My Only Mistake (My Only Seri...

NerdyIrel द्वारा

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... अधिक

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 18 - Friendly Date

85.8K 2.5K 1K
NerdyIrel द्वारा


Long update since I haven't updated this story for a few days now. Busy with my thesis, sorry! 

Btw, I'm His Tutor book is now officially back here on wattpad. But I will really appreciate it if you guys still grab your own copy of the published book. Thanks ya'll love much xoxo

--------------------------------------


Chapter 18 - Friendly Date


Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagtawa ni Ally. Tingin ko may pinaguusapan sila ni Mama at mukhang nakalimutan yata nilang tulog pa ko kaya todo sila kung makapagingay.

Sinubukan ko pang matulog ulit ngunit alam ko sa sarili kong ilang segundo na lang ay gigising na ako.


I groaned and threw a pillow directly on allyson's face.

Nanlaki ang mata niya sa gulat.


"What was that for?!"


"Leche ang ingay mo"

Tumawa siya at ibinato pabalik ang unan ko.


"Sorry. Nagmamadali kasi kami ni mama maghanap ng barya. May nagbebenta ng taho sa labas hahaha"


Bumaba na siya.


Matic na kinapa ko yung gilid ko upang kunin yung phone ko.

TEKA ASAN NA YUN!


Umupo agad ako at hinagis yung mga unan paalis pati na rin yung kumot ko.


*blag*


"There you are!" Sigaw ko.


Nalaglag ko sa kama yung phone ko. Buti na lang naka-carpet dito kaya di nasira. Tumama nga lang sa table ng kaunti kaya tumunog.


Ibinalik ko sa kama yung mga unan at kumot ko bago ako umupo ulit at hininaan yung aircon.


Chineck ko agad yung mga messages ko.


From: Eli

8:15 am

Sakit pa rin ng katawan ko sa byahe.

Kayo ba?


Ah. Nag-GM ang loka.

Di na lang ako nagreply dahil tinatamad ako.


Humiga ako at isa-isa binasa yung mga text nila Ika at Gigi.


"OHMYGOSH" Agad na pagpapanic ko ng makita ang pangalan ni Jiro.

NAGTEXT SIYA!


From: Jiro

7:41 am

Good morning :)

Gising ka na?


NAUNA SIYA MAGTEXT SA MGA KAIBIGAN KO KAYA NATABUNAN YUNG MESSAGE NIYA PERO SHET.

Wait lang. Whooh. Hinga Kenzie. You need to breathe!


To: Jiro

9:03 am

Slr. Kakagising ko lang hehe


TEKA MASYADO BANG MAIKLI YUNG NIREPLY KO? BAKA HINDI SUMAGOT TOH! HALA!


From: Jiro

9:03 am

Okay lang, nakatulog din ulit ako haha

Kain ka pong breakfast :)))


Kinuha ko yung isang unan ko at tinakip sa mukha ko. Sumigaw ako ng pagkalakas lakas para mailabas yung kilig na nararamdaman ko!


"Huy ate, para kang baliw diyan"

I glared at Ally. "Binilhan mo ko?" Tanong ko nung nakita kong may taho siyang hawak.

"Yup. Nasa baba"

"Ah sige wait"


To: Jiro

9:05 am

Sige, ikaw din po :)


Tumayo na ako at nagpusod ng buhok. Naghilamos muna ako bago ako bumaba at kumain na ng breakfast. Surprisingly, mukhang good mood si Mother dahil nagluto siya.


"Kamusta ang baguio trip mo, nak?" She asked me.

"Masaya, Ma. Sobrang saya"


Tapos ayun, kinwento ko sa kanya yung mga pinuntahan at ginawa namin. Ni-leave ko na lang yung parte kung saan naginuman kami at nakatabi ko yung crush ko. That would be awkward to tell her at alam kong magagalit siya.


"Nakita ko nga yung pictures niyo. Inupload ni Gigi"


O____O

Lokang yun. Baka mamaya, may inupload siyang pic namin ni Jiro nung nasa burnham park kami. Lagot ako!!!


"Ay di ko pa po nakikita. Maga-upload pa lang po ako mamaya hehe"


Natulog kasi ako agad paguwi kagabi.


Sila Gigi, mga ataters yung mga yun.

Di makakatulog hangga't di nakakapagupload.


"Sino yung lalakeng nakaakbay sayo? Nanliligaw?"

