My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 10 - Confused

73K 2.2K 704
By NerdyIrel

Fast and Long update yayyy!

-----------------------------------


Chapter 10 - Confused


Days passed by quickly. Sadly to say, walang masyadong nangyari sa crushlife ko bukod sa pagdadamoves ni Jiro sa akin tuwing lunch.


Nagkaroon na kasi ng mahabang upuan doon sa canteen. Ang alam ko nirequest talaga yun ni Jax sa father niya. Nauuna kami palagi nila Gigi makarating sa canteen dahil mas maaga ng 15 minutes yung tapos ng morning classes namin compared to them, kaya pagdating nila doon ay nakaupo na kaming mga girls.


Tapos si Jiro ang gagawin niya, sisiksikin niya ko para makaupo rin yung mga kasamahan niya.

I don't know if he's just playing around or he really wants to do skinship with me. I'm thinking of the latter hehe.


"Download mo ha tapos pa-copy ako" Nakangiting sabi ni Jiro sa akin habang nakain kami.


We were both talking about ShadowHunters tv series. Bago lang iyon at madaming nagsasabing mas maganda ang movie but I think it's still cool. Bet ko yung color ng hair ni Clary doon.


"Sige, basta magdala ka na lang ng usb"


Magsasalita pa sana si Jiro ng napatingin siya kay Jackson. Nasundan ko agad sila ng tingin kaya agad na itinuon ni Jax ang atensyon niya kay Gigi.

Kahit na napapansin ko ang madalas na pagtingin ni Jax kay Jiro tuwing magkakasama kami ay hindi naging dahilan yun upang layuan ako ni Kuya Biceps. I guess binibigyan ko nga lang talaga ng kakaibang meaning ang mga silent looks nila. Maybe ganun lang talaga tumingin si Jackson...


"Guys, akyat na kami. We're gonna be late for class" Nagsitayuan na kami at pinadaan naman kami ng mga kaklase namin.


"Oo nga pala, last day na ni Kenzie sa bahay mamaya. Gusto niyong mag-overnight dun?" Gigi asked.


"Sure----" Sasagot na si Jiro ng nagsalita si Jackson.

"May project kaming gagawin mamaya eh. Kailangan na naming tapusin yun kaya nagmamadali na kami. Sorry ha, next time siguro" Jax told her.


Nalungkot ang mukha ni Georgina pero ngumiti pa rin siya. "Okay. Bye na guys"


Kumapit na sa braso ko ang bestfriend ko at hinila na ko palayo. Paglabas namin ng canteen ay nilingon ko pa sila Jiro.


He looked like he's in a deep argument with Jax. Nagulat ako ng tumayo siya bigla at padabog na hinagis ang kutsara niya sa table.


Jiro's pissed. I could see that.


"Nagaway ba kayo ni Jax?" Nagaalalang tanong ko kay gigi.


"No. Nakaka-frustrate nga eh. He's so sweet then all of a sudden, ayaw niyang pumunta sa bahay? Boys! I hate how they easily get in my nerves!"


Tell me all about it, Georgina.


"I'll try to ask Enzo about this" Ika butted in.

"Yes please. Mababaliw yata ako kakaisip kung wala akong makukuhang sagot" Asar na asar na sabi ni Gigi.


Nagconcentrate na lang ako sa studies ko the whole day. Ayokong mamroblema at magisip ng kung ano-ano. 


Jiro and I are okay. Si Jax lang naman talaga ang may problema sa amin. I really wonder why.


My phone suddenly buzzed when I was in front of my locker.

[Ally baby calling]


Nagmamadali kong sinagot ang phone call niya.


Me: Hey couz. Musta?

Ally: I'm great! Ang saya dito, ate! Nakakalungkot nga na I'm leaving tomorrow na.

Me: Why don't you stay till Sunday? Sulitin mo na kaya?

Ally: Ayaw ni Mama eh. Nalaman niya kasing pumunta si Tita sa Palawan so she wants me to go home na para may kasama ka na.

