The UnWanted Billionaire

By iampurplelynxx

21.4K 402 32

Ikakasal na sana si Louisse sa kan'yang soon-to-be husband pero nang dahil sa malagim na trahedya, ang inaasa... More

THE UNWANTED BILLIONAIRE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 9.1
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 11.1
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14.1
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17.1
CHAPTER 17.2
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 21.1
CHAPTER 22
CHAPTER 22.1
CHAPTER 22.2
CHAPTER 23
CHAPTER 23.1
CHAPTER 25
CHAPTER 25.1
CHAPTER 26
CHAPTER 26.1
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 33.1
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48.1

CHAPTER 24

243 4 0
By iampurplelynxx

ISANG linggo na ang nakalilipas simula nang bumalik na sa dating buhay niya si Louisse. Nang magkaroon ng lakas ng loob para bumalik sa dating trabaho ay napag-alaman niya mula sa co-workers na tinanggal na siya ng dating boss dahil sa paninirang ginawa ni Lilybeth sa kan'ya. Kaya naman todo kayod siya makahanap lang muli siya ng trabaho.

Nang mapatingin sa glass door ng nadaanang restaurant ay napatitig siya sa bagong hairstyle. Mula nang ginupit niya ang buhok ay sinamahan siya ni Eya sa isang salon. Maiksi na muli iyon, hanggang balikat at si Eya pa mismo ang nag-request sa baklang naggupit sa kan'ya na kulayan iyon ng pula.

Dahil sa abala si Louisse ay hindi niya namalayan na may papalabas na customer. Bago niya pa maitabi ang sarili ay nabuksan na nito ang pinto. Naipikit niya na lang ang mga mata sa isiping babagsak siya pero gano'n na lang ang pagtataka niya nang maramdaman niya ang kamay sa kan'yang beywang at ang paghawak ng kung sino sa kan'yang braso para hindi tuluyang mabuwal ang kan'yang katawan.

"Miss, are you alright?"

Nang marinig ang tila pamilyar na boses ay muling naimulat ni Louisse ang mga mata. Bumungad sa kan'ya ang may pag-aalalang bakas ng mukha nito. Nang maramdaman sobrang lapit ng kanilang katawan ay inangat niya ang isang kamay, ipinagitan sa katawan nilang dalawa at bahagyang itinulak ang lalaki hanggang sa tuluyan siyang makawala mula sa pagkakahawak nito. Tumayo siya ng tuwid at inayos ang nagulong buhok.

"Okay lang ako," tipid niyang sagot saka iniwas ang tingin.

"I don't know why but you seems familiar," sambit nito kaya muling nakuha ng lalaki ang atensyon niya. "Have we met before?"

Ilang minuto pa silang nagkatitigan bago parehong nanlalaki ang mga mata nilang itinuro ang bawat isa.

"Tonyo?" "Babi?" magkapanabayan nilang bigkas, saka sila parehong natawa.

"Ang laki ng pinagbago mo," namamanghang pahayag ng lalaki. "Hindi ka na chubby. And I like your hairstyle."

"Ikaw rin. Ang tangkad mo na, ha? Samantalang noon ay magkapantay lang tayong dalawa."

Nang mapansin nilang pinagtitinginan na silang dalawa ng mga tao ultimo pati na rin ng security guard ay noon na siya inayang pumasok ni Tonyo sa loob ng restaurant. Doon nila napagpasyahang ipagpatuloy ang kamustahan. Nagawa pa nitong ipaghila siya ng mauupuan. Nang makaupo ay inilapag niya sa gilid ng kan'yang inuupuan ang bitbit na folder. Ang lalaki na rin mismo ang um-order para sa kanilang dalawa.

"Kamusta na pala ang mag-asawang Alejo? Mula ng inampon ka nila ay wala na akong balita sa'yo."

Malungkot naman siyang napangiti. "Iniwan na nila ako."

Tumango ito nang may pang-uunawa. "Hindi na pala kita matatawag niyang babi," pag-iiba nito sa usapan. "At hindi mo na rin ako matatawag na Tonyo. I'm now Aiden Parker."

"You mean you're the owner of AlZero Tech Company?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Naririnig niya sa radyo ang pangalan nito pati na rin ang kumpanyang pinamamahalan nito ngunit hindi niya akalaing ang dating Tonyo na kilala niya ang nagmamay-ari ng pangalan at company na iyon.

"The one and only," nangingiti nitong sagot, walang halong kayabangan. "So, how's your life? Did you end up with Arthur?"

Sumikip ang kan'yang dibdib. Sa loob ng isang linggo ay pilit niyang binalik sa normal ang buhay. Kahit na ang totoo ay gabi-gabi niyang naaalala ang mga rebelasyong nalaman niya.

"Wala na siya. He got involved with an accident, together with Lena," mapait niyang pahayag.

Natigilan naman ito. Bakas sa mukha ang simpatya nito para sa kan'ya. "I'm so sorry about that."

Umiling naman siya. "It's fine. Dapat ko nang sanayin ang sarili ko na wala na silang dalawa."

