BOOK I: Secretly Married To M...

By yoonooyaa

337K 7.7K 382

"If a commoner can marry a prince, Then its not impossible for a FANGIRL to marry her BIAS too." Book II: Off... More

CHP1: She is Secretly Married to Her Bias
CHP2: Meeting my Secret Husband <3
CHP3: Sikretong Malupet!
CHP4: He's my Husband.. Promise ! TToTT
CHP5: Si Kapre at Dyosa .
CHP6: The LIES can be TRUTH*
CHP7: K meets M :)
CHP8: Missing You..
CHP9: Moving On?!
CHP10: Here's come Trouble ! xD
CHP11: Taken For Granted
CHP12: Unexpectedly ..YOU??
CHP13: Sorry na daw ! xD
CHP14: Pumapag-IBIG^^
SPECIAL CHAPTER^O^)V
CHP15: Uy.. Selos. kekeke~
CHP16: Arranged Marriage Lang..
CHP17: Let's Start The Game
CHP18: Punishment
CHP19: Mahal ko O Mahal ako?
CHP20: HELL FOR DASURI.
Chp21: The Past
CHP22: Her Secret
NOTE:
CHP23: DREAM
CHP24: Han Dong Woo
CHP25: EXO
Chp26: New Classmate
CHP27: Comeback
#HappyExo-LDay
CHP28: Love Cycle
CHP28: Love Cycle (PART TWO)
CHP29: Halaga
CHP30: Pain
Chp31: Decisions
CHP32: Open your eyes, Dasuri.
CHP33: Tired
CHP34: One week past
CHP35: Kai's Decision?
CHP36: Lambingin Kasi
CHP37: Goodbye.. First love
CHP38: 3 words, 8 letters, say it and i'm yours
CHP39: Friend-zoned
CHP40: Friendship
CHP41: Call You Mine
CHP42: Dasuri vs. Kai
CHP43: Right Time?
CHP45: Second Wife?
CHP46: Trouble Maker
CHP47: I do, Cherish you
CHP48: Agony
CHP49: We Got Married
CHP50: He's Back!
CHP51: Bahay-Bahayan
CHP52: I Need a Girl
CHP53: Love Me Like You Do
CHP54: Horrible Thing?
CHP55: Hold Me Tight
CHP56: Official Date
CHP57: Is it Final?
CHP58: Let me the one
CHP59: Set Him Free
CHP60: One Last Cry
CHP61: Four Years After
Epilogue
Officially Married with my Bias

CHP44: Revelation

3.6K 92 12
By yoonooyaa

"I will tell you a secret. A little secret of mine." -YURI

**

DASURI POV

Sobra ang kabang naramdaman ko matapos ang marinig ang mga sinabi ni Soyeon. Natahimik ang lahat at halatang hindi nila inaasahan ang nangyari. Napatingin ako kay Soyeon na mukhang nagulat din sa kanyang nasabi. Humarap sya sa'kin, nababasa ko sa mata nya ang pagsisisi at paghingi ng tawad. Pinilit kong ngumiti para ipakitang hindi ako galit.

Oo, hindi ako nagagalit, natatakot ako. Pano na, ano nang dapat naming gawin? Bakit kailangang ngayon pa 'to mangyari? Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking nasa hulihan ng mesa.

Si Sehun.

Kita ko sa mata nya na marami syang nabuong katanungan sa kanyang isipan. Pero kahit ganon, walang kahit isang letra ang lumabas sa bibig nya. Iniiwas ko lang ang tingin ko at yumuko. Sorry.

"I'M SORRY EVERYONE BUT THE FANMEETING IS OVER NOW. THANK YOU FOR COMING!" narinig ko ang litanya ni miss Jin matapos nyang hawakan ang isang microphone. Nagbulungan naman ang lahat. Ang iba pa nga'y umangal.

"Kai oppa! Hindi totoo 'yung sinabi nya diba? Hindi kapa kasal. Waaaaaaaah!!!"

"Hindi namin 'yon matatanggap. Sinungaling ka ate! Sinungaling!"

"H'wag kang gumawa ng usap. Sinisiraan mo samin si Kai oppa!"