Me: Nako, sana sinabi mo kay Tita na dun naman ako sa kaklase ko natutulog ngayon.

Ally: I did but she insisted.

Me: Ang tita talaga tsk tsk.

Ally: Wag mo na ko sunduin bukas ha ate! I'll get a taxi na lang.

Me: Di naman talaga kita masusundo. I can't drive hahaha.

Ally: Bwahaha I forgot. Sige bye na! Mwah!


In-end call ko na bago ko binuksan ang locker ko. Magiiwan ako ng ilang libro para hindi na mabigat sa bag ko. Hindi naman lahat ito ay magagamit ko sa pagaaral sa bahay. Andyan naman si google pag kinailangan.


"Ate kenzie, is that Ally on the phone with you a while ago?"


Napalingon ako sa englisherong tisoy na lumapit sa akin.

"Uy japeth. Oo eh. Bakit?"

"She hasn't been answering any of my calls and chats lately. Is she okay? I'm worried..."


Kasi nga ayaw niya sayo. 

Di mo makuha?


"Ally's in Cebu right now. Baka busy"

"I didn't know that...Oh well, can you atleast tell her to call me back?"

"Sure"

"Thanks ate kenzie"


Ngumiti na lang ako at pinanuod na siyang makalayo.

I wanted to tell him the real reason kung bakit di na siya kinakausap ni Allyson pero ayoko naman pangunahan ang pinsan ko. It's their business.


"Why is Kuya Jarren asking for your number?" Halos mapatalon ako ng sumandal si Enzo sa gilid ng katabing locker ko.


I raised an eyebrow at him and shrugged. "I don't know"

"Weh? Yung totoo kenzie? Pinopormahan ka ba ni Kuya?"


Sinarado ko ng malakas yung locker ko at inirapan siya.

"Paanong popormahan eh hindi nga kami close"

"I saw his post on your timeline...malay ko ba kung nagcha-chat na kayo"


Tumalikod na ko at iniwan siya.

"Come on kenzie! Hahaha curious lang ako kasi ngayon lang nangulit ng ganito si Kuya sa akin"


I stopped and glared at Enzo. "Hindi ko nga sabi alam! Pwede ba!"

"Kaya ka single eh, ang sungit mo. Tignan mo si ika babes ko, ang lambing"

"Single ako kasi choosy ako. Di katulad niya pumatol sa..."

"Oh sige ituloy mo!" Pagbabanta niya.

"Whatever. Get lost!"


Naiinis ako sa kakulitan niya and at the same time, bumibilis kasi ang tibok ng puso ko. Why would his kuya want my number? First time kong marinig na may nanghihingi ng number ko sa kaibigan ko.


"Wait lang! KENZIE, PWEDE KO BA IBIGAY SA KANYA NUMBER MO?" Sigaw ni Enzo dahil nakalayo na ako.


Hinarap ko ulit upang sigawan ngunit nanlaki ang mga mata ko ng mapansing papalapit si Jiro sa kanya. Nasa bulsa niya ang mga kamay niya pero kitang-kita nakakuyom ito.


"Ibigay kanino?" He asked Enzo.


Lumapit agad ako sa kanila. Baka kung ano pang sabihin nitong hinayukap na boyfriend ni Ika, mawalan pa ng gana sakin ang crush ko!


"Si Kuya. Hinihingi number ni Kenzie" Dire-diretsong sagot ni Enzo.


ARGH! NAKAKAIBWISIT! WHY WOULD HE TELL JIRO ABOUT THAT?


"Pwede ba enzo, sabihin mo diyan sa kuya mo, hindi kami friends para maging textmates. Nagkabanggaan lang kami ng dalawang beses, yun lang yon"


"Di nga?" Gulat na tanong ni Enzo.


"Oo. Sa airport nung sinundo ko yung pinsan ko, nandun din siya tapos dito sa school. Kaya nga nagtaka ako kung bakit in-add niya ko sa facebook eh"


"Hahahaha type ka non! Maybe nagandahan sayo. Lagot sakin si Kuya, tatadtarin ko ng asar yun! HAHAHA Ge kenzie" Tumakbo na si Enzo papunta sa parking lot.


