The Five Bad Boys and I

Von diwatangbae

259K 7.3K 625

FORMERLY "HIS SWEETEST DOWNFALL" - - - - - Date Started: December 20, 2014 Date Finished: June 20, 2015 Major... Mehr

Author's Note
Dedication
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 33

3.1K 88 4
Von diwatangbae

Inihatid ako ni Gerard sa bahay. Pagdating namin walang tao dahil nasa office pa si Mommy at siguro ay nag-aayos para sa kasal nila ni Rafael. Agad akong dumiretso sa kwarto ko si Gerard iniwan ko sa sala at sinabi kong 'wag 'syang papasok sa kwarto ko. Pero paglabas ko sa CR para mag hilamos at umihi ay nakahiga na 'sya sa kama ko.

"'Di ba sabi ko 'wag kang papasok dito!" agad kong bulyaw sa kanya.

"Magiging kwarto ko na rin ito sa future kaya 'wag ka ng magalit okay?" sabi 'nya.

"Naknang! Hoy aba Mr. de Guzman 'wag masyadong feeler!" sigaw ko sa kanya.

"Oh tama na dragon girl umuusok ka nanaman halika nga!" hinila nya ako bigla at niyakap.

"Ang manyak mo!" sabi ko sa kanya habang naka talikod ako sa kanya at naka yapos 'sya sa bewang ko.

"Manyak na pogi na love mo?" tanong 'nya.

"Ewww! Bitawan mo nga ako!" sabi ko sa kanya habang pinapalo ang kamay 'nya. Pero parang wala 'syang napapakinggan.

Bago umalis si Gerard ay ibinalik 'nya sa akin ang cellphone ko. Kinabukasan ayun asaran,pikunan at away-bati pa rin kami ni Gerard. Ang kulit kasi 'nya eh. Walang pagbabago ang daming bulok na trip sa buhay. Maaga kaming umuwi ni Gerard para i-meet si Henry sa Glimpse. Dalawang kanto lang ang layo ng Glimpse sa bahay namin. Saktong naka bihis na ako nung mag text si Mommy na hindi 'sya makaka uwi kasi may aasikasuhin 'sya. Hindi ko na lang 'sya nireplyan. Buti na lang sa Glimpse ako kakain ngayon kasi kung hindi baka direstong tulog na lang ako mamaya. Mga 6:45 dumating si Gerard sa bahay at dala ang kotse 'nya. Pasaway talaga! Sabi ko maglakad na lang papunta sa amin. Na-save pa 'nya ang Mother Earth.

"Tara na?" sabi 'nya sa akin. Nagulat ako sa new look ni Gerard. Naka salamin 'sya na akala mo ay nerdy tapos naka plain white shirt sya na black ang sleeves tapos pants at vans shoes. May dala pa 'syang black bag na jansport na naka sakbit sa kanya.

"Bakit ka may dalang bag?" tanong ko.

"I'll be staying here tonight." sabi 'nya sa akin at dire diretso papasok ng bahay, papasok sa kwarto ko.

"Ha? No!how did you know?" tanong ko.

"Sinabi sa akin ni Mommy na samahan daw kita."

"Mommy ka dyan! Nag tiwala 'yun sa'yo?" pang-aasar ko pa.

"Aray!" reaksyon 'nya lang. Hindi na rin kami nagtagal sa bahay at nag simula ng maglakad papunta sa Glimpse.

"Ano namang naisipan mo at nag salamin ka?" tanong ko.

"Wala lang. Cool kaya, bagay sa akin 'di ba? Maiba naman." sabi ni Gerard at hinawakan ako sa kamay habang naglalakad kami.

"Looking genius, knowing nothing." pang-aasar ko sa kanya.

"Aray ko ha! Nakaka sakit ka na, kanina ka pa!"

"Aruy, nasaktan 'sya. Nasaktan ang kanyang damdamin." sabi ko sabay tawa.

"Damdamin what the fuck?" natawa kami parehas sa sinabi 'nya. Nalaliman ata 'sya.