Kung anu-ano pa ang mga masasakit na salita ang binato samin ng mga fans. Tahimik lang si Soyeon at patuloy sa pag-iyak. Pinatatahan sya ni Yoonsoo. Samantalang ako, napako na sa kinatatayuan ko. Kahit hindi alam ng mga fans na ako si Dasuri. Hindi parin ako makagalaw. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

"Tumayo na kayo't pumunta sa dressing room. Mag-uusap tayong lahat." Isa-isa namang sumunod ang Exo members. Kahit nakayuko ako, alam kong tinatapunan ako ng tingin ng mga Exo members habang naglalakad na palayo. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Hindi ko sila magawang harapin. Nahihiya ko. Nahihiya kong aminin na nagawa ko silang lokohin.

"Everything is gonna be alright." Naramdaman ko ang pagtapik pa sa'kin ni Kris pagdaan nya sa harap ko. Hindi na ko nag-abala pang sumagot.

Pinagmasdan ko 'yung sing-sing sa kaliwang kamay ko. Sigurado uusisain nila kami mamaya. Kailangan tanggalin ko na 'yung mga bagay na makakadagdag pa sa hinila nila. Hinawakan ko ito at dahan-dahang tinatanggal. Eto lang 'yung magagawa ko para matulungan si Kai na hindi tuluyang mapahamak.

Nasa kalagitnaan na ko nang pagtanggal dito nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Don't you dare." Sambit pa nito. Pang-angat ko nang mukha. Nakita ko si Kai na nasa tabi ko. Naalarma ko bigla.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo ko nilapitan?!" taranta kong sambit. Nagsasalit-salit ang tingin ko kay Kai at sa mga fans. Nakatingin din kasi sila samin. Ang iba'y nagbubulungan ang iba nama'y pinipicturan kami.

"Tama na. Sabihin na natin 'yung totoo." Para kong nakakita ng multo habang nakatingin kay Kai. T-Tama ba 'yung pagkakarinig ko? Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako makapagsalita. Talaga bang si Kai 'tong nasa harapan ko?

Hinila nya ko papasok sa loob. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko malapit na kong mabaliw. Bakit nya sinabi 'yon? Pano na 'yung pangarap nya?

Naalala ko naman 'yung mga katagang sinabi nya sa'kin noon,

"I know unfair to para sa'yo. Alam ko din na hindi mo gustong makasal tayo but still, I want you to understand that I worked hard just to become an idol because this is my dream. I trained for so many years kasi ang pagsasayaw na ang buhay ko. At ayokong masira ang lahat ng 'yon dahil lang sa.."

"N-Natatakot ako. Ayokong masira lahat ng pinaghirapan ko. S-Sorry."

Pano na 'yung pinaghirapan nya? Masisira lahat ng 'yon, masasayang. Hindi pwede. Hindi ako papayag.

Pagkarating namin sa tapat ng pinto ng dressing room. Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Napahinto naman sya bigla. Dahan-dahan syang humarap sa'kin.

"Ayoko." Matigas kong sambit habang umiiling.

"Dasuri." sinubukan pa nyang kunin 'yung kamay ko pero hinawi ko lang 'yon.

"Ayoko Kai. Hindi ako papayag. Eto na 'yung pangarap mo eh. Eto na 'yung pinaghirapan at pinaglaban mo sa mahabang panahon tapos itatapon mo na lang bigla? Nahihibang kana ba?!" pinagtama ko ang mga mata namin.

"Nakalimutan mo na ba 'yung mga sinabi mo sa'kin noon. Diba sabi mo ang pagsasayaw na ang buhay mo? Kaya bakit ngayon ka pa susuko? Kung ako lang din naman ang magiging dahilan para masira ang buhay mo. M-mas mabuti pa siguro.. maghiwalay na lang tayo." hindi ko namalayan na kanina pa pala tumutulo ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na napigilan.