Ang alam ko hindi niya rin isasabay si Maika ngayon. Susunduin kasi si Ika ng dad niya. May lakad yata sila ni Tito. Tapos mamayang gabi pa siya ihahatid sa bahay nila Gigi for the overnight.


"You and Jarren huh?" Seryosong tanong ni Jiro at lumapit pa talaga.


Jarren lang talaga? Walang kuya?

He's one year older than us.


"Walang ganun" Titig na titig ako sa mga mata niya.


Poker face lang ang mukha ni Jiro kaya di ko matansya kung ano ba talaga ang iniisip niya.


ITO NA BA YUNG SCENE NA AAMIN SIYANG NAGSESELOS SIYA?

KATULAD SA PANAGINIP KO?


He nodded and looked down.

Tinitignan niya lang yung sapatos niya.


"Uwian niyo na?" Tanong ko na lang for a change topic.

"Yup. Kayo?"


"Kanina pa kaso nasa library pa sila Eli, may kailangan kasi kaming hiramin na libro para sa reporting next week" Friday today at Monday yung report namin.


"Kasabay mo si Gigi paguwi?"

"Oo"

"Take care, then"


He gave me a tight smile before he walked away.


I was stunned and a little bit confused.

Is he mad? Ang lamig ng pakitungo niya...


"Was that Jiro?" Tanong ni Georgina paglapit na paglapit nila sa akin.

"Yup"

"Uyyy bakit daw?"

"Napadaan lang..."


Ayokong ikwento sa kanilang tatlo ang tungkol kay Jarren. Sasabihin nila love triangle tapos aasarin pa kong mahaba daw ang buhok ko. Sus, so childish.


"Kenken, samahan mo naman ako sa SM please. Bibili lang ako ng bagong damit"

"Dami mo na kayang damit, gi. Gastos mo talaga"

"No. I really need a new one. Eh kasi...si Jackson...he asked me out"


Napatili kami nila Ika at Eli sa sinabi niya. Kinilig kami dahil may progress na talaga yung dalawa.


"For real?!"

"Yup! Excited na nga ako eh kasi whole day kaming magkasama bukas! Wahhh!"


Tapos ayun, kinwento niya na kung paano sinabi ni Jax sa kanya na magde-date sila. Simple lang pala. Tinanong lang siya kung may gagawin bukas tapos nung sinabi niyang wala, niyaya na siyang lumabas.


I wish mangyari sakin yan.

Never pang may nagyaya sakin on a date.

:(((


"Tara na para hindi tayo masyadong gabihin" Eli said. Sasama kasi siya sa amin.

"I wish I could come" Naka-pout na sabi ni Ika.

"Next time pag si Kenzie naman ang niyaya ni Jiro hahaha"


I glared at Gigi. "Kung di kita bestfriend, inupakan na kita. Alam mo namang hindi mangyayari yun!"

"Ang nega mo talaga, teh!" Eli said.


Nagjeep na kaming tatlo papuntang SM. Si Ika nagpaiwan na sa school, padating na rin naman daw si Tito.


Pagdating doon, sa mga mamahaling branded store agad dumiretso si Gigi.


Sometimes I envy her.

Lahat ng gusto niya nabibili niya.

May hindi na nga niya sinisilip ang price tag ng mga hinahablot niyang damit.


Samantalang ako, makita ko pa lang na 400 pesos ang isang t-shirt ay binibitawan ko na.

Meron naman diyang tig-100 lang. Sulit na yun. Hahaha.


"Magsukat lang ako. Diyan lang kayo ha" Tumakbo na siya papasok sa fitting room habang si Eli naman ay umupo at nag-facebook na lang sa phone niya.


Since tinatamad akong tumunganga ay tinignan ko ang ilang mga damit.

Ang ganda naman nitong dress----WHAT THE HELL!


WORTH 1,600?!