Bigla ay napatingin ito sa folder na nasa kan'yang gilid. "What's that for?" hindi na nakatiis pa itong magtanong.

"I'm trying to find a job. Kaso lahat ng napupuntahan ko ay wala ng mga vacant position. Ang mga pinasahan ko naman ng resume ko ay wala pa ring response. But I'm still trying my best to get a job."

Tila nakuha na niya nang tuluyan ang atensyon ng dating kaibigan. "It's a good thing. AlZero has a vacant position in HR Department. If you want, I can give you my business card which contains my email. Send me your resume."

Nabuhayan siya sa narinig. "Are you sure?"

"Definitely, yes." Ngumiti ito dahilan nang paglabas ng mapuputi nitong ngipin.

"Hindi na ako tatanggi."

Inabot nito ang calling card sa kan'ya na mabilis niya namang inilagay sa kan'yang sling bag. Saktong dumating na rin ang order nila. Tumagal din sila ng isang oras sa restaurant na iyon bago sila nagpaalam sa isa't isa.

"I can give you a ride," offer nito.

Mabilis naman siyang napailing. "No need. Malapit lang naman dito ang apartment ko," tanggi niya. "At isa pa, feel ko maglakad-lakad ngayon."

Napatango naman ito saka na sumakay sa kotse. Ibinaba pa nito ang side mirror at nag-wave sa kan'ya, gano'n din ang kan'yang ginawa. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay nagpasya na si Louisse na tuluyang umuwi sa kan'yang apartment. Pagkauwi niya ay nagdadalawang-isip siya kung tatawagan si Ezekhiel. Kaya minabuti niyang i-email muna ang resume sa information na nakalagay sa calling card na ibinigay sa kan'ya ni Tonyo.

Matapos no'n ay naligo na siya at nang makapagbihis ay kaagad niyang tinungo ang kusina. Sa lamesa ay inilapag niya ang cellphone na noon niya lang ulit nabuksan. Hindi niya pinansin ang mga text at calls na bumungad pagka-on niya no'n, ang atensiyon niya ay nasa calling card ni Ezekhiel na nasa tabi ng kan'yang cellphone.

Ilang minuto rin siyang nakipagtalo sa kan'yang isipan bago tuluyang i-dial ang numero nito. Ilang minuto pa ang dumaan bago may sumagot sa kan'yang tawag.

[Hello?]

Tila siya nabunutan ng tinik sa dibdib nang si Ezekhiel na ang sumagot. Sinubukan niya kasi itong tawagan pero secretary nito ang palaging nakakasagot.

[Hello? Who's this?] muli itong nagsalita.

Huminga muna siya ng malalim bago ito sagutin. "This is Louisse. Can we meet?"

Nang dumaan ang ilang minutong katahimikan ay biglang nailayo ni Louisse ang cellphone sa kan'yang tainga sa pag-aakalang wala na ito sa kabilang linya. Pero kaagad niyang ibinalik ang cellphone sa kan'yang tainga nang marinig ang boses ng isang babae.

[Sino 'yang kausap mo? Babae mo 'yan, noh?]

Kahit hindi magtanong si Louisse ay alam niyang si Sachza iyon.

[Stop it. I'm talking to Louisse.] Dinig niyang sagot ni Ezekhiel.

[And who the hell is Louisse?]

[Malalaman mo rin mamaya.] Maya-maya lang ay narinig niya ang tila paglakad nito. [Nasaan ka?]

Tukoy niyang siya na ang kausap nito. "Sa apartment ko."

[Stay there. I'll send someone to pick you up.]

Hindi na nito hinintay ang sagot niya at kaagad nang ibinaba ang tawag.


HINDI na mabilang sa daliri ni Louisse kung pang-ilang beses na niya iyong paghugot ng malalim na hininga. Pero aware siya na ilang minuto na rin siyang nakatayo sa pinto ng penthouse ni Ezekhiel. Hindi lamang talaga niya mahanap ang lakas ng loob para pindutin ang doorbell dahil noon pa siya tinubuan ng hiya at kaba.

Iaangat niya pa lamang ang kamay para tuluyang pindutin ang doorbell nang biglang bumukas ang pinto. Bored na tumingin sa kan'ya si Ezekhiel.

"Kung hihintayin pa kitang mag-doorbell baka abutin pa tayo ng isang dekada," anito, walang humor sa boses. "Pumasok ka na."

Bahagya lamang na umusod si Ezekhiel para bigyan siya ng espasyo. Tuluyan naman na siyang pumasok at iniwan ang suot niyang sandals. Hindi na niya nagawa pang mailibot ang mga mata sa kabuuan ng penthouse nito, lalo na't ramdam niya ang presensiya ng lalaki sa kan'yang likuran. Kahit na ganoon, alam niyang mamahalin ang mga kagamitan na nasa loob.

Maya-maya lang ay nagpatiuna na sa paglalakad si Ezekhiel, habang siya naman ang sumunod dito. Kusina ang pinasukan nilang dalawa. Nang paupuin siya nito ay tila siya maamong tupa na sumunod.

