<Nate>
"Tumigil ka na umiyak. Ang pangit mo Umiyak," sabi ko kay Layla habang nakatingin sa kanya.
Nandito kami sa loob ng kotse ko.
Gusto ko siyang tawanan sa itsura niya, at sa nangyari sa kanya. Kapag tumawa ako ay baka masapak na niya ako.
Sabok ang mukha niya, at para na siyang may benteng anak dahil sa magulong buhok niya. Nagkalat na din ang makeup niya dahil sa kakaiyak niya.
Tumingin ako sa pambisig ko na relo.
"Dalawang oras at sampung minuto ka ng umiiyak," imporma ko sa kanya.
Nandito pa rin kami sa parking lot ng hotel.
Hindi pa tapos ang party, at hindi na nag attend si Kier, naiintindihan ko naman iyon, kaya si Jase na ang bahala sa kanya.
Si Jase din na isang gago.
Mabuti na lang may may tissue ako sa kotse ko dahil wala akong mabibigay na handkerchief kay Layla.
"Bakit siya gano'n?" Umiiyak na tanong ni Layla sa kanyang sarili.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi ko alam ang sagot.
"Ilang beses ka na ba niyang ni-reject, huh?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Ang pangit niyang umiyak, at kanina pa ako nagpipigil ng tawa ko.
Kanina pa din siya nag da-drama sa loob ng kotse ko.
Wala ng gas ang baby car ko at kailangan ko ng magpa-gas. Kung tatagalan ni Layla ang pag iyak niya ay baka hindi na ako umabot sa gasoline station.
Ako ang negosyanteng merong sports car, pero palaging walang gas ang kotse. Ang mga kagaya ko ay dapat tularan.
"Hindi ko matanggap na ni-reject niya ako sa mismong harapan ni Musa. Hindi ako mahal ni Jase, ayaw niya sa akin," sabi ni Layla habang sumisinghot.
"Kung ayaw niya sa'yo edi pabayaan mo siya! Hindi ka naman kawalan!" Komento ko.
Hindi ko naman mapilit ang kaibigan ko na mahalin niya ang babaeng umiiyak sa kotse ko.
Maarte si Jase sa babae. Napagkakamalan ko na siyang bakla. Sa katunayan niyan ay may relasyon silang dalawa ni Kier at ayaw nilang ipaalam.
Si Shielyn ay isang kabit.
"Sinabi niya sa akin kanina. Kinlaro niya na wala daw siyang gusto sa akin. Pero, ano 'yung mga pinaramdam niya sa akin noon? Pinaramdam niya na mahal niya ako. Iyung pag-aalaga niya sa akin at pag-aaruga," sabi niya at tumingin sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga tingin.
"Tinulungan na kita sa kaibigan ko kahit labag sa loob ko. Hindi libri ang pagtulong ko sa'yo dahil mahal ang service fee, at talent fee ko. Wala na akong kinalaman sa nangyari sa kwartong iyon," I said to make it clear. Sabihan na naman niya sa akin na hindi ko siya tinulungan. Untog ko na lang siya manubela ng kotse ko kapag sinabi niya ang mga iyon.
"Alam mo ba?"
Hindi ko pa alam.
"Ang sakit ng mga sinabi niya sa akin sa kwartong iyon. I tried to kiss him pero binalaan niya ako. And worst, ang kasama niya ay si Musa. Diba, dapat ako ang inaya niya at kasama niya sa party?"
Napailing na lang ako sa katangahan ni Layla. Masyado niyang ginagawang literal ang pagiging bobo niya.
"Hindi ka pa ba tapos umiyak? Ayaw mo kasi makinig sa akin. Hindi naman ikaw ang type ni Jase, at saka malayo na magugustuhan niya."
"I change! I change everything he doesn't like about me!" Biglang sigaw niya sa akin.
"Nagbago ako para magustuhan niya!"
Napaatas ako ng kamay dahil sinisigawan niya ako.
"Bakit ka galit?" Pang aasar ko sa kanya.
"Ang pangit mo umiyak."
Hinampas niya ako dahil sa sinabi ko sa kanya.
"I hate you!"
Same.
"Gagantihan ko ang Musa na iyon, inagaw niya sa akin si Jase."
Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Ano ba ang inagaw sa'yo ni Musa? Hindi naman naging sa'yo si Jase, paano niya inagaw sa'yo?" Asar ko sa kanya.
"Aww," react ko nang hampasin niya ako. Hinimas ko ang braso ko. Ang sakit niya manghampas.
"Alam mo ba? Wala naman plano mag settle si Jase sa buhay niya. Wala siyang balak mag commit sa isang babae. May dalawang panganay na nga siya, eh. Gusto nu'n panganay lahat ng anak niya."
I revelead Jase secret, at sadyang tanga talaga itong babaeng ito at ayaw ako paniwalaan.
