Where is True Love [BOOK 1] C...

By Mrs-Lee

51.1K 2K 157

First Published: June 7, 2015 Original Story by: Mrs-Lee More

Author's Note.
PROLOGUE
[1] Jessica Jung
[2] Morgan Williams
[3] Charity Event
[4] Strangers
[5] Unending Fights
[6] The Gangster
[7] A Night With Him
[8] His Name
[9] I want to know you better
[10] Egg Party
[11] Revenge
[12] Masquerade Ball
[13] Sandy Peterson
[14] Living Like a Hell
[15] Unbelievable
[16] The Other Story
[17] The Broken Hearts
[19] Stupidity
[20] Photoshoot
[21] The Contract
[22] Fries and Cokefloat
[23] Family Tradition
[24] Sweet Lies
[25] Wedding Dress
[26] I do? I don't?
[27] Closure?
[28] Truth + Dare
[29] Changed
[30] Maybe
[31] Day 10
[32] Know your place
[33] What if
[34] Captured
[35] She's MINE
[36] Trespassers
[37] Answers
[38] The EX Lovers
[39] Kiss
[40] Bouquet of Roses
[41] Jealous?
[42] Guilty?
[43] Can we talk?
[44] I'm Lost
[45] Will you choose me?
[46] The Reason
[47] This is my World
[48] I'm Sorry
[49] History
[50] Letter K & J
[51] Almost
[52] Different Way
[53] Possessive Husband
[54] Approval
[55] Start of Something New
[56] Her Side
[57] Wrong Move
[58] Let's Fall in Love
[59] Falling?
[60] Give a Chance
[61] Three Words
[62] Red Sandoval
[63] Class Picture
[64] His Eyes
[65] Truth Hurts
[66] I'm into You
[67] Revealed
[68] Broke
[69] Go away
[70] Can you wait for me?
[71] Selfish Decision
[72] Still The Same Jessica Jung
[73] A Father's Love
LAST CHAPTER
BOOK 2
TRIPLETS, YURI AND KAI

[18] Missing Jessica

560 24 0
By Mrs-Lee

                                           🌟Chapter [18] Missing Jessica🌟


"Morgan..." Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko, ng makita ko siyang naka tayo sa harapan ko ngayon.

Iba parin pala talaga kapag nasa harapan mo na siya. Ang lamig lamig ng pakiramdam ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang pinupukpok ng bato ang ulo ko. Parang gusto ko nalang lamunin na ako ng Lupa ngayon sa kinatatayuan ko.

Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko ng Makita niya ako dito. Lumipas ang isang taon na hindi ako nagpupunta dito o kahit ano. Pero ngayon? Nandito ako.

Dito ko lang kasi nailalabas lahat ng sama ng loob ko kasama siya. Pero ngayon? Ako nalang palang mag-isa. Pero bakit siya nandito?

Ang daming pumasok sa isip ko ng Makita ko siya dito kanina habang tinutugtog niya ang piano naming dalawa dito at kumanta pa siya. Ano ba?! Aasa nanaman ba ako?

"W-what are you doing here?" Tanong niya. Hindi ako makasagot. Pirmis lamang akong naka tingin sa kanya. Hindi ko nga magawang ibuka ang bibig ko ngayon.

Hindi parin talaga nagbabago ang itsura niya. Hindi parin nagbabago. Siyang siya parin yung Morgan na nagustuhan at minahal ko ng sobra at hanggang ngayon pa din. Masakit ba? Oo, sobra.

"Are you crying? Jess.. Speak up." Sabi niya pa.

Ano ba ang dapat kong isagot? Baka kasi kapag sasagot na ako. Tumulo na lamang bigla ang luha ko ulit at hindi na ako makapag salita. Baka umiyak na lang ako ng umiyak sa harapan niya. Iyon naman ang pinaka ayaw ko sa lahat ang ipakita na mahina ako. Na hindi ako matapang, na hindi ko na kaya.

Pero sa lahat ng nararamdaman kong 'yon. Nagagawa ko parin ngumiti. Kasi kahit anong gawin ko? Kahit anong pilit ko..