Pag dating sa Glimpse agad kong nakita si Henry. Nasa may pagitna ang table 'nya. Tumayo 'sya pagkakita sa amin. Nagbeso 'sya sa akin at shake hands kay Gerard. Hinilahan pa 'nya ako ng upuan para maka-upo ako. Sa ilalim ng table hinawakan ko ang kamay ni Gerard ng mahigpit.

"Order na kayo." sabi ni Henry sabay tawag sa waiter. Pagka order namin ni Gerard nagsalita ulit si Henry. "Thank You for coming." sabi 'nya.

"Sure. You're welcome." sabi ko.

"So how are you? How's the wedding preparation nila Tita Rose?" tanong ni Henry.

"Ayun busy sila. Okay naman ako medyo pagod nga lang sa school." sagot ko.

"Nasa honnor lists ka pa ba?" tanong 'nya.

"Hopefully yes." sabi ko.

"I know you were. Kaya mo 'yun. Ikaw pa. You are one of the brightest kid I've ever known."

"Sus bola."sabi ko.

"Hindi ah." sabi ni Henry.

Napag usapan namin ang buhay 'nya sa UK. Hindi rin daw naging madali sa kanya lahat ang buhay sa UK. At the age of 14 pag dating 'nya sa UK ay tumutulong 'sya sa pag titimda ng mga gamot na products nila ng parents nya. Parehas dealer ng gamot ang parents 'nya kaya naman ngayon ay BS Pharnacy ang kinukuha 'nya. Mag dodoctor nga 'sya sabi 'nya. Nakakuha na raw 'sya ng scholarship sa Harvard which is good for him. Masaya ako para kay Henry, kasi kahit papaano ay unti-unti natutupad na 'nya ang mga pangarap 'nya.

"It's been a long time, really." sabi 'nya.

"Oo nga eh. Ang tagal din nating hindi nagkita." sabi ko.

Hanggang sa dumating na yung pagkain namin at kumain kami. Nag kwentuhan pa kami ni Henry tungkol sa past life namin hanggang makarating sa present time. Naalala ko na may Gerard nga pala kaming kasama. Habang nag kwekwento si Henry ng travel nya around Europe e napa tingin ako kay Gerard na halata kong walang ganang kumain. Tumayo ako at panandaling nag excuse sa kanila.

Pumunta ako sa CR dahil alam kong may mali sa nangyayari. Sobrang na o-OP si Gerard sa amin ni Henry. Mali kasi sinama-sama ko 'sya tapos ipapakirdam ko lang sa kanya na parang invisible 'sya. Tama ba ang naging desisyon ko na isama pa 'sya? Hindi ko kasi alam ang gagawin kung hindi 'sya kasama ngayon. Si Gerard ang nagsilbibg comforter ko para maka galaw ng ayos sa harap ni Henry. Pero 'sya ba? Masaya ba 'sya sa gabing ito? Nakinig kaya 'sya sa kwentuhan namin? O baka naman iniisip na 'nya na sana hindi na lang ' sya sumama. Na-gui-guilty ako sa ginagawa ko. Pag tingin ko sa relo ko alas nuebe na pala. Tama kailangan na naming umuwi kasi may pasok pa bukas.

Huminga ako ng malalim, humarap sa salamin at nagsabing Jai Yen Yen, Aal iz well. Ngumiti ako at kinalma ang sarili. Naglalakad ako papalapit sa kanila nung tumayo si Gerard at umalis. With his cold voice sabi 'nya mag yo-yosi lang daw 'sya. Tumango na lang ako. Alam ko kasing naiinip at naba badtrip na 'sya sa usapan namin ni Henry.

Pagbalik ko sa upuan ko agad kong naman inubos na ang tira kong pagkain. Nagulat ako nung biglang hawakan ni Henry ang kamay ko na naka patong sa table.

"Aria." napatingin ako sa kanya. Seryoso 'sya at may sasabihin sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang totoo kaya kita pinapunta dito ay para maka-usap ka ng maayos. Para makamusta ka at para..." bigla 'syang tumigil at nag isip kung sasabihin pa 'nya ang mga huling salita.

"At para?" hinihintay ko ang kadugsong ng sasabihin 'nya.

"Tanda mo pa ba nung mga bata pa tayo?" sabi 'nya.