Muntikan na kong mabulunan sa sinabi ni Mama.


I guess walang inupload si Gigi na kaming dalawa lang PERO DI NIYA SIGURO NAPANSIN YUNG PICTURE NA YUN KAYA NAPASAMA. Patay!!!

Yan ang mahirap eh. Pati kaibigan ko, friends ni Mama sa facebook.


"Ha? Hindi po. Tropa lang po mama"

"Ahh. Masyado naman yata kayong close" She mumbled.

Di ko siya tinitignan. Patuloy pa rin ako sa pagkain ko ng kanin.


"Kaibigan ko lang po siya, Mama" I assured her.


Totoo naman kasi. Me and Jiro are just friends. Wala siyang gusto sakin. One sided crush lang itong meron samin. Huhu too sad.


"Good. Ayoko pang magboyfriend ka. You're too young. Aral muna"

I nodded at her.


After magbreakfast, ako syempre ang pinaghugas ng plato.

Dumakdak pa si Mama kaya napilitan akong maglaba na ng mga damit namin para naman maka-good shot.

Kahit pagod galing Baguio kahapon, still pinilit ko ang sarili kong makapaglaba.


Tanghali na nung natapos ako. Dumiretso agad ako sa kwarto upang maligo.

Kinuha ko yung phone ko at pagpasok ng CR, napansin kong may text ulit galing kay Jiro.


From: Jiro

12:38 pm.

Busy? Di na ulit nagtext oh :(


Hala. Di ko naman alam na nage-expect pala siyang magtetext pa ako.


To: Jiro

12:38 pm

Sorry. Naglaba kasi ako hahaha.

Ikaw? Anong ginagawa mo?


Umupo muna ako sa bathtub since wala pa namang tubig yun.

Nakakangalay din kasing nakatayo.


From: Jiro

12:39 pm

Sipag ah :D

Xbox lang. Pampalipas oras :)

Gusto mo punta ka dito. 

Wala si Japs, wala akong kalaro :(


MACARONI WITH CHEESEBALLS!

Niyaya niya ba talaga ako makipag-hang out sa kanya?!

SHET JIRO CRUSH MO YATA AKO EH!!!!


"Katakot ka kupido. Narinig mo ba ko kagabi kaya sinunod mo ang request ko?"


To: Jiro

12:40 pm

As much as I want to, di naman ako papayagan ni Mama :(

Mamimili din kasi kami ng groceries mamaya tas magsisimba.


From: Jiro

12:41 pm

Ganun? Sige next time na lang :)


To: Jiro

12:41 pm

Sige :))))

Ligo lang ako, brb.


Nagpatugtog ako habang naliligo kaya ayun, tumagal ako ng di oras.

Nagsasasayaw pa kasi ako.

Natapos lang ako nung di ko na bet yung kanta.


"Have you seen my choker?" Tanong ni Ally na kanina pa paikot-ikot sa kwarto ko.

"Nope. San mo ba nilagay?"

"Andito lang yun eh"


Nagkibit balikat na lang ako habang tumitingin ng mga pwedeng isuot ngayong araw.


"AYUN! Nasa bag ko pala!!!"

"Mata kasi ginagamit panghanap, hindi bibig"

"You're like your mom" Tatawa-tawang sabi niya.


Nagdecide akong pants, shirt at converse na lang ang isuot dahil wala ako sa mood magayos ngayon. Samantalang si Ally, todo porma. Naka-black off shoulder siya at skater skirt.


Habang nasa loob kami ng sasakyan, nagtext ulit si Jiro.


From: Jiro

3:40 pm

Pa-add sa facebook :)


To: Jiro

3:40 pm

Oo nga pala! Sige mamaya paguwi haha sorry :D


From: Jiro

3:41 pm

De, ganyan ka naman sakin :'(


Ang cute. Parang bata neto!!!


To: Jiro

3:42 pm

Nyahahaha. Di ka magsisimba?


From: Jiro

3:42 pm

Mamaya pa kaming gabi :)


To: Jiro

3:43 pm

Ow. Okay haha.


Ang boring ko talaga kausap. Huhuhu.


From: Jiro

3:43 pm

Suot mo yung bigay kong bracelet?


Napangiti ako bigla sa text niya. Tinignan ko si Mama, buti busy pa siya sa sinasabi niya kay Ally.

Ayokong mapansin niyang ngumingisi ako dito na parang shunga.