Matapos kasi lahat nang naranasan ko. Lahat nang paghihirap nyang natunghayan ko. Mas naintindihan ko na 'yung pinangagalingan nya. Hindi biro ang mga sinakripisyo nya kaya mali ang sumuko na lang bigla. Aaminin ko, dati hiniling ko na sana ako 'yung piliin nya kapag dumating na 'yung panahong 'to. Pero ngayong nangyayari na, narealized ko hindi rin pala ko magiging masaya.

Pano ko magiging masaya kung alam ko namang ako ang dahilan ng paglaho ng mga pangarap nya. Hindi selfish ang Love. The real meaning of Love is Sacrifice. Para saan pa ang pagmamahal ko sa kanya kung hindi ko rin naman kayang magsakripisyo para sa ikabubuti nya.

"Please Kai, wag mong gawin 'to. Lalo na kung para lang sa'kin." patuloy parin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. Nakatitig lang sya sa'kin nang matagal. Maya-maya nama'y unti-unti na nya kong nilalapitan at niyakap.

Ilang minuto pa kami nasa ganoong posisyon. Gumaan bigla 'yung nararamdaman ko. Lahat ng frustration, takot, gulat parang nawala bigla. Itinapat nya ang kanyang bibig sa aking tenga at saka bumulong.

"Baliw ka." Napangiti naman ako dahil 'don.

Sa simpleng yakap nya pakiramdam ko protektado ako. Ang sarap ng ganitong feeling, kahit pilit kang pinaluluhod ng problema. Meron ka paring nakakapitan.

"Sino ba nagsabi sa'yong para sa'yo 'tong ginagawa ko? Wag ka ngang assuming. I'm doing this for myself, for my life." nakita ko pa syang ngumiti sa'kin. Inalalayan nya kong maupo sa isa sa mga upuan sa gilid.

Tinignan ko naman sya na puno ng pagtataka. Ano ba 'yung pinagsasabi nya? Hindi ko maintindihan.

"Dito ka lang. Ako na ang bahalang kumausap sa kanila. Wag ka nang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat." Hinalikan pa nya ko sa noo bago tuluyang pumasok sa loob.

Sana nga tama sya. Sana maging ayos lang ang lahat.

**

KAI POV

Pagpasok ko sa loob, ramdam ko ang mga matang nakatuon sa'kin. Alam kong puno sila nang katanungan at inis dahil sa nangyari. Hindi ko rin naman sila masisisi, pinili kong lokohin sila imbes na magsabi ng totoo.

"Kai, nasa'an si Dasuri?" tanong ni Chanyeol pagkaharap ko sa kanila.

"Hindi ba dapat kasama mo sya ngayong nagpapaliwanag samin." Dagdag pa ni Baekhyun.

"Leave her alone. Ako ang magpapaliwanag nang lahat." Kalmado ngunit may diin kong tugon. Hindi parin natatangal ang matatalim na tingin nila sa'kin.

"Bakit naman namin gagawin 'yon. Kasama sya sa usapang 'to. Dapat nandito rin sya para magpaliwanag." Mariing sambit ni Sehun.

"Tama sya Kai, issue 'to sa pagitan mo at ni Dasuri. Hindi naman ata tamang ikaw lang ang sasalo ng lahat." -Luhan.

"Hahanapin ko sya't dadalhin dito." Tumayo si Sehun at akmang bubuksan na 'yung pinto. Maagap ko naman syang pinigilan.

"Please. Ako na lang." Nag-isip pa sya saglit kung papayag ba o hindi. But when he notices that I'm begging already. Binitawan na nya 'yung door knob at muling umupo. Tumahimik naman sa paligid.

"Totoo ba? Ikaw, si Dasuri, at 'yung kasal?" si Suho hyung ang unang bumasag nang katahimikan. Mukhang naalarma si noona sa namumuong tensyon sa pagitan ko at ng mga kasama ko kaya napagpasyahan nyang sumingit sa usapan.

"Chill guys! I think we shoul---" I enterrupted her.

"No. Noona. I can handle this." I gave her a serious face. Tumango-tango naman sya kahit halatang labag 'to sa kalooban nya. Muli kong hinarap ang mga kagrupo ko. Ganun parin ang mga tingin na pinupukol nila sa'kin. Huminga naman ako nang malalim then answered.

