BOOK I: Secretly Married To M...

By yoonooyaa

337K 7.7K 382

"If a commoner can marry a prince, Then its not impossible for a FANGIRL to marry her BIAS too." Book II: Off... More

CHP1: She is Secretly Married to Her Bias
CHP2: Meeting my Secret Husband <3
CHP3: Sikretong Malupet!
CHP4: He's my Husband.. Promise ! TToTT
CHP5: Si Kapre at Dyosa .
CHP6: The LIES can be TRUTH*
CHP7: K meets M :)
CHP8: Missing You..
CHP9: Moving On?!
CHP10: Here's come Trouble ! xD
CHP11: Taken For Granted
CHP12: Unexpectedly ..YOU??
CHP13: Sorry na daw ! xD
CHP14: Pumapag-IBIG^^
SPECIAL CHAPTER^O^)V
CHP15: Uy.. Selos. kekeke~
CHP16: Arranged Marriage Lang..
CHP17: Let's Start The Game
CHP18: Punishment
CHP19: Mahal ko O Mahal ako?
CHP20: HELL FOR DASURI.
Chp21: The Past
CHP22: Her Secret
NOTE:
CHP23: DREAM
CHP24: Han Dong Woo
CHP25: EXO
Chp26: New Classmate
CHP27: Comeback
#HappyExo-LDay
CHP28: Love Cycle
CHP28: Love Cycle (PART TWO)
CHP29: Halaga
CHP30: Pain
Chp31: Decisions
CHP32: Open your eyes, Dasuri.
CHP33: Tired
CHP34: One week past
CHP35: Kai's Decision?
CHP36: Lambingin Kasi
CHP37: Goodbye.. First love
CHP38: 3 words, 8 letters, say it and i'm yours
CHP39: Friend-zoned
CHP40: Friendship
CHP41: Call You Mine
CHP42: Dasuri vs. Kai
CHP44: Revelation
CHP45: Second Wife?
CHP46: Trouble Maker
CHP47: I do, Cherish you
CHP48: Agony
CHP49: We Got Married
CHP50: He's Back!
CHP51: Bahay-Bahayan
CHP52: I Need a Girl
CHP53: Love Me Like You Do
CHP54: Horrible Thing?
CHP55: Hold Me Tight
CHP56: Official Date
CHP57: Is it Final?
CHP58: Let me the one
CHP59: Set Him Free
CHP60: One Last Cry
CHP61: Four Years After
Epilogue
Officially Married with my Bias

CHP43: Right Time?

4.6K 100 7
By yoonooyaa

"Mukhang hindi na talaga nila maiiwasan, sadyang walang sikretong hindi nabubunyag."

**

SOYEON POV

"On Friday is the day of your performance. I expected that everything is settled. Hindi ako tatanggap nang kahit anong klaseng excuse. Hindi ako nagkulang ng paalala and I gave you enough time to prepare. Kaya inaasahan ko na maganda ang makikita kong resulta ng lahat."

Matapos ang klase namin kay Miss Shin, napagpasyahan naming dumiretsyo sa garden para kumain. May kanya-kanya kaming dalang baon ngayong araw. Pansin ko ang ngiti sa labi ng mga kasama ko. Mukhang may kababalaghang nangyayari ah.

"Woy, bakit ang tamis ng mga ngiti nyo? Anong candy ba ang kinain nyo? Bakit hindi nyo kami ininform ni Amber?" tanging kaming dalawa lang kasi ang mukhang matino ngayong araw. 'Yung tatlo parang nakakain ng isang libong candy.

Inismidan lang ako ni Krystal. Si Dasuri naman ngumiti lang nang parang baliw. Tanging si Yoonsoo lang ang nageffort sagutin ako.

"It's not a candy, it's LOVE." Inemphasize pa ni Yoonsoo yung salitang LOVE. I raised my one eye brow.

"Oh? Ito piso, hanap ka kausap mo. May palove-love ka pang nalalaman. As if naman my lovelife ka. Life lang ang meron ka, wag assuming." Dinilaan ko pa sya. HAHA.

ASSUMERA din 'tong si Yoonsoo eh. Si Dasuri at Krystal tanggap kong may Love ang Life nila. Pero si Yoonsoo? Sorry sya, member din sya ng team NGA-NGA.

"F.Y.I lang ha, I have LOVE on my Life, mukhang hindi ka na-inform." Taas-noo nyang sagot. Aba. Sumasagot pa.