Alam ko naman na hindi na siya babalik sa akin eh.. At alam kong hinding hindi na mangyayari 'yon. Pinapahirapan ko na nga ang sarili ko pati ba naman siya pahihirapan ko rin? Pati ba naman ang taong mahal ko papahirapan ko rin? Ayoko na.

Kahit saktan o pag selosin ko siya, Saktan ko si Micah ang girl friend niya. Alam kong hindi na siya babalik akin, Ano  'yon? Kailangan ko pa bang pag mukhaing tanga ang sarili ko para bumalik lang siya sa akin?

Pero paano naman? Ang gulo gulo eh. Mahal ko siya.. pero may mahal naman na siyang iba. Why is it so hard to move on? Why I can't move on? I can't move on Morgan... Can't move on.

"Jessica.. May problema ka ba? Come on, Speak up." Hindi ko namamalayan naka lapit na pala siya sa akin at hawak hawak ang pisngi ko gamit ang kanang kamay niya.

"M-morgan..." Nauutal na tawag ko at iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Ano ba ang sasabihin ko? Hindi mo alam? Hindi ko rin alam kung paanong sasagutin ang mga tanong niya.

"Kanina ka pa ba nandito?" Tanong muli niya. Hindi ako maka sagot sa mga tinatanong niya. Ugh! Hindi ba pweding lamunin nalang ako bigla ng lupa dito?!

Pirmis lamang akong naka tingin sa kanya. Para tuloy akong isang bata na, Tinatanong kung ano yung ginawang kasalanan at hindi makasagot sagot sa mga tinatanong sa kanya.  "Jessica.. Y-you look pale. Are you alright? Jess. Speak up, Answer me. Jess" Inaalog niya na ako pero hindi parin ako sumasagot sa mga tanong niya.

Hindi ko alam ang nagawa ko pero napa saldak na lamang ako. At napa yuko. Hindi ko alam kung panong humagulgol na lamang ako ng iyak sa harap niya, Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ipamukha sa kanya na nasasaktan ako, na nasasaktan parin ako hanggang ngayon, na hindi ako maka move on sa kanya.

Bakit ba ganito ang buhay ko? Sila Masaya tapos ako naman Malungkot.  Tapos ikakasal pa ako sa lalaking pangalan lang ang alam ko at hindi ko namang lubusang kilala. Bakit? Bakit ganito... bakit ang saklap saklap ng buhay ko? Hindi na nga ako swerte sa pamilya pati ba naman din sa pagmamahal malas pa din ako?

"I'm sorry.. I'm sorry." Umiiyak na sabi ko. Iyak lang ako ng iyak. Iyak lang ng iyak. Ganito nalang naman na ako kapag hindi ko na kaya eh. Kapag sumabog na ako.. Iiyak nalang ako ng iiyak.

Naramdaman ko na lamang ang katawan niyang naka yakap na sa katawan ko. Mas lalo pa akong napa iyak sa ginawa niya. Gusto ko siyang itulak, gusto kong kumawala sa yakap niya dahil ayokong magpadala sa emosyon ko. Baka masabi ko sa kanya ang matagal ko ng gustong sabihin. Pero ayoko.. baka mapahiya lang ako. Ngayon nga lang, pahiyang pahiya na ako.

"Jess, Hindi ako nagagalit. Please, Calm down. C-calm down.. I don't know what to do.. I-im s-sorry?" Pilit niya akong pinapakalma. Pero parehas naming hindi 'yon magawa. "Jess  please calm down.  Alam mo kung ano mangyayari sayo." Nag-aala niyang pag papaala sa akin.

Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang bibig ko upang hindi masyadong malakas ang pag hikbi ko. Naka yakap parin siya sa akin. Napa pikit ako ng mariin, God knows how I miss this hug. God knows how I miss him so much.

