My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 11 - Worried

74K 2.3K 913
By NerdyIrel

3 days-straight update for my mistakers <3


------------------------------------


Chapter 11 – Worried


Kakababa ko pa lamang ng hagdan, tumumbad na agad ang bunganga ni Mama sa akin.


"Ano Kenzie? Nawala ako dito ng isang linggo kaya isang linggo ka din hindi gumawa ng mga trabahong bahay? Yung basket mo, punong-puno na ng mga maduduming damit! Aba, kailan mo balak maglaba? Tapos tignan mo nga itong laman ng refrigerator natin, panay tira-tirang mga pagkain! Sino pang kakain nito? Bakit di mo ibigay diyan sa kapitbahay natin para sa aso niya? Yung mga basura, di mo nilalabas! May hindi ka man lang nagwawalis!"


Gusto kong itaas ang mga kamay ko upang sabihing 'Ma, preno lang po. Kakagising ko lang' kaso alam kong mas mababadtrip lang siya at baka masampal pa ko ng di oras.


Ma, isang linggo po kong wala dito sa bahay, nandun ako kila Gigi.

Malamang, hindi po ko makakapaglaba o makakapagwalis.

(-_-)


"Yang si Ally, wag mong inaasahan! Bisita yan! Hindi dapat yan inuutusan dito! Ikaw ang mas nakakatanda pero hindi ka mautusan!"


Beast mode na naman si Mader.

Umupo na lang ako ng tahimik at nagsimula ng kumain ng umagahan.


"Tignan mo yan, dapat ikaw ang gumigising ng maaga! Hindi yung ako pa ang pinagluluto mo! May trabaho ako kenzie!"


Pati ba naman ito, napansin niya huhuhu.


"At magtipid ka naman! Wala na kong ibibigay na pamasahe mo bukas"


Nilapag niya yung 100 pesos sa gilid ko bago tinanggal ang apron at isinabit sa gilid.

Ratatatat pa rin yung bibig niya hanggang sa makaakyat sa taas.

Buti talaga hindi ako sumagot dahil kapag ginawa ko yun, world war 7 agad ang mangyayari.


Pagkatapos ko kumain ay hinagusan ko na yung plato. Ayokong mainis pa lalo si Mama. After that, nagwalis ako ng kaunti. Mabilis akong naligo at nagpusod na lang ng buhok.

Si Ally, tulog na tulog pa.


"Ma, alis na po ako" Sigaw ko.

"Anak, saglit lang"


Nasa gitna na ko ng hagdan ng lumabas siya ng pintuan.


"Bakit po?"

"Your dad wants to ask kung pwede ba daw kayo magdinner mamayang gabi?"


Kaya ba mainit ang ulo ni Mama ay dahil nagkausap sila?

"Sige po...Sunduin niya na lang po ako dito sa bahay ng 7 pm"


Humalik na ako sa pisngi ni Mother Dear at umalis na.


Late na ako ng 5 minutes ng makarating ako sa school pero warabells, sabi naman ni Eli sa text wala pa si ma'am.

Naglalakad ako paakyat sa hagdan ng makita ko si Jiro. Nasa likuran ko, may earphones na nakasalampak sa tenga niya at mukhang nililipat niya yung kanta kaya nakatingin sa phone niya.


Binagalan ko agad ang lakad ko upang magkasabay kami.

Napaangat naman ang tingin niya at nagsmile ng makita ako.


"Ikaw pala yan" Tinanggal niya yung isang earbud upang magkarinigan kami.

"Ganitong oras pala pasok niyo?"

"MWF lang"

"Ahhh"


Nakarating na kami sa 2nd floor at sabay kaming umakyat ulit sa hagdan. Nasa 3rd floor din pala ang classroom nila.


"Kahingal"

"Anong nakakahingal?" Inosenteng tanong ko. Wala akong idea kung ano ba ang sinasabi niya.

He chuckled and shook his head. "Yung pagakyat ng hagdan, nakakahingal"


*face palm*

AMBOBO MO KENZIE.


"Oo nga eh hahaha"


Di ko gets bakit ang tahimik niya. Siguro dahil ang aga pa, wala pa siya sa mood.


"Nakita kita nung friday" I confessed.

"Oh? San?"

"Sa mall. Kasama mo yung girlfriend mo"


Bumilis yung tibok ng puso ko habang hinihintay siyang magsalita. Napalingon siya sa akin at tumango.


