Chapter 25
Ayaw magtransfer ni Renee sa school namin dahil ang hideous daw nung uniform namin kaya she gave me the blessing to protect the love of his life, Bryce. Wala naman akong problema doon kasi medyo okay na kami ni Bryce, napaka bipolar nga lang niya.
"ate!" sigaw nung nasa likuran ko and I turned around.
"hi Allen!" masayang bati ko, "mabuti nalang ikaw ang una kong nakita"
"haha bakit naman po?" pinantayan niya ang paglakad ko.
"hmm, kasi ang cute cute mo!" I pinched his left cheek at tumawa siya.
"ate namaaan" reklamo niya nung di ko mapigilang paglaruan ang mga red cheeks niya.
"hoy Lexa!"
Nagpause kami ni Allen, please don't be one of them-
"Pekto" I said in grief, I looked at his back, "and others"
"ba't ka naglalakad?" tanong ni Kalbo na pinantayan ang lakad namin ni Allen.
"wala siyang pera" sabi nung isa sa likod namin saka sila nagsnort.
"oo nga eh, parang kayo din" sabi ko at tumigil sila sa pagtawa sa likod, "everyday akong naglalakad ah, ba't ngayon ko lang kayo nakasabay?"
"nakasakay kami sa bus, kaso nakita namin kayo kaya kami bumaba" sabi ni Elias na nasa tabi na ni Allen, magkasingtangkad lang sila pero dahil nga sa porma ni Elias, nagmumuka siyang mas matanda kahit magka age lang sila.
"wow bumaba talaga kayo para lang makasabay si ate Allexa?" tanong ni Allen at sabay sabay kaming nagstop sa paglalakad at tumingin ako sa kanila.
"uhm.." sabi ni Kalbo saka tumingin kay James na katabi niya, "bakit nga pala tayo bumaba?"
"ewan ko! Sabi niyo baba na kaya ako bumaba!" sagot ni James.
"namiss kong tumakbo" out of the blue na sinabi ni Pekto at nagtinginan sila, I know that look, I know what they're thinking.
"mahuhuli pangit one hundred times!" sigaw ko sabay hila kay Allen at tumakbo kami, it took them 3 seconds para marealize kung ano'ng nangyayari saka lang sila tumakbo.
Malapit na kasi kami sa school gate kaya anlakas ng loob kong tumakbo! Haha
Nauna kami ni Allen sa room at andoon na yung apat.
"close the door!" sigaw ko kay Allen and he did. After 20 seconds or so saka nakarating yung mga classmates namin, buwahahahaha ako naman na ang nasa loob!
"hoy Lexa! Buksan mo to!"
"katok muna kayo!" sagot ko
"kumatok ka na" nadinig kong bulong ni Ilong.
"ikaw na" sabi nung isa
*tok *tok *tok
"who's there?" tanong ko, lintik lang ang walang gantiiii!
"lokong Lexa! Gaganti pa!" sabi ni Kalbo.
"ako na, ako na" sabi nung isa, I think that's James. Kumatok siya nung parang sa Frozen, "do you wanna build a snow man?"
Walang sumagot.
"hello?" tanong ni James
Walang sumagot.
"hoy Lexa! Kumatok at kumanta na ako!" sigaw ni James.
"Allexa? Anjan ka pa ba?" marahan na tanong ni Kalbo.
"Allexa?"
"Ate, buksan na ba natin?" tanong ni Allen.
Kanina pa kasi kami nasa tabi nina Nathaniel at Jason na may tinitignan na magazine.
"huh?" tanong ko.
"yung pintuan, buksan na ba natin?" tanong ni Allen.
"pintuan? Ano'ng pintua- Ohhh, yung pintuan" I said tapos saktong may sumilip sa butas sa taas ng pintuan.
"hoy Allexa! Kanina pa ako kumanta rito! Buksan mo to!" sigaw ni James, nagpatongpatong ata sila para lang maabot niya yung taas ng door.
Nagtinginan kami ni Nathaniel tapos tumingin kami uli sa magazine. Nung may nakita akong red car na picture, bigla kong naalala si Renee at tumingin ako kay Bryce na nakasandal sa upuan niya at nakatingin sa labas habang nakaheadset.
Dahan dahan akong pumunta sa tabi niya at umupo ako then I poked his right cheek and he slowly looked at me.
I beamed at him and he smiled back, pero konting konti lang tapos sumimangot uli.
