The UnWanted Billionaire

By iampurplelynxx

21.4K 402 32

Ikakasal na sana si Louisse sa kan'yang soon-to-be husband pero nang dahil sa malagim na trahedya, ang inaasa... More

THE UNWANTED BILLIONAIRE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 9.1
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 11.1
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14.1
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17.1
CHAPTER 17.2
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 21.1
CHAPTER 22
CHAPTER 22.1
CHAPTER 22.2
CHAPTER 23
CHAPTER 23.1
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 25.1
CHAPTER 26
CHAPTER 26.1
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 33.1
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48.1

CHAPTER 40

328 8 0
By iampurplelynxx

DAHAN-DAHANG binuksan ni Louisse ang kan'yang mga mata. Nagising siya dahil sa amoy ng mabangong aroma ng kape. Dis-orinted niyang inilibot ang tingin sa isang pamilyar na kuwarto. Ilang beses niya pang ipinikit at isinara ang kan'yang mga mata bago niya nabaling ang kan'yang tingin sa isang malaking frame. Litrato nila iyong dalawa ni Zairus.

Realization hits her. Hindi siya nagkakamali sa iniisip na nasa isla siya ni Zairus. Nang dahil do'n ay tuluyang nagising ang kan'yang diwa at sa buong durasyon ay nakatitig lamang siya sa malaking frame na iyon habang tumatakbo sa kan'yang isipan ang maraming katanungan. Paano siya napadpad sa kuwarto nito gayong nasa apartment lamang sila kagabi? Ni imposible rin na hindi siya magising sa byahe.

Tumayo na siya at mas lalo pang inilibot ang tingin sa kuwarto. Kumpara noon ay mas marami na ang mamahaling kasangkapan sa loob. Nang magawi ang tingin niya sa isang body size mirror ay laking gulat ni Louisse nang makitang polo shirt na ang kan'yang suot. Natitiyak niyang pagmamay-ari iyon ni Zairus dahil halos malaki iyon sa kan'ya, abot hanggang ibaba ng kan'yang tuhod.

Bigla ay may napagtanto siya. Hindi ba at iyon naman ang gusto niyang mangyari kaya siya nagpunta ng Manila? Gusto niyang makausap si Zairus patungkol kay Alexandros, kaya iyon na ang magandang chance para sa kan'ya. Pero isang bahagi ng isip niya ang nagsasabing hindi rin naman yata magandang timing iyon, lalo na't iniisip ni Zairus na anak niya sa ibang lalaki si Alexandros.

Si Alexandros... ang anak niya. Sila Suzy, Drake, Nana, Eya at Kris ay nasa kapahamