My Bastard Ex (Published Und...

By Whroxie

13.9M 270K 18.2K

Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's... More

Synopsis
PROLOGUE
Chapter 1 - we met again
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Author's note
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Promote
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue
Sneak peek for Longing for Innocence
Author's Note

Chapter 12

346K 7.3K 645
By Whroxie

JONA'S IMAGE -Para makita niyo kung gaano kalaki ang hinaharap niya.



"MOMMY, I was dreaming  last  night. Tito Prince Matthew is a prince warrior and he saved me from the vampire who's sucking my blood." Hinawakan ni Reghie ang kamay ni Mateo habang nakahiga ito sa hospital bed at siya naman ay nakaupo sa isang silyang nasa gilid ng kama. Maayos na ito at bukas ay puwede na itong lumabas.

"Mateo, baby. May sasabihin sa 'yo si mommy. Tito Prince Matthew saved your life. He gave you his blood para gumaling ka." Bigla na lang pumalahaw nang iyak si Mateo sa sinabi niya. Taranta siyang tumayo at umupo sa gilid ng kama. Pinaupo niya si Mateo at pilit na pinatahan. Maging si Russo ay tumayo mula sa sofang inuupuan nito.

"Bakit ka umiiyak?"

"Is Tito Prince Matthew dead?! Wala na siya blood!" Umiiyak nitong sabi. Hinaplos niya ang likod nito.

"I'm not dead, Mateo," tumigil ito sa pag-iyak nang makita si Matthew na kakapasok lang. Lumapit si Matthew at umupo sa gilid ng kama paharap kay Mateo.

"But mommy told me you gave me your blood. Wala ka ng blood." Hinawakan ni Matthew ang kamay ng bata.

"Tito Prince Matthew is strong kaya hindi mauubos ang blood ni tito. May sasabihin ako sa 'yo pero secret lang natin ha?" ani Matthew at tumango ang bata at parang handang-handa nang makinig.

"Tito Matthew is the real Prince Matthew the warrior prince." Nanlaki ang mata ni Mateo sa sinabi ni Matthew.

"But you have to keep it secret. I have to hide my real identity kasi baka sumugod dito ang mga kalaban." Mateo mouthed "Wow".

"Kapag 'yan umungot na ipakita mo ang itsura ng warrior prince ewan ko lang kung magustuhan mo." Napapailing na sabi Reghie.

"Bakit, ano bang sabi mong itsura ko?"

"Na isang bakal na brief lang ang suot mo."

"Seryoso?!" Nakangiwing untag nito at parang gusto na niyang matawa sa pagkadisgutong nakapaskil sa mukha nito. Syempre nagbibiro lang siya. Isang makisig na prinsipe na may suot na isang matibay na pilak na baluti ang diskripsiyon niya dito.

"Ask Prince Matthew to show his real identity, Mateo!" Russo said excitedly. Mukhang umiral na naman ang kamanyakan ng kaibigan niya. Nakasimangot naman itong nilingon ni Matthew.

"Sabihin niyo na sa bata ang sasabihin niyo," ani Russo at binalik ang pagiging makisig. Nagkapagdesisyon na si Reghie'ng ipakilala si Matthew biglang tunay na ama ni Mateo. Hinaplos niya ang ulo ng anak at hinalikan ito. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng bata at pinaharap sa kanya.

"Mateo, baby. Diba ang baby dapat may daddy?" simula niya at sinulyapan niya si Matthew na seryoso ang mukha. Tila nahihirapan itong huminga sa sobrang kaba. Marahil iniisip nito na baka hindi siya matanggap ni Mateo. Muli niyang binalingan ang anak na seryosong nakatingin sa kanya.

"May sasabihin sa 'yo si mommy ah. You have to listen carefully. Si Tito Matthew, siya baby ang totoo mong daddy." Nanlalaki ang matang tumingin si Mateo kay Matthew at lilipat sa kanya.

"Tito Prince Matthew daddy ko?! Totoo mommy?! Totoong-totoo! No Kidding!?" Napangiti siya at tumango. Humiyaw si Mateo at bigla na lang nitong dinamba si Matthew ng yakap.

"You're my daddy! You're my daddy!" Hindi na napigilan ni Reghie ang paglandas ng mga luha niya. Those are tears of joy. She's happy for his son. Kitang-kita niya ang kaligayahan nito. Hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksyon ng anak niya. Ang akala niya mahihirapan siyang ipaunawa dito ang lahat. Gan'on siguro ang bata, madaling tumanggap ng lahat. Maging si Matthew ay nangislap ang mata sa pamumuo ng luha nito sa mga mata.