"It was an arranged marriage."

Napabuga naman ng hangin si Suho hyung. Mukhang lalo syang nainis nang malaman ang nangyari. Dismayado ang mukha nang iba samantalang si Kris at noona ay halatang nahahabag sa kalagayan ko ngayon.

Pero hindi ako nagpakita nang kahinaan. Nakatayo ako nang maayos at tumingin sa kanila na puno nang kumpyansa.

"Simula nung bata pa lang ako, lagi na lang akong naiiwan mag-isa sa bahay. Sa tuwing tatanungin ko ang mga kasama ko sa bahay kung nasaan ang mga magulang ko. Ang lagi nilang isinasagot, nagtatrabaho para sa kinabukasan mo. Nung tumuntong ako ng middle school, natatawa ko sa tuwing sinasabi nila sa'kin 'yan. Pano, ginagawa daw nila 'yon para sa kinabukasan ko pero ni minsan hindi nga nila natanong sa'kin kung anong kinabukasan ba ang gusto kong tahakin. Dahil din 'don namulat ako sa buhay ng under ground dance battle. Doon na umikot ang mundo. Doon ko kasi naranasan ang magkaroon ng pamilya. Doon ko naranasan maging masaya. Pero nung nalaman ng parents ko ang tungkol 'don. Pinatigil nila ko, pero syempre hindi ako pumayag. Sinubukan kong magrebelde, lumayas sa bahay. Pero walang nangyari, nagawa parin nila kong ibalik sa puder nila. Then one day, habang naglalakad ako pauwi galing school. May lumapit sa'king isang babae, which is miss. Jin. Inaalok nya kong maging trainee under SME. Nagdadalawang isip pa ko nung una. Alam ko naman kasing hindi ako papayagan ng parents ko. But still I tried. Sinubukan ko sya at alam mo kung anong nakakatawa? Pumayag sila. Sobra ang saya ko nang sabihin nila 'yon kaya lang merong kapalit. I need to marry the girl they choose for me." Tahimik ang lahat habang nakikinig sa lahat ng sinasabi ko.

"I'm sorry. Alam ko galit kayong lahat sa'kin dahil niloko ko kayo. Dahil tinago ko sa inyo ang tungkol dito. Pero gusto ko sanang maintindihan nyo na nag-so-sorry ako hindi dahil sa nagsisisi akong pinakasalan ko sya. Marrying her is the best decision I have done in my life. Hindi ko man sya talagang mahal 'nung una pero sa ngayon sya na ang buhay ko." tinignan ko sila isa-isa sa mga mata. I want them to feel kung gano ko kasincere sa mga sinasabi ko.

"Nagso-sorry ako dahil hindi ko nagawang ipagkatiwala sa inyo ang sikreto ko. Natakot kasi ako eh. Natakot akong masira ang lahat, pati na ang mga pinaghirapan nyo. Tawagin nyo na kong duwag pero 'yun yung totoo."

Wala kong pakialam kung hindi sila nakikinig sa'kin. Oh' kahit wala silang pakialam sa sinasabi ko. Basta ilalabas ko lang lahat ng saloobin ko.

"Siguro nga hindi nyo na ko magagawang pagkatiwalaang muli. Hindi ko naman hinihiling na patawarin nyo ko agad. Imposibleng mangyari 'yon. Ang sa akin lang, wag nyo sana kong papiliin sa pagitan ng pangarap ko at nang babaeng mahal na mahal ko."

**

DASURI POV

Pinunasan ko na ang mga luhang kanina pa pumapatak sa mga pisngi ko.

"Sino ba nagsabi sa'yong para sa'yo 'tong ginagawa ko? Wag ka ngang assuming. I'm doing this for myself, for my life."

Hindi ko talaga maintindihan 'yung sinabi ni Kai kanina. Pano makakatulong sa kanya ang pagsasabi ng totoo. Lalo nga lang nitong guguluhin ang lahat. Aish. Naguguluhan na talaga ko. Patuloy lang ako sa pagpunas nang pisngi ko nang may mapansin akong may nag-aabot sa'kin nang panyo. Tinignan ko ang may-ari 'non.