"Oo naman. Natatandaan ko pa ang lahat." sabi ko.

"Nangako ako sa'yo na kapag naging dalaga ka na... liligawan kita at pakakasalan ka." sabi ni Henry. Biglang kumabog ang dibdib ko. Naaalala pa pala 'nya 'yun.

"Oo naaalala ko pa 'yun." sagot ko.

"Bumalik ako ng Pilipinas para magbakasyon." sabi 'nya. Parang ayoko na gusto kong marinig ang mga sunod 'nyang sasabihin. "at para na rin tuparin ang pangako ko sa'yo." sabi 'nya.

Halos matulala ako sa sinabi ni Henry. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Bakit ka pa ba bumalik Henry? Ano? Para manggulo kung kelan ayos na ang lahat? Nung iwan aki ni Henry nasaktan ako pero muling nakabawi pero halos tuwing maaalala ko 'sya iniisip ko kung totoo pa ba yung pangako 'nya sa akin. Ayokong umasa pero ngayon sa kanya na mismo nanggaling.

"But even though I want to make those promises happen, I can't." napatingin ako sa kanya at binitawan ang kamay ko.

"I'm married." sabi nya na ikinagulat ko. Parang biglang sumabog ang puso ko. Oo nasaktan ako. Pakiramdam ko naloko ako. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha.

"To whom?" tanong ko sa nanginginig kong boses.

"A girl I met on a party. I got her pregnant kaya pinakasal kami. I'm a working student now and that's the truth." sabi 'nya. Nakwento 'nya kanina na suma-sideline-sideline 'sya pero hindi 'nya ikwinento ang dahilan.

"Congrats." sabi ko habang pinipilit kong ngumiti.

"Aria. I love you." sabi 'nya sa akin.

"I also loved you Henry, pero noon 'yun. Mga bata pa tayo nun. Now, iba na."

"But Aria, do you really love that guy? Come with me. I can file an annullment." sabi 'nya.

"No Henry. Stay with your family. Isipin mo ang anak mo kung lalaki 'sya na walang tatay. Henry, masakit mawalan ng tatay. Mahirap lumaki sa wasak na pamilya." sabi ko sa kanya at tumayo ako. "Ang one thing more, yes, I do really love Gerard." sabi ko pa. "Thanks for the dinner."

Lumabas ako ng Glimpse at nakita ko si Gerard na naninigarilyo sa tabi. Tumingin 'sya sa akin pagkalabas ko. Ngumiti ako sa kanya at humithit 'sya sa sigarilyo 'nya bago ito itapon.

"Ano? Tara na?" tanong 'nya sa akin.

"Let's go." naka ngiting sabi ko sa kanya.

Now Playing: Dancing in the Moonlight

Ngumiti ako kay Gerard at biglang hinawakan ang dalawang kamay nya at isinayaw-sayaw sya. Maya-maya sinasabayan na rin 'nya ako habang tawa kami ng tawa. Binitawan 'nya ang isang kamay ko at inikot ako. Ginawa 'nya ulit 'yun pero itinumba 'nya ako at sinalo ng braso nya. Parang nagsasayaw ng tango. Ibinangon nya ako at nag sayaw ulit kami. Pakembot-kembot at patalon-talon pa.

Pag dating sa bahay agad kong kinuha ang telescope na nasa terrace at inilabas sa tabi ng bahay. Kinuha naman ni Gerard ang banig na naka rolyo sa tabi ng sofa at inilatag namin ito. Meron akong telescope na puti na malaki na regalo sa akin nila Mommy at Daddy noomg birthday ko. Ito ang huling pa birthday sa akin ni Daddy kaya ginagamit ko lang ito kapag nalulungkot ako at na mi-miss si Daddy. Minsan ginagamit ko ito kapag nababalitaan kong may meteors o kaya planets na makikita. Pero ngayon, gagamitin ko sya kasama si Gerard at masaya akong ibahagi ito sa kanya.