"Ah. Si Stacy"


ARAY KO.

Binagsakan yata ako ng limang sakong bigas sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.


He confirmed it.

Jiro's not single anymore.

May girlfriend siya. At si Stacy yun.


"Gano na kayo katagal?" I played cool kahit na gusto ko siyang batukan sa pagpapa-asang ginawa niya sa akin.

"Since first year highschool..."


NAIIYAK AKO POTEK.

MAY DI MO MAN LANG NAGAWANG BANGGITIN NA MAY GF KA NA PALA!


Kaya pala talaga badtrip sayo si Jax tuwing nilalandi mo ko eh!

Kaya bawal! Kaya mali!

Di ka kasi loyal, hayop ka!


"Ano yun? Patago relasyon niyo? Eh kasi parang di ka masyadong nagpopost sa fb"

"Hindi naman. Sadyang di lang kami ganun ka-vocal sa feelings namin..."


Pakyu to the tenth power, Jiro.

I hate you so much!!!!

(TT^TT)


"Sige dito na ko" Nanlalamig na sabi ko.

"See you later, kenz"


Di ko na siya nilingon. Pumasok na ko sa classroom at sumalampak agad sa seat ko.


"Good morning----Good nga ba? Bakit ganyan itsura mo?" Gigi asked me.

"HE JUST CONFIRMED IT! May gf siya, stacy ang name at magfa-5 years na sila! Can you believe it? All this time, wala siyang sinabi man lang! And here I am, hoping na nagkakagusto na rin siya sa akin. Yun pala, flirt lang talaga siya!"


Buti hindi sa kanya napunta ang first kiss ko! He's not worth it!


"My ghad! Mga lalake talaga oh" Eli said.

"I think walang alam si Enzo. Kasi di ka naman niya ipupush kay Jiro kung alam niya" Pagsingit ni Ika.

"Pero tingin ko may alam diyan si Jax. Ugh"


Tinext agad ni Maika si Enzo and she was right. Her boyfriend doesn't know na may gf pala si Jiro. Like us, he's also clueless.


Pero itong si Gigi, ang sinabi niya lang kay Jax ay magkita sila sa may locker mamaya.

May smiley pang reply si Jackson, walang kaalam-alam na galit na galit sa kanya ang bestfriend ko.


"Don't blame him..."

"No kenken. Kung may alam pala siya, di sana sinabi niya. Hindi yung pinagmukha ka niyang tanga"


I looked down.

"Let it go. Ayokong magkasira kayo ng dahil sa akin. Lalayo na lang talaga ako kay Jiro"

"But still, kailangan naming magusap"


Di na ko nakipagtalo pa kay Georgina. Hindi ako mananalo sa kanya eh.

Nung lunchtime, dumiretso kaming dalawa papunta sa may lockers. Hinintay naming makarating si Jackson doon.


"Hey, what's up. Akala ko tayong dalawa lang" Tanong niya kay gigi.

Hinila siya nito papunta sa likod ng hagdanan. Nakasunod lang ako at nananahimik.


"Why didn't you tell us about Jiro's girlfriend?"

Napatingin sa akin si Jax. "Akala ko alam niyo..."


"Really Jackson? Tingin mo ba talaga lalapitan nitong bestfriend ko si Jiro kung alam niya?"

"Akala ko nga kasi alam niyo" Napakamot si Jax ng ulo.


"Oh sige. Kunwari, alam namin yung tungkol kay Stacy. May hindi mo man lang talaga kakausapin si Jiro to stop chasing Kenzie? You're unbelievable. Anong klaseng kaibigan ka?"


"Gi, tama na" Bulong ko.


"Look, sinubukan ko. Okay? Ilang beses na at sa huli, ako pa ang napapasama. Di niyo ba napapansin kung bakit pilit kong pinaglalayo silang dalawa? Kasi nga, nagke-care din ako kay Kenzie"


"Whatever, Jax. You could have tried harder"


Hinila na ko ni Gigi at pilit ko mang pigilan siya ay nakaladkad niya na ko.


"Bakit mo ba siya sinisisi?"

"Kasi siya yung may alam sa sitwasyon pero hindi niya tayo sinabihan!"

"Wala na yun sakin. Huy ano ba---"


Paglingon niya sakin, na-shock ako. Naiyak na siya.