"Ayoko niyang mga youtube video mo, Ally. Baka magka-haters ka lang diyan. Nasabi mo na ba yan sa mama mo? Dapat di ka gumagawa ng mga padalos dalos na desisyon. Lalo na ngayon sa panahon niyo, uso ang cyber bullying"


To: Jiro

3:44 pm

Of course. Thank you ulit :)))


From: Jiro

3:44 pm

See you tom, Kenz :)


Di na ko nagreply kasi di ko na talaga kinaya.

Baka I LOVE YOU-hin ko 'to bigla!


Lumingon na lang ako sa bintana ng kotse at ngumiti.

Ang hirap magtago ng feelings!


"Sino yung katext mo?" Tanong ni mama.

"Ah si Gigi po. Tinatanong ko kung magsisimba po ba siya" Pagsisinungaling ko.


Mygulay. Kailangan ko na nga yatang magdasal dahil dumadami na nagiging kasalanan ko kay Mother Dear.



Monday.


Busy kami sa pagka-copy ng notes ng may mapansin akong gumagalaw sa likurang pintuan ng classroom namin. Tinignan ko yun at nanlaki ang mata ng makitang nakadungaw si Nixon. Nakangiti siya at sinesenyasan ako upang lumabas.


Tumingin muna ulit ako sa prof namin na nakatalikod bago ko pinandilatan si Nixon.

Ano bang trip neto sa buhay?!


Sinenyasan niya ulit ako kaya napapatingin na ang ilan sa mga kaklase namin.

Mygosh! Masungit pa naman itong professor namin. Pag nakita siya niyan, for sure, guidance ang bagsak niya.


"Uhmmm sir" Agad kong sabi.

"Yes Ms. Vasquez?"

"Can I go out?"

Sumimangot siya. "You're not an elementary student anymore. Hindi mo na kailangang magpaalam tuwing pupunta ka sa CR"

Tumalikod na ulit siya at nagsulat.


Napakamot na lang ako sa ulo. 


Iba-ibang klase talaga ang mga college professors. 

May mga mahihigpit na tipong iginalaw mo lang ang ulo mo, sasabihin niya agad na nangongopya ka. 

Meron din yung mga nagagalit sa ingay maski kaunting tunog ng ballpen di pinapalagpas. 

At meron yung mga katulad ni sir na walang pakielam sa mga studyante. Basta magtuturo siya at kung ayaw mo pumasok sa klase niya, bahala ka sa buhay mo.


Tumayo na ko at lumabas. Alam kong nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko.

Mamaya ko na lang ie-explain kung bakit pinuntahan ko si Nixon.


"Bakit ba?" Bungad ko agad sa kanya.

"Sungit"

"Eh kasi po, may klase kami. Ano ba kailangan mo?"

"Yayayain sana kita lumabas mamaya"


Tinitigan ko siya ng matagal.


"Lumabas? Para saan?"

"Alam mo na..." Napakamot siya ng ulo. "Parang date..."


Parang date? So hindi talaga date? Hindi siya sure?


"Friendly date?" I asked him.

"Yeah...parang ganun na nga"


Uumbagan ko na 'to. Mukhang PARANG eh.


"Bakit?"


Napapangiti siya sa mga tanong ko.

Oo, clueless ako kung bakit gusto niyang makipagfriendly date sakin.

Wala ba siyang ibang friends?


"Uhmmm...ano...kasi gusto kong magpasalamat at hindi mo ko sinumbong sa tatay ko"


I frowned at him.

Di naman kami close ng tatay mo para sabihin sa kanya ang kalokohang ginawa mo.

Duh.


"Di na. Okay na yun"

"Ayaw mo lang yata akong kasama eh"


Luh. Mukha ba kong masamang tao?


"Hindi. May gagawin kasi ako mamaya. Pinapapasa na kami ng title para sa thesis namin bukas. Last week pa kami ininform pero hanggang ngayon ay wala kaming naisip ni Gigi. We need to focus on that, Nixon..."


"Tomorrow afternoon kaya?"

Ang kulit naman nito!


"Di rin ako pwede. May reaction paper din akong kailangan tapusin"

"Wednesday?"


Nagisip ako saglit. Mukhang free naman yata ako ng araw na yun.

AY SHET DI PALA!


"May assessment kami sa housekeeping nun. Whole day so pagod na ko after that"

"Thursday?"

"Sasamahan ko si Ally magpa-spa. Ilang araw na niya kong kinukulit eh"

"Friday? Please? Sige na oh. Minsan lang naman"


I bit my lower lip.