"Ano namang klaseng Love 'yan? Love kay mother earth o Love sa sinilangang bayan? Baka naman love na sariling sikap? Saka tumigil ka nga sa kakahangul mo, nangingilo ko sa accent mo eh." bigla namang namula sa inis si Yoonsoo. Kala nya ah. Alam ko namang pareho lang kami, we're on the same track. 'Being-Inspired and-Inlove on-Someone who doesn't know you exist'

Medyo maswerte pa nga kami eh, kasi atleast kami alam na nilang nag-e-exist kami ang problema nga lang, they already fall for somebody else.

"Tumigil na kayo. Mamaya saan na naman mapunta 'yan." Saway ni nanay Amber. Inismidan ko lang sila saka nanahimik.

"Pero maiba ko, bakit nag-ha-hangul kana ngayon, Yoonsoo? Nakakapanibago kasi." Usal ni Dasuri. Medyo nahiya naman si Yoonsoo ng marinig 'yon.

"Ano.. I think it's the right time for me to tell you my secret." Ngumiti sya na may pagkaalanganin.

"Waah! My secret ka din katulad ko?" masiglang tanong ni Dasuri. tumango-tango naman si Yoonsoo.

"Luh, lahat ba ng Kim sa mundo may tinatagong lihim? Psh!" singit ko. Sinamaan ako ng tingin ni Krystal.

"Shut up, Soyeon! Go on Yoonsoo." Tss. Chismosa talaga 'to. Hindi na ko umimik, nakinig na lang ako sa lihim na isisiwalat ng isa dito.

"It was happen 2 weeks ago, 'yung time na hindi pumapasok si Dasuri. It's about me and Kris," napahawak si Krystal sa bibig nya.

"Oh my God! Don't tell me you're pregnant?!" namilog naman ang mga mata ni Yoonsoo.

"NO!" bulalas pa nya habang pinamumulahan ng mukha.

"Engaged kana sa kanya?" singit naman ni Dasuri. Samantalang si Amber, tahimik na nakikinig sa tabi.

"Ofcourse not! Hindi naman ako kasing lucky mo." depensa pa ni Yoonsoo. Naiinip na ko sa ginagawa nila kaya sumingit na ko.

"Eh' kung diretsyuhin mo na lang kaya kami? Ang dami mo pang segway eh." mukhang natauhan naman sya't nagbuga ng hangin.

"Fine, Kris always went to our school to ask about Dasuri. Ako 'yung lagi nyang pinagtatanungan. Then one day, I asked him if he want someone to talk to. Suprisingly, he said yes. Kaya nagtungo kami sa isang bar which is I don't know the exact address. Tapos ang mga sumunod na nangyari..."

"Quit staring, baka lalo ka lang mainlove sakin." reality strike me again. Gosh! He's looking at me.

"W-what?"

"You like me right?" He put his both hand on each side of my chair then lean on me.

"H-huh?" I gulped. I can smell his perfume. It's so manly. Arrgh!

"I said you like me and you will do everything just to make me fall for you, right?" my eyes were glued at his so pinky lips. o..kay, it's getting hotter here. He locks his eyes to me while moving closer. Ahhh! Is he trying to kill me?!

He cupped my face and touches my lips "Answer me Yoonsoo. Will you do everything?"

I just nodded. I can't say anything. I'm already under his spell.

"Then help me to forget Dasuri."

That time I don't know what to answer. Papayag ba ko or not? If I said yes... magiging isa kong rebound but if I said no, everything ends here. Nahihirapan akong magdecide kaya tumango na lang ako.

He stares at my eyes for a seconds then look away. Tinungga pa nya ang natitirang laman ng baso bago sya muling magsalita.

"Forget what I've said."

I was so dumbfounded that time. Pinaglalaruan nya ba ko?! He's asking me a favor then cancels it after a second? TF right? Hindi na ko muling nagsalita pa after that conversations. Hinayaan ko na lang syang ihatid ako pauwi.

"I want to go back to school." I said.

"But it's too late. Wala nang tao roon. Mas mabuting ihatid na kita sa inyo." Tangi pa nya. I stare at him. What now? He will act like a protective boyfriend then after a second dumped me again? I smirked then open the car's door. Nataranta sya't napapreno.

"What the hell!" bulalas nya.

I didn't bother to look back. Lumabas ako ng kotse saka nagsimulang maglakad. He yelled at me.

"Yoonsoo! Where are you going?!"

"Come back here!"

I ignore him. Yes. For the first time, nagawa kong sya naman ang wag pansinin. Patuloy lang ako sa paglalakad. Gusto kong tumakas. Gusto kong kalimutan na nangyari ang lahat ng ito. Siguro nga mahirap akong mahalin. Siguro nga I will never succeed to change his heart.