"Hey, why are you crying?"

"Cause I hate him so much"


Niyakap niya ko at natahimik lang ako.


Bakit siya naiyak?

This isn't about me and Jiro anymore.

May problema siya at naibalin niya lang yung galit niya kay Jax.


"Tell me what's wrong. Gi!"

"Nafo-fall na ko sa kanya at ayoko nito!"

"What are you talking about?"


"Sorry kasi ginamit ko yung problema mo para makatakas kay Jackson. I like him so much kenzie kaso ayaw ako ng papa niya for him"


"How'd you know that?"


"Kinausap ako ng papa niya this morning. Maaga akong dumating at nakita niya ko sa may parking lot. He knows Jackson's courting me and he told me na layuan ko na daw ang anak niya habang maaga pa. Hindi daw kami bagay. Kenken, kung ano-anong panlalait ang mga sinabi niya" Humagulgol siya sa pagiyak habang ako natutulala lang.


"And you're not going to tell Jax about this?"

"Ayokong magkasira sila ng tatay niya. He loves his father so much"

"Pero may karapatan siyang malaman ito. Gi, tell him!"

"No. He's probably angry with me right now, anyway. Okay na. Nakalayo na ko"

"You think he'll stop just because you got mad at him? What if subukan niyang makipagayos pa sayo?"

"Then I'll find another reason for me to push him away. Ayoko ng gulo, kenken"

"This isn't right. Sasabihin natin sa kanya, sa ayaw o sa gusto mo"


Hinila ko na siya papunta sa canteen but Jackson and Jiro's not here.


"Asan sila?" Tanong ko kila Ika.

"Outside. Bigla na lang hinila ni Jax si Jiro. Uy, bakit naiyak yang si Gigi?"


Di na ko nakapagsalita. Tumakbo na kami ni Georgina papunta sa labas. 

Hinanap namin sila hanggang sa makarating kami sa gym.

Nagbubugbugan na yung dalawa.


"Walanjo! Magtigil nga kayo!" Sigaw ni Enzo na sumunod din pala sa amin.

"Hoy mga tarantado! Ano bang ginagawa niyo?" Umawat na rin si Killian.


"Itong hinayupak na to, bigla na lang nanapak!" Pinunasan ni Jiro gamit ng kamay niya ang dugo sa labi niya.

"Sinabi ko na naman sayo di'ba? Tigilan mo na!" Sigaw ni Jax.

"Mind your own business, fucker"


Nagwalk out si Jiro at hahabulin pa sana siya ni Jackson ng humarang na si Ian.

"Tol, tama na" Seryosong sabi niya.


"Jax..." Pagiyak ni Gigi.


Kita kong nanlambot si Jackson ng marinig ang boses ng bestfriend ko. Lumapit agad siya sa amin.

"I'm sorry. Lahat gagawin ko wag ka lang magalit"

"Sorry din. Nagsinungaling ako sayo. Hindi sila Kenzie ang dahilan kung bakit ako galit sayo"


Sinenyasan ko na sila Enzo na iwanan muna ang dalawa.

I guess sasabihin na ni Gigi yung totoo kay Jax.


Lumabas kaming lahat sa gym at kita kong namomroblema sila Enzo at Ian.

"Ano kayang pinagawayan nung dalawa? Magbestfriend tapos nagsuntukan" Enzo murmured.

"Probably some girl" Tinignan ni Ian si Eli at umiling. "Tara na, kumain na tayong lunch. Hayaan niyo sila diyan"


Sumunod na lang kaming lahat. Wala sa canteen si Jiro. Siguro ay pumunta ng clinic or naghilamos.


Sobrang gulat pa rin ako sa mga nangyari kaya hindi ako gaanong nakakain.


Malaki ang problema ni Gigi. Hindi pa man niya sinasagot si Jax ay may nakaharang na sa kanilang dalawa.

At si Jiro...Ano ba talaga tumatakbo sa isip niya?


That afternoon, nagdecide akong sumama kay Eli sa swimming practice niya upang magpalipas ng oras. Siya lang naman ang gagamit ng pool ng school namin. According to her coach, walang nakaschedule to use it kaya solong-solo namin ni Eli ito.


"Naaawa ako kay gigi. Ano na daw gagawin niya?" Eli asked me paglabas namin ng locker room. Naka-one piece kaming dalawa, pinahiram niya sa akin itong suot ko.


