My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 19 - Getting Along

76.9K 2.4K 1.1K
By NerdyIrel


Chapter 19 – Getting Along


Two weeks after that night, hindi pa rin talaga mawala sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Jiro.


Nababaliw siya sakin as in inlove na siya?

Ay bongga ah. Ako crush lang, siya love agad hahaha.


Wala akong lakas ng loob tanungin siya kung ano ba ang ibig sabihin niya doon which is why until now, I'm still confused.


"Hindi. Dapat 54 sagot diyan" Malumanay na pagsita ni Jiro sa ginagawa ko.


Andito kami ngayon sa canteen at kasabay ng pagkain ng lunch ay ang paggawa ko ng assignment. Nakalimutan ko kasing gumawa kahapon at ayaw naman akong pakopyahin ni Gigi kaya ito ako ngayon, multi-tasking.

Oo, medyo may pagka-madamot siya. Nasanay na lang ako kaya di na kami nagaaway.


"Pano naging 54? Eh dapat 67 yan. Di'ba ia-add ito tsaka ito"

Naiirita na talaga ako sa costing na ito. Lagi na lang ako nalilito.


"Ayan nga formula oh. Amin na"

Kinuha niya yung pad paper ko at inexplain sa akin maiigi yung computation.


Nilingon ko saglit sila Gigi. Nagkakasayahan sila nila Zach sa snapchat at di nila kami pinapansin.

Sanay na kasi sila sa amin ni Jiro.


After being so cold to me dahil siguro sa date namin ni Nixon, basta ewan ko ba kung anong kinagalit niya noon, he apologized. Sabi niya bad mood lang siya nun kaya pati ako di niya daw pinansin.

Of course, I didn't believed him. Bakit ako lang di niya kinausap pero sila Ika, okay sa kanya.

I let go of the issue na lang para wala ng problema.


Tapos ayun, ewan ko ba kung anong ihip ng hangin ang nangyari at naging close pa kami lalo ni Kuya Biceps.


I KNOW! KILIG RIGHT?

(^////////^)


Lagi siyang nagtetext at nagchachat sakin. 

Kung ano ano lang ang mga pinaguusapan namin. 

Nakakapagtaka nga dahil di kami nauubusan ng mga pagkukwentuhan.


"Gets?" Tanong niya.


"Bakit mo alam yan at ako hindi? HRM students dapat marunong diyan eh" Natatawang tanong ko.


He laughed as well. "May subject din kasi kaming luto diba. Di ka kasi nakikinig sa prof mo. Yan tuloy"


Ginulo niya pa ang buhok ko kaya palaro ko siyang sinapak sa braso.


Pano po kaya ako makakapag-concentrate sa mga lecture kung text ka ng text?


Sumubo muna ako ng kanin at ulam bago ko sinagutan yung next question. Sakto bago mag-ring yung bell, natapos na ako.


"Salamat jiro. Ang talino mo talaga" Tumayo na kaming lahat at lumabas na ng canteen.

"Wala yun. Ay nakakuha na kayo ng permit?"


"Di pa" Sabay-sabay na sagot nilang lahat kaya nagtawanan kami. Parang pinractice namin sa tono ng mga boses namin.


"Tara kuha tayo mamayang hapon. Maaga naman kami matatapos dahil wala daw yung last subject prof namin" Enzo said.


Madalas di na kami nakakapaghang-out dahil busy kaming lahat sa studies. Tsaka sila Enzo kasi, may training lagi ng basketball. Sumali sila sa varsity ng school out of fun.


"Babe wait niyo na lang kami sa lobby mamaya ah" Enzo kissed Ika in the forehead.

Sila Gigi at Jax naman nagyakapan pa.


(-____-)

Parang mawawala mga syota nila eh.

 Magkikita-kita rin naman mamayang hapon.


HAY NAKO.

WALANG FOREVER.

Charrr hahahaha.


Si Ian at Eli nagtatawanan. Si Zach kasi nilalait yung classmate naming baduy.


"Ahhh kenzie, may lakad ka ba mamaya?" Pabulong na tanong ni Jiro sakin para siguro di marinig ng mga kaibigan.


"Wala naman. Bakit?"


"Di'ba niyaya kita nung nasa Baguio pa tayo? Kaso parehas tayong naging busy. Naisip ko friday naman ngayon. Baka pwedeng lumabas tayo...?"


S h u t e k !!!!

Ito na ba yung date na matagal ko ng hinihintay?!

ASUWJBSKQKGZJ!


"Sure" Pa-cool na sagot ko kahit sobrang kinikilig na ko.

"Great" We both smiled at each other.