Naglabas din kami ng mga pagkain na parang nag pi picnic. Marami kami nakitang stars kasi hindi naman ganun kaliwanag yung buwan kahit na full moon. Maraming stars. Nung wala na kaming makitang bago, kumain naman kami. Naglagayan kami ng icing ng cupcake sa ilong, nilagyan ko sya at nilagyan din nya ako sabay tawa. Inilabas ko ang DSLR na regalo rin nila Daddy at Mommy sa akin naman noong huling Pasko ni Daddy. Nag picture kaming dalawa habang may icing sa ilong. Sunod naman naming ginawa ay nag batuhan ng nips. Kung sino pinaka maraming masalo 'sya ang panalo at matutulog sa kama ko.

Ako ang nauna, hinahagisan nya ako ng nips at tanging bibig ko lang ang gamit. Kakaunti lang nagsalo ko. Si Gerard naman ang sumunod at halos lahat nasalo nya ng hindi gumagamit ng kamay. Nung pahuli na, tatlong nips ang ibinato ko sa kanya kaya tumama ang ilan sa mukha nya. Tumawa ako ng tumawa at kiniliti nya.

Tumayo ako para tumakbo. Naghabulan kami sa buong garden. Nang mahuli nya ako, niyapos nya ako habang nakatalikod ako sa kanya. Binuhat nya ako at pina ikot-ikot. Nung mapagod na kami humiga kami sa banig at tiningnan ang kalangitan. Sobrang daming bituin at talagang nagniningning. Bigla namang nag salita si Gerard habang nag-i-star gazing kami.

"After ng kasal ng mga taga-Moon, ano ang ginagawa nila?" tanong nya sa akin.

"Ano?" tumingin ako sa kanya.

"Edi nag ha-honeyEarth." tunawa sya ng tumawa pero ako pinipigil ang tawa ko.

"Corney." sabi ko.

"Sinong corney ha?" kiniliti nanaman ako ni Gerard.

Maya-maya pa ay pumasok na kami sa bahay kasi mag e-elevn na ng gabi e may pasok pa kami bukas. Masaya ako na kasama ko si Gerard ngayon. Oo tama, mahal ko 'sya. Hindi ko alam kung paano nangyari at saan nagsimula, ang alam ko lang nagising ako isang araw, mahal ko na 'sya at mamahalin pa araw-araw.

"Good Night Babyloves." sabi ko sa kanya.

"Good Night Babyloves." ngumiti 'sya sa akin at nahiga na sa sofa sa kwarto ko. Ako naman syempre sa kama ko.

Pumikit ako, nagdasal at pinilit matulog. Pero hindi ako maka tulog. Hindi ko alam kung bakit pero nagagambala ang isip at damdamin ko. Okay lang kaya si Gerard sa pwesto nya? Nakakahiya naman sa mahal ko baka nasisikipan na sya. Humimga ako ng malalim at bumangon.

"Babyloves gising ka pa?" tawag ko sa kanya gabang naka upo ako sa kama ko.

"Bakit?" humarap sya sa akin.

"Dito ka na lang matulog sa kama." sabi ko.

"Eh paano ka?" tanong nya.

"Tabi tayo." sagot ko. Nagulat si Gerard sa sagot ko.

"Sigurado ka? Okay lang naman ako dito wag ka ng mag-alala." sabi nya.

"Dito ka na. Okay lang ako, sure ako." sabi ko sa kanya. Ngumiti sya at dinala ang unan at kumot nya sa tabi ko. Humiga na kami at pinatay ko ang lampshade sa tabi ng kama ko.

Nakatalikodsi Gerard sa akin pero bigla kong hinila ang kanang kamay nya at ginawang unan ang braso nya. Wala namang masama kung unanin ko ang braso nya di ba? Biyakap ko sya at sumiksik sa kanya. Maya-maya yung kamay nya yumapos na rin sa akin.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
155K 8.8K 43
Tagalog Vampire-Romance story. Ano ang gagawin mo kapag tumira ka sa isang mansion kasama ang mga bampira? Ikaw ba ay matatakot o magmamahal? Hindi m...
279K 7.2K 60
Chishio Academy is a school for Devils. A school that is forbidden from ordinary human. A school from hell. A school that full of Devils. A school fo...
412K 8K 35
---------------------------------------- (I revenged on a Playboy BOOK 2) I have fallen inlove in this guy--- not an ordinary guy yet a PLAYBOY. We b...