Buong lakas ko siyang itinulak at mabilis akong tumayo at hinablot ko ang bag ko. Lumabas agad ako ng pinto at tumakbo agad ako para makaalis agad ako sa lugar na 'to. Pumara agad ako ng taxi ng may maka salubong ako wala naman na akong inaksayang oras o Segundo. Sumakay agad ako dito. Nadaanan naming ang sasakyan niya pati siya na kakahinto lang sa pag labas at naka tingin na lamang sa sinasakyan kong Taxi ngayon.

"Ma'am saan po tayo?" Tanong ng Taxi Driver. Hindi ako sumagot hinayaan ko nalang siyang mag drive ng mag drive. "Ma'am saan po tayo?" Muling tanong niya. "Mag drive ka lang, Sasabihin ko kung kelan tayo hihinto." May halong inis na sabi ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa at sinunod naman na niya ang utos ko na. Drive lang siya ng Drive hanggang sa ako na mismo ang mag sasabi ng Hinto.

Ilang oras lang kaming andar ng andar. Hanggang sa ipahinto ko na sa kanya. "Stop." Sabi ko, Huminto naman agad siya. Binigay ko naman agad sa kanya ang bayad. At bumaba na agad ako. Pumasok agad ako sa loob ng lugar na ito.

Pagpasok na pagpasok ko palang sa loob, Amoy alak, sigarilyo, Vape, Shisha na ang sumalubong sa akin. Pati ang maiingay at malalakas na tugtog sumalubong din sa akin. Talaga bang pinasok ko ang lugar na 'to? Sabagay. Kahit ano naman ang mangyari sa akin wala naman silang pakielam eh. Puro sarili lang nila ang iniisip nila. Hindi nga nila alam na nasasaktan at nahihirapan na ako sa mga plinano nila at nangyayari ngayon eh.

Pumasok ako sa VIP Room, Gusto ko ng tahimik. Gusto kong ako lang mag-isa.

Tinitingnan ko naman ang Apat na bote sa harapan ko ngayon. Inilapag iyon ng waiter at lumabas na agad. Tinitingnan ko lang ang apat na bote. Iinomin ko ba talaga ito? Pero hindi ako marunong uminom.

Pinilig ko ang ulo ko. At hinablot ang isang bote at nilagok ko lahat ng laman 'non. Napa hawak agad ako sa leeg ko dahil hard pala ang inomin na ito. Nakalimutan ko, sabi nga pala ng bartender kanina. Malakas agad maka lasing ito. So what? Bayad ko ang kwartong ito kahit anong gusto kong gawin. Magagawa ko dito. Wala silang pakielam, Walang makakapigil sa akin!

**

Nagising si Kris bigla at namalayan niya na lamang na nasa isang malambot na higaan na pala siya. Napa ngiti siya ng mapakla umaasa siya ng magising siya saglit makikita niya ang mukha ng taong mahalaga sa kanya pero hindi pala. Iniwan parinsya hindi parin siya sinamahan.

Babalik na dapat siya sa pag tulog pero sunod sunod na nag ring ang Iphone niya. Bumangon agad siya at napa sapo sa ulo niya. Ten Thirty na pala ng gabi. May tatawag pa ba ng ganitong oras?!

Sinagot niya agad 'yon. "Hey! Kris, Nawawala ang Fiancee mo." Kumunot ang noo niya. "Hanapin mo siya ngayon din! At huwag na huwag kang babalik na hindi mo siya kasama!" Galit na utos ng Lola niya.

Ayaw 'man gawin ni Kris ang Hanapin si Jessica, pero napilitan parin siya dahil utos ng Lola niya. Dito lang sumusunod si Kris, Hindi dahil sa Mana. Basta.. May ibang dahilan kung bakit siya takot sa lola niya. Kung bakit sinusunod niya agad ito sa lahat ng utos nito. "O-opo." Kahit hirap siyang tumayo pinilit niya parin, Sapo sapo niya ang ulo niya habang papalabas ng condo ni Sandy.

Sumakay agad siya ng sasakyan niya. Habang ini-start niya ang engine ng sasakyan niya napa isip agad siya.