Yung ngiti niya abot hanggang mata.

Yung akin ngiting sarado ngipin. Baka magbago kasi isip niya pag nakita niya ang medyo yellow teeth ko. LOL.


"Ehem"

Napatingin kami sa tropa ng bigla silang nagfake laugh. Yung mga mukha nila halatang nagpipigil ng tawa.

Hay nako po. Mangaasar na naman sila!


"Sige kitakits later"

Hinila ko na si Gigi papasok ng classroom. Sila ika at eli sumunod din agad.


"Kenzie ang swerte mo talaga. Lagi mong kasama si Jiro"

"Crush na crush ko yun eh. Gwapo!"

"Close kayo noh? Buti ka pa!"

"Nililigawan ka na ba niya?"


I immediately blushed.


"Luh hindi" Sagot ko.

"Eh ano na bang status niyo?"

"It's constipated"


Nagtawanan yung mga kaklase ko sa joke ko.

Pag sinabi kong complicated for sure magtatanong pa sila lalo.


Si Eli na lang ang kinulit nila. Napapansin na kasi nila ang pagiging malapit nila ni Ian. Laging magkausap eh.


"Alam na ba ng papa ni Jax na kayo na?" I asked my bestfriend. 


Lately di na kami masyadong nakakapagusap. 

Tuwing uwian kasi, sila ni Jax ang magkasama. Diretso bahay tuloy ako.


Sometimes nagseselos na nga ako.

I told her this pero tinatawanan niya lang ako.


"Nope pero sabi ni Jackson feeling niya nakakahalata na ang papa niya. Kinakabahan nga ako eh. One of these days, for sure kakausapin na naman ako ni Tito"


"Anong gagawin mo pag sinabi na naman niyang layuan mo anak niya?"

"Hindi ako susunod. Mahal ko si jax at nagtitiwala ako sa kanya na kaya niyang ayusin ito. He promised me he'll do everything to convince his dad"


"Kakaloka talaga nang love story niyo. Rich kids problem" Biro ko para maglighten up yung mood niya.


Inakbayan na lang ako ni Gigi at pinisil ang pisngi ko. May nag-'awww' pa nga kaming narinig. Mga natutuwa sa sweetness namin ng bestfriend ko.


Dismissal.


"SHET KENZIE MAY NAPNAP KA?" Sigaw ni Eli nung nasa CR kami.

Napnap as in Napkin.


"Ha? Bakit? Nadatnan ka?" Gulat na tanong ko habang naghahanap ng extra napkin sa bag ko.

"Oo! Peste!" Sigaw niya ulit. Nasa loob siya ng cubicle ngayon.


"Wait. Bibili lang ako diyan sa labas. Dito ka lang. Wala akong dala eh"

"Sige sige please. Bayaran na lang kita mamaya"


Lumabas ako ng CR namin. Nandun kasi yung machine na hinuhulugan ng tag-5 pesos. Di ko alam kung anong tawag dun at mas lalong di ko maintindihan kung bakit nasa labas yun.


"Kenzie" Rinig kong bati ng isang lalake.


Lumingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko.

Si Nixon.


Jusko naman! Makikita pa ko nitong bibili ng napkin...

Sabagay what's wrong with that? Normal naman na necessity ng mga babae yun.


"Uy" Bati ko inihulog yung 5 piso para malaglag yung isang napkin don.


"Owww" Gulat na sabi niya paglapit niya.

"Yeah. Wait lang ah"


Tumakbo na ko pabalik sa loob. "Eli, ito na"

Nilusot niya yung kamay niya sa baba at iniabot ko naman yung napnap.


"Thankssss"

Naghintay ako ng mga dalawang minuto bago siya lumabas.


"Hay!!! Kaloka, kung kelan naman uwian na"

"Tara na daw, nagtext si Gigi. Nasa lobby na rin sila Jax"

Naghiwa-hiwalay kasi kami. Si Eli isinama ako sa CR while Ika and Gigi went to the lobby to wait for the boys.


"Okay"


Lumabas na kami at halos mapa-face palm ako nung nakita ko si Nixon.

Oo nga pala! Hala! Pinaghintay ko pa siya!


"Buti wala kang..." Ngingiti-ngiting sabi ni Nixon.

"Walang ano?"

"Ano bang tawag don...tagos. Yon"


Tignan mo 'to. Napaka-mapangasar.

Si Eli napahalakhak tuloy.


Naging close na rin kami ni Nixon lalo na nung umalis na yung mga dad namin.

Hindi lang siya kundi pati na rin si Ate Nina. Nilibre nga nila kami ni Ally last friday ng merienda sa serenitea. 