Hindi naman ako nahihiya dahil kaming dalawa lang ang nandito.

Sa totoo lang, I can't swim. Di ako nalutang. May floating nga, di ko magawa.

Hanggang sisid at langoy aso lang alam ko.

Oo, ako na walang talent.


"Hindi niya pa alam. She said she'll talk to her mom" Sagot ko habang nagsha-shower kami dito sa gilid.


Close si Tita Gerna at si Gigi. As in wala na yatang sinekreto si Gigi sa mommy niya. Open-minded din kasi itong si tita, unlike my mom na takot akong magkaboyfriend.


"Eli, napapansin mo ba yung mga tingin sayo ni Ian?" Umupo ako sa gilid at hinawakan ang tubig.

Ayos! Ang warm!


Lumubog na ako at nagdive naman itong si Adeline.

Pagahon niya ay lumapit na siya sa akin. "Anong mga tingin sinasabi mo diyan?"


"He always look at you as if he wants to say something pero lagi naman siyang umiiling at hindi itinutuloy iyon"


"Well whatever it is, sana ay magkaroon na siya ng lakas loob sabihin. Wait nga, bakit ba natin pinaguusapan yung snobber na yun"


Nagkwento na lang siya tungkol sa bago niyang crush na nakita niya last week. Di pa daw niya alam yung name at course nung guy pero hinahanap na niya.


"Sana makahanap din tayo ng katulad ni Enzo noh? I mean, yung stick to one. Swerte swerte ni Ika, siya yung may steady relationship sa ating apat"

"Basta ako magkaroon lang ng ka-relationship, okay na" Tatawa-tawang sabi ko.


I really want to have a boyfriend.

Ewan ko talaga bakit sumagi sa isip ko yan.

Samantalang nung bata ako, magkausap lang si Barbie at Ken ang gusto ko.


"Hey"


Eli and I both looked up.


"Jiro?" Gulat na tanong ko. Nakalock yung glass door kaya hindi siya makapasok.

Umahon agad ako at binuksan iyon.


"Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ba tayo magusap?"


My heart stopped beating.


I slowly nodded and waited for him to close the door bago ako umupo sa gilid ng pool. Binaba ko lang yung paa ko dun sa tubig at tinitigan siyang lumapit sa akin.


Eli swam to the other side of the pool, probably giving us some privacy.

Umupo rin si Jiro sa tabi ko bago nakakunot-noong tumingin sa akin.


"Bakit mo ko in-unfriend sa facebook?"


Na-speechless ako sa tanong niya.

Napansin niya pala...


"Napindot ko lang siguro..." Pagsisinungaling ko.

"Even on twitter and instagram, hindi mo na ko finafollow. Kenz, galit ka ba sakin?"


*silence*


Hindi ko magawang magpaliwanag dahil kapag sinabi ko ang totoo ay malalaman niya ng crush na crush ko talaga siya.

Wala na namang kwenta kung umamin man ako dahil may girlfriend na siya.


"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" Pagmamaang-maangan ko.

"Eh bakit mo ginawa yun?"

"May...ano...uhmm...May ugali kasi ako na kapag badtrip ako o wala sa mood, naga-unfriend ako sa fb"


Please, let this one go.

Ayokong magexplain.

Paniwalaan mo na lang ako.


"Hayaan mo, ia-add at ifa-follow na lang kita mamaya"


Hindi pa nagsi-sink in sa utak kong napansin niya nga talaga ang mga ginawa ko.

Does that mean he's also viewing my profile?


"Okay...sige"


Halatang di siya naniwala sa itsura niya pa lang.


You should have known why I did those, Jiro.

Alam mo dapat kung anong pagkakamali mo.


"Pumunta ka dito para lang tanungin ako nun?" 


Medyo niyayakap ko yung sarili ko para hindi ako lamigin. Natutuyot na kasi ang basang katawan ko ng hangin.


"Magpalit ka muna, giniginaw ka na" Tumayo siya at inilahad ang kamay niya.


Jusko naman, Jiro. Kasalanang kiligin sayo!

At dahil may angking-harot nga kasi ang katawan ko ay hinawakan ko iyon at nagpahila sa kanya.


"Eli, tara na!" I shouted.

