My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 8 - Awkward

71K 2.3K 963
By NerdyIrel


Chapter 8 - Awkward


Nawala na parang bula ang antok ko ng dahil sa sinabi ni Jiro.

Matagal kong pinagisipan kung ano ang ibig sabihin niya doon.


Sleep ON ME?

As in I can lean my head on his chest?


Pwede yun? TALAGA?

Hindi ba siya magagalit, maiinis, maiinitian, o mahihirapan?


"J-jiro....I-I" Nauutal na binuksan ko ang aking mga bibig ngunit nawala yata yung connection ng brain sa mouth ko kaya wala akong masabi.


I closed my mouth again and frowned. Kanina pa ko nakayuko. 

Hindi ko magawang tignan ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.


Papayag na ko sa gusto niya. I want to at least half-hug him.

Kahit man lang ulo ko lang ang lumapat sa katawan niya at ang katawan ko'y malayo-layo ay okay lang sa akin.

Hindi naman ako humihingi ng higit pa doon dahil sobra-sobra na ito para sa akin.


Muntikan na kong mapatalon sa gulat ng hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang ulo ko. Nagtugma ang aming mga mata.


What are you doing?


He started leaning on me.

Ang lapit-lapit na ng mga bibig namin sa isa't-isa ng biglang bumukas ang closet.


Sabay kaming napatingin ni Jiro.


"Holy hell. I knew it" Mapangasar na bigkas ni Enzo. 

Binatukan siya ni Jax at sinenyasan si Jiro na lumabas na. Mukhang galit ito...


Nilagpasan ko na lang si Enzo at hinanap na ang mga kaibigan ko.

Gigi and Ika looked worried when they saw me. Kakapasok lang nila dito sa kwarto.


"Anong nangyari? Bakit ang tahimik niyong apat?" My bestfriend asked.


Nagkibit balikat lang naman ako. 


Ayokong i-share sa kanila na muntik na kong halikan ni Jiro.

Naguguluhan kasi ako.


Is he drunk kaya niya naisipang gawin iyon?

O baka naman may gusto na rin siya sa akin?


"Halika na kenzie. Magpalit na tayo ng damit at matulog na" Pagyayaya ni Maika.


Napatingin si Jiro at Jackson sa akin bago sila lumabas at tumambay sa may balkonahe.

Halatang malalim ang paguusap nila.


"Asan si Eli?" Tanong ko nung iniabot niya na sa akin ang bag ko.

"Nasa baba. Gustong uminom ni Ian ng tubig kaso ayaw niyang bitawan kamay ni Adeline"


She giggled and so is Gigi. Kinikilig sila sa mga nangyayari sa crushlife ni Eli.

Ako lang ata ang nag-alala.


Sobrang lasing na ni Kilian at sure akong wala siyang maaalala sa mga nangyari kinabukasan. Or at least kung meron man ay mahihiya naman siya sa mga pinaggagagawa niya.


I bet he'll stay away more from my friend.

Sana ay marealize ito ni Adeline upang wag siyang mag-assume or mag-expect.


"Puntahan natin siya"

"Mamaya na. Nauuhaw din naman ako" Gigi said while pushing me towards the bathroom.


Sabay-sabay na kaming nagpalit ng pantulog, naghilamos at nagtoothbrush.


Pumupugay na ang aking mga mata sa pagkaantok.

Kulang pa nga pala ako ng tulog kagabi kaya siguro doble ang sakit ng ulo ko ngayon.


Gustong-gusto ko ng dumiretso sa kama paglabas namin ng CR kaso hinila nila ako papunta sa baba kung saan nakita namin si Ian na nakahiga na sa sahig at si Eli na nakatitig lamang dito.


Enzo, Jiro and Jackson were nowhere to be found. Tingin namin ay nasa rooftop sila upang isara ang pintuan doon.


"What happened to him?" Tanong ko agad.

"H-he just...fell"


Ayan. Bumigay na ang loko.


"Are you okay?" Tanong ko nung umalis sila Ika at Gigi upang humingi ng tulong kila Enzo.

"Of course. Why'd you ask?"

"Para kang gulat na gulat diyan"


Namula bigla ang mga pisngi niya at tumakbo paakyat.