"Leche ka" Tinulak ko nga siya palayo. Tumawa naman siya. "Hindi ako yung may period. Itong si Adeline"

Kumaway pa si Eli, proud na proud ang gaga.


"Sorry hahaha uwi na kayo?"

"Ah oo eh. Bye" Hinila ako bigla ni Adeline palayo. 


Nilingon ko na lang si Nixon at kumaway.


"Huy anong oo? Di'ba kukuha pa tayo ng permit?" Tanong ko sa kanya.

"Yup. I just don't want him to go with us. Kayo ni Jiro ang bet ko kaya lahat gagawin ko para di maka-damoves yang si Nixon sayo"


I rolled my eyes. "Loka-loka ka talaga"

"Say whatever you wanna say basta Team KenRo ako. Ayoko sa KenZon"

"Dami mong alam...Kamusta na nga pala kayo ni Ian? Ano? May progress na ba?"


Mas mabilis pa sa alas-kwartro nagbago ang expression sa mukha niya.

From happy to sad real quick.


"Kaibigan lang yata talaga ang tingin niya sakin eh..."

"Paano mo naman nasabi eh lagi nga kayong naguusap?"

"He doesn't flirt at me or look at me the way Jax does to Gigi or Enzo to Maika!"

"Malay mo naman..."

"Tingin mo ba dapat magmove on na ko?"


Move on eh di naman naging kayo! HAHAHA. 

No. I get the point. 


"Eli, ikaw lang makakasagot niyan..."


Nagpout siya at ngumiti na lang ulit ng makita ang mga kaibigan namin.

What an actress. Akala mo walang problema eh.


"Tagal niyo" Pagrereklamo ni Zach.


"Sorry. Ito kasing si Kenzie, kinausap pa si Nixon" Iba yung tono ng boses ni Adeline. Talagang tumabi pa siya kay Jiro na parang nangaasar siya.


Si Kuya Biceps tumingin sa akin ng hindi nangiti.

"Tara na. Baka magsara na yung admission office. Hanggang 5 pm lang yun"


Nauna na si Jiro kaya nanlaki ang mga mata ko.


"Huy" Hinabol ko siya upang makasabay ako sa kanya.

"Oh?" Di man lang ako tinitignan. Tsss.


"Perfect ako sa assignment ko kanina. Thank you talaga"

Tumango lang siya at pinagbuksan na ako ng pinto.


I frowned at that.

Moody naman neto.


Pumila kami sa loob. Nung nakuha ko na yung permit ko, umupo ako sa gilid upang hintayin sila. Si Ika nakikipagtalo pa dun sa babae. Wala kasi yung permit niya kahit na may dala siyang registration form at resibo na full payment na yung tuition fee niya.


Nahagip ni Jiro ang pansin ko ng tumabi siya sa akin.

Di niya pa rin ako tinitignan.


"Bakit badtrip ka yata?" Tanong ko sa kanya.

"Wala..."

"Talaga ba? Halatang iritable ka eh"


He looked at me straight in the eyes and I swear, for a moment, my heart stopped beating.

Ang intense ng pagkakatitig niya sa akin...


"Paano ko ba pipigilang wag maramdaman 'to?" Tanong niya.


*gulp*

"Maramdaman ang alin?"


"GUYS!" Biglang sigaw ni Enzo kaya napatingin kami doon. "Okay na. Nakuha na ni Ika"


Tumayo na kami ni Jiro at ganun na rin sila Zach, Jax, Gigi, Ian at Eli.

I was silently walking beside my crush. Di ko siya matignan dahil ramdam ko ang mga titig niya sa akin.


Ano kaya yung gusto niyang sabihin?


"Bye!" Bati ko sa kanila bago ako naglakad palabas ng gate.


Nakakapanibago lang.

After 2 weeks, magkasama ulit kami ni Kuya Biceps ngayong uwian.


"San tayo?" I asked him.

"District na lang" Pumara siya ng jeep at ngingiti-ngiti naman akong sumakay kasama siya.


Bakit kaya hindi SM? Eh mas madaming kainan don?


Magsasalita na sana ako ng biglang may sumakay na isang batalyong mga studyante galing sa kabilang school. I think they're highschool students.

Napausog tuloy ako upang makaupo silang lahat.


Mygulay. Ano ba!

Amoy na amoy ko na naman ang katawan niyang pagkabango-bango!!!


Yung mga braso namin, dikit na dikit. 

Whooh. Biceps. Whooh. 

My weakness!


"Okay ka lang? Baka sobrang nasisikipan ka na" He asked me.


^///////////^

Enebe.