"Thank you!" Mathhew thanks her, at tinanguan lang niya ito.


MASIGLANG sinalubong ng mga katulong si Mateo pagpasok pa lang nila ng kabahayan. Karga ni Matthew si Mateo. Si Jona naman ay patakbong lumapit at niyakap si Mateo. Nahigit niya ang hininga niya nang kasama si Matthew na niyakap nito. Sa tingin niya hindi naman nito sinsadya iyon. Natural na mayakap nito si Matthew dahil karga nito si Mateo, but Jesus Christ! Dumidikit ang nagmumura nitong dibdib sa braso ni Matthew.  She turned Matthew on through her bounty lady bags and hot ass. Inamin sa kanya iyon ni Matthew. He was obsessed with huge breasts. Perfect for tits job daw kasi. At si Jona. Diyos ko! Ang laki sobra ng hinaharap nito. 'Di hamak na mas malaki kaysa sa kanya. She's proud with her size and she wasn't even envious nor insecure to those women who had full breasts. She already had ideal breasts in term of shape, proportion and position. ",���<�3�   Hindi malaswang tignan kapag medyo revealing ang suot niya dahil fit ito sa tabas ng damit. Walang sumusobra. Perong itong si Jona ay kahit over-sized t-shirt ang suot ay kapansin-pansin pa rin ang laki. Lalong parang nananakit ang batok niya dahil wala itong suot na bra.

Saang tribu kaya 'to nanggaling? Hindi uso ang bra!

"Okay everyone! That's enough!" Malakas niyang sabi habang pinapalakpak ang mga kamay. Lahat naman ay bumaling sa kanya.

"Alam kong namiss niyo si Mateo but he needs to rest. By the way, naalis niyo ba ang mga flower base at aquarium at lahat ng puwedeng pamugaran ng mga lamok?" sabay-sabay na tumugon ng "yes ma'am" ang lahat and she said "good". They have four maids including Jona.

"Sa oras na makita ko ang lamok na nangagat sa anak ko titirisin ko talaga siya ng pinong-pino," usal niya sa sarili.

"Hindi nangangagat ang lamok. Nanunusok at naninipsip lang, parang si Fafa Matthew," Russo giggled inwardly.

"At mukhang itong si Jona ang matutusok ng ex mo panigurado. Hot siya infairness. Partida pa 'yan, ang manang ng fassion niya pero hindi nakabawas sa angking alindog." Wala sa sariling naikuyom niya ang mga palad niya at mariing naitikom ang mga labi habang nakatingin sa tatlo — Matthew, Jona including her son. Umalsa agad ang iritasyon sa dibdib niya dahil parang ang close agad ng dalawa. Nakakausap na rin kasi ni Jona si Matthew sa ospital nitong mga nakaraan.

"Batang-batang pa. Chick. Sariwa." Panggagatong ni Russo kaya lalong parang gustong sumiklab ang inis na kanina pa namamayani sa dibdib niya.

"Chick rin naman ako!" Yamot niyang pagtatangol sa sarili. Marahan siyang tinulak ni Russo gamit ang braso nito.

"Inahin ka na uy! 'Wag kang ambisyosa!" Pinukol niya ng matalim na titig si Russo. Naiirita siyang bumaling uli kila Matthew.

"Kaya naman pala ang guwapo-gwapo mo, Mateo, si Matty pala ang daddy mo." Magiliw na wika ni Jona at maharot na pinisil ang pisngi ni Mateo habang nakahawak ito sa braso ni Matthew.

Aba't Matty pa talaga ang tawag. Ako lang ang gumagamit ng endearment na 'yon ah!

Alam na rin naman ng lahat ng kasambahay nila ang tungkol kay Matthew. Sinabi na ni Russo ang ugnayan nilang mag-ina sa lahat para hindi na ito mabigla pa sa mga pangyayari.

"Matthew, akyat mo na ang anak mo. He needs to rest!" Matabang niyang utos dito. Tumalima naman si Matthew at kapanabay pa nitong naglakad si Jona na mukhang may balak pang sumama.

"Jona! Saan ka pupunta?" kunot noong tanong niya.

"Samahan ko po sila sa taas," Jona replied politely.

" Ako na!"

"Ako na po, Ma'am Reghie, total wala naman po akong ginagawa."

"No! Sabi ko ako na!" Natigalgal ang lahat sa pag-alsa ng kanyang tono. Maging si Matthew ay nagulat rin at nangungunot ang noong nakatingin sa kanya.

