Falling In (Gonzaquis)

By razzlyxox

127K 2.6K 56

My take on Gonzaquis. ;) Inspired by the song "Falling In" by Lifehouse. A story of love, misadventure and fr... More

Strings 2
Strings 3
Strings 4
Strings 5
Strings 6
Strings 7
Strings 8
Strings 9
Strings 10
Strings 11
Strings 12
Strings 13
Strings 14
Strings 15
Strings 16
Strings 17
Strings 18
Strings 19
Strings 20
Strings 21
Strings 22
Strings 23
Strings 24
Strings 25
Strings 26
Strings 27
Strings 28
Strings 29
Strings 30
Strings 31
Strings 32
Strings 33
Strings 34
Strings 35
Strings 36
Strings 37
Strings 38
Strings 39
Strings 40
Strings 41
Strings 42
Strings 43
Strings 44
Strings 45
Strings 46
Strings 47
Strings 48
Strings 49
Strings 50
--Author's Note--
Epilogue
Lost in Thoughts...

Strings 1

7.7K 93 3
By razzlyxox

"Everytime I see your face my heart takes off on a high speed chase now.. don't be scared it's only love that we're falling in... I would never do you wrong or let you down or lead you on.. don't look down it's only love baby that we're falling in... All those nights I'd stay awake, thinking of all the ways to make you mine... All those smiles will never fade.. never run out of ways to blow my mind..."



"Huy Te Jovs nakikinig ka ba?" tanong ng babae sa harap ko.

"May sinasabi ka Ly?"

"Hangin lang pala yung kausap ko kanina pa." napailing nalang ito. "Sabi ko good luck sa Army. Sana matalo niyo na kami this conference." nakangiting biro nito.

"Oo naman no. Babawiin namin yung championship sa inyo." nakangiti ring balik ko sa kanya.

"Hehe. E pano yan wala na si Din saka si Ate Chel?"

"Kaya pa rin yan ng team."

"E ikaw? Kaya mo ba kapag wala si Ate Chel?" natigilan ako sa tanong niya. Kaya ko nga ba?

"O-oo naman no! Ano bang sinasabi mo? Tumigil ka nga.."

"Asus. Kunyari pa e halata naman. Hanggang kelan ka pa magpapakatorpe? Hanggang kelan mo dadaanin sa biro ang nararamdaman mo?"

"Oist Ly! May makarinig sayo. Dito pa naman tayo sa shop ni Aby..." inis kong sita sa kanya. Magtaklesa daw ba dito?

Wala akong ibang taong pinagsabihan ng feelings ko para kay Chel bukod kay Aly. Though mukhang nakakahalata na rin yung iba pa naming barkada. Kasi naman kahit anong pilit kong tanggi sa kanya e nakahalata at nangulit pa rin siya. Sabi ko nalang sa kanya, "Malamang yun din yung naramdaman mo kay Denden ano?". Nasabihan pa tuloy ako ng "Gaga".

Matagal na rin kaming magkakilala ni Chel. Bago pa ako noon sa Army kaya nag-aadjust pa ako pero siya yung laging nakaalalay sa akin hanggang sa tuluyan na akong maging isa sa Army family. Akala ko pa dati hindi ko siya makakasundo. Ang lakas kasi ng personality, samantalang ako, ito tahimik lang. Marami na rin kaming pinagsamahan kaya unti-unti kong nakilala ang totoong siya... mabait, sobra.. kahit sino pinapakisamahan niya.. matalino din at maloko.. sobrang kulit pero nakakaaliw.. at obviously, sobrang ganda niya.

Sa dami ng pinagsamahan namin ay di ko namalayang unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.. pero ayoko yun ipaalam sa kanya. Ayokong mawala yung pagkakaibigan namin kaya dinadaan ko nalang din sa biro yung nararamdaman ko. Alam ko namang walang pag-asa na magustuhan niya ang isang taong gaya ko kaya kuntento na ako sa friendship namin. Pero di pa rin talaga maiwasan ng puso ko na tumibok para sa kanya..