"I'm fine"


Habang naglalakad kami sa district mall, napansin kong iilan lang ang mga taong pumupunta dito.


Napaisip tuloy ako.

Hindi kaya dito niya ko dinala ay para walang makakita sa aming kakilala namin?


Tsk. Kenzie ano ba!

Ayan ka na naman!


Bakit nung lumabas kayo ni Nixon, di ka naman worried?

Bakit ngayon kung ano-anong naiisip mo!

Stop being so paranoid and just enjoy your time with him.


Dream come true na yan oh!

Yung yayain ka ng crush mong lumabas na kayong dalawa lang.


"Burger?" Maiksing tanong niya.

"Sure"


Nagorder kami ng dalawang burger with drinks tapos umupo kami sa labas. May mga upuan kasi don sa tapat ng fountains. Mahangin pa kaya tinatambayan talaga ng halos lahat ng nandito.


"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya habang nainom siya ng iced tea.

"Tinatanggal ko yung tomatoes, pickles at onions. Di ako nakain neto eh"

"Ayos yan ah"


Nilagay ko sa paper bag yung mga yun bago ako kumagat sa burger ko.


"Hmmm sarap" Masayang sabi ko.

He laughed softly. "Mas masarap tong inorder ko. Tikman mo"


Inilahad niya yung hawak niyang burger.


SHET.

EHEM. Indirect kiss. EHEM.


Kumagat ako don at sumangayon sa kanya.

Kahit ang totoo naman, medyo di ko type yung lasa ng kanya.


"Ito rin masarap" Tinikman niya yung akin at nag-nod.

"Mas masarap yung iyo" He said.

"Parehas lang" Sabi ko na lang.


Habang nakain, usap kami ng usap.

Tungkol sa families namin, sa mga random stuff sa school, sa presidenteng iboboto namin kahit nga yung mga larong kalye, natalakay pa namin. 


Nagtalo kami nung pinagpipilitan niyang mas malaki ang bag ni dora kesa sa bulsa ni doraemon. 

Tawanan kami ng tawanan ng mgarealize naming para kaming baliw. May mga iilang tao na napapatingin samin pero hindi naman kami pinapansin.


Sa kalagitnaan ng pagkukwento niyang may kasamang hand gestures, narealize kong hindi na lang pala ako sa mukha at katawan niya nagkakagusto. Pati na sa ugali niya.


He's not a very funny person pero may sense of humor siya at medyo makulit din minsan.

He is also smart and a very insightful person.


Sana someday, maging tayo.

Sana maranasan kong mahalin mo ako.


"Kenz, nakikinig ka ba?" Nakangising tanong niya.

"Oo naman. Tapos? Ano na nangyari?" Pagkukunwari ko at pinagpatuloy niya na yung kwento niya.


7 pm na nung nag-vibrate phone ko. Chineck ko yun at nakitang nagtext si Allyson.


From: Ally Baby

7:03 pm.

Where are you? Tumawag si Tita chine-check kung nakauwi ka na ba daw.

I told her yes and that you're just sleeping.

Nasan ka na ba ate? Please reply.


Hala! Hindi ko nga pala siya nasabihan.


"Wait lang ah" I told Jiro. 


Tinext ko muna siya at sinabing uuwi na rin ako ng mga 9 pm. 

11 pm pa naman uuwi si Mama kaya may oras pa ko.


"Si Nixon ba yan?" Tanong niya. I raised my head and blankly stared at him.

"Bat mo naman naisip na siya yung katext ko?"

"Hindi ba?"

"Di naman mahilig magtext yun. More on calls" I told him.


Di siya nagsalita. Tumahimik lang siya at tumingin sa mga tao.

May nasabi na naman ba kong masama?


"Bakit tuwing nababanggit si Nixon, nawawala ka sa mood? Do you hate him that much?" Matapang na tanong ko.


"I told you. Naiinis ako pag nilalapitan ka niya o kinakausap..." Di niya pa rin ako tinitignan.


"Bakit nga?"

"Ayoko lang"


Ano ba namang sagot yun.


"Bakit ayaw mo?"


"Kasi gusto ko akin ka" 

Bulong niya.


O_O


O_____O


O//////////////////O


Tama ba yung rinig ko?

Inaangkin niya ba ko?!


"Ano yun?" Tanong ko ulit para makasigurado. Baka mamaya nagha-hallucinate na pala ako...


He licked his lower lip.


Punyaterang crush 'to.

Nanghihina ako sayo!!!!


Umiling na lang siya at nagyayang kumain na ng dinner.

Nafufrustrate ako but at the same time, natatakot na baka makulitan siya kung tatanungin ko pa siya.


Gusto niya sa kanya ako?