"uhm, magkwento ka nga?" I asked.
"hmm?"
"gusto ko lang malaman..uhm.."
"Tanungin mo na" sabi niya.
Humugot ako ng malalim na hininga saka ako sumandal din. Huwag na lang. Hindi naman niya ako sasagutin, at baka isipin pa niya na masyado akong chismosa at- hindi naman siguro pagiging chismosa yun pero--
*poke on my left cheek*
Tumingin ako sa kanya na kanina pa pala nakatingin sa akin.
"ah, hehe, sorry, huwag nalang" I said habang nagkamot ako sa batok ko.
"tanungin mo na" he said, "sasagutin ko naman kahit ano ang tanungin mo sa akin"
I slowly smiled at tumingin ako sa kanya, "talaga??"
Tumango siya once.
My smile turned into a beam at umayos ako ng upo para I'm totally facing him, well nakaharap siya sa front kaya hindi kami face to face. Hehe
"okay, I'm so curious lang kasi kung paano kayo nagkakilala ni Renee?"
Humugot siya ng hinga at parang pinagsisihan niyang pinayagan akong magtanong sa kanya.
"magkababata kami" he replied.
"uh-huh?"
"ano'ng uh-huh?"
"kulang, paano nga kayo nagkakilala, naaalala mo pa ba yung unang araw mo siyang makita? Ano'ng naramdaman mo noon?"
Nagisip muna siya saka umupo ng maayos, he rested his elbows sa armchair niya and leaned forward so he's half facing me.
"6th birthday party niya noon at dumalaw kami ng Daddy ko. Nalala ko noon na halos pula lahat ng nakita kong color-" he smiled and I smiled. "saktong red din ang sweater ko noon, ako lang ang nakasuot ng red kaya ako ang unang nakita ni Renee at nilapitan niya ako saka pinauwi" tumawa siya ng mahina
"bakit ka naman niya pinapauwi?" naaamuse ako sa itsura niya! Ang sarap panoorin ang reaction ng muka niyang ang amo amo amo! Sana ganito nalang parati ang expression niya at hindi yung asungot.T^T
"kasi, nakalagay pala sa invitation letter niya na dapat walang magsusuot ng red dahil siya lang dapat ang nakared. Sabi pa niya noon, 'para kang apple! I hate apples!'" tumawa ako nung pinaliit niya yung boses niya para gayahin ang boses ng batang babae.
"haha ano'ng ginawa mo?"
He blinked and he his forehead creased, "uhm" sabi niya and he cleared his throat.
"Bryce? Ano'ng ginawa mo?"
"itutuloy" sabi niya saka sumandal ulit at naglagay ng headset.
"huy! Ano na nga! Nambibitin ka naman eh!" I poked his shoulder. No response.
"hmp!" I said and looked at my watch, my 5 minutes pa ako.
I stood up and went to the door at binuksan ko yun.
Nakayuko sina James, Kalbo at Pekto nung binuksan ko ang pintuan, nakahawak pa si James ng dalawang pin na parang may susundutin sana, alam mo yung parang nagpause lang sila sa ginagawa nila?
Dahan dahan silang tumingala sa akin at sabay sabay silang ngumiti na parang mga batang nahuling may ginagawang kakaiba.
"ano'ng ginagawa niyo?" I asked at tumayo sila ng maayos saka itinago ni James yung mga pins niya.
"wala! Tabi!" sabi ni Kalbo at tumabi ako saka pumasok silang lahat-of course tinignan muna nila ako ng masama bago sila pumasok pero nagkibit balikat lang ako at lumabas and went to a secluded place and I dialed a number.
"yes dear?" asked the other line.
"ano'ng ginawa ni Bryce nung pinapauwi mo siya?" I asked feeling so excited.
"huh? what are you talking about? Ano'ng pinapauwi ko siya?" she asked and I slapped my forehead.
"sorry, uhm, naalala mo ba nung 6th birthday party mo?"
"yyyyeahh?? What about it?"
"doon mo unang nakita si Bryce, right?"
"OMG Allexa! How did you know!?"
"basta, tapos naka red doon si Bryce then sabi mo 'para kang apple, I hate apples!' (ginaya ko yung pagkasabi ni Bryce kanina), and then what happened?"
"uhm.. uhhh,, teka nga, how did you know ba? Sinong nagkwento??" she asked at lalo pa talaga akong nacurious! Ano ba!!
