan sa Chicago si Camellia, maging telephone number kay Almira para ibigay kay Enrique. Pinilit ni Camellia'ng paniwalain ang sarili na abala lang masayado si Enrique kaya hindi siya nito magawang tawagan dahil iyon din ang ipinaniwala sa kanya ni Almira.

Pero isang malaking pagkakamali pala ang naging pasya nito. Isa pa lang napakasakit na balita ang sasalubong kay Camellia sa kanyang pagbabalik pagkatapos ng tatlong buwan. Dalawang buwang mahigit nanatili sa ospital ang ama ni Camelia at namatay din ito kalaonan at doon pa lang ito nakabalik ng Pilipinas. Ayon kay Almira ay hindi tinanggap ni Enrique ang bata, hindi raw ito naniniwalang sa kanya ang bata. At ang mas masakit ay ang mabalitaan nitong namatay ang sariling anak dahil sa typhoid fever. Ibinigay raw ni Enrique ang bata sa mag-asawang hindi magkaanak na hindi naman maalwan ang pamumuhay.

Inamin din ni Camellia kay Reghie at Enrique ang balak na paghihigante. Noon raw ay wala sa isip nito ang paghigantihan ang pamilya De Silva. Nagtungo ito sa Chicago at doon ipinagpatuloy ang buhay.

But nine years ago, everything had changed when Reghie came into Matthew's life. Nalaman ni Camellia ang tungkol sa relasyon ni Reghie at Matthew sa mismong ina ng binata. Doon ay muling bumalik ang pait ng nakaraan kay Camellia. The pain was all coming back to her. Nalaman nitong mahal na mahal ni Enrique si Reghie at itinuring na tunay na anak, samantalang ang sarili nitong anak ay hindi tinanggap na nauwi sa kamatayan ng walang muwang na sanggol. Muling nabuhay ang matinding galit sa puso ni camellia hanggang sa magdesisyon itong maghigante. Nang malaman nitong unti-unting nagiging matagumpay ang negosyo ni Enrique sa Pilipinas. Noon ito nagpasayang pabagsakin ito kapag nasa tugatog na ng tagumpay.

Hinawakan ni Camellia ang kamay ni Reghie. Magkatabi itong nakaupo sa mahabang sofa. Habang si Enrique ay nakaupo sa katapat na pang-isahang sofa.

"Patawarin mo ako kung nasira kayo ni Matthew dahil sa akin." Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito.

"Vivienne really likes Matthew ever since, and I like him too for Vivienne. Pero hindi ko hinahayang maghabol si Vivienne kay Matthew kahit gaano niya ito kagusto. Noong malaman ko ang tungkol sainyo ni Matthew, pinayagan ko si Vivienne na magtungo sa Pilipinas. Kinausap ko si Ate Nathalia at sinabing kailangan si Vivienne at Matthew ang magkatuluyan. 'Wag niyang hahayaan na kayong dalawa ang magkatulayan. Nadamay ka sa matinding galit ko sa magulang mo. And I also hate you because Enrique accepted you and loved you so much na hindi niya nagawa sa sarili naming anak." Marahang hinawakan ni Camellia ang mukha ni Reghie at marahang tinuyo ang pisngi gamit ang thumb-fingers nito.

"Patawarin mo ako! Hindi ko alam! Mapapatawad mo ba ako?" umiiyak nitong sabi. Hinawakan ni Reghie ang pulupulsuhan ng ginang.

"Hindi po ako galit. Pare-parehas lang naman tayong naging biktima."

"Matatanggap mo ba ako?"

"You are my mother," tangi lang niyang nasabi saka siya mahigpit na niyakap ng ginang.

Wala siyang nararamdamang ano mang galit para rito, bagkus ay parang may ligaya pa nga siyang naramdaman. Ang yakap ni Camellia ay may hatid na ligaya sa pagkatao niya. Parang pinuno nito ang malaking patlang sa kanyang pagkatao. Tinuldukan ang maraming katanungan kung bakit hindi niya maramdaman ang pagmamahal ni Almira. At higit sa lahat, sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang totoong pagmamahal ng isang ina para sa isang anak na hindi niya naranasan sa loob ng dalawampu't siyam na taon.