Weekends naman yun at kahit may dapat akong gawin, pwedeng sa sabado ko na lang ipagpatuloy.


Tsaka...MANLILIBRE SIYA!

Di'ba sinabi ko na naman noon na hindi ako natanggi sa libre?


Friendly date naman eh. Ibig sabihin, bilang magkaibigan lang. Walang masama dun.

Di naman ito pagtataksil sa crush kong yummy ang biceps nyahaha.

Manyak mo kenzie. XD


"Fine" I told him.

"YOWN! Promise yan ah!"

"Oo na! Basta wag ka na ulit pupunta dito habang may klase kami. Sana tinext mo na lang ako"

"Eh hindi ka naman nagrereply"

"May prof nga kasi kami oh. Sige na, babayuuu"


Ngumiti na siya nung tinulak ko siya. Pumasok na rin naman agad ako sa classroom at hindi pinansin ang mga mapangasar na titig nila Eli, Ika at Gigi.


Lunch.


"Ano? Pumayag ka?!" Gulat na tanong nila Enzo, Ian at Jax.

Ay? Kailangang sabay-sabay? Choir ang peg?


"Eh...friendly date lang naman daw yun" Sabay nguya sa makunat na pork steak na kinakain ko.

Napailing silang tatlo habang yung mga girls, kinikilig. Si Adeline lang yata ang nakasimangot.


"Sus. Walang ganun" Inis na sabi ni Jiro.


Enzo: "Tama. Pag niyaya kang lumabas ng isang lalake na kayong dalawa lang, ibig sabihin may interes yan sayo. Di'ba babe?"

Ian: "Palusot lang yon Kenzie para di ka humindi. Pero pag nasa mall na kayo, malamang aamin na rin siya na gusto ka niya"

Jax: "Bakit? Gusto mo rin ba siya?"


Napansin ko ang tingin ni Jackson kay Jiro na para bang natatawa siya.

Tinignan ko si Kuya Biceps. Biyernes-santo ang itsura ng mukha niya.

Kanina pa nga niya di ginagalaw yung pagkain niya simula nung nagkwento ako about sa usapan namin ni Nixon.


Don't tell me nagseselos siya?

ENEBE NEMEN YEN. Di nga?


"H-hindi! Magkaibigan nga lang kami. Ang kukulit niyo! Tsaka ang bilis naman yata kung gusto niya na agad ako" I sounded as if I'm guilty of something I never did. 


"Wag ka na pumunta. Baka mapahamak ka pa" Dagdag ni Jiro.


"ANG OA NIYO HA! What's wrong with kenken going out with Nixon? Eh parehas naman silang single. Maganda naman itong bestfriend ko at gwapo si Nixon. Bagay sila! Yieee" Tinapik pa niya ko sa braso kaya natawa ako.


"Pero kasi, baka may magselos" Tahimik na sagot ni Eli kaya napatingin kaming lahat sa kanya.


*silence*


"Si Kuya yon. For sure" Malakas na tawa ni Enzo. "Lamoba kenzie, nung nakita niya yung pictures nating lahat sa Baguio, nainggit ang sira ulo"


Si Kuya Jarren niya? Luh. Di nga kami naguusap non. Nilalike niya lang lagi mga posts ko pero di nga nagkocomment.


"Manahimik ka nga Enzo. Kumain na lang tayo" Iritableng pagsita ni Jiro.


Nakita kong nagtawanan ang boys pero kaming mga girls, nagtinginan.

Ginawa ko na lang yung sinabi niya, baka mamaya pagsabihan pa ko na ang bagal bagal ko.



Paglabas namin ng library ni Gigi nung hapon, natigil kami ng makita ko si Jiro nakaupo sa isang bench. Tumayo agad siya nung nakita niya ko.


"Uy. Bakit andito ka pa? Di'ba kanina pa uwian niyo?" Tanong ni Gigi nung naglalakad na siya palapit sa amin.


"Ah. Oo. Hinintay ko lang si Kenzie"


Tumigil yung pagtibok ng puso ko.


BAKIT NIYA KO HINIHINTAY?

WALA NAMAN AKONG UTANG SA KANYA KAYA IMPOSIBLENG NANININGIL SIYA!


"Bakit?" Si Gigi yung nagtatanong dahil sobrang speechless talaga ako at kinakabahan.