Saan niya hahanapin  ang  taong nawawala?  "Sht." Tanging lumabas na lamang sa bibig niya.

Pinuntahan niya ang Virginia International University. Bumaba pa siya at inisa isa ang mga rooms doon at mga pasilyo pero walang Jessica siyang nakita doon. Pati sa Hilton University. Nilibot niya din 'yon katulad ng ginawa niya sa University nina Jessica. Pero wala .. hindi niya parin nakita si Jessica.

Tumingin siya sa Wrist niya mag eeleven na pala. Pero hindi niya parin Makita si Jessica. Pati sa bahay ay wala ito. Paano niyang nalaman? Nandoon ang Lola niya hinihintay silang makauwi. Samantala ang Daddy niya, Mommy niya nasa Bahay nina Jessica.

"Asan ka na ba..." May halong inis na niyang tanong sa sarili niya. Hindi niya Gawain ito, Hindi niya Gawain ang magpakahirap sa isang bagay. Pero ano naman ngayon?

Mabigat narin ang talukap ng mga mata niya. Gusto niyang isipin na kaya nag-layas si Jessica at hindi parin bumabalik ngayon dahil sa away nila kanina.

"Jessica.." Unang bigkas niya ng pangalan ni Jessica. Kauna unahan.

Nag stop light.. kung kaya't huminto siya. Idinukdok niya muna ang ulo niya sa manibela.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

*Beep beep// beep beep//* Napa angat agad ang ulo niya ng marinig niya ang sunod sunod na busina. Kanina pa pala naka green light. Iniling iling niya ang ulo niya. May tumapat sa gilid ng kotse niya. "KUNG MAY PROBLEMA KA! AYON ANG BAR! DOON KA!" Sigaw nito at matulin na pinatakbo ang sasakyan nito.

Napa isip agad siya. Diba sa  mga iba na tao. Sa alak dinadaan ang problema nila. Napa isip agad siya na baka nandoon si Jessica. Inisip niya muna kung umiinom ba 'yon ng alak.

Pinuntahan niya agad ang mga expensive na Bar. Alam naman niya ang klaseng babae ni Jessica. Hindi basta basta pupunta 'yon sa mumurahin na Bar lamang.

Pang labing lima na itong bar na napuntahan niya. Sinilip niya ang wrist watch niya at Twelve nap ala ng medaling araw. Napa hilamos na lamang siya sa mukha niya. Antok na antok na talaga siya pero hindi pa siya pweding umuwi.

Bumaba siya sa sasakyan niya at pumasok siya ng Bar. Sumalubong agad sa kanya ang Ibat ibang amoy na nakakasuka. Pati ang maiingay at malalakas na tugtog ng Club. Lumapit agad siya sa Manager at ipinagtanong kung meron ba silang nakitang Jessica, Noong una ay hindi sila magka intindihan pero sa huli. Sa awa ng diyos nagkaintindihan naman silang dalawa.

"Pasensya na po Sir. Kung natagalan." Sabi ng Manager pagkabigay sa kanya ng Card. Tumango na lamang siya. Hindi siya nakilala nito dahil naka shades siya at naka cap. Alam naman niyang kilalang kilala ang pamilya nila.

Papasok na dapat siya pero napansin niyang parang gusto pang manyismis ng Manager tiningnan naman niya agad ito. Kahit galit siya kay Jessica, Alam naman niya kung gaano karespetado ang Pamilya nito.

"What? Do you want to lose your job? I can buy this club." Galit na sabi niya. Nagulat naman agad doon ang manager. "S-sorry po." At dali dali itong umalis sa harapan niya.

Pumasok naman agad siya at sinara agad ang pinto. Bumungad naman agad sa kanya ang isang maputing babae na naka dukdok sa lamesa habang may hawak hawak na bote.

Nakita naman niyang gumalaw ito at lalagok muli ng alak pero agad niya itong hinablot. "Ano ba...." Pikit matang sabi ni Jessica. Hindi siya lasing.