Pero sana.. wag naman nya kong gawing TANGA. I feel pity for myself. I always offer myself to him. I always do everyting just to make him noticed me but in the end, I ends up crying.

Patuloy lang ako sa paglalakad while sobbing. I don't care if others saw me crying. Sya nga walang pakialam sa'kin, sila pa.

"Yoonsoo, sumakay ka na nga dito. Wala ko sa mood makipaglaro sa'yo." I heard Kris voice on my right side.

"I'm tired. I want to go home." Edi umuwi ka nang mag-isa. I hate you. Hindi ko sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pag-lalakad. Bigla namang bumilis ang pagpapatakbo nya. He rushed his car then makes a u-turn to block my way. I have no choice, huminto ako.

Nang papalabas na sya ng kotse, I turned my back. Babalik sana ko sa dinaanan ko para iwasan sya. I don't want to see his face. Ayoko na sa kanya. I hate him.

Naglalakad na ko pabalik when he grabbed my hands. He pulled me back then claims my lips. I tried to push him away pero masyado syang malakas. He put his hand around my waist para ilapit pa ko sa kanya. I was shocked. Pakiramdam ko hindi gumagana ang utak ko.

Nanghina naman ang mga tuhod ko nang maramdaman ang paggalaw ng labi nya. He bite my lower lip, I gasped. Ginamit nya ang pagkakataong 'yon to deepend our kiss. At first, he's kissing me aggresively pero habang tumatagal it became slow and passionate. Pakiramdam ko nasa langit ako. 'Yung way nang paghalik nya sa'kin, its way different from our first kiss. Pakiramdam ko meron ding 'Love' sa halik nya? Is it possible?

We're both gasping for air after we separate. Hindi sya makatingin sa'kin ng diretsyo. Ganun din ako. I touch my lips. Nararamdaman ko parin kasi 'yung mga labi nya. Dahan-dahan naman syang lumilingon sa'kin. When our eyes met doon na ko umiyak.

Umupo ako sa kalsada while hugging my knees. Nagulat naman sya sa ginawa ko.

"Uwaaaah!!! Why did you kiss me? Waaah!" I don't know why I'm crying. Basta gusto ko lang ilabas 'yung nararamdaman ko. He looks frustrated. Mukhang hindi nya inaasahan yung mga nangyayari.

"Y-Yah! Stop crying." He hushed. Lalo ko namang nilakasan ang pag-iyak ko. May mangilan-ngilan pa namang dumaraan kahit na gabi na.

"Y-You kissed me! You kissed me! Uwaaahh!" people staring at us. Lalo namang nataranta si Kris. I want to burst out my laugh pero iyak yung nalabas ko eh. I'm going crazy.

"You kissed me! Y-you even enter your---ummmphh." Biglang tinakpan ni Kris yung bibig ko. I saw that he's blushing. Napahinto tuloy ako sa pag-iyak.

"Can you please, stop?" he whispered. I nodded. Tinulungan nya kong tumayo without removing his hands.

Hinintay pa nyang makaalis yung ilang tao sa paligid bago nya tinanggal yung kamay sa bibig ko. Tinignan nya ko na parang hindi makapaniwala sa nangyari. I bowed my head.

I heard him sighed then grabbed my right hand, "Don't do that again. You scared me to death."

Napangiti ako. I was wondering kasi, he scared dahil sa pag-alis ko sa tabi nya or he scared because I cried after he kissed me? I didn't bother to ask. Sumunod na lang ako sa kanya.

I told him my exact address. Pagkarating namin 'don, I suggest na pumasok sya sa loob pero tumanggi sya. Hindi na ko nagpumilit alam ko namang busy syang tao.

"Uhh. Thank you for the ride. And uhh.. good night." I opened the door. Habang papalabas na ko, I heard him call my name.

"Yoonsoo," nilingon ko sya.

"'Yung favor ko kanina, please.. forget about it." Oo nga pala. So mukhang wala na talagang pag-asa. Nagnod na lang ako even it against on my will.

"Okay, I will." sagot ko pa.

"But can I have another favor from you?" I lift my head. "But this time, wala nang bawian. When you say yes, even you can't take it back."

Naguluhan ako sa sinabi nya. Pinaglalaruan na naman ba nya ko? He grabbed my hand saka pinisil 'to ng mahina. "Can you be mine?"

"Anong sagot mo? Nag-Yes ka diba? Diba?" naputol 'yung pagku-kwento ni Yoonsoo dahil biglang nagsalita si Dasuri.