"Go ahead. Magpapractice pa ko. Uwi na rin ako after an hour" Sigaw niya pabalik.


I pursed my lips and looked at Jiro.


"Saglit lang ah"


Pumasok na ko sa locker room at nagmadaling maligo. Pagkapalit ko, nagpulbos muna ako at naglagay ng kaunting lipgloss.

I want to look presentable in front of him.


Wait lang, Kenzie.

You're not supposed to do that!


TAKEN NA SIYA.

Saksak mo yan sa utak mo!


Pinunasan ko ng tissue ang lips ko. Lumabas na rin ako ng locker room at lumapit na kay Jiro na nakaupo sa may bleacher.


"Seryoso ka Eli, okay ka lang dito? Di'ba delikadong maiwan ka dito ng magisa?" I asked her.

"Ano ka ba, sanay na ko. Tsaka may dadaan naman maya-maya na guard. Wag niyo na lang ilock yung pinto para makapasok yun"

"Sige. Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka"

"Ayt! Ingat kayo!"


Magkatabi kaming naglakad ni Jiro palabas ng campus.


Wala na masyadong tao dahil 5 pm na.

Nagsiuwian na ang mga freshmen.

Mostly, 3rd year at 4th year na lang ang mga naiiwan dito sa school ng ganitong oras.


"Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain muna tayo?"

"Ikaw na lang, busog pa ko"


Nagabang na ko ng jeep at walang paa-paalam na sumakay doon. Nagtaka naman ako ng sumunod si Jiro. Tumabi pa siya sa akin at binayaran ang pamasahe ko.


"Sabay na tayo, dito rin naman yung daan papunta sa subdivision namin"

Ay oo nga pala. Magkalapit lang kami ng bahay.


"Bakit nga pala kayo nagaway ni Jax?" I pretended I didn't know.

Gusto kong marinig ang sasabihin niya. Kung magsisinungaling ba siya or what.


"He's angry at me for being close with you. Kasi daw may girlfriend na ko...Tss"

"Sinisi kasi siya ni Gigi pero ang totoo----"

"Yeah. Jax told me everything this afternoon. Nagsorry na rin siya"


Bakit kaya ang seryoso niya?

Iniisip pa rin ba niya yung ginawa ko?


"Di'ba okay lang namang magkaibigan tayo?" Tinitigan niya ko ng mariin.

Naubusan yata ako ng hininga sa ginagawa niya.


"Wala namang masama makipagkaibigan sa isang babae, di'ba?" Dugtong niya.


Friends?

Friends lang?

Sapat na ba sakin yun?

Pwede bang more?


"Oo naman, Jiro"

"See! Binibigyan kasi nila ng malisya. Dudumi ng mga utak..."


Lumingon na lang ako sa labas at nanahimik na.

Pagbaba namin ng jeep, sasakay na sana akong trycicle ng hinawakan niya ang wrist ko.


"Lakad tayo. Hatid kita sa inyo"


Napanganga ako doon.

Anong trip nitong taong ito?


Nahihiya akong lumayo sa mga trycicle drivers na nakatitig sa amin. Nasa gilid ko lang si Jiro na para bang walang pakielam sa mga nagtsi-tsismisan.

First time kong maglakad pauwi. Di ko gawain ito eh.


"Nung sinabi mong may work ang mama mo kaya ka magstay kila gigi, napaisip ako. Nasan nga pala papa mo?"


Parang may bumarang bato ni darna sa lalamunan ko.


"Nasa kabit niya"

He was silent for a minute.


"Pero nagkakausap naman kayo?"

"Just this month. He wanted to make it up to me kaya mamayang gabi, kakain kami sa labas"

"You can do it"


I stopped walking.

"Ano?"

"Sabi ko, you can do it. Kaya mo yan, Kenz! Magiging maayos din kayong dalawa"


Ngumiti siya at nagpatuloy ng maglakad.


Sige nga! Paano ko pipigilan ang sarili kong wag magkagusto sayo kung ganyan ang mga ginagawa mo?


Hinabol ko na siya dahil malayo layo na ang nalalakad niya.


Binago ko yung usapan namin para hindi problema sa pamilya ko ang tinatanong niya.

Napunta kami sa mga interests namin sa isa't-isa.


Nalaman niyang hindi ako magaling kumanta pero nakakasayaw naman ako kahit papaano.

I'm also not sporty and I don't like eating a lot of green vegetables.