"ano na kasi!?" I asked, feeling so impatient. Nadinig kong nagsigh siya.
"he hugged me and said, 'I like red apples'" sagot niya niya
"eeeeeh! Talaga!? talaga!? Tapos? Tapos??" tumatalon na ako sa kilig!
"hoy Allexa, sino ba kasi ang nagkwento? Kami lang ni Bryce ang may alam niyan ah, wait, si Bryce? Si Bryce ang nagkwento? Oh my god! Ano'ng sinabi niya-"
"Gotta go Renee! Bye!"
*beep *beep
Saktong nagring ang bell and I went to our classroom, nandoon na pala si Ma'am Maureen na nagaayos ng gamit niya.
"hi ma'am Maureen!" bati ko and she smile back.
"ba, ang saya ng princessa natin ngayon ah" sabi niya.
"uh-huh" sagot ko at pumunta ako sa upuan ko. Then I stood up and carried my chair sa tabi ni Bryce na hindi nagbago ang posisyon niya nung iniwan ko siya kanina pero hindi na siya nakaheadset.
"ah gano'n? so mas gusto mo nang katabi si Bryce kesa sa akin?" tanong ni Nathaniel. Bago pa ako nakasagot, binuhat na niya yung upuan niya't pumunta sa tabi ko. He leaned closer to me at sabi niya, "hindi ako papayag" then he winked at me.
"kelan ka din kaya pupunta sa tabi ko?" tanong ni Jason na nasa likuran lang namin at katabi niya si Kurt. Si Allen kasi nasa tabi ni Elias at parang may pinagbibisihan sila sa pinakalikod.
"soon" sagot ni Nathaniel kay Jason.
--
Nung lunch time, bumili ako ng red apple. Buwahahahaha
Umupo ako sa gitna nina Mary Jane at Allen para may protection ako. Si Bryce naman nasa medjo dulo ng table sa tabi nina Jason at Nathaniel.
"oi! Bryce!" he looked at me, "gusto mo ng red apple? I like red apples!" tanong ko at ipinakita ko sa kanya yung apple ko at namula siya! Wahahahaha!!
Naging poker face ang muka ko at yumuko ako nung bigla siyang tumayo.
"he's coming" bulong ni Mary Jane at binigay ko sa kanya yung apple, tapos ibinalik niya sa akin kaya ibinigay ko kay Allen na parang nataranta at ibinalik uli sa akin.
Naramdaman kong may humugot sa likod ng collar ko and I look up.
"hehe, biro lang naman" sabi ko pero itinayo niya ako at hinila paalis sa table.
"Nathaniel! Jason! Help!" sigaw ko.
Nakatingin lang yung mga classmates namin sa amin ni Bryce na paalis. May nagtanggal pa ng sombrero at yung iba nag sign of the cross at yumuko. Yung iba, malungkot na nagwave good-bye sa akin habang nagpunas ng imaginary tear si Jason at nakayap si Nathaniel sa kanya. Wala ding nagawa sina Allen at Mary Jane na nagwewave din sa akin, huhu
"ang bata pa niya para mamatay!" dinig ko pang hagulgol ni Nathaniel.
I swallowed hard.
Dinala ako ni Bryce sa empty hallway at isinandal ako sa pader.
"am..am I going to die?" tanong ko.
"sino'ng nagsabi sayo nun?" galit niyang tanong.
"yung..yung..alin?"
"yung tungkol sa mansanas" he's stalking me! para siyang lion at ako yung deer! Kunting galaw ko lang, CHK! Patay!
"uhm,, si.. si.. si.. Re..nee?"
Kumunot ang noo niya, "imposibleng siya" sabi pa niya.
"ano'ng imposibleng siya eh siya nga yung tinawagan ko!- I mean, ko" sabi ko ng mahina, kailangan kong iwasan ang pagsisigaw. Buhay ko ang nakataya rito!
Parang nagisip siya at para pa siyang nalilito.
"naaksidente noong 10 years old si Renee at nawala ang alaala niya kaya Imposibleng siya ang nagsabi sayo."
"wuuuht? Pero siya talaga ang nagkwento sa akin!" I said.
Bumilis ang paghinga niya at parang nataranta siya. Tumalikod siya sa akin at tumakbo paalis.
"hoy! Saan ka pupunta!?" hindi na lumingon si Bryce.
Problema nun?
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-