ANO TO? GINTO?


Binalik ko agad yung dress at tumingin na lang ng mga bag.


Habang ginagawa iyon ay may nakita akong babaeng may kausap sa phone.

Naka-paldang itim siya at tight na gray shirt. Tapos may sunglasses pa siya.


Ateng, ang taas ng araw sa loob ng mall ha! HAHAHA.


Tinanggal niya iyon ng mapansing nakatitig ako sa kanya. Tinaasan niya ko ng kilay kaya iniwas ko na lang ang tingin ko.


She looked...familiar.


Tinignan ko ulit siya ng palihim at naalala kong siya yung babaeng nakaaway namin nila Eli sa gym nung intrams. Putok na putok pa rin ang red lipstick niya at ganun pa rin ang ayos ng eyeliner niya.


"Adeline" Bulong ko. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Why?"

"Remember that girl?"

Nanlaki ang mga mata ni Eli ng makita yung babae. "Shit"


Tumalikod na siya at mukhang may sasalubungin sa may labas ng store.


O_________O


"Jiro?" Sabay naming bulong ni Eli.


Hindi naman sila nagyakapan o nagholding hands pero naguusap sila at napapangiti si Jiro. And then umalis na silang dilawa.


"Who the hell is that girl? At bakit magkasama sila ni Jiro?"

"Maybe girlfriend niya..." Malungkot na sabi ko.


Nawala ako sa mood at hindi ako magsisinungaling, nasaktan ako ng kaunti.


Kaya siguro nandun sa gym yung babaeng yun ay dahil pinapanuod niya maglaro ng basketball si Jiro.

Kaya siguro laging nakatuon ang atensyon ni Jiro sa phone niya ay dahil magkatext sila.

Kaya siguro lagi siyang nawawala after his game ay dahil nagmi-meet sila.

Kaya siguro iniirapan siya ni Jax ay dahil alam niyang may girlfriend si Jiro at maling nakikipagflirt pa ito.


Now I know kung bakit ako sinabihan ni Jiro na wag magsasalita tungkol sa mga nangyari sa party ni Jax. He was just drunk back then. Nakalimutan niyang may magagalit at may magseselos.


Bakit nga naman hindi ko napansin ang lahat ng iyon?


"Kenzie, baka pinsan niya yun or kaibigan lang" Nagaalalang bulong ni Eli. Nakita niya siguro ang itsura ko.


"Wala na akong pakielam..."


I'm gonna stay away from him.


Buti nga hindi pa ko nafo-fall kay Jiro.

Naagapan ko yung namumuong feelings ko sa kanya.


Sabi na nga ba. 

Basta pogi, it's either taken or gay.


*sigh*


Hinding-hindi talaga nagkakagusto sa akin ang mga nagiging crush ko.


Mali na umasa ako.

Mali na nagexpect akong iba na yung patutunguhan ng love life ko this time.


He was just being friendly to me kaya niya ko lagi kinakausap.

But that was it.


"Tada!" Napalingon kami kay gigi na may suot na white dress. Simple ngunit elegante ang itsura nito.


"You look beautiful, gi. Kunin mo na yan"

"Thanks---Hey, are you okay?"


"No. Nakita lang naman namin si Jiro na may kasamang babae. Naaalala mo yung babaeng kinwento namin sayo na nakaaway ko sa gym? Yun!" Walang tigil na pagexplain ni Eli.


"Baka pinsan lang" Georgina tried to soothe me.

"Yun din sabi ko"


"Girlfriend man yun o hindi, ayoko na. Magko-concentrate na lang ako sa pagaaral ko" I stated.


It was just an effin' crush. I'm not heart broken for them to pity me.


"Aruy. Sorry to hear that" Gigi said.

"Maghahanap na lang ako ng bago" Tatawa-tawang sinabi ko.


Ganyan ang gawain namin.

Hanap ng bagong magpapakilig kapag hindi na pala pwede ang nagugustuhan namin.