MY GHAD JIRO. IYONG-IYO NA KO!

Mula anit kong may balakubak hanggang sa dulo ng kuko ko sa paa na hindi ko pa nalilinisan.


Steak yung kinain naming dalawa. Siya na pinagorder ko dahil ayaw gumana ng utak ko ngayon.

Feeling ko nga di rin ako makakakain kasi punong-puno na ng butterflies yung tiyan ko.


"AH!" Sigaw ko sa gulat. 

"Bakit?!" Nagaalalang tanong ni Jiro. Tumayo pa siya at nilapitan ako to check if I'm okay. 


Yung mga waiters at waitress pinagtitinginan na rin ako.

"May dugo pa" Sabay turo sa steak.

"Pfft hahahaha" Di napigilan ni Jiro hindi matawa. "That's because it's rare cooked"


Natawa rin ako sa sarili ko nung nagets ko yung sinabi niya. 

Bumalik na siya sa upuan niya ng nahalakhak sa tuwa.


Tinititigan ko siya habang natawa siya.

Mukha naman siyang masaya...


"Okay ka na?" I asked.

"Ha? Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"No. I meant with Stacy"


Nagbago yung itsura ng mukha niya.


WAIT. BAKIT KO TINANONG YUN!

WE SHOULDN'T BE TALKING ABOUT HIS EX-GIRLFRIEND ON OUR DATE!


Nabasa ko yun sa internet! Mali daw yun!

Baka maturn-off siya sakin! Wahhh!

Ang shunga mo talaga kenzie!


Sumandal siya sa upuan niya at tumingin lang sa kamay niya. 

"Hindi ko na siya iniisip...Hindi na ko nasasaktan tuwing naaalala ko yung mga magagandang nangyari samin. Hindi na ko affected kahit na nakikita ko sa timeline ko ang ilang pictures niya with my friends at mas lalong hindi ako nanghihinayang" He looked up and stared at me. "So I guess I moved on already"


"Good. I'm happy for you"


Gusto kong magwala sa saya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Ayokong maging obvious na gusto ko siya.


"Kenz" Pagkatapos naming kumain, bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nasa table. Nagfreeze yata ako dahil titig na titig lang ako sa kanya. "Masaya ako dahil pumayag kang sumama sakin. Tonight was fun and I'm really hoping we could do this again"


Napapamura na lang yung malalanding cells ko sa mga narinig ko ngayon.

I can't believe this.


"Me too, Jiro. I love hanging out with you" Sagot ko.


He squeezed my hand before he let go. Nagbayad na siya ng bill namin.


"Teka, magshe-share ako. Mahal yata dito" Binuksan ko agad yung bag ko para hanapin ang wallet ko.


Kanina pa siya bayad ng bayad. Nakakahiya na.


"It's on me"

"Pero---"

"Kulit oh" Tatawa-tawang sabi niya.


Wala akong nagawa kundi hayaan siyang magbayad. Lumabas na kami ng resto at naglakad na ulit.

 Hinatid niya ko hanggang sa bahay. Nagpumilit akong wag na pero gusto niya daw kasing makasiguradong makakauwi ako ng maayos.


"Thank you ah. Nag-enjoy talaga ako" Namumulang sabi ko.


"Ako rin" Humakbang siya palapit sa akin kaya medyo nanlaki ang mga mata ko. "Teka, may dumi"


May tinanggal siya sa buhok ko tapos pinakita niya sakin.

"Ah. Kanin pala" He said.


>_____<

SAMPALIN NIYO NGA KO! 

ISANG BESES LANG, AYOKONG MA-DEFORM FACE KO.


KAKAIN NA LANG AKO, PATI BUHOK KO DINADAMAY KO PA!


"He he" Tumawa na lang ako kahit na hiyang-hiya na ko.


"See you on Monday..."


Ako lang ba yun o ang lambing lambing ng boses niya?

Wala na. Hulog na hulog na talaga ako sa kanya ng dahil sa gabing ito.


"Yeah, see you Kuya Biceps. Ingat ka..."

"Kuya Biceps?"


O___O


Fudge.


Lagot...


He smirked and waited for me to answer his question.

Parang may idea na siya kung ano yung sinasabi ko.


Damn Kenzie Rose. Ang epic fail mo talaga kahit kailan.


---------------------------------------------


Buking hahahaha


Continue Reading

You'll Also Like

12.7M 20.6K 1
Tamad. Feeling gangster. War freak. Kontento na si Pierce Useda sa magulong takbo ng buhay niya. Bigla lang itong nagbago nang magkrus ang landas nil...
32.7M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
3.4M 171K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...