EH? May nasabi ba kong mali?

Hmmmm.


"Huy ian, gising" Sinipa-sipa ko ng kaunti ang kanyang paa pero tulog na talaga siya.


Kumuha na lang ako ng baso sa gilid at ng tubig sa ref.

Habang nainom ay napaisip ako.


Parehas kaya kami ng naramdaman ni Jiro nung sumayaw kami kanina?

Bumilis din ba ang tibok ng puso niya?


Napangiti ako sa kilig habang inaalala yun.

Pakiramdam ko'y nasa tenga ko pa rin ang kanyang mga labi at ang kanyang mga kamay ay nakadikit pa rin sa bewang ko.



"What's with Ian? Bakit ba ang dami niyang ininom na alak?" Tanong ni Enzo kay Jackson habang binubuhat nila si Killian na tumutulo pa ang laway. "At yung si Jiro. Napaka-emo. Nagpaiwan pa sa rooftop. May problema ba yun?"


"Dunno" Tahimik na sagot ni Jax sabay tingin sa lapag.


He's lying. Halata eh.

May alam siya pero ayaw niya lang magsalita.

Probably because he knows I'm listening.


Pumanik na rin ako sa taas at dumiretso papunta kila Gigi. 

Nakakumot na sila at mukhang mga antok na rin.


Paglapag ng mga boys kay Ian sa kama ay pinuntahan na ni Enzo ang girlfriend niya na mukhang inaantok na. He hugged Ika and even kissed her forehead.


Mygosh, di na nahiya.

Alam naman nilang may bitter silang kaibigan dito! HALER!


Si Jax naman ay hindi muna humiga. Tumayo siya at kumuha ng damit. Naghintay siyang lumabas si Eli sa banyo bago siya pumasok dito.


"Kenzie, usog" She told me. Gusto niya daw katabi si Ika.


Sumunod naman ako at umurong. Medyo kinabahan ako nung pumasok si Jiro ng kwarto namin. He went straight to my side without looking at me. I guess he's really sleepy dahil pumikit agad siya.


Bale ganito yung naging posisyon namin.

From left to right.


Jax--Ian--Jiro—Ako--Gigi—Eli--Ika--Enzo.


"Goodnight na..." Pinatay na ni Jax ang ilaw. Hindi na nila niligpit ang mga nakalagay na pagkain at bote sa sahig dahil sabi ni Jackson ay ipapalinis na lang daw niya sa maid nila bukas bago dumating ang parents niya.


Medyo maliwanag pa rin naman dahil binuksan niya yung dalawang lampshade dito sa kwarto.


Tahimik na ang lahat.


Tinignan ko si Gigi na nagdasal muna bago pumikit.

Si Eli, naglagay ng earphones. Di siya sanay matulog ng walang music na naririnig.

Sila Enzo at Ika naman tahimik na naguusap.

Tinignan ko naman si Jax na niyakap ang unan niya bago tumalikod.

Si Ian tumutulo pa rin ang laway sa unan niya. Nagkakamot-kamot pa siya ng pwet niya.


At syempre, si Jiro.

Tinitigan ko yung mukha niya.


Ang gwapo pala talaga nito.

Ang tangos ng ilong at ang haba ng mga pilikmata, daig pa ko!


Pakiramdam ko'y mumulat niya ang kanyang mga mata kaya ipinikit ko na lang ang akin.


Sleep now, Kenzie. And try not to move.

Baka maupakan mo si Gigi o masiko mo si Jiro, nakakahiya.


Tumalikod na lang ako sa crush ko at natulog na.


***


I woke up still feeling a little bit dizzy.

Alam kong kulang pa ko sa tulog ngunit kumukulo na ang tiyan ko at kailangan ko ng kumain ng breakfast.


Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan sila Gigi. Maliwanag na sa labas pero tulog pa sila.


Paglingon ko sa kabilang gilid ay halos mapasigaw ako sa gulat.

Buti na lang ay hindi ko naituloy yun.


"Gising ka na pala" Mahinang sabi ni Jiro.


Nakatitig lang siya sa phone niya at halatang kakagising niya lang din.


Sinilip ko si Jax at Enzo, mga tulog pa.


Hindi ako nagsalita dahil alam kong may morning breath ako.