"OA mo wala pa ngang tao. 'Mayang konti pa daw dating nila Tyang. Ano ba yan nagugutom na ako..." luminga ito ng tingin sa paligid. Mukhang nagugutom na nga ang luka. "Teka may tao pala."

Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan ni Aly. Sa di kalayuang table ay may isang babae na abalang-abala sa pagtipa sa laptop niya. Nakasalamin ito at nakabraid ang isang side ng buhok nitong nakalugay. Medyo maputi ito at chinita. Maganda ang ilong at mukha.

"Sino kaya siya? Hoy Aly kung narinig ka niyan kanina... Naku. Makukutusan kita."

"Kitang busying busy siya o tapos nakaearphones pa. Kaloka ka."

Ilang saglit pa ay narinig namin ang pagbukas ng pinto. Sinalubong na namin ni Aly si Aby. Parang nag-slow motion ang paligid ko ng makita ang isang pamilyar na mukha na pumapasok sa pinto.

"Hi Ate Chel! Kumusta ang Canada? Pasalubong ko?" nakangiting nakipagbeso si Aly dito.

"Ikaw ha. Pasalubong agad. Mamaya nandoon pa sa kotse." gumanti naman ito ng beso. Ang ganda naman talaga ng araw ko.

"Hi Jovs.. Long time no see. Na-miss kita.." nakangiti rin itong nakipagbeso sa akin. Pakiramdam ko ay nakuryente ako sa pagdampi ng mga pisngi namin kaya agad akong lumayo. Mukhang napansin naman niya ang biglang pag-iwas ko. "O bakit? May problema ba?"

"Nagugutom lang yang si Te Jovs kasi naman kanina pa kami nag-iintay sa inyo." sabat ni Aly. Napatingin nalang ako sa kanya at nakakalokong ngumiti lang ito. Ako pa ngayon ang gutom ha.

"Ito na nga o kinuha na sa kitchen." singit ni Aby. May dala itong tray ng mga pagkain. "Aly tinext kita di ba sabi ko may iniwan ako diyang tao. Just ask her for food if you want some."

"Ehh.. naiwan ko phone ko sa locker room... siya ba yun?" paliwanag ni Aly sabay turo sa babaeng nakita namin kanina. Busy pa rin ito sa pagcocomputer.

"Ay sus. Ito talagang pamangkin ko. Wait lang ha.." umalis ito at tumungo sa kabilang table. Dumating naman ang dalawa pang babae.

"Hi girls! Sorry late kami." dispensa ni Dindin.

"Ate Chel welcome back! Pasalubong?" yumakap ito kay Chel pagkakita sa kanya.

"Thank you Den! Teka mukha ba talaga akong balikbayan box at puro pasalubong agad ang bungad niyo saken?" natatawang yumakap din ito kay Denden.

"May pasalubong din ba ako? Pwede bang ikaw nalang pasalubong ko?" nakangiting biro ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang bwisit na pusong ito e. Narining ko namang sumigaw ng "Yiieee" si Aly at Dindin.

"Ikaw talaga.. Naku.. Yan siguro ang epekto kapag nagpapalipas ng gutom." lumapit ito at pinanggigilang kurutin ang magkabilang pisngi ko.

"Aray! Tama na Ate Cheeell.. Joke lang naman yun! Hehe." sobrang sakit ng kurot niya. Parang mapipilas na yung parehong pisngi ko. Yung mga kaibigan ko naman mukhang nag-eenjoy pa sa paglapirot ni Chel sa mukha ko. Narinig ko pang humahagikgik sa tabi si Denden.

"Hmph." irap nya at sa wakas ay tinigilan na rin niya ang paglamutak sakin. Umupo na kami sa pinakamalapit na table at inumpisahang mantakan yung mga pagkaing kinuha ni Aby.