Lasing na lasing na lasing lang. "I.. i.. ibhalik mo s-sakin 'yan." Utos nito. Pero pirmis lamang naka tingin sa kanya si Kris. Madilim ang mukha.

"Uuwi na tayo." Eka ni Kris.

Naka pikit parin si Jessica. "Ano ba?! Pati ba naman ikaw susundin ko din?! Aba! May buhay naman ako. Hindi ako robot na uutus utusan at shushudin k-kawyo!" Lasing na sigaw nito. Habang naka pikit.

Mag-sasalita pa dapat si Kris pero natigilan siya ng Makita niya itong umiiyak habang naka pikit. Mistulang kanina pa ito iyak ng iyak. "Morgan.... Morgan....." Humihikbing sabi niya. "Tama na... Nahihirapan na ko. Alam mo ba 'yon? Nasasaktan ako....." Sabi ni Jessica.

Kumunot ang noo ni Kris dahil sa mga sinasabi ni Jessica. Parang mayroong nakaraan na hindi niya maalaalala.

Sa isip isip niya bakit siya nasasaktan kay Morgan? Bakit siya nahihirapan dahil kay Morgan?

Tumunog ang Iphone niya at nakita naman niyang tumatawag nanaman ang Lola niya, Kung kaya't sinagot niya agad ang tawag nito.

"Gran—" "Grandson... I'm home, I'm sorry. Alam mong bawal sa akin ang mapuyat." Napa kamot na lamang siya sa ulo niya dahil sa sinabi ng Lola niya. Binaba naman narin ang kabilang linya. Wala naman na siyang nagawa pa kundi ang lapitan na lamang si Jessica.

Inakap niya ang braso nito sa leeg niya at dahan dahan niya itong binuhat, Bago niya ito buhatin tinalubungan niya muna ito ng Leather jacket na suot suot niya, Maingat siyang lumabas ng club kahit pinagtitinginan sila pero hindi naman sila nakikilala.

Sinakay niya agad ito. At minaneho na ang sasakyan pauwi sa bagong bahay nila.

Buhat buhat niya ito habang papasok sila sa loob ng bahay. Si Jessica naman wala. Tulsak na tulsak na. Sinara na lamang ni Kris ang pintuan nila habang buhat buhat siya.

"Ang init..." Ungol ni Jessica. Hindi niya ito pinansin. Hanggang sa makarating na sila sa Kwarto nilang dalawa. Dahan dahan niya itong binaba doon. Tinanggal niya ang sapatos nito. Lalabas na dapat siya para kumuha ng maligamgam na tubig. "Morgan...." Tanging lumalabas sa bibig ni Jessica ngayon. Iniwas na lamang niya ang tingin niya.

Kumuha na lamang siya ng maligamgam na tubig at nilagay ito sa palangganang puti at kumuha siya ng bimpong puti. Habang papanik muli siya tinakpan niya ang bibig niya dahil sa naghikab siya. Sa totoo lang, Antok na antok na antok na siya. Gustong gusto na niyang matulog.

Pinunasan na niya si Jessica habang nag-sasalita parin ito ng Morgan na bagay na pinagtatakahan ni Kris. Sa pagpapalit naman ng damit. Pikit mata niya itong ginawa at sobrang ingat. Wala siyang nakita na kahit ano at nahawakan na kahit ano. Napaka ingat.

Maya maya pa.. Habang pinagmamasdan niya si Jessica. Napa pikit na lang siya at bumagsak na lamang siya sa higaan nila.

Continue Reading

You'll Also Like

990K 24.9K 108
Nagsimula ang lahat dahil sa Dare Prank ng magkakaibigan😍 Paalala lang po yung Chapter 25 at 26 nito ay nasa kasunod ng Chapter 32. Pasensya na po a...
21.8K 942 43
Montenegro Boys #1. Harry Corvus Montenegro hates people, with his corrupt politician dad, controlling his life, for him life is unfair. Until he met...
89K 761 110
Sa bawat salita at linya ay may tinatagong pahiwatig ang nakakubli basahin ng taimtim nang malaman mo ang kuwento ng manunula(t)
181K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...