"What do you want? Coffee or tea?"

Umiling naman siya. "I'm good. I'm just here because I want to discuss something with you."

Bahagyang tumaas ang kilay nito at naupo na rin sa katabi niyang stool. "About what?"

Kinalma niya muna ang sarili bago sumagot. "Imposibleng hindi magtataka si Zairus na hindi pa rin ako sumusunod sa kan'ya sa America. I came here because I need your help."

"I'm expecting that from you," mabilis nitong sagot pabalik. "At may plano na ako."

Nangunot naman ang kan'yang noo. "And what is your plan?" She asked full of curiousity.

"Gusto kong baguhin ang date kung kailan namatay si Lena sa lapida niya. Papalabasin ko na namatay siya sa isang plane crash," walang keming pahayag nito.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Mabuti na lang at napigilan niya ang sariling mapatayo "That's too much," bulalas niya.

"I know. But you don't have any plans when you came here, right? Wala kang maisip na magandang plano kaya ka humihingi ng tulong sa akin."

"Alam ko. Pero hindi ko kayang sikmurain ang plano mo. Patay na nga iyong tao tapos gagawa pa tayo ng ganitong bagay sa kan'ya. At ano na lang mararamdaman ni Zairus?"

"Oh. So, you're now considering his feelings?" He smirked. "Really, Louisse? But you never think of him when you pretended as your friend." May pangungutya ang tono ng boses nito.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Ezekhiel. Mali na kung mali sa paningin ng iba. Hindi man valid pero gusto kong makakita siyang muli."

"And you think he will be thankful to you because of that?"

Umiling naman siya. "No. Believe me or not, I really want to tell him the truth. It's just that... I don't have enough courage to do that. Especially when I learned from him how Lena mistreated him. Hindi mo alam kung paanong tila akong sinasaksak nang makailang beses sa kaalamang iyon. Sa isang buwan na nakasama ko si Zairus ay nakilala ko siya. Nalaman ko ang trust issue niya, napangiti ko siya at higit sa lahat, naging masaya ako na nakasama ko siya. Iyon ang bagay na hindi ko maitatanggi sa sarili ko."

Natahimik ito. Hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya kung hindi lamang siya nito inabutan ng tissue.

"But you can't deny the fact that you can't still face him, Louisse. Gusto mong mabura nang tuluyan ang existence mo sa mundo ng pinsan ko kahit alam mo namang si Lena ang iniisip niyang kasama niya sa loob ng isang buwan."

Natahimik lamang siya.

"That's why whether you like it or not, I'll still push what's my plan. I think this is better for the both of you. Hayaan niyong tuluyang maka move-on ang pinsan ko. Habang ikaw ay maaari nang bumalik sa dati mong buhay.

Naipikit ni Louisse ang mga mata. Can she really go back and move on without thinking of him?

Sa muling pagmulat ng kan'yang mga mata ay determinado siyang tumingin kay Ezekhiel, saka siya tumango. Saglit niyang kinuha ang cellphone ni Lena pati na rin ang singsing na isinuot sa kan'ya ni Zairus saka iyon ibinigay sa lalaki. "Can you give this back to him?"

He nodded. "Makakatulong din ito para sa plano ko."

Pinag-iisipan pa niya kung pati ang crochet na ginawa ay ibibigay niya rin ba kay Ezekhiel. Iyon ang naging libangan niya sa isang linggo para kahit papaano ay maalis niya sa isipan si Zairus. Sa huli ay ibinigay niya rin iyon sa lalaki. She design it with a carnation flower.

"I gotta go," paalam niya rito.

Sabay silang tumayo. Nang lumabas sila sa kusina ay sakto namang pagpasok ni Sachza. Gulat itong napatingin sa kan'ya.

"Lena?" tawag nito.

Tila sinasaksak nanaman ng patalim ang kan'yang puso. Marinig lamang ang pangalan ng kaibigan ay naalala nanaman niya ang kasinungalingan at pagpapanggap na kan'yang ginawa.

"Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid sa driver?"

Umiling lang siya sa tanong ni Ezekhiel saka na muling naglakad. Ni hindi na niya nagawa pang lingunin si Sachza. Napahinto lang siya nang muling magsalita ang lalaki. "Be safe, Louisse."

Bago sumara ang pinto ay narinig niya pa ang tanong ni Sachza. "Why did you called her Louisse?"

"Because that's her name." Humina ang boses ni Ezekhiel sa kan'yang pandinig dahil tuluyan nang sumara ang pinto.

Tuluyang napasandal si Louisse sa dingding. Tila noon pa lang naproseso ng kan'yang isip ang naging usapan nilang dalawa ni Ezekhiel. Mukhang kailangan niya na talagang sanayin ang sarili at alisin sa kan'yang sistema si Zairus. Hindi makakatulong sa kan'ya kung patuloy niya lang itong maaalala. Dahil matagal nang natapos ang pagpapanggap niya.

After all, he doesn't know about her existence.

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.9M 37.8K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...