My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 13 - Hoping

66.1K 2.3K 443
By NerdyIrel

Chapter 13 - Hoping


"So nag-kiss kayo?" Magkahawak pa ang kamay nila Eli at Ika sa paghihintay ng sagot ko.


Nandito silang tatlo nila Gigi ngayon sa kwarto ko.

After our class, they went straight here para daw makapagbonding kaming girls.

Hindi kasi kami nakapagusap kanina sa school dahil busy ang lahat sa studies.


"No" Mapula na ang pisngi ko ngunit hindi ko mapagkailang kinikilig talaga ako.


Pangalawa nang beses na muntik-muntikan na niya kong mahalikan.

Nung una ay nung lasing siya at nakulong kami sa closet.

Sumunod yung kahapon na aaminin kong nagpapagulo na talaga sa isipan ko.


"This is so wrong" Nakabusangot na sabi ni Gigi habang nakain ng pancit canton.


Ally's downstairs watching Teen Wolf. Ayaw niyang makihalubilo sa amin dahil nagma-marathon daw siya. She's trying to catch up to the latest episode. Isang season na rin daw kasi ang hindi niya pa napapanuod.


"You're so KJ, Georgina. Kung ikaw nasa lugar ni Kenzie, I bet you'll talk about it all the time"

"Can we please not forget the fact that Jiro's taken? Okay sana kung single siya noh!"


I nodded at her.

Tama siya.

Dapat hindi ako nagpapaapekto sa mga ginagawa ni Jiro.


"Malay mo naman hindi na sila okay ni Stacy kaya naa-attract na si Jiro sa iba. Let's face it. Hindi imposibleng magkagusto siya ay Kenzie lalo na at magkasama sila palagi dahil sa atin"


"Kaya nga dapat lumayo ka na, Kenken. Back to normal parang nung first sem. Tayo na lang ang lumipat sa kabilang canteen tuwing lunch"


"I'm okay with that. Kung yun ang makakabuti para kay Kenzie..." Ika said.


Tumahimik si Eli kaya nagkatinginan kami ni gigi.


"Ayaw mo? Akala ko ba gusto mong iwasan si Ian" I asked her.


"Fine. Magkukwento na ko. Di ko lang shine-share dahil ayokong asarin niyo ko sa harapan ni Ian"


Napaayos kaming tatlo ng upo at tinitigan maiigi si Adeline.


"Spill" Gigi ordered.


"Everyone here knows that I'm done with that guy. Ayokong naghahabol kaya naghanap ako ng bagong crush. But ever since the party, napapansin ko yung unti-unti niyang pagpaparamdam. Yes, he's still snob and masungit pero lagi na niya kong kinakausap ngayon. Nagcha-chat siya para lang mangasar and I swear nakakainis talaga pero deep inside, kinikilig na ko. Tuwing tinitignan niya pa ko, naalala ko yung nangyari sa party"


"Ano ba nangyari sa party?" Tanong ko.


She looked at her hands and blushed.


"Eli..."


"We....uhmmm....kissed"


"WHAT?!!!" Sigaw naming tatlo sa gulat.

"OHMYGOSH! WHEN? BAKIT DI NAMIN NAKITA?" Tanong ni Gigi.

"KISSED WHERE?" Diretsang tanong ni Ika.


"Nung kinulong natin sila Jiro at Kenzie...bumaba tayo di'ba? Tapos umakyat kayong lahat nung narinig niyong sumigaw si Kenzie. Naiwan kami ni Killian sa kitchen...and he just....Ghad, nahihiya ako!"


Nagtakip na ng mukha si Eli gamit ng unan ko nung sumigaw kaming tatlo sa kilig.


I knew something happened there!

Pagbaba ko kasi noon ay tinititigan niya si Ian na nasa sahig.


"He passed out after he kissed you. Am I right?"


"Yeah...Lasing na lasing kasi siya. Pero girls, akala ko di niya maaalala yun! But it turns out he did! At feeling ko di niya nire-regret yun dahil minsan tumitingin siya sakin bago siya ngumingiti sa sahig. GOSH!"