WHAT IS WRONG WITH ME?

SUMAMA KA NA LANG KENZIE PARA MASAYA.

HAHAHA harot ko.


"Galing ako sa practice ng basketball kani-kanina lang. Naisip ko puntahan na rin siya dito dahil dumidilim na, delikadong umuwi ng magisa. Akala ko kasi wala siyang kasama"


*face palm*


Oo nga noh! Tinanong niya lang ako sa text kung nasaan ako.

Simpleng LIBRARY lang ang sinagot ko.

Wala man lang explanation na gumagawa kami ni Gigi ng makabuluhang bagay sa mundo ng science na tingin ko ay sobrang importante pagkat ito'y makaka-save ng mga aliens at other species sa universe. Hay nako whatever.


"Ganun ba? De, Jiro. Tama lang na pumunta ka dito kasi...ano...si Ma'am, pinapatawag nga pala ako. May paguusapan daw kami"


Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Utot mo Gigi. Halata ka masyado. Sinungaling ang babaitang ito.


"Paguusapan?" I asked her.

Baka naman makikipagkita ka lang kay Jax. HAHAHA.


"Yah. Di'ba? Yung sinabi ko kanina?" Nilakihan niya pa ko ng mata.

"AH! Yun ba? Okayyyyy"


Tumalikod na siya at nagfast walk papunta sa hagdanan.

ANG SHUNGA HAHAHA. Sa kabilang building ang faculty room. LMAO.


"Dapat di ka na nagpapaabot ng gabi dito" Seryosong sabi ni Jiro habang naglalakad kami palabas ng campus.


"Di na namin namalayan yung oras sa sobrang pagkabusy"

"Wala ba kayong internet sa bahay mo? Dapat dun na lang kayo gumagawa"


I pouted.


Mas prefer namin ni Gigi sa library hall dahil pwede ng diretso print don.

Unlike sa bahay, wala kaming printer.

Ayoko namang pumunta pa sa bahay nila. Dagdag gastos sa pamasahe.


Di na lang ako nagsalita. Sumakay na kami ng jeep at siya yung nagbayad.


"Salamat" I smiled at him.

He didn't smiled back. Suplado hmmmph.


Pagbaba namin, nagpaalam na ko sa kanya.

Alam ko namang ibang tricycle ang sasakyan niya dahil ibang subdivision siya.


"Sige, see you na lang bukas"

Sumakay na ko sa loob ng tricycle pero nagulat ako ng sumakay din siya.


"Sa Mixtree Subdivision, Manong"


Pupunta siya sa bahay? Hala. Baka nandun si Mama! Alam pa naman niya ang itsura ni Jiro dahil sa pictures namin in Baguio!


Jusko itong crush ko! Di ko pa nga sinasagot, gusto agad makilala ang nanay ko! Kakaloka!

Wait, di pa nga pala niya ko nililigawan kaya pano ko siya sasagutin? HAHAHAHA.


Tinext ko agad si Ally on the way kung nasa bahay si Mama. Thank God, she said no. Kakaalis lang daw nito an hour ago.


Pagbaba namin sa tapat ng bahay, bumilis na talaga ang tibok ng puso ko.

Di ko alam kung papapasukin ko ba siya sa loob o hindi.

Aish. Ang rude ko naman kung hindi.


Tahimik akong nagdoorbell at pagkatapos ng ilang pindot ay binuksan na rin ni Ally ang gate. Nanlaki ang mata niya ng makita si Jiro sa likuran ko. Sinenyasan ko siya na manahimik siya kaya ngumiti lang siya at bumalik na sa loob.


"Pasok ka" Pagyayaya ko sa kanya.

Pagdating sa living room, wala na si Ally. Tingin ko umakyat na sa kwarto.


Binaba ko yung bag ko sa sofa at niyaya siya pumunta sa kitchen.

Nagugutom na ako.


"Bakit ka nga pala sumama pa dito?" I asked him habang nakatalikod ako sa kanya. Busy ako sa paghahanap ng makakain sa ref.


"Kenz..." Seryoso na naman ang tono ng boses niya.


Nagtaasan ang balahibo ko sa batok.

Hindi ko siya magawang tignan dahil alam kong nakatitig siya sa akin. 


Kumuha ako ng tomato, lettuce, cheese, mayonnaise, at ham. Luto na yung ham kaya napangiti ako.

Nasan ba yung tasty bread? Ah ayun!