"Uhh..yeah?" sagot naman nya.

"Bakit parang hindi ka sigurado?" kunot noong tanong ni Amber. Mukhang pati sya naging interesado narin.

"Hindi. It just that hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na we're officially...dating?" makikita mo sa mata nya ang sobrang saya. Sabagay, sino nga ba ang hindi matutuwa kung ang IDOL na pinapangarap mo lang ay sa'yo na ngayon.

Nakakalungkot lang na hindi lahat sinuswerte at binibigyan ng pagkakataong gaya ng sa kanila.

Si Dasuri, pinakasalan ang Bias nya.

Si Yoonsoo, kadate ang Bias wrecker nya.

Samantalang ako, gaya ng libo-libong fans sa mundo. Mananatiling nanga-ngarap at umaasang sana pag-gising ko sa isang araw. Hindi lang unan ang yayakapin ko sa gabi. Poster ang bubungad sa'kin sa umaga at hindi lang basta sa virtual world ako makakaramdam ng pagmamahal.

"Okay ka lang?" natauhan ako nang marinig ang boses ni Krystal. "Kanina pa tumutunog 'yung phone mo. Baka gusto mong sagutin." Tinuro pa nya yung phone sa kamay ko.

Napatayo ko bigla at pumunta sa gilid. "Sandali, sasagutin ko lang 'to." sabi ko pa.

"Hello, sino 'to?" tanong ko sa kabilang linya.

"Hello? Hello? Wala ka bang balak magsalita?"

"Ano ba! Kung wala kang magawa sa buhay mo. Wag mo kong idamay, busy akong tao. Bwiset!" ibinaba ko na 'yung tawag. Tinignan ko 'yung number ng caller.

"Aish. Bwiset talaga 'to." sabi ko sabay balik sa pwesto ko kanina.

"Oh' sino 'yung tumawag?" usisa ni Amber.

"Wala. Wrong call lang." sagot ko naman. Pero ang totoo, kilala ko 'yung tumatawag. Not literally na alam ko 'yung name nya. Familiar lang sa'kin 'yung number.

Simula kasi nung nakaraang linggo lagi na kong nakakatanggap ng mga messages galing sa number na 'yon. Tapos simula kahapon, tumatawag na sya. Kapag sinagot ko naman, walang nagsasalita sa kabilang linya. I know it sounds creepy pero hindi ako natatakot. Subukan lang nyang kantiin ako, makakatikim sya ng mga maala-Jackie-chan-moves ko.

Si Soyeon kaya ko at kay Bias lang ako tumutiklop. Haha.

"Maiba ko, hindi mo naman sinagot 'yung tanong namin. Bakit ka nagha-hangul na ngayon?" pagbabago ko sa topic.

"Ahh. Oo nga pala. Haha. Ano, napag-usapan kasi namin ni Kris na kailangan hangul ang gagamitin kong salita whenever I talk to him. Dapat lang daw na gumamit ako ng mother tongue ng lahi ko. Umm. Saka my punishment kasi kapag nagsalita ko ng straigth english. Well, I used to talk in hangul way back on my childhood kaya hindi naman ako masyadong nahihirapan. Hehe." Paliwanag nya.

"Ahh. Okay," magtatanong pa sana ko kung ano 'yung punishment pero wag na lang. Sa kanilang dalawa na lang siguro 'yon.

May naalala naman ako bigla, "Oo nga pala, may fan signing ang Exo ngayon. Pupunta ko. Sino sasama?!". Nagmamadali namang nagtaas ng kamay si Dasuri at Yoonsoo.

"Ako! Ako!" -Dasuri.

"Me! Me!" -Yoonsoo.

"Okay, punta tayo mamaya after class." Tumango-tango naman 'yung dalawa. Inakbayan ko pa silang dalawa. Ganto kaming mga fangirl, mukhang laging masaya, laging hyper but deep inside we felt lost.

Ang hirap naman kasi, nagagawa nga naming ipangalandakan sila sa lahat. But in the end of the day, sinasampal parin samin ang mga katotohanang wala kaming hawak na titulo, kaya wala parin kaming karapatang angkinin sila ng totoo.

**

AMBER POV

"Bye. Ingat kayo." Sabi ko kila Dasuri habang kinakawayan sila. Tumanggi akong sumama sa kanila. May mas mahalaga kasi akong dapat gawin.

Sumakay ako sa bus at dumiretsyo sa bahay ng isang kakilala. Nalaman ko ang address nya sa tulong narin ni Dasuri. Sa isang apartment sya nakatira. Pinindot ko ang door bell pagkarating ko sa tapat ng pinto ng bahay nya.