"Ganito pala ang yakap ng isang ina," aniya at lalong umagos ang masagang luha niya.

"Ang sarap-sarap."

"I'm sorry. I'm sorry. If was just brave enough to face the consequences, hindi sana kita iniwan. I'm so sorry."

"I forgive you... mommy." Kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya si Camellia. Nangingislap ang mata nito sa luha at sa kaligayahang dulot ng kanyang sinabi. Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi magawang maisatinig kaya niyakap na lang siya uli nito.

Pagkaraan ng ilang sandaling pagyayakapan ng mag-ina ay muli silang nagbitaw. Tumingin si Reghie sa kanyang ama. She reached out for his father to come to them. Tumayo si Enrique at lumapit sa mag-ina. Umupo ito sa tabi ni Reghie.

"You are my biological father, dad." Yumakap siya sa kanyang ama. She could feel the tender kiss on the top of her head.

"Yes baby, you're my real daughter. And I'm so happy to know that." Alam ni Reghie na masaya ang kanyang ama. Pero alam din niyang may parte sa puso nitong malungkot dahil sa katotohanang hindi nito tunay na anak si Amira. At sa panloloko ng kanyang ina at ng kanyang lolo.

Inilahad ni Reghie ang kamay para sa tunay na ina. Hinihiling na mayakap din ito. Atubili nitong inilapit ang sarili sa mag-ama saka marahang yumakap. Kung maaari lang sana niyang hilingin na mabuo ang kanyang pamilya ay ginawa na niya. Magiging selfish naman siya kung gagawin niya iyon. Paano ang nakagisnang niyang ina at si Amira? Pero alam niyang hindi na maibabalik ang dating relasyon ng kanyang nakagisnang magulang dahil sa mga nangyari. Galit na galit ang kanyang daddy sa kanyang lolo. Pero pasalamat pa rin si Reghie dahil hindi siya tuluyang inilayo ni Almira. Hindi man siya nito minahal bilang isang anak, alam niyang tinubuan pa rin ito nang konsensiya kaya mas pinili nitong kupkupin siya at ariin. Siguro doon ay dapat pa rin siyang magpasalamat dahil kahit paano ay inilapit siya nito sa tunay na ama.

NAPABUNTONG-HININGA si Reghie nang makita si Almira na nakaupo sa bar counter. She was drinking to death. Tinawagan siya ng kanyang daddy at pinakiusapan na kung maaaring hanapin ang kapatid. Buong araw raw itong hindi umuuwi. Masyado talaga itong naapektuhan sa mga nangyayari. Nalaman na rin ng kanyang ama ang tungkol sa pakikipagtagpo ni Almira kay Christopher sa isang hotel. Si Mr. Salcedo mismo ang nagssabi sa kanyang ama. Desido ang lalaking mabawi ang mag-ina nito. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng relasyon ng kanyang ama at ng kanyang kinamulatang ina. Pero sa nakikita niya ay parang wala ng patutunguhan pa. Parang hangin na lang kasi si Almira sa kanyang ama ngayon, hindi talaga ito pinapansin.

Lumapit siya sa kapatid. Hinawakan niya ang basong nakaumang na sa bibig nito. Salubong ang kilay na lumingon sa kanya si Amira. Kinuha niya ang baso mula kay Amira at inilapag sa counter.

"Ano bang ginagawa mo rito? Did you come here to mock me? Pagtatawanan mo ako ngayon!"

"Amira, halika na, umuwi na tayo. Kanina pa nag-aalala si dad sa 'yo." Sinubukan niya itong itayo pero ipiniksi lang nito ang braso mula sa pagkakahawak niya.

"Just go! Just leave me alone!" Umupo si Reghie sa stool na katabi nito.

"Amira please! I can't leave you here in this state. Kung nagkakaganyan ka dahil sa mga nalaman natin, please, Amira don't. Wala na tayong magagawa pa kaya tanggapin na lang natin ang mga nangyayari." Pinukol siya ng matalim na titig ni Amira.