Tahimik akong nagreready ng dalawang sandwich.


Mababaliw na nga yata ako dahil ang tanging naririnig ko lang ay ang mga galaw ko at ang tibok ng puso ko na sobrang bilis.


"Di'ba sinabi ko naman sayo na naiinis ako pag nilalapitan ka ni Nixon?" Tanong niya.


Napatingin ako sa mga mata niya.

Sinabi niya sakin yan nung nasa burnham park kami.


I just stared at him.

I'm not really sure what to say or what to do at the moment.


Kinuha ko yung juice sa loob at dinala na yung mga sandwiches sa table.

Umupo ako sa gilid niya pero medyo malayo layo yun.


"Bakit ba pumayag kang makipagdate sa kumag na yon?" Halatang inis na siya. Ginulo pa nga niya ang buhok niya.


Tumayo ulit ako at kumuha ng baso.

Nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba.


"Gusto mo ng juice?" Tanong ko.

"Kenzie...answer me"


Nilagyan ko ng juice yung baso niya at ipinatong yun sa tapat niya.

"Wala namang masama di'ba..." Bulong ko.


Bakit...bakit sobrang natatakot ako....bakit ganito yung pakiramdam ko.


He took a deep breath. Iniwas niya ang paningin niya at nagpanggap akong okay lang ang lahat. Kumagat ako sa sandwich ko at kumain.


I looked at him. Tulala siya. Itsurang nagiisip ng malalim.


"One dinner with him won't hurt me" Pagpapatuloy ko.


Just tell me you're jealous and that you want me to be yours!

I promise I'll cancel my date with Nixon right away!


"Tssss....tangina" Bulong niya sa sarili niya.

Tumayo siya bigla at rinig ko ang pagdadabog niya nung lumabas siya ng pintuan.


Nagfreeze ako sa kinauupuan ko.

Why is he so angry?


Tumayo agad ako at hinabol siya ngunit paglabas ko ng gate ay malayo layo na ang nalakad niya.


"Ate? Is everything okay?" Nagaalalang tanong ni Ally.

"Sana..." Sagot ko.


***


That night, hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung bakit ganun ang inasta ni Jiro.

Ayoko mag-assume na baka nga gusto niya rin ako pero dun talaga bumabagsak lahat ng duda ko.


Kinuha ko yung phone ko at ni isang text mula kay Jiro, wala akong natanggap.

Kung anong kulit niya nung Sunday at ng Monday morning, ay yun namang kabaliktaran ngayon.


Tama bang itext ko siya?

Okay lang bang mauna ako?


Ginulo ko pa lalo ang magulo ko ng buhok bago ako umupo.


Anong itatanong ko sa kanya?

Galit ka ba? OBVIOUSLY! ANO BA KENZIE GAMIT GAMIT DIN NG UTAK!

Gising ka na ba? ANO PARANG WALA LANG NANGYARI?

Nagseselos ka ba? Baka barahin ako nito at sabihing feelingera ako masyado!!


"Stop thinking about him and just go to school!" Bulong ko sa sarili ko.


Wala akong pinagsabihan sa mga kaibigan ko tungkol sa paguusap namin ni Jiro at sa inasta niya. Kahit na frustrated ako at gusto ko ng advice nila, nagdecide akong ilihim na lang iyon.


"Naiiyak na ko" Pagiinarte ni Eli ng tumambay kami sa field.

 Wala yung first period professor namin kaya nagreview na lang kami dito para sa quiz mamaya sa trigo.


"Bakit?" Ika asked.

"Nakakafrustrate si Ian"

"Oh. Ano na naman ginawa sayo ni Killian?" Tanong ni Gigi.

"WALA! Yun nga yung kinaiinis ko! Wala siyang ginagawa! Mas gusto ko pa nga kung nanakawan niya ko ng halik. At least mararamdaman kong baka nga type niya rin ako..."


Humagalpak kami sa tawa.

Sinabunutan nga ni Gigi.


"Ang landi mo teh!"

"Palibhasa ikaw, alam mong gusto ka ni Jax. Eh ako? Nalalabuan ako kay Ian"

"He likes you too! Hahalikan ka ba niya kung hindi?" Ika said.


"Ika, hinalikan niya lang ako kasi lasing siya nun. At inaasar niya lang ako about that because he knows I have a crush on him"


Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin kay Eli.

*sigh*


Mga lalake talaga oh.

Di na lang kasi diretsang umamin kung gusto ka ba o hindi.