Grabe, gutom nga si Aly. Si Den ay mukhang natulala sa lakas kumain ng katabi niya. Si Din naman ay may tinetext. Katabi ko si Chel na kumakain at di ko maiwasang mailang sa pagkain ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako nagkaganito dati. Mukhang mas lumalim pa yung nararamdaman ko after ng campaign namin nitong nakaraang SEA Games sa Singapore. Actually lahat naman kaming naging part ng official team ay naging sobrang close sa isa't isa kahit maikli lang ang naging panahon namin na makapaglaro ng magkakasama. Wala man kaming naiuwing medalya ay baun-baon naman namin pagbalik ng Pilipinas yung SEA Games experience at yung pride na after a decade e nagbabalik volleyball ang Pilipinas. Magkakalaban man kami dito sa local leagues e hindi pa rin mawawala yung pinagsamahan namin bilang national team.

Ilang saglit pa ay pumunta na rin sa table namin si Aby kasama yung babae kanina.

"Girls, ito nga pala si Jade. Pamangkin ko sa pinsan. Filipina pero she's originally from South Korea at nagbabakasyon lang siya dito. Jade, they're my friends. Say 'hi'!"

'H-hi. Annyeong haseyo." bumati ito sa amin with her shy yet very sweet smile. Napakacute pala niya. Babyface pero kung titingnan sa built niya e mukhang kaedad lang ito nila Aly. Kung naging bata lang ito e gugustuhin ko itong maging anak. Sobrang cute!

"Hi!" sabay-sabay naming bati sa kanya.

"Jade this is Den, Aly, Din... then this is Chel and Jovs. Chel and Jovs are 'Ate'... 'unnie'.." inemphasize pa talaga yung 'Ate'. Kalokang Aby.

"Ah! Ate, unnie.." bulalas nito at ngumiti tila naintindihan kung ano ang ibig sabihin.

"Unnie.. jeoneun Jade yeyo. Ako shi Jade. Ako Pinay pero laki Korea. Ako Takalog alam.. pero konti lang." nakangiting nagpeace sign pa ito sa amin.

"Aby napakacute naman ng pamangkin mo!" hindi napigilang sabi ni Chel.

"Oo nga. Babyface!" segunda naman ni Din at Denden.

"Ganyan talaga Be nasa lahi ang ganda." biro ni Aby.

"Siguro Tyang adopted ka.." biro ni Aly. Pinanlakihan siya ni Aby ng mata.

"Umayos ka Baldo kung ayaw mong pabayaran ko sayo lahat yang nakain mo." natatawang nagpeace sign nalang si Aly.

"Tita Aby sabi.. Kayo volleyball laro. Ako din volleyball laro school Korea. Pero kayo lahat maganda."

"Aww thank you Jade. Play with us some time." aya ni Den. Dumako ang tingin ni Jade sa akin.

"Unnie, ikaw maganda. You remind me of my mom." nakangiting sabi nito.

"Why, does she look old?" natatawang hirit naman ni Aly. Kukutusan ko na talaga tong babaeng to. May binulong naman si Jade kay Aby.

"Ah okay.. Ano daw. Morena ka daw pero very pretty. Like her mom." paliwanag ni Aby. Muling bumulong sa kanya si Jade. "At.. ano?? You want to call her 'Mommy'?" nakasimangot na lumingon ito kay Jade. Tumango naman ang huli. Napansin kong lumayo ng tingin sila Din, Aly, at Den. Mukhang nagpipigil ng tawa ang mga luka. Yung katabi ko nga humahagikgik na. Kung hindi ko lang to mahal..

"Sure. Hello anak!"

--









Continue Reading

You'll Also Like

Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
5.2K 233 8
π™Žπ™ƒπ™Šπ™π™ π™Žπ™π™Šπ™π™” π‘πšπžπ πšπ§ πŸ’™ π–π«πžπ§ Inspired by the song: "Babalik sa'yo" by: Moira Dela Torre Hindi naman inaakalang Ikaw pala ang makaka...
565K 17.8K 41
[Completed] Dyosa siya. -_- Tanga ako. O.o Paano na ang love story ko? Iamunlocked0620 presents: GxG|"Ang Tanga-Hanga Ni Jaira" -MJPEREZ-
143K 7.9K 38
It is a whirlwind romance between a kindergarten teacher (Jane De Leon) and her student's (Uno) mother (Janella Salvador). It tackles about LGBTQI+'s...