Sa kilig namin ay hinampas namin siya.

Tawa siya ng tawa at kita sa mga mata niya ang saya.


"Kaya pala ganun reaksyon niya nung sinabi mong may bago kang crush. Selos!" Gigi said.

"Oo nga! Pansin namin yun! Nakooo! Ikaw na girl!"


Tinitigan ko sila habang nagaasaran sila.


Buti pa si Eli, walang problema sa kanila ng crush niya.

Hirap kasi ng sitwasyon ko.


"Saglit kuha akong popcorn" I told them.


Tumayo na ako at kinuha ang empty bowl sa kamay ni Maika.


Bumaba ako at nakitang nakatulog pala sa sofa si Allyson.

Pinatay ko muna yung TV at tinutukan siya ng electric fan bago ako pumunta sa kitchen.

Wala pa si Mama at mamaya-maya pang 11 pm siya makakauwi.


*buzz*


Nilagay ko muna yung popcorn sa microwave oven bago ako umupo sa counter at binasa ang text message na nareceive ko.


From: Jiro

6:08 pm.

Tahimik mo kaninang lunch.

May problema ba?


Napansin niya pala...

Hindi ako masyadong umimik dahil nahihiya ako sa kanya.

We almost kissed. Buti na lang ay tumigil na ang ferris wheel at lumabas agad ako.


To: Jiro

6:08 pm.

Pagod lang.


From: Jiro

6:09 pm.

Can we talk about...last night? Please?


Bumilis ang tibok ng puso ko.

Pinaguusapan ba talaga dapat yun?


"Kenken, bilis! May chat si Ian kay Eli ngayon lang! OMG!" Sigaw ni Gigi.

"Sige! Akyat na ko!"


Tumalon na ako at kinuha ang popcorn.

Nagtext muna ako kay Jiro bago ko pinatay ang ilaw sa kitchen.


To: Jiro

6:12 pm.

Later, I'm busy.


Umakyat na ako at nakigulo na sa kanila.

Pilit ko mang kalimutan ang text ni Jiro ay hindi ko nagawa.

Hanggang sa makakakain kaming dinner at makaalis sila Gigi, yun pa rin ang laman ng isip ko.


"Ate" Nilingon ko si Allyson habang nanunuod ng Probinsyano.

"Gising ka na pala. Tinakpan ko yung ulam mo dun sa mesa" Hihikab-hikab na sabi ko.

"I'm not hungry" Inaantok siyang tumayo at kinuha yung pillow niya. "Akyat na ko"


May ugali si Allyson na hindi nakain ng dinner. I don't know kung saan niya nakuha yun pero buti hindi siya nagkaka-ulcer sa ginagawa niya.

Di ko kaya yon! Masakit kaya sa tiyan na paggising mo, parang kinakain na ng bituka mo lahat ng laman loob mo!


Out of boredom, nagfacebook muna ako.

Hindi ko napigilan ang sarili kong i-stalk si Jiro.

Tinignan ko yung albums niya. Sobrang onti ng pictures.


Bakit ganun yung mga boys? Kung makapagpalit ng DP, once in a blue moon.

Tipong 2012 pa since they last updated their DP or Cover photo.


Tapos yung mga status niya pa, minsan lang talaga.

Months ang bibilangin bago siya magpost ulit.


Mostly, tagged pictures tuloy meron sa kanya.

Naghanap ako ng pictures niya kasama ang mga ex-girlfriends niya.


Wala akong makita bukod sa isang tagged picture nila ni Stacy.

Nakaakbay si Jiro at nakangiti.


Date: December 28, 2014.


Siguro ito yung panahong kakasagot pa lang ni Stacy sa kanya.

Kaya sweet pa sila...


Sa sobrang curiousity ay chineck ko ang profile ng girlfriend niya.

Alam kong masasaktan ako kung sakaling makakita ako ng mas sweet picture nila pero...bahala na.

Gusto kong makilala kung ano bang klaseng babae ang minamahal ni Jiro.