"Unnie? " Bulalas ko nang makita si Yuri Unnie na nakatayo sa harap ko. Hindi ko alam kung pano ba ko dapat kumilos sa harap nya. Nakatingin lang ito sa'kin habang may matamis na ngiti sa mga labi.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mali. May hindi tama. Gusto kong lumayo pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin.

"Hindi mo ba tatanggapin 'tong panyo ko? Malulungkot ako kung ganon." Natauhan naman ako't dahan-dahang kinuha 'yung panyo nya.

"S-salamat." Nauutal kong sambit. Umupo naman sya sa tabi ko.

"You don't need to say thank you. Magkaibigan naman 'tayo eh." bigla kong kinalibutan sa tono ng pananalita nya. Malambing ang pagkakasabi nya nito pero bakit nakaramdam parin ako ng hinanakit sa dulo.

"Bakit hindi ka sumasagot. Magkaibigan naman tayo, diba?!" nilingon pa nya ko't tinitigan. Naguguluhan na ko sa mga kinikilos nya. Bakit kung magsalita sya para bang hindi ko sila nakita ni Kai na magkahalikan noon? Na para bang walang nangyaring masama noon.

"Why you look so scared? Hindi naman kita inaano ah?" sabi pa nya while smiling. Nabalik naman ako sa wisyo at sumagot.

"Ah. S-sorry. Madalas talaga kong maspace-out. Pasensya na." pagdadahilan ko. Naiilang talaga ko sa pag-uusap naming ito.

"It's okay. Hmm. How's Jong In?" namilog ang mga mata ko sa klase ng tanong nya. Nanadya ba sya?

"Ha?"

"Diba P.A ka nila?" she emphasizes the word 'P.A'. Medyo nanlumo ako sa ginawa nya. Para kasing pinararating nya na sa'king malayo ang agwat namin nang asawa ko. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Sya naman ang nag-iwas nang tingin at dumirertsyo nang upo.

"Nakarating na sa'kin 'yung tungkol sa nangyari kanina sa fanmeeting nila. I was sad kasi nanganganib 'yung career ni Jong In. Nadamay pa pati 'yung ibang myembro nang Exo. Pero wag kang mag-alala. Magaling ang management namin kaya I'm sure malulusutan nila 'yan. Siguro nga sa mga oras na 'to meron na silang naiisip na gawin." Muli nya kong nilingon but this time matalim ang tinging binibigay nya sa'kin.

"To clear up that mess."

Nangilabot ako sa tono ng pananalita nya. Para bang puno 'yon ng galit. Yumuko ako para iwasan ang pinupukol nya sa'king matatalim na tingin.

"And you know what Dasuri, dahil kaibigan kita. I will tell you a secret. A little secret of mine." Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng buong katawan ko. Sobrang natatakot na ko sa mga nangyayari. Mas lumapit naman sya sa'kin at bumulong.

"I am his wife too."

--

Olah!

Hmm. Malapit na pong matapos 'tong SMTMB. Kahit hindi masyadong halata pero totoo po 'yon. Hahaha. Ang target ko kasi ay matapos sya this year with a maximum of 60 chapters and an epilogue.

Pero wag po kayong mag-alala, marami pa pong magaganap. As in MADAMI pa. Kaya sana po basahin nyo po sya hanggang dulo. Sabay-sabay nating alamin kung meron bang forever sa dictionary nila MR & MRS. KIM =)))

Dahil ito ang first story ko. Excited talaga ko sa ending. Hindi naman sa gusto ko na sya matapos agad. Excited lang talaga ko. Haha. XD

©Rakki_Asteri11

AllRightsReserved2015


Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 107 29
Nag simula lahat sa ROLE PLAYER WORD ito kasi yung mundo na parang nag e-exist ako. yung tipong magagawa ko lahat yung hindi ko magawa sa REAL WORD. ...
11K 1.6K 44
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
63.8K 2.1K 27
Book two of Room Of Perverts Date Written: October 12, 2018 Date Finished: June 11, 2019
7.2K 496 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...