Wala pang isang minuto ay may nagbukas na nito. Bumungad sa'kin ang isang lalaking ay edad ay nasa late 20's na. Halatang kagigising lang nya kahit pa ang oras ay tanghaling tapat na.

"Magandang tanghali po." Bati ko sa kanya.

"Magandang tanghali rin naman. Ahmm. Napadalaw ka? Pano mo nalaman ang address ng bahay ko? Ugh. Pumasok ka muna pala." Sunod-sunod nyang tanong. Tinanggap ko naman ang alok nya't pumasok sa kanyang bahay. Malinis ito at maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit. Medyo maliit nga lang pero sapat na para sa pang-isahang tao.

Pinaupo nya ko sa sofa at inalok ng maiinom. Tumanggi ako.

"Hindi na po ko magpapaligoy-ligoy pa. Yung envelope na binigay ko sa inyo. Nabukasan nyo na ba?" tanong ko.

Umupo naman sya sa harap ko. Kinuha nya yung envelope na tinutukoy ko mula sa mga papel sa mesa at pinakita sa'kin 'to. "Eto ba 'yung tinutukoy mo?" tumango ako bilang sagot.

"Nakita ko na sya. Sa totoo lang gusto sana kitang tanungin kung bakit mayroon kang kopya nito." Inilabas nya yung picture nya at ni Miss Shin na parehong may matamis na ngiti.

"Hindi po sa'kin 'yan. Nakuha ko lang po 'yan sa classroom matapos ang klase namin. Ang huling guro namin bago matapos ang klase ay si miss Shin."

"Si Hara?" hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Han. Tumango akong muli.

"Alam ko wala akong karapatang mangialam sa personal nyong buhay. Pero Mr. Han, kung sasabihin ko sa'yong gusto namin kayong tulungan para ibalik ang babaeng pinakamamahal nyo. Papayag ba kayo?"

**

THIRD PERSON POV

Matapos nga ang kanilang klase, dumiretsyo ang magkakaibigang Dasuri, Yoonsoo at Soyeon sa fansigning ng Exo. Dala-dala nila 'yung albums at posters na binili nila 'nung nakaraan. Hindi naman sumama si Krystal dahil may usapan daw sila ni Bambam, isang date? Siguro. Si Amber naman ay may pupuntahang importante. Hindi na nagpumilit pa 'yung tatlo. Tutal sila lang naman talaga ang tunay na hardcore fans sa grupo nila.

Pagkarating nila sa place ng fanmeeting. Bumungad agad sa kanila ang sandamukal na fans na kagaya nila ay matyagang nag-aantay para masilayan lamang ang pinakamamahal na IDOLS.

"Doon tayo." tinuro ni Soyeon yung tatlong bakanteng upuan sa unahan. Tumalima naman 'yung dalawa.

Pagkaupo nila ay ang pagdating ng Exo sa unahan. Magiliw nilang binati ang mga tagahangang kanina pa naghihintay.

"Hana. Deul. Set. We are.." Bilang ng leader nilang si Suho.

"One. Annyeong Hasaeyo, We are Exo im nida." Sabay bow nilang lahat. Nagpalakpakan at hiyawan naman ang mga tao sa paligid. Walang tigil ang pagflash ng camera at mababakas ang saya sa mukha ng isa't-isa.

"Kamusta kayo? Before anything else, gusto naming magpasalamat sa lahat nang naririto ngayon. Eto 'yung kauna-unahan naming fanmeeting and album signing as ONE. Sobra ang saya namin na makita kayong lahat ngayon. Thank you. Thank you." Panimula ni Suho.

"Yes, he's right. That's why we are so excited about it. Excited na kong makausap ng personal ang mga mahal namin. I love you guys." Dagdag ni Kris. Naghiyawan naman ang mga fans. Ang iba'y sumagot pa sa kanyang I love you.

"For sure mag-eenjoy tayong lahat. Sana hindi ito 'yung una at huling beses nating pagkikita. Gusto namin kayong makasama pa ng matagal." -Baekhyun

"Ang daldal ni Baekhyun 'no? HAHAHA." Nagtawanan naman yung mga fans. Inakmaan naman ng suntok ni Baekhyun si Chanyeol. Inasar naman sya nito lalo.

"Hmm. Okay, magsimula na tayo." anunsyo ni Suho. Nagsiayos naman ang lahat. Kanya-kanyang upo ang Exo members sa upuang naka-asign sa kanila. Hindi naman mapakali si Dasuri.