Palagi na lang paligoy-ligoy.

Palagi na lang kailangang hulaan ang mga nasa isip nila.


Open book naman kaming mga babae ah.

Malalaman mo agad yung feelings namin dahil hindi kami magaling magtago.


"Tanungin mo kaya si Killian para maliwanag ka na?" Gigi asked.

"I'm not crazy! What if di kami mutual ng feelings? Eh di napahiya ako?"

"So wala kang gagawin Eli? Maghihintay ka na lang?"

"I don't know! Gusto kong lumayo na lang pero tuwing nalapit siya, bukas palad ko siyang tinatanggap ulit. Ugh, I hate this"


Humiga siya sa damuhan at patuloy na nagcomplain about sa love life kuno niya.


Si Maika naman nagrereview.

We all know na wala silang problema ni Enzo.

Kung meron man, mabilis naman nilang naaayos.


Si Gigi, kinwentuhan ako tungkol sa kanila ni Jackson. Balak na daw niya itong sagutin sa sabado since magde-date sila. She knows it's dangerous but she really loves Jax.


"Goodluck. Tandaan niyo, whatever happens andito lang kami para sa inyong dalawa" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thanks kenken"


Isa na naman sa mga kaibigan ko ang magkakaboyfriend na at ako, ito.

Nganga pa rin. Ang saya saya!

NBSB Forevs! I lab it.

(-_-)


Friday.


Mula Monday ay hindi na ako kinausap ni Jiro. Oo, galit talaga siya sa akin.

Tuwing lunch, nagkakatabi kami pero di kami nagiimikan.

Ni isang beses di ko nga siya nakitang tumingin sa akin.

Ayoko rin namang kausapin siya dahil feeling ko ay sisigawan niya lang ako.


Masakit pero bwisit din kasi ako sa kanya kaya siguro di ako masyadong affected.

Porket di ako nagtetext, di niya rin ako itetext?


Ano ba kasing ikinapuputok ng butsi niya?

Yung pagpayag ko na i-date ako ni Nixon? EH FRIENDLY DATE NGA LANG YON!


Tsaka ano ba! Ang gulo gulo niya!

Gusto niya na rin ba ko? EH DI UMAMIN SIYA!

Hindi yung pinagiisip niya ko ng sobra!


"Kasama mo nga ko pero iba yata ang nasa isip mo"

Napaangat ang tingin ko kay Nixon na naka-smile ngayon. Nagi-guilty ako dahil alam ko sa sarili kong lutang ako.


"Sorry"

"Si Jiro ba?"


Muntikan ko ng malaglag ang panga ko sa sahig.


"Huh? Bakit mo naman nasabi?" Pagmamaang-maangan ko.

"Pansin ko kayo tuwing magkakasama kayo. Di ka niya kinakausap...Magkaaway kayo?"


Stalker naman neto.


"Hindi" Maikling sagot ko.

Mas lalong lumaki ang ngiti sa mga labi niya. "Magkaaway nga kayo"

Kumunot na ang noo ko. "Bakit kung makapagsalita ka parang sure na sure ka na?"

"Oh sige. Kung hindi siya yung dahilan kung bakit ganyan ka ngayon, eh di sino?"


*gulp*


"That's what I'm saying" He continued while taking a sip from his capuccino.

"Hindi si Jiro..." I lied. "Kundi si papa"


"What about him?" Naniwala yata si Nixon sa palusot ko.

"Di'ba nga? Aalis na siya next week"

"Akala ko ba hindi kayo close?"


"Hindi nga pero nakakalungkot din. Di pa kami lubusang nagkakakilala at nakakapagbonding pero kailangan niya na namang umalis"


Totoo yung mga sinasabi ko.

Kahapon lumabas ulit kami ni Papa kasama ulit si Leah at si Ally.

We had fun. Madami akong nalaman tungkol sa kanila.

Si Papa mahilig palang maghiking at si Leah naman, crush na crush si Douglas Booth, yung artistang ang gwapo gwapo.  


"Don't worry. Ang sabi ni dad sa akin, babalik balik din daw sila dito every now and then"

Tumango na lang ako at iniba na niya ang usapan.


Surprisingly, natuwa naman akong kasama si Nixon.

Di siya mahirap pakisamahan dahil ang jolly niya.

Joke ng joke at tila walang problema sa buhay.


Napaisip nga ako.


Pag kay Jiro, uncomfortable ako.