May dalawang anak na panganay si Jase at nasa ibang bansa ang kanyang mga anak. Nagbibigay lang siya ng suporta at kukunin na niya ang mga anak niya sa kanilang mga ina kapag naging college na ang mga ito. At saka, gusto lang ni Jase ang magpakayaman.
"Kung may anak siya, bakit hindi na lang niya ako anakan?!" Galit na sigaw ni Layla.
Tinawanan ko lang ang sinabi niya.
"Iba-iba ka ng sinasabi! Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?! Hindi kita paniniwalaan!"
Umuusok na ang ilong niya. Tumawa lang ako ng malakas na ikinainis niya.
"Ihatid mo ako sa bar magpapakalasing ako."
"Ulul, kahit magpakalasing ka walang Jase na pupuntahan ka dahil busy siya sa party. Hindi rin naman kita sasamahan dahil may gagawin pa ako."
Wala na talagang gas. Kapag nawalan ako ng gas pagtutulak ko siya ng kotse ko. Para naman may ambag siya sa buhay ko.
"Anong gagawin mo? At saka, malapit na magmadaling araw."
Ngumiti lang ako sa kanya at nag reverse na.
**
<Third Person>
"Ma," Kier greeted his mother when he saw her.
"Go, I'll call you. Wait for my call," dinig ni Kier.
Napatingin si Kier sa lalaking kausap ng nanay niya. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki hangga't hindi ito umaalis sa paningin niya.
"What's that?" Usisa ni Kier.
"Delivery boy ko, siya ang nag de-deliver ng mga flowers kapag may nagpap deliver. Bakit ka napadalaw?" Pag-iiba nito ng usapan.
Kier sat on the sofa.
"Hindi mo sinabi na pupunta ka para naipagluto kita. Kumain ka na ba? Ano ang gusto mong kainin?" His mother asked.
"I'm full. My wife is in her friend's shop. I just think to visit you," dry na sagot ni Kier.
Umupo sa kabilang table si mudra at inayos ang mga bulaklak niya.
"Anak, ayaw mo ba pakasalan iyong si Chuchu na dating kalaro mo?" Tanong ni Mudra habang inaayos ang mga bulaklak para sa shop niya.
"Mom, stop arranging me for others. I'm married and I have a wife. Please, respect my marriage," inis na sagot ni Kier.
Tumingin sa kanya si Mudra.
"Aba, bakit? Mahal mo na ang babaeng iyon? Hindi ba ay nakuha mo na ang kumpanya nila,"
Mudra knows about his son's plans. Narinig niya iyon sa kanyang anak.
"I won't stay with her for years," sarkasmong sagot ni Kier.
"Wala ka na talagang respeto sa akin," mapait na sabi ni Mudra. Nag-uumpisa na siya mag drama dahil sa inaakto ng kanyang anak.
Kier secretly rolled his eyes.
"It's a good catch kapag pinakasalan mo si Chuchu, kapag nagka problema ka sa kumpanya mo ay matutulungan ka ng pamilya nila."
Hindi alam ni Mudra ang ibang business ng kanyang anak. Kier doesn't open that much to his mother.
"Mom! Stop with it!" Iritadong bawal ni Kier sa kanyang ina.
"It irritates the hell out of me. I'll marry my wife again! And this time in the church," imporma ni Kier sa kanya.
"Ano?!" Nabiglang sabi ng kanyang ina.
"Aba! Hindi ako papayag!" Kontra ni Mudra.
"And why? You can't do anything to my decision," nakakatakot na sagot ni Kier.
"Nahihibang ka na ba, huh? Mas magandang pakasalan mo Chuchu!" Pilit ni Mudra.
"Mom!" Inis na pinisil ni Kier ang kanyang ina. Sobra na siyang naiinis sa mga pinagsasabi ng kanyang ina.
"Baka gustong mong sabihin ko sa asawa mo ang nalalaman ko?!" Hamon ni Mudra sa kanya.
Kinuyom ni Kier ang kanyang kamao.
"Ikaw lang din ang nagpapahawak sa sarili mo, anak," malumanay na sabi nito.
"Ilang beses na kitang pinagsabihan pero hindi ka nakinig sa akin kahit na isang beses. Sa tingin mo kapag nalaman ng asawa mo ang totoo, hindi siya magagalit? Kakamuhian ka niya. Ipagdasal ko na lang na hindi ka niya hihiawalayan," Mudra smirk. Mukhang mas pinagpapasal pa nito na maghiwalay si Kier at ang asawa nito.
"Fuck! That won't happen. Try to reveal everything to my wife at kakalimutan ko na ikaw ang ina ko! And my wife won't fucking leave me! Stop with your nonsese, mom!" Galit na sigaw ni Kier at nag walk out.
Umiling na lang si Susing habang pinapanood ang anak na palabas ng bahay.