Stacy Margarette Darula.


Shet, nawala agad yung self-esteem ko.

Na-insecure ako sa ganda niya.


Ngayon ko lang natitigan ang mukha ni Stacy.

Maputi at sobrang kinis niya. Maporma pa katulad ni Gigi.


Tama nga si Jiro, anak-mayaman ito.

Nakakapag-around the world na siya at a very young age.


I stopped myself from browsing her pictures. Tinignan ko na lang yung latest status niya.


Cheater! >:/


O_O

Walang naka-tag ngunit parang may pinariringgan siya.

Madaming nagcomment para itanong kung sino yung tinutukoy niya at kung anong nangyari pero hindi naman niya sinagot.


Nabasa na kaya ito ni Jiro?


*buzz*


Sakto ay bigla siyang nagtext.

Sinarado ko muna yung laptop ko bago ko inopen yung message niya.


From: Jiro

8:32 pm.

Still busy?


Nanlamig ang tiyan ko.

He still wants to talk to me? The nerve!


To: Jiro

8:32 pm.

Don't worry, wala akong pagsasabihan.


I told him what he wanted to hear.

Hindi na dapat pahabain iyon.


From: Jiro

8:33 pm.

Kenz, Look outside :)


Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad sumilip sa bintana.


O____O

There he is. Nakasilip sa gate at nakangiti pa.


"What the hell? Anong ginagawa niya dito?"


Pinusod ko agad ang magulong buhok ko at nagmadaling lumabas.


Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.


Bakit siya nandito?

Anong kailangan niya?


"Hey" Bati niya nung pinagbubuksan ko siya ng gate.

"Gabi na ah..." Mahinang sabi ko.

"Can I go inside?" He smiled genuinely at me. "I bought some pizza..."


Iniangat niya yung S&R pizza.


I was speechless.

Isa ito sa mga dine-daydream ko na mangyari sa amin ni crush.


"It's late"

I had to stop these butterflies in my stomach.


"Maguusap lang tayo, kahit limang minuto lang. Please"


Tinitigan ko ang mga mata niya.

Mukha siyang problemado.


Tumango na lang ako at pinapasok na siya sa loob ng bahay. Tahimik kaming dumiretso sa kusina.


"Magisa ka lang dito?" Tanong niya.

"Hindi. Nasa taas si Ally, kaso tulog na. Wag na lang tayong masyadong maingay para di siya magising. Si Mama naman mamaya pa uuwi"


He nodded and quietly handed me the pizza box.

Nilapag ko yun sa dining table.


"Upo ka muna"


Kinuha ko ang pitsel ng juice na nasa ref at nanginginig na naghanap ng dalawang baso.


Kabado ako.

First time kong magpapasok ng lalake sa loob ng bahay namin.


Si papa ang una.

Ibang usapan naman si Jiro.


Pinapanood ako ni Kuya Biceps habang inilalapag sa lamesa ang mga baso.

Napapangiti siya kaya mas lalong naginit ang pisngi ko.

I sat beside him.


"Matutulog ka na ba sana?"

"Hindi naman..."


Kumuha ako ng isang slice at kumagat.

Hmmm. Sarap!


Pinagmasdan ko siya habang nakain siya.

Kahit nangiti siya sa akin ay halatang hindi siya masaya.


"What's wrong?"


Uminom muna ako ng juice bago ako tumingin ulit sa kanya.

Nagbuntong hininga siya. "Nagaway kami ni Stacy"


I knew it.

Hindi ko tinanong kung bakit. Kumain na lang ulit ako.


"Madalas naman kaming nagaaway dahil matigas talaga ulo niya. Ayaw niyang makinig sa mga paliwanag ko"


Di ako umimik.

Ayokong magkomento.


"Nung nasa restaurant tayo at hinabol kita, alam ko nagkamali ako don. Naging malamig siya sa akin buong gabi pero naging okay din naman kami nung humingi ako ng tawad"


I don't get why he's telling me those things.

The hell I care about his relationship with his girlfriend.