I tried to convince them na hindi naman talaga ako ganung kalungkot but they didn't believed me. Nilibre pa nila ako ng ice cream para gumaan daw ang pakiramdam ko.


"Para kayong tanga" Diretsang sabi ko.

Tumawa lang ang dalawa at iniba na ang usapan.


***


Pagkakain namin ng dinner ay naghugas na kami ng plato ni Gigi.

Andito rin sila Eli at Ika pero nauna na sila sa taas.

Si Tita naman, nasa living room, ka-skype ang father ng bestfriend ko.


"Ano ng plano mo?" She suddenly asked me.

"Huh? Di kita magets"

"Kayo. Ni Jiro..."


"Gi, kilala mo ko. Hindi ako malandi na itatry agawin siya sa girlfriend niya. Lalayuan ko na siya para wala ng gulo"


"You're not even 100 percent sure na girlfriend nga yun ni Jiro. Ang sabi mo nakita mo lang silang magkasama pero hindi man lang naghawak ng kamay"


"Madami naman iba diyan. Dadating din ang true love ko"

Tinawanan niya ko sa sinabi ko.


After namin maghugas ng plato ay umakyat na kaming dalawa sa taas. Lahat kaming apat naka-laptop habang nilalantakan ang chocolates na padala ng papa ni Gigi.


"Ia-unfriend ko na siya" I told them.


Eli: "What?! Grabe ka naman!"

Ika: "Sure ka ba diyan?"


Nilandi niya ko sabay may nilalandi din pala siyang iba.

ANO YUN?! Two timer ang peg? Tsss.


Pumikit ako nung tinapat ko yung cursor sa friends button, sa profile niya.


Unfriend


"Kenken! You don't have to do that! OA mo!" Sigaw ni Gigi.

"I hate him. Paasa siya"


Kumukulo talaga ang dugo ko tuwing naaalala ko ang mga nangyari samin sa bahay nila Jax.


Kung makadikit si Jiro akala mo single siya!

At hahalikan pa talaga niya ko! Wtf!


I clicked the button without hesitation and they all hissed at me.


"Sabi mo di ka heartbroken! Gawain yan ng mga pusong sawi!" Eli shouted.


I bit my lip and pushed her away.

Binlock-unblock ko din si Jiro sa twitter para hindi na namin fina-follow ang isa't-isa.

Even in instagram ginawa ko yun.


"What if hindi niya yun girlfriend, eh di nagsisi ka?" Ika asked.

"Eh di i-add ko siya ulit haha"


Sinarado ko na yung laptop ko at binuksan na lang ang TV.

Sakto may replay ng Gossip Girl.


"Buti pa si Chace Crawford, single. Siya na lang ang crush ko"

"Wala ka namang pagasa kay Chace BWAHAHAHA"


Sinipa ko si Gigi at nalaglag siya sa kama.

Halos hindi kami makahinga kakatawa sa itsura niyang yamot na yamot.


***


Kinabukasan ay kaming tatlo sa sari-sariling bahay namin.

Naiiyak pa nga si Tita Gerna, sabi niya mamimiss niya daw kami, lalong-lalo na ako. Ang saya ko daw kasama dahil ang ingay ingay ko daw.


"Tita, babalik naman po ako pag may pagkakataon"

"Buti pa nga. Sabihin mo rin sa mama mo, pupunta ako sa inyo paminsan-minsan. Magdadala ako ng pagkain"

"Sige po. Bye Gi" I hugged her tight. Bumaba na ako sa kotse nila at pinanood na silang makaalis.


Nilock ko agad ang gate kahit na tanghali pa lang. Delikado kasi na magisa lang ako sa bahay ngayon

.

After an hour ay dumating na rin si Ally. Andito kami ngayon sa sala nanunuod lang ng random movies.


"So! How are you and Kuya Jiro?" Tanong niya habang nanguya ng dried mangoes.

Inagaw ko yung plastic na nasa table at hinalungkat yung mga pasalubong niya.


"Wala na. Tinapos ko na habang maaga" I told her.

"WHAT? BUT WHY??"