I learned that Jiro can sing. Nagsample pa nga siya, kumanta siya ng isang linya sa kanta ni Shawn Mendes na 'Stitches'. And he can play a guitar. Ayaw niya rin masyado sa gulay like me. Pero ang pinaka-favorite na pagkain niya ay chicken curry. Kapangalan ng favorite basketball player niya, si Stephen Curry haha.


"Bale, see you tomorrow?" He asked me nung nakarating na kami sa tapat ng bahay ko.

"Yeah, sa lunch"


Lumapit bigla si Jiro kaya nagfroze ako.


Ito yung mga nababasa ko sa wattpad na hahalikan niya ko bigla.

Ready ba ko dun?


*gulp*


"Thanks for the time, Kenzie"

"Ikaw din. Hindi mo na dapat ako hinatid, napalayo ka pa tuloy sa bahay niyo"

"Okay lang, atleast nakilala pa kita maiigi"


We both stared at each other's eyes.


"I should go" He whispered.

"Ahuh. Bye"


Ngumiti siya at nagstep back bago tumalikod at naglakad na palayo.


Pumasok agad ako sa gate at tumili pero nakatakip naman ang kamay ko sa bibig ko.


JIRO KNIGHT ROMERO, Please lang! Itigil mo na ang pagpapakilig!

Di na kinakaya ng hart hart ko!!!


***


"You look pretty, anak" My Dad said once he saw me wearing a blue dress my mom bought for me.

"Thank you po"


Tumayo na si Papa at bumaling kay Mama. "As promised, I'll return her by 8 pm, Krista"

"Magingat kayo"


Humalik na ko sa pisngi ni Mother Dear at nagba-bye na rin ako kay Ally.


Awkward akong naglakad papunta sa kotse ni Papa.

Dun niya ko pinaupo sa may front seat.


"Saan mo gusto kumain, kenzie?"

"Kahit saan po"


Bakit kung makapagsalita siya, parang hindi ko siya nataasan ng boses nung nakaraan?

Ang lambing ng boses niya at walang bahid ng galit akong naririnig.


"Lobster? You wanna try lobster?"

Napangiti ako ng todo. "Sure. First time ko pong makakakain nun. Ano po bang lasa?"


Napasulyap sa akin si Papa saglit. He looked shocked and I swear I saw regretment on his eyes.


"Parang crab at shrimp pero mas malasa. Kenzie, wag kang magalala. Simula ngayon, ipaparanas ko na sayo ang buhay na matagal mo na dapat naranasan. Babawi na talaga ako this time"


I just smiled and looked outside.


Gusto kong magpaka-behave at wag siyang sumbatan sa mga pagkukulang niya.

I think kung isasantabi ko ang inis ko sa kanya ay magagawa ko naman siyang patawarin.

Sana nga maging maayos itong dinner namin.


Pumasok kami ni Papa sa isang mamahaling restaurant. Never pa kong nakakain sa mga ganito dahil matipid nga si Mama.


"Tignan mo oh, ang cute. Nagde-date yung mag-ama. Ginaganyan din ako ni papa nung bata ako eh pero ngayon hindi na. Buti pa siya..."


Nahiya ako ng may marinig akong dalawang babaeng naguusap.

Umorder na si Papa at nakangiting inilapag ang isang paper bag sa gilid ko.


"For you"

"Po? Ano pong meron?"


Kinuha ko agad ang paper bag at inilagay sa lap ko. Sinilip ko yun at may nakita akong white na box.


"Ilang birthdays mo din ang napalagpas ko kaya gusto sana kita regaluhan tuwing nagkikita tayo..."


Nanlaki ang mga mata ko ng makitang iPhone ang gift niya.

Yung pinaka-latest pa talaga.


"Oh my gosh! Pa! Thank you po!"


Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa. Hindi ko inexpect ito.


"Wala yun anak. Kulang pa nga yan"

"Pero sana hindi na po kayo gumastos. Maayos pa naman po ang phone ko, sayang lang yung pera niyo"

"Luma na yang cellphone mo at according sa mama mo ay matataas naman ang grades mo. You deserve that"


I want to hug him right now but I didn't.

Hindi porket niregaluhan niya ko ay lubusan ko na siyang tatanggapin ng buong-buo sa buhay ko.