Di ako makahinga ng maayos at kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Nagiging Assumera Queen ako ng di oras.


Pero kay Nixon, chill lang.

Kung ano yung mga sinasabi niya, madali kong napa-process sa utak ko.


"Ang ganda ng bracelet mo ah" Sabi niya habang naglalakad kami sa sakayan ng jeep.

Tinignan ko yung regalo sa akin ni Jiro. "Oo nga eh"


Kahit na hindi kami maayos ni Kuya Biceps ngayon, di sumagi sa isip kong tanggalin ito.

Sana maging okay na kami...


Hinatid ako ni Nixon hanggang sa bahay. Pumayag naman ako dahil mapilit siya at alam ko namang wala si Mama ngayong gabi.


"Thank you ah sa treat mo. Nagenjoy ako tonight" Nakangiting sabi ko sa kanya.


"Wala yun. Sa susunod ulit"

May kasunod pa?


"Uhmmm...Kenzie..." Tumingin siya sa sapatos niya.

"Bakit?"


Iniangat niya ang tingin niya at agad akong nanlamig. Sobrang seryoso ng mga mata niya at kinilabutan talaga ako.

Hindi ako sanay na hindi siya nakangiti.


"Pwede bang..."

Pwedeng ano? Bakit di niya matuloy?


I waited for him.


"Alam ko medyo mabilis pero kilala ko na kasi ang sarili ko. I know what I want"

"And that is?"


Hindi na niya nagawa pang magsalita dahil bigla na lang may bumusina. Sabay kaming napatalon sa gulat. Tinignan namin yung dalawang kotse sa likuran niya.


Sabay-sabay bumaba ang buong tropa.

Si Enzo, Ika, Jiro at Eli sa isang sasakyan tapos si Ian, Jax, Gigi naman sa kabila.


Kumaway sila sa amin.


"Surprise!" Sigaw ni Adeline. Tumatawa ang mga lalake na parang may inside joke sila, maliban kay Jiro na ang sama ng tingin kay Nixon at sa akin.


"Anong meron? Bakit andito kayong lahat?"

"Group study" Maikling sagot niya.


Group study? Nang anong subject?

Eh magkakaiba naman ang subjects ng Tourism at HRM!

Mga palusot! Tatambay lang yang mga yan dito eh!


"May dala kaming mga pagkain. Wag kang magalala at uuwi kami agad bago mag-10 pm" Enzo said bago sila nagsipasukan sa loob.


Tinignan ko si Gigi ng look na nagsasabing anong-nangyayare-at-bakit-alam-nilang-wala-si-mama-tonight? Pero nagkibit balikat lang siya.


I looked at Jiro and he was still glaring at us.

Malamig ang pakitungo niya sa akin nung nilagpasan niya ako.


"Nixon, ano nga ulit yung sinasabi mo?" Tanong ko nung kami na lang ulit dito sa labas.

He looked away from me and I swear, nakita kong namula siya. "W-wala. Ah sige, alis na ko. Salamat ulit"


Tumalikod agad siya kaya nagtaka ako ng sobra.

Bakit ba bigla siyang naging weird?


"Balak mo ba talagang panuorin pa siyang umalis bago ka pumasok dito?"


Napatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Jiro na nasa likuran ko pala. Ang sama sama ng timpla ng mukha niya kaya di na lang ako nakipagtalo.


"Daig mo pa babaeng may regla" Bulong ko paglagpas ko sa kanya. "Galit ng walang dahilan. Baliw"


Nagsisi ako nung narealize kong medyo napalakas yung pagsasalita ko. Sumulyap ako sa kanya at nagulat dahil nakangiti siya.


"Oo nga eh. Nababaliw na nga yata ako sayo" 

Bulong niya sa sarili, though I am not really sure kung yun ba yung exact words dahil sobrang hina ng pagkakasabi niya.


----------------------------------------------------

KenRo's ship is sailing!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Torment 𝕒 द्वारा

फैनफिक्शन

25.3K 954 37
#CharDawn Under the pouring rain, with her bones trembling, body shivering, she stood with her father and listened with great curiosity. "This is j...
2.9M 181K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
941 63 13
ON-GOING Rhian Amelie Bueron, a girl who's always bombarded by judgments because of her chosen work. No one takes her seriously in society, in life...
Casually Cruel Vince Chester द्वारा

सामान्य साहित्य

167K 7.1K 74
Tanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and s...