"I saw him with a girl yesterday"

"Ouch"


Di na lang ako umimik.


I kept refreshing my facebook account, still hoping na magmessage siya or what.

Mukhang di pa yata niya napapansing in-unfriend ko siya.

Makapagstatus nga.


Di ko alam kung paasa ka ba o sadyang umasa lang ako.


Andami agad nag-comment at naglike.

Mga tsismoso at mangaasar, nagsama-sama.


Sayang kami ni Jiro.

Nagsisimula pa lang, naudlot na agad.



Monday.


"Any questions?" Tanong ko sa mga kaklase namin, pagkatapos na pagkatapos ng reporting.

Walang sumagot sa takot na rin siguro na abangan namin sila a gate mamaya hahaha.


Pinalakpakan na kami ni Ma'am. "Very good. Tomorrow, ang group naman nila Mendoza ang magrereport. That's it for today, Goodbye class"


"Goodbye ma'am" Nagsitayuan na ang lahat. Mga nagmamadaling umalis.


Kinuha na ni Eli at ika ang projector na sinet-up namin kanina. Ibabalik na namin ito sa PDD bago kumain ng lunch.


"Dun pa rin ba tayo sa may aircon? Pwede bang sa kabila na lang?" Bulong ko.


Gusto kong iwasan si Jiro dahil alam kong kapag nilandi niya ko ay magpapaharot naman ako.

Crush ko pa rin naman siya noh! Gwapo niya kaya!

Pero syempre badtrip na ko sa kanya.


"Naka-oo na ko kay Jax, Kenken" Gigi said.

"Oo nga pala girl, anong nangyari sa date niyo? Magkwento ka bilis!" Pangungulit ni Eli.


Habang naglalakad kami ay nahihiyang shinare ni Georgina ang mga nangyari.

Tahimik lang talaga siya about their relationship sa una pero pag alam niyang may feelings na sila sa isa't-isa ay ikukwento niya na rin sa amin.


"May dala siyang flowers at chocolates. Sobrang sweet niya grabe. Inaalalayan niya pa ko sa pagsakay ng escalator. Alam niyo yun? Sobra-sobrang maalaga"


Sumimangot ako dahil naiinggit talaga ako sa kanilang dalawa.


Buti pa bestfriend ko, madaling nakakakuha ng boyfriend.

Bakit ako? Hindi! Huhuhu.


Pagkatapos dumaan sa PDD ay bumaba na kami. Wala pa ang mga boys kaya medyo relax pa ako.

Umorder na kami ni Eli dahil parehas na kaming gutom. Si Gigi at Ika daw, mamaya na lang.


Nung umingay ay alam ko nang nagdatingan na sila Zach.

Rinig ko ang boses ni Jiro at Jackson na nagbibiruan ngunit hindi ko sila nilingon.


Si Ian, biglang tumabi kay Eli kaya napatingin itong kaibigan ko.

"Dalawang rice nga po tsaka itong adobo" Nagbayad agad si Killian kay Manang.


Adeline pretended as if she's not beside him. Binayaran niya na rin ang pagkain niya at iniwan na kami.


Kitang-kita ko ang pagsunod ng tingin ni Killian.


"Iho oh, ngalay na ko" Sabi ni Manang na kanina pa inaabot ang kanin at ulam na inorder niya.

"Ay sorry po"


Hindi na niya ko tinignan dahil napahiya siya sa harapan ko.

Nagbayad na rin ako at tahimik lang na bumalik sa table.

Wala akong choice kundi tumabi pa rin kay Kuya Biceps. Ganun na ang seating arrangement namin eh.


"Gago hindi!" Tatawa-tawang sigaw ni Jiro kay Zach.

"Eh di hindi! Sira ulong 'to" Sagot naman nung isa.


Nagconcentrate na ako sa pagkain ko. Pinapakinggan ko na lang yung mga usapan nila.


"Ayan, tama yan. Mauna kang kumain para di ka nahuhuli" Jiro teased.


I just smiled and continued eating.