I'm not like those people na akala mo'y may pabango ang bunganga.

MABAHO talaga bibig ko pag bagong gising.

Tinry ko na yan amuyin kaya alam ko.


Umupo na lang ako at palihim na tinanggal ang mga muta sa mata ko.

Pagkatapos ay tumayo ako at kumuha ang maliit na towel na nasa bag ko.

I'll wash my face then gurgle na rin para makausap ko na si Kuya Biceps.


"Hey kenz..."

Nilingon ko ulit si Jiro dahil nasa may pintuan na ako ng CR. "Hmmm?"

"Thanks for liking my instagram pic yesterday" I heard a hint of amusement in his voice.


Nagblush agad ako at nagmadaling pumasok sa loob.


WHAT THE FREAK!

Nakakahiya!

Akala ko hindi niya nareceive yung notification na yun dahil in-unlike ko agad.

Wahhhhhh!


Tinagalan ko ang paghilamos dahil na rin sa gusto kong i-relax ang sarili ko.


Hayaan mo na yun Kenzie Rose.

Wala ka ng magagawa kung nari-realize niyang crush mo siya.

It's normal.

Lahat naman ng tao ay nagkakagusto.


Paglabas ko ng CR ay nakahinga ako ng maayos.

Gising na sila Gigi, Jax, Eli at Ika.

Si Enzo, Zach at Ian, mahimbing pa rin ang tulog.


Nakatayo na si Jiro at china-charge niya yung phone niya sa gilid.

My jaw dropped when I realized how attractive he is with his messy hair.


"Nagpaluto na ko kay manang ng breakfast sa baba. Punta na kayo dun kung gutom kayo" Inaantok pang sabi ni Jax.


Upang makalayo kay Jiro ay ako na ang naunang bumaba.

Bukas na ang ilaw sa hapag-kainan. Puno na rin ang table ng mga pagkain.

Tinapay, hotdog at bacon.


Umupo na ako at kumuha. 


Natigil naman ako ng maramdamang gumalaw ang upuan sa gilid ko.

I didn't even have to look at my side to know that it was Jiro.

Kabisado ko na ang amoy niya kahit saglit pa lamang kami nagkakakilala.


Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nakain kami.

Sumulyap ako ng kaunti sa kanya at lips niya ang una kong nakita.


Iniwas ko agad ang mga tingin ko.


NAALALA KO YUNG NEAR-KISS NAMIN!

THIS IS SO EMBARRASSING!


"Tingin mo over-all champion CTHM?"


I bit my lower lip.

Stop making things so awkward, Kenzie!

Sumagot ka at wag kang magpahalatang naiilang ka.


"Siguro. Nanalo din naman course natin sa chess, volleyball freshmen and seniors. Pati sa swimming. Kayo sa basketball, panalo"

"Awarding sa Monday...punta kayo?" Rinig ko ang saya sa boses niya.

"No. Balik normal schedule na kaming mga walang participation sa intrams. Si Adeline lang excused sa aming apat"

"It would be more fun kung nandun kayong lahat..."


Nanahimik na ulit siya at hindi na rin ako nagsalita. Buti na lang ay dumating ang mga kaibigan namin.


Tawanan dito, sigawan doon. Ang iingay nila kaya napapangiti na lang ako.

Nagaagawan sila ng mga pagkain dahil lahat na yata ay kinukuha ni Zach. Napakatakaw!


Nakakasuya naman ang ka-sweetan nila Enzo at Maika. I thought it'll be gone by morning pero mas dumoble pa pagiging clingy ng boyfriend niya.


Tumayo na lang ako at pumunta na sa may sala.

Sumunod naman si Gigi at Jackson na masayang nagkukwentuhan about sa mga nangyari kagabi.

Eli went to my side as well. Good mood siya at pumapapak pa ng bacon.


"Ah. Fuck. Jax, may gamot ka ba diyan. Sakit ng ulo ko"

Napalingon kami sa kakababa pa lang na si Ian. Hindi pa siya naliligo.


"Oo bro. Hingi ka na lang kay manang" Jackson laughed at Killian.


"Is he always like that?" Tanong ni Gigi.