"Um. Ako na, Jona. Gusto ko kasing alagaan ang anak ko." Binabaan niya ang kanyang boses at tipid na ngumiti. Kinuha niya ang wallet sa kanyang bag at kumuha ng lilibohin at inabot kay Jona na kinuha naman nito.

"Bumili ka ng bra. Sampong bra na siguro ang mabibili mo niyan kung mura ang pipiliin mo," aniya kay Jona na abala sa pagbibilang ng pera.

"Sampong libo po 'to, ma'am, hindi lang sampo ang mabibili ko nito. Sa amin po tatlo isang daan lang ang bra eh."

"Gan'on ka mura ang bra sa inyo? Eh bakit hindi ka bumibili?"

"May bra po ako ma'am, binili pa ako ni nanay bago ako lumuwas eh," sagot naman nito.

"Eh bakit hindi ka nag-ba-bra?"

"Kasi po lumalabas pa rin ang dibdib ko eh. Ang sikip sikip!" Matthew and Russo chuckled.

"Russo, samahan mo siyang bumili ng bra." Utos niya kay Russo. Matthew looked at her in astonishment mix with bewilderment. As the realization hit her, she whacked her forehead with her hand. Bakit niya naisip na pasamahan si Jona kay Russo na asawa niya sa paningin ni Matthew?

"Sa iba ka na lang magpasama," aniya sabay talikod at nagpatiuna ng umakyat ng hagdan dahil baka matadyakan niya pa si Russo dahil sa pagbungisngis nito.

Pumasok siya sa kuwarto na kasunod ang mag-ama. Pabagsak pero maingat na humiga si Matthew sa kama kasama si Mateo. Matthew lifted Mateo with his both hands.

Humagikgik si Mateo at humiyaw. "I'm superman!" Mateo stretches out his arm and acts that he's flying, parang hindi galing sa sakit dahil sobrang sigla nito. Napangiti siya habang nakamasid sa dalawa. Umupo siya gilid ng kama.

"Mateo, baby. Pahinga ka na muna. Dapat 'wag ka nang magkakasakit, kasi kapag nagkasakit ka na naman kukuha na naman ang mga doctor ng dugo kay daddy. Baka mubusan na ng dugo si daddy. Gusto mo ba 'yon?"

"Ayaw!" Mabilis na sagot ni Mateo.

"Kaya tama na munang laro." Ibinababa ni Matthew si Mateo. Umupo si Matthew at marahang kinuha ang kamay niya.

"Thank you, Reghie at hinayaan mo akong makilala ni Mateo," binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.

"Ginagawa ko 'to para sa anak ko. At kabayaran na rin dahil iniligtas mo ang buhay niya. Thank you!" Matthew smile sweetly at her.

"Puwede mo siyang dalawin dito pero sana 'wag sa gabi. By the way, you're mom had been calling me and asking me out. Gusto raw niya akong makausap. Is it about mateo? Alam na ba niya?"

"Yeah. Alam niyang nagkaanak tayo."

Lastweek pa siya tinatawagan ng ina ni Matthew — Carmella Del Prado. Pero hindi niya ito napaunlakan dahil sa sunod-sunod na naging problema. Their company is facing a crisis now. Bigla na lang ang pagkawala ng kanilang mga kliyente. Lahat ng loyal client nila ay hindi na nag-renew ng contract sa kompanya nila. Wala na rin silang makuhang mga account ngayon. Tapos nagkasakit pa si Mateo kaya nagkapatong-patong ang problema niya.

"Redge, puwede ba akong tumira na lang dito para mas makasama ko ang anak ko? Ayaw mo rin naman kasing pumayag na mag-over night siya sa 'kin."

"Matthew, hindi puwede! Pinagbigyan na nga kita, diba? At isa pa hindi papayag si Russo. Ex kita. Hindi siya papayag." Hindi niya gustong tumira 'to dito dahil paniguradong malaking problema niya 'yon. Matthew was affecting her so much. Kung totoong asawa niya si Russo siguro sinusunog na ang kaluluwa niya sa impiyerno dahil sa kataksilang ginagawa niya.



Continue Reading

You'll Also Like

31.4M 533K 55
Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with a stranger? Yung tipong kahit itsura ni...
2.5M 42.6K 19
She will always be that runaway princess, the coward angel, the scared lady. He will always be that King who rules the world, the possessive lion, th...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.9M 63.6K 21
- Best friends since elementary. - Grew up and seen each other's naked body parts. - Accompanied the other in his circumcision. - Slept wasted in t...