Kung ipapamukha niya lang saking di siya available, pwes lumayas na siya.


"Kaso kanina...sinugod niya ko sa bahay. Wala siyang pakielam kung nandun ang mommy ko at ang kapatid ko. Nageskandalo siya. Pinagmumura niya ko"


Naging seryoso ang mukha ko doon.


"Bakit?"

"May nakakita kasi satin sa amusement park kagabi. Classmate niya"


Ito na nga ba sinasabi ko.

Ayokong magkagulo dahil sa akin.

Mali talagang hinahayaan ko pa siyang lumapit.


"She thought we were dating. Kahit na ilang pilit kong sabihin na buong tropa tayong magkakasama, di siya nakinig. Nagwalk out siya at sinundan ko siya hanggang sa bahay nila pero hindi niya ko pinagbuksan ng pintuan. Pinatay niya rin ang phone niya para di ko siya matawagan"


He closed his eyes and exhaled sharply.


"I'm an asshole. Natural syempreng magalit siya..."


"Yeah, and you even had the guts to go here kahit na alam mong ako ang dahilan kung bakit kayo nagaway. Instead of going here, sana ay inamo mo siya" Matapang na sabi ko.


"Nakakapagod na rin kasi..."


He's tired of him and Stacy!!!

Holy cow!


Napapailing siya at tila ba gusto niyang magwala pero pinipigilan niya ang sarili niya.


"I'm comfortable with you, Kenzie. Feeling ko matagal na tayong magkakilala. Nakakainis noh? Di ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ikaw yung lagi kong naiisip. Kahit magkaaway kami ngayon, okay lang basta hindi ka galit sakin. Ugh fuck this"


Napanganga ako sa sinabi niya.

Hindi ko ine-expect marinig iyon mula sa mga labi niya.


"Mahal mo pa ba siya?"


Nilunok ko lahat ng kahihiyan sa katawan ko para maitanong sa kanya ang matagal ng nagpapakagulo ng isip ko.


He opened his mouth but after a few seconds, he closed it again.


"I don't know..."


Jiro, uupakan talaga kita!

Naiiyak ako sa mga sinasabi mo!


You're giving me hope again!

Aasa na naman akong baka nga pwedeng maging tayo.

Na baka nga may nararamdaman ka na sakin!


I HATE YOU!

Bakit mo ko ginaganito?


"Magwa-one year pa lang kayo di'ba? Di mo na agad siya mahal?"


Napaangat ang tingin niya sa akin.


Oo Jiro. Alam kong nagsinungaling ka sakin...

Sa December pa lang ang anniversary niyo.


He frowned at that.

Bigla siyang tumayo kaya napatayo din ako.


"I should go home. Masyadong occupied ang utak ko ngayon at ayokong madamay ka sa mga problema ko. Sorry kenz for disturbing you"


Pinanuod ko lang siyang makalabas ng bahay.

Nanlalambot akong umupo at tumunganga.


Kahit magkaaway kami ngayon, okay lang basta hindi ka galit sakin.

Kahit magkaaway kami ngayon, okay lang basta hindi ka galit sakin.

Kahit magkaaway kami ngayon, okay lang basta hindi ka galit sakin.


Paulit-ulit yun sa utak ko.


"Jiro Knight, you're like a jigsaw puzzle, too complicated and too hard to piece together"


-------------------------------------------------


HAPPY VALENTINES DAY! :)

Love you mistakers mhuah!

Continue Reading

You'll Also Like

1K 232 9
Mackenzie's dream is to study at a prestigious university in London and be with her month-long boyfriend. She thought her life would be perfect and b...
6.6K 107 8
When you have all the money in the world, people immediately assume you're always problem-free. But when it comes to love, not even the high society...
193K 9.3K 46
They say "The higher you build walls around your heart, the harder you fall when someone tears them down.",. And that's exactly what happened.
93.2K 3.1K 45
REVISED VERSION: PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA POP FICTION (2020) The whirlwind romance of Sophia and Dylan that started on a drunken sorrowful night...