He has to prove to me na gusto na nga talaga niyang bumalik at magpaka-tatay na sa akin.

Ayoko lang na pagkatiwalaan ko siya agad pagkatapos ay iiwanan niya ulit kami ni Mama.


Kinalikot ko na agad ang phone ko at tinuruan niya pa ko kung paano gamitin ang ilang features nun. Di naman ako gaanong nahirapan dahil naka-iPhone din si gigi at madalas kong ginagamit yun para sa mga selfie ko.


"Pa..."

"Oh bakit?" Tanong niya habang nakain kami.

"May anak po ba kayo sa asawa niyo ngayon?"


I was always curious about his life now.

Kung anong klaseng babae ba yung kabit niya at nagawa niyang mas piliin yun kaysa kay Mama.


"Oo, isa. Kasing-edad ni Ally"

"Babae po?"

"Yes. Her name's Lea Marie"


May kapatid pala ako sa ama.

Well, sorry for her pero wala akong interes makilala siya o maging ka-close siya.


"Kailan nga po pala ang alis niyo? Nabanggit niyo po sakin nung nagdinner kayo sa bahay na sa Hongkong ka po na-assign"

"May mga inaasikaso pa kami dito pero mga tatlong linggo na lang siguro bago ako pumunta doon"

"Gaano po kayo katagal doon?"

"Hanggang sa matapos namin yung project and then, babalik na ulit ako dito"


I nodded and finished my food.


"How about you, Kenzie? Magkwento ka naman tungkol sa sarili mo"


Ganito kasi yan, Papa.

May crush po ako at akala ko gusto niya rin ako but it turns out, may girlfriend na pala siya.

Pero may mga ginagawa siya na nakakapagtaka kaya naguguluhan po talaga ako.


"There's nothing much to say..."

"May boyfriend ka na ba?"

"Bawal pa po"

"Pinagbabawalan ka ni Krista magboyfriend?"

"She wants me to graduate first. Okay lang naman din po sa akin dahil wala naman pong nanliligaw"


"Di yata ako makapaniwala. Ang ganda ganda mo kaya, nak"

Natawa ako at nagblush. "Bolero ka, papa"

He smiled and shook his head. "May nagpaparamdam naman sayo? Sure ako meron..."


Pagpaparamdam ba yung ginagawa ni Jiro?

Inihatid niya pa ko sa bahay kanina...


"Pa, how would you know if the guy likes you?"

"He pays attention to you"

"Like how?"

"Tinetext ka, chinachat, kinakausap palagi, tinititigan ka...Mostly, nagpapapansin sayo"


Wala naman ako number ni Jiro so pano kami magkakatextan?


"Okay..."

"Meron ba?"

"Wala po"


Tumawa na lang siya at iniba na ang usapan.

He told me his plans. Na kung papayag daw si Mama ay papadalawin niya ko sa Hongkong para na rin maranasan kong mag-travel. Babayaran niya daw ang lahat para sa 3-day trip ko.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng biglang tumunog ang phone niya.


"Excuse lang anak"


Tumayo siya at lumabas ng restaurant. Habang nakain ng cheesecake ay tinitignan ko siya. Nakita ko kung paano mawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng pagaalala.

Nagmadali siyang bumalik at naglapag ng pera sa table.


"Let's go, Kenzie. Sorry, may emergency kasi sa bahay. Si Lea daw naiyak at walang may ibang gustong kausapin kundi ako"


Parang piniga niya ang puso ko sa mga sinabi niya.

Hindi ba dapat sa akin mapunta ang oras niya ngayon?

Ilang taon na naman niya kasama yung Lea na yun, samantalang ako? Wala pang limang oras kaming nagkakasama pero babalik na agad siya dun.


"Mauna na po kayo. Ubusin ko pa po ito eh"

"Bumili na lang tayo ng take out---"

"Sige na, Pa. Kaya ko naman pong umuwi magisa"


He hesitated at first but then he agreed to what I want in the end. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at halos tumakbo na upang makasakay sa sasakyan niya.


Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko.


Until now, hindi mo pa rin magawang panindigan ang pagiging ama ko.

One phone call from your other daughter and you're willing to leave me.

I want to forgive you, Papa pero pinapahirapan mo kong gawin iyon.


Tahimik akong umiyak upang walang masyadong makahalata sa akin.

Ayokong mapagusapan. Ayokong pagtinginan.