"Nasasabi mo 'yan dahil sa ating dalawa ako ang nawalan at ikaw ang mas nanginabang! From the very beginning you are the harbinger of misfits and misfortunes into my life. It was always me who suck at everything and I should be more like how good can you be! You're bullshit Regina! I haven't done anything that I have wanted in my whole entire life because of you! Can't you see that?!!"

"Do you even understand and realize what the hell you are talking about Amira?! Between you and me, mom loved you and gave you everything! You were loved and cherished by mom while I wasn't," she countered on her sister

"'Yon ang akala mo! Oo nga't ibinigay ni mommy ang lahat sa 'kin. But she was never be proud of me. She kept on telling me to beat you. She always kept on reminding me that you are better than me. Ipinadala niya ako sa States para doon mag-aral para lang mas gumaling ako kaysa sa 'yo kahit hindi ko gusto!" himutok ni Amira. Napipililan siya sinabi ng kapatid.

"Pinupuri ako ni mommy sa tuwing uuwi tayo ng bahay dala ang class card natin kahit mas mataas ang grades mo. Pero kapag kaming dalawa na lang. Bakit mas mataas ang grades ni Regina kaysa sa 'yo!? Bakit hindi mo siya magawang maungusan?! Paano sa 'yo maipapamana ang buong kompanya balang araw kung ngayon pa lang hindi mo magawang mag-stand-out!" tuloy-tuloy nitong sabi saka inisang lagok ang alak.

Hindi niya akalain na may ganitong pinagdadaanan ang kapatid niya. Siguro dahil alam ng kanilang ina na siya ang tunay na De Silva at hindi si Amira kaya pinilipit nitong talunin siya ni Amira sa lahat ng bagay. Inggit na inggit siya kay Amira mula pa ng bata sila dahil ang boung atensiyon ng kanyang mommy ay nasa kapatid. Tinutulungan sa paggawa ng assignment at school projects, samantalang siya ay laging iniisantabi lang. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat kung bakit gan'on. At naawa siya ngayon kay Amira. Larawan ito ng isang babaeng may perpektong pamumuhay pero may matindi rin pala itong pinagdadaanan.

"Tapos ngayon. Ikaw pala ang tunay na De Silva at hindi ako!"

Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Amira.

"I'm sorry to hear that, Amira. Magkapatid pa rin naman tayo, anak ka pa rin ni dad, De Silva ka pa rin. Bakit hindi tayo magkasundo at magtulungan?" Marahas nitong pinunas ang luha sa pisngi.

"Hindi ako De Silva! Gusto nang hiwalayan ni dad si mommy! Malamang dahil 'yon sa 'yo at sa tunay mong ina! Saan ako pupulutin ngayon? Kami ni mommy?" Punong-puno ng sakit at pagkasuklam ang boses ni Amira. Muli niyang ginagap ang kamay ni Amira.

"You are still a De Silva. Mahal ka namin ni dad, kaya nga ako nandito ngayon para sa 'yo. Amira let's give each other chance. Magsimula tayo bilang magkapatid na may maayos na relasyon. Let's forget all the bad things happened between us." Bigla na lang itong napabulalas ng iyak.

"This is a karma for being such an evil sister to you!"

Tumayo siya at niyakap si Amira. Kahit naging masama si Amira sa kanya noon ay totoong mahal naman niya ito. Totoong nagmamalasakit siya at totoong gustong-gusto niyang maging maayos ang relasyon nila bilang magkapatid. Pinangarap niya rin namang minsan na maging close sila ni Amira. Magsasabihan ng sekreto sa isa't isa at mag-share ng tungkol sa mga crushes. Now, she was hoping it would be the start for them to have a good relationship being sisters.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
5.2M 111K 39
Betrayal, complicated love affair, love square... Paano kung ang mga taong involve sa love square na yan ay ang sariling mong tatay na mahal na maha...
1.4M 35K 31
Paano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hin...
445K 1.1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.