"No. Malakas uminom si Ian at sa aming lahat, siya pa nga ang pinakahuling nalalasing. Tinamaan lang kagabi sa dami ng nilaklak"


I looked at Adeline. She seemed distracted.

Yung hawak niyang bacon, hindi niya na inubos.


"Uwi na tayo after lumamon ni Zach. Hinahanap na rin ako sa bahay" Maika told us. Nilingon ko sila Jiro na kausap si Jax ngayon. Nandun pa rin siya sa may dining table.


"Ako rin. Pagagalitan na ko pag inabot pa tayo ng tanghali dito" Banggit ko.

"Oo nga pala sinabihan tayo ni tita na iuwi ka ng maaga" Gigi said.


Nagsi-akyatan na kaming mga girls sa taas upang kunin ang mga bag namin.


Habang hinihintay matapos si Gigi at Eli magayos ay umupo muna ako sa kama.

Si Maika nasa CR.


Napatingin ako sa closet ni Jackson ng di sinasadya.

Hinding-hindi ko na yata makakalimutan ang nangyari kagabi.

Muntikan na kong magka-first kiss. Sayang...


Chineck ko na lang yung phone ko. Nagtext na pala si Mama kanina pang umaga. May emergency daw sa hospital. She told me to go home para may kasama na si Ally.


To: Mother Dear <3

8:19 am.

Okay Ma. On the way na naman po kami. Ingat po. Mhuah x


Ay...BAKIT AYAW MA-SEND NG TEXT MESSAGE KO?


"Gi, baba lang ako. Walang signal dito sa second floor. Bat ganon..."


Tumayo na ako at tahimik na lumabas ng kwarto. Papunta na ko sa hagdanan ng narinig ko ang boses ni Jackson.


"Tol, iwasan mo kasi. Alam mong mali"

"Oo na" Iritableng sagot ni Jiro.


Papalapit na ang mga yapak ng paa nila kaya bumalik agad ako sa loob ng kwarto.


"Oh, nasend mo na?" Tanong ni Gigi.

"Yup" Pagsisinungaling ko.


Kinuha ko na lang ang bag ko at tumayo sa gilid niya.


Ano kayang pinaguusapan ni Jax at Jiro?

Anong iiwasan? 

Anong mali?


Pumasok na si Enzo at binuhat ang bag ni Ika. "Let's go"


Bumaba na kaming lahat.

Nagpaiwan si Zach dahil gusto niyang tumambay muna at maglaro ng xbox.

Si Eli naman malapit-lapit lang ang bahay dito kaya hindi na siya sasabay samin.


Kaya si Killian ang kasama namin ngayon.

Pumasok na ko sa loob at dumiretso sa dulo. Gusto ko sa may bintana upang maihilig ko ang ulo ko kapag inantok ako.


Akala ko papasok na si Jiro ngunit pinauna niya si Gigi.

Naks, gentleman.


"Ingat kayo!" Eli waved at us before Enzo drive off.


"Walang maga-upload ng pictures ha. Malalagot tayo" Paalala ni Ian.


I wanted to laugh at him.

Alam na kaya niyang may video sila ni Jax na nagtu-twerk?


"Ang saya ng party. Sana maulit yon" Gigi even clapped her hands.

"Lalo na yung spin the bottle" Humagalpak ng tawa si Enzo nung sinabi niya iyon.


Nanahimik naman ako at hindi rin nagsalita si Jiro.

Si Gigi lang ang nakitawa at si Ika.


Palihim akong tumingin kay Jiro na nasa kabilang dulo.

Kaya pala hindi nagsalita ay dahil naka-earphones at nakapikit pa.


Si Ian ang una naming ibinaba. Malaki din pala ang bahay nila, not as modernized like Jackson's pero masasabi ko ring may kaya itong sila Killian. Sumunod ay si Gigi na niyakap muna ako bago bumaba ng kotse.


Naiwan kami ni Jiro na may space sa gitna namin.

Tulog kasi siya kaya di siya umuusog.


"Bye kenzie! See you on Monday!" Ika cheerfully said.


Bumeso na ko kay Ika at tinapik ang braso ni Enzo.

Pababa na ko ng sasakyan ng lumingon ulit ako kay Jiro.


Ano ba yan.

Di man lang ako makapag-goodbye.