"Ano ba. Bakit ba ang kikinsot mo dyan?" puna ni Soyeon sa kanya.

"Ahh. Kasi...hindi pa nga pala alam ni hubby na sya 'yung bias ko. Pano kung magtanong sya, anong isasagot ko?" sambit naman ni Dasuri. Umarko pataas ang isang kilay ni Soyeon.

"Edi sabihin mo 'yung totoo. Problema ba 'yon." Suhestyon pa nya. Hindi naman na sumagot si Dasuri pero sa loob-loob nya, 'Ayoko nga. Aasarin lang ako ni Hubby pag nagkataon. Yung ngang hindi pa nya alam kung makapang-asar wagas. Pano pa kaya kung malaman na nya. Ahh. Basta. Hindi ko sasabihin.'

Si Yoonsoo naman ay kinikilig pa habang nakatingin kay Kris. Napansin na rin kasi sya nito. Medyo nagulat pa nga 'to nang makita sya. Nagbawi agad ito ng tingin.

'Ano kayang sasabihin ko sa kanya paglapit ko? Eto pa naman 'yung unang araw namin as a dating couple. Ahh. Alam ko na, ibibigay ko na lang sa kanya 'yung ginawa kong bracelet kagabi. Tama. yun na nga lang' bulong pa nya sa sarili.

Samantalang si Soyeon, 'Kung anu-ano talaga iniisip ni Dasuri. Basta ako, pagkalapit ko kay my loves dadakmain ko agad 'yung kamay nya. Tatagalan ko yung hawak habang nakatitig kami sa isa't-isa. Whaaa! Ang romantic 'non. Haha.'

May kanya-kanyang motibo ang tatlo. Nakatayo na sila pare-pareho at nag-aantay ng kanilang pagkakataon. Nauuna sa pila si Dasuri, kasunod si Yoonsoo at panghuli si Soyeon. Samantalang sa Exo, nasa unang upuan nakaupo si Kai, sumunod si Kris, Suho, Chen, Baekhyun, Chanyeol, Sehun, Luhan, Xiumin, D.O, Lay, Tao.

Umusod na 'yung babae sa unahan ni Dasuri kaya napunta na sya sa harap ng kanyang asawa. 'Nung una nagtititigan lang sila na para bang hindi talaga magkakilala.

'Ano ba 'to. Ang awkward ng feeling. Magkasama lang kami kagabi. Magkatabi sa isang kama, tapos ngayon.....'

"Yung album?" tanong ni Kai. Natauhan naman si Dasuri.

"Ha? Ah. Oo." Dahan-dahan nyang inilapag ang album sa mesang namamagitan sa kanilang dalawa. Kinuha naman 'yon ni Kai at sinimulang pirmahan. Nanatili namang nakatayo si Dasuri sa harap nya na parang isang tuod.

'Hindi naman pwedeng kausapin ko sya kagaya nang pakikipag-usap ko sa kanya tuwing kaming dalawa lang. Baka marinig pa 'yon ng katabi ko. Mapahamak pa sya. Mas mabuti na siguro 'yung ganto, hindi na lang ako magsasalita.' Isip-isip pa nya.

Lumipas pa ang ilang segundo pero wala paring nagsasalita sa kanilang dalawa. Para silang nasa isang cold war. Napansin ni Dasuri na tapos nang pumirma si Kai kaya umakma syang kuhain na rito 'yung album. Hihilain pa lang nya ito pero pinigilan na agad sya ng asawa nya sa pamamagitan ng pag-iwas 'don sa album. Napakunot-noo naman sya.

'Ano bang problema nya?' tanong pa ni Dasuri sa sarili.

Sinubukan nya ulit 'tong kunin. Nagtagumpay naman syang hawakan 'yon. 'Yun nga lang, sa tuwing susubukan nyang hilahin ito papalapit sa kanya. Parang may kung anong pwersang pumipigil dito.

'Yah! Hubby! Ibigay mo na sa'kin 'yung album.'

'Ano ba! Hoy Kai! Tumingin ka nga sa'kin.' Mga katagang isinisigaw nya sa kanyang isipan. Para kasi silang tanga na naghahatakan 'don sa album. May-maya pa'y tumingin na sa kanya si Kai. Itininaas nito ang kanyang mukha at tinitigan si Dasuri.

"Akin na 'yung kamay mo." utos nito. Naguluhan naman lalo si Dasuri. Hindi sya kumilos sa halip ay tinitigan lang ang kanyang asawa.