Di naman na siya nagsalita dahil tumayo na sila upang bumili ng pagkain.


Pagangat ko ng ulo, natigil ako sa paglunok ng mapansing nakatingin sa akin si Jax.


Bakit? Anong meron?


Umiling siya at kinausap na ulit si Gigi.


Ano yun?


"Gusto mo?" Pagaalok ni Jiro ng ulam niya nung napansin niyang kulang yata yung kinakain ko.

Matakaw ako sa ulam kaysa sa kanin.


"No, thanks. Mas gusto ko 'tong fried chicken haha Gi, penge ah"


Kumuha na ko ng balat ng chicken at yun ang kinain ko.


Sumulyap ako kay Jiro after a few minutes. Nakangiti siya habang nagdadaldalan sila ng mga kaklase niya.


Talagang di mo napapansing iniiwasan na kita?

MAY HINDI MO MAN LANG NAPANSING IN-UNFRIEND KITA SA FB?

Grabe ka, Jiro.

:(


"Mauna na ko. Magmememorize pa ko, may recitation kami mamaya eh" Tumayo na ko at nagexcuse kila Eli.

"Dito ka na dumaan" Jiro said.


Tumayo sila ng mga kaibigan niya upang makadaan ako.

"Thanks" Bulong ko.


Umupo na si Jiro at tinuloy na nila yung usapan nila.


Ang sakit pala talaga pag nasampal sa mukha mong walang pakielam sa'yo yung crush mo.


Dumiretso na lang ako sa CR upang ayusin ang buhok ko. Gusto kong magpusod dahil ang init-init ng weather.


"Hi. Di'ba ikaw yung girlfriend ni Jiro?"


O______O

Napalingon ako sa gilid ko. Hinanap ko kung sino kausap nila hanggang sa matawa yung isa at sinabing ako daw yung tinutukoy nila.


"Huh? Ako?"

"Yup. Kenzie right?"

Hala. Bakit nila ko kilala?


"Bakit niyo naman nasabing girlfriend niya ko?" I asked them.


"Kalat kaya sa buong cheering squad. Nakita namin yung mga tweets niya sayo tapos lagi pa kayong magkatabi tuwing lunch. May friend din kami na nakita kayo nung party ni Jax. Sobrang lapit niyo daw sa isa't-isa. Grabe girl, anong feeling maging boyfriend ni Jiro?"


Nagblush agad ako.


Kung crush din nila si Jiro, malamang nagstalk din sila.

Eh bakit ako ang napagkalamang girlfriend at hindi yung babaeng kasama ni Jiro sa mall nung friday?


Siguro nga nag-assume na naman ako.

Baka naman wala talagang gf si Kuya Biceps.


GULONG-GULO NA KO!

WHAT THE HELL.


"Hindi, magkaibigan lang kami"

"Nako kenzie, okay lang yan. Wag mo na ilihim samin. Suportado naman kami kung kayo talaga"

"We're just friends" Paguulit ko.

"Ganun? Sayang naman. Talo kami sa pustahan. Pero bagay kayo, infairness"


Ngumiti na lang ako at hinintay na lumabas na sila ng CR.


I looked at the mirror and smiled widely.


Bagay daw kami ni Jiro?

Pati si Manong Kwek-Kwek sinabi din yun...


SHET! MAY PAG-ASA PA KAYA?

Kainis! Kinikilig ako sa mga sinabi nila!


"Kenzie, baliw ka na! Umayos ka nga. Landi landi mo"


Nagpulbos na lang ako at nakangising bumalik na sa classroom.


Bahala na.

Go with the flow na lang ako.


------------------------------------------------


Girlfriend kaya talaga yun ni Jiro or not?

At si Kenzie? Kailangan niya na bang tumigil sa kaka-asa?

At ikaw author? Kelan ka papanget? HAHAHA joke.


Ganito din ako sa crush ko. Yung ayaw mo na pero pag pinangiti ka, crush mo na ulit HAHA.

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
2.1M 137K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...