"Sige, ingat kayo!" Bumaba na ko at pinanood silang makaalis.


Hindi talaga lahat ng bagay na gusto mong mangyari ay pwede.

Nagday-dream pa naman ako na bago ako bumaba ng kotse, kukunin na ni Jiro ang number ko.


"Hi ate!" Bungad sa akin ni Ally na nakahilata sa sofa at nanunuod ng movie. "Musta yung party?"


Ni-lock ko muna yung pinto bago ako umupo sa kabilang sofa.

"Nakakapagod but it was fun"


Pinatay niya bigla ang TV at umupo ng maayos. "May nangyari na ba sanyo ni Kuya Jiro? I mean, I'm pretty sure you both got drunk..or at least tipsy. Did he kiss you? TELL ME EVERYTHING!"


O////////O

Psychic ba ang pinsan kong ito?


"No. Sa movies lang nangyayari yon, ly" Tumayo na ako at tumalikod na. "Palit lang akong damit. Kumain ka na ba ng breakfast?"

"Kanina pa!"

"Good"


I changed into my pajamas and decided to check my social media accounts. Humiga ako sa kama at binuksan ang laptop ko.


Ayos naman. Walang kakaiba...


*bling*


May nag-add sakin as friend.


'Jarren Elton Cruz'


Teka lang...

Ito yung nakabanggaan ko sa airport at sa mall!

Yung matangkad na ang bango ng men's perfume!


Binuksan ko agad yung profile niya.


2 mutual friends.

Si Ika at si Enzo friends niya? At bakit?


O_____O


Hala! Kuya pala ito ni Enzo!

Base sa birthdays nila ay nalaman kong isang taon pala ang tanda ni Jarren.



No wonder nasabi kong pamilyar ang mukha niya.

Magkahawig na magkahawig sila. 

Medyo matapang lang ng kaunti ang features niya compared to Enzo.


"Bakit ako ia-add nito? Too friendly huh"


Ini-stalk ko pa siya bago ako nagdecide na i-accept na yung friend request niya.

Wala pang isang minuto ay nagpost agad siya sa wall ko.


Jarren Elton Cruz: Hi :)


Nagreply ako para hindi niya sabihing snob ako.

Kenzie Rose Vasquez: Hi din po :)


Bakit sa wall ko pa? Pwede namang PM na lang.


Ilang minuto din akong naghintay but I guess he's a jerk dahil hindi man lang nagreply or ni-like yung comment ko.


Mga lalake talaga.

NAPAKAHIRAP BA SANYONG MAGTYPE MAN LANG?

Simpleng emoji lang naman, okay na saming girls kaysa yung isi-seen zone niyo kami.


Oh well, pake ko diyan sa kuya ni enzo. Nainis lang talaga ako dahil para siyang ewan na nagpost sabay di sumagot.


In-off ko na lang yung laptop ko at humiga na.

Humikab ako at nagstretch.


Kaantok!

Matulog muna kaya ako?


Kakapikit ko pa lang ng may narinig akong malakas na kalabog.


*Blag*

Umupo agad ako.


"Jiro?" Galit na galit siya at hinihingal pa. 


Si Ally parang natatakot sakin dahil hindi niya napigilan si Jiro sa pagakyat dito sa kwarto ko. Sinenyasan ko siyang okay lang kaya iniwan niya kami.


"Bakit? Anong meron?" Tumayo ako ngunit hindi lumapit sa kanya. 


Why is he so mad?


"DON'T TALK TO JARREN!"

"What?"


He walked towards me and held my face.

I can sense that he's trying to control himself.


"NAGSESELOS AKO, KENZIE! Saglit lang ako nawala, may iba ka na agad kinakausap! Tsss"


----------------------------------------------


See you guys in Alabang Town Center this Saturday for Pangako Sa'yo Thanksgiving Tour. I'll be there with my DanielRocks Muntinlupa team! Lapitan niyo ko ah pag nakita niyo ko. Bonding tayo yay!

Anyway, I won't be able to attend LOVE AT FIRST WRITE booksigning this coming Valentine's Day in Megamall but my book SITM will be available there for only 50 pesos. Pati na po ang IHT though I'm not sure how much yun. Kung Php 195 pa rin or less :)

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
2.1M 137K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...