"Sabi ko, Akin na 'yung kamay mo." ulit nito. Aangal pa sana si Dasuri kung hindi lang muling nagsalita si Kai.

"Sumunod ka na lang. Nakakasagabal kana sa pila." Tinuro ni Kai 'yung babae sa gilid ni Dasuri gamit ang kanyang nguso. Nasa harapan na kasi ito ni Suho samantalang sya nasa harapan padin ni Kai. Napairap naman si Dasuri.

"Ikaw kaya may kasalanan nito." Bulong pa nya habang inaabot na kay Kai yung kanang kamay nya. Nanlaki ang mga mata nya nang mapansing sinusulatan ni Kai 'yung palad nya gamit 'yung pentel. Sinubukan pa nyang bawiin 'yung kamay nya pero huli na. Natapos na ni Kai 'yung pagsusulat.

"Layas." Sabi pa nito sa harap nya. Napabuga na lang sya ng hangin saka padabog na kinuha 'yung album sa tapat ni Kai. Umusad na sya sa harap ni Kris.

"Hey, akalain mong pumupunta ka rin pala sa mga ganto?" tanong agad ni Kris pagkakita kay Dasuri.

"Oo naman. Sabi ko nga diba fan din ako ng Exo." Sagot naman ni Dasuri.

"Wow. Sino bias mo sa amin?" painosenteng tanong ni Kris pero ang totoo gusto lang nyang makita ang magiging reaksyon ni Kai sa isasagot ni Dasuri. Nagkasabay pa sa pagsulyap sa isa't-isa ang mag-asawa. Medyo natatawa tuloy si Kris.

"Si Sehun." Walang kaemo-emosyong sagot nang ating bida.

"Oh. Really? How sad. Akala ko pa naman 'yung pangalan ng isa dito 'yung isasagot mo. 'Yun pala si Sehun talaga 'yung pinaka dahilan bakit ka nandito. Haha." tumawa pa sya na may halong pang-aasar. Narindi naman si Kai at sinungitan si Dasuri.

"Hoy babae! Umusod ka na. Marami ka nang naabala." Sambit pa nito. Napa'tss. na lang si Dasuri bago sumunod sa kanya.

"Ang bad mo." napahinto sa pagtawa si Kris nang marinig ang sinabi ni Yoonsoo sa kanya. Nagitla pa sya nang makitang nakasimangot ito sa harap nya.

"Bakit mo sila pinag-aaway? You're so meanie." Dagdag pa nya. Umubo lang si Kris saka kinuha yung album at pinirmahan 'to.

"Answer me." Untag na naman ni Yoonsoo. Hindi na nakatiis si Kris. Hinarap na nya ito at... ngumiti ng malapad.

"I'll call you later, okay?" hindi sumagot si Yoonsoo at kinuha na lang 'yung album sa harap nito.

"Babae lang pala ang katapat mo." Bulong ni Kai na sapat lang para marinig ni Kris. Nilingon naman sya nito.

"Shut up." He blurted out.

"Hellooooo!!!" gaya ng sabi nya. Hinablot agad ni Soyeon ang kamay ni Suho. Nagulantang naman ang leader ng K pero hindi nya ito pinahalata sa dalaga. Ngumiti lang sya ng may pagkaalanganin.

"Hi. Hehe. Diba kaibigan ka ni Dasuri? Ikaw si Soyeon, tama ba?" napangiti naman ng malapad si Soyeon nang marinig ang pangalan nya. Nag-tu-twinkle-twinkle pa ang kanyang mga mata habang tumatango rito.

"Sabi na eh. Naalala kasi kita."

'Uwaaaah! Naalala ni Bias ang name ko. Heaven 'to dre.' Isip-isip ni Soyeon.

"Uhh.. pwede ko na bang bawiin ko yung kamay ko? Hindi kasi ako makakapirma hangga't hindi mo binibitawan. Hehe." Medyo may pagkaalanganin nyang tanong. Napasulyap naman sa kanila si Chen na nakaupo lang sa tabi ni Suho. Napaismid sya sa nakikitang sitwasyon ng dalawa.

Kilig na kilig sa paghawak si Soyeon sa kamay ni Suho samantalang ang binata ay sobrang naiilang sa ginagawa nya.

"Ahh. Sige. Haha." binitawan na nga nya ang kamay ng kanyang bias. Kinuha naman ni Suho ang pagkakataong 'yon para pirmahan na 'yung album.