Nakatitig lang ako sa kawalan, sinusubukang tanggalin ang sakit na nararamdaman ko.


"Bat ba dito pa? Pwede naman sa-----Kenzie?" Napaangat ang ulo ko ng may magsalita sa gilid.


I saw Jiro standing beside Stacy na mukhang nagtataka kung sino ang kausap ng boyfriend niya.

"Babe, upo ka muna dun. Saglit lang 'to" He told her without even looking at her.


Lumapit agad si Jiro sa akin at iniwan ang girlfriend niya. Parang wala namang pakielam si Stacy dahil sinunod niya ang sinabi ni Jiro. Walang tanong-tanong kung sino ba ako.


"Are you okay? Bakit ka naiyak?" Hinila niya ang upuan ni papa kanina upang umupo sa gilid ko.

"Wala 'to" Pinunasan ko ng panyo yung mukha ko.


"It's about your dad, right?"

Tumango ako at pinilit ang sariling ngumiti. "I should have known how this dinner would end"


"Iniwan ka niya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jiro.

"Mahabang kwento"

"Halika, iuuwi muna kita sa inyo" Tumayo na siya at inilahad ang kamay niya.


Kitang-kita sa mga mata ni Jiro ang pagaalala and I hate that he's doing this dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko.

He's here with his girlfriend pero ako itong kinakausap niya ngayon.


"No. I'm good. Kaya ko sarili ko"

"I insist---"

"How about stacy?"


Nagbago ang expression ng mukha niya. Parang dun niya lang ulit naalalang may kasama siya.


"I told you, kaya ko. Salamat na lang"


Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanya. I glanced at Stacy na busy kakatingin sa menu ng restaurant.

Lumingon ulit ako kay Jiro at ngumiti bago tumalikod.


Sanay naman akong mag-isa.

Kaya di ko na kailangan ng masasandalan pa.


Gusto kong magwala.

PATI BA NAMAN MASASAKYAN, WALA?

Yung mga jeep, punuan! Wala namang dumadaang trycicle dito!


"Kainis naman eh!!!!" Sigaw ko sabay hagulgol sa iyak.


"Sabi mo kaya mo? Bat parang hindi na?"

Mas lalo akong naiyak nung nakitang naglalakad palapit sa akin si Jiro. Lumabas pa talaga siya ng resto par alang sundan ako.


"Tigilan mo nga ko. Mangaasar ka pa, kita mo na ngang wala ako sa mood makipagbiruan sayo" *sniff*


He bit his lower lip and sighed.


"Let's just go, kenz. I know you're vulnerable right now. Stacy can wait"

"I don't want to ruin your date with her. Sige na"


Hinawakan niya yung braso ko ngunit dahan-dahan ko namang tinanggal iyon.

Nirelax ko yung sarili ko at pinunasan ulit ang mga luha sa mukha ko.


"Fine. Mukhang di kita mapipilit. But can I atleast get your number? Gabi na and you're wearing a fucking dress. Napakadelikado" Tumingin siya sa taas at pumikit. It's like he's trying to control himself. "I want you to call me when you get home. Gusto kong makasiguradong makakauwi ka ng safe"


Inabot niya ang phone niya at nilagay ko doon ang number ko.

Nagmiss-call agad siya sa akin para ma-save ko ang no. niya.


"I mean it, kenzie. Call me or else pupuntahan kita agad sa bahay niyo"

"I will"


Sinamahan niya ko hanggang sa makasakay ako ng jeep.

Habang sumasakay din ang ilang pasahero ay tumingin ako sa kanya. 


Itinuro niya ang phone niya.

Ang kulit lang...


"Goodnight" 

"Night. Thank you" I smiled lightly at him.


-----------------------------------------


I got great news! 50 pesos na lang po ang books ko ngayon sa lahat ng Pandayan Bookshops! As long as may stock daw po ng IHT and SITM ay ganun ang magiging price :) Even other Psicom books :))

Continue Reading

You'll Also Like

194K 1.4K 6
[COMPLETED] LA VISTA SERIES #1 Tahiti Solstice V. De Castro kept ignoring her dad about their family issues, hearing all of those almost everyday. Ne...
93.1K 3.1K 45
REVISED VERSION: PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA POP FICTION (2020) The whirlwind romance of Sophia and Dylan that started on a drunken sorrowful night...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...