"Alam mo oppa, ikaw ang ultimate bias ko in life. Ikaw talaga yung pinaka gusto ko sa inyong lahat. Marami akong pictures, videos, posters, pillow, at kung anu-ano pang merch na may mukha at pangalan mo. Nakakatuwa 'no?" salaysay ni Soyeon habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Suho.

"Ikaw nga din 'yung gusto kong mapangasawa sa future. Okay lang ba sa'yo kung pakasalan mo ko?" inosente pa nitong tanong. Napahinto naman si Suho sa kanyang ginagawa. Nasamid pa sya nang marinig ang sinabi nito. Dahan-dahan nyang iniangat 'yung mukha nya at tinignan si Soyeon na may pagkaalanganin. Sinagot naman sya ng matamis na ngiti nito.

"Umm. Ano.." magsasalita pa lang si Suho nang bigalang agawin ng katabi nya 'yung album at ilagay 'to sa harap nya.

"Next na." sambit pa nito. Sabay namang napalingon sa kanya 'yung dalawa.

"Ano pang tinitingin-tingin mo? Dito kana sa harap ko. Tapos na ang oras mo para kausapin si hyung. Kanina pa nag-iintay 'yung kasunod mo." sinulyapan ni Soyeon 'yung tinutukoy nya. Nakita nya ngang sya na lang ang hinihintay para umusod ang pila.

Nawala naman ang ngiti sa labi nya. Napalitan ito nang inis. Inis sa lalaking sumira ng moment nya. 'Walangya talaga ang unknown specie na 'to. Hanggang dito ba naman sya parin ang kontrabida sa buhay ko?'

Pero hindi sya nagpatinag. Muli nyang hinarap si Suho, "Ayoko nga. Hindi ako aalis dito hangga't hindi umo-oo si oppa."

"Ha?" gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha ni Suho.

"Ang tigas talaga ng ulo mo 'no? Hindi na nga pwede. Hindi ka ba makaintindi at pati simpleng rules hindi mo magawa?!" medyo napataas na 'yung boses ni Chen. Hindi naman nagpatalo si Soyeon at sinigawan 'to pabalik.

"Ano bang alam mo ha?! Hindi mo naman kasi ako naiintindihan. Wala naman talagang nakakaintindi sa'kin! Araw-araw tinatanong ko 'yung sarili ko, ano bang mali sa'kin? Ano bang kulang. Bakit yung iba natutupad yung gusto nila. Minamahal din sila ng mga taong dati pangarap lang nila. Bakit ako hindi?! Ginawa ko naman na lahat ah! Halos mabaliw na nga ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sa bias ko. Pero sa huli hindi parin nya ko magawang mahalin." Napatulala si Chen nang makitang umiiyak na si Soyeon. Ramdam nya kung gano kabigat ang dinadala nito. Ang hirap nga namang mahalin ng taong hindi pwedeng maging iyo.

"Alam ko wala kong karapatang manumbat. Wala naman kasing pumilit sa'king pumasok sa mundong 'to. Ako ang nagdesisyong mapunta dito kaya lang.. masama bang mangarap? Masama bang umasa na balang araw. Papakasalan nya rin ako kagaya ng pagpapakasal ni Kai kay Dasuri!!" biglang natahimik ang crowd dahil sa narinig. Napahawak naman sa bibig nya si Soyeon. Nabigla sya sa kanyang nasabi.

Nahinto ang kaninang sabay-sabay na pagtawag ng mga fans sa pangalan ng mga idol nila. Maski ang pagflash ng camera ay nawala rin. Tanging katahimakan lang ang namutawi sa paligid. Naistatwa si Dasuri dahil sa mga pangyayari. Hindi nya alam ang dapat gawin. Hinihiling na lang nya na sana isang panaginip lang ang lahat. Na sana.. hindi ito ang maging dahilan para masira ang lahat ng pinaghirapan ng asawa nya.

"Anong sabi mo? Si Kai, pinakasalan si Dasuri?" tanging si Suho lang ang naglakas-loob na magasalita. Maski kasi ang mga kagrupo nya ay nagimbal sa narinig. Nakikinig sa kanila ang lahat.

Napapailing si Dasuri, hindi nya matanggap ang mga nangyayari. Samantalang si Kai ay napabuntong-hininga na lang.

Mukhang hindi na talaga nila maiiwasan, sadyang walang sikretong hindi nabubunyag.

--

©Rakki_Asteri11

AllRightsReserved2015

Continue Reading

You'll Also Like

63.8K 2.1K 27
Book two of Room Of Perverts Date Written: October 12, 2018 Date Finished: June 11, 2019
8.8K 356 43
[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart...
39.4K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
19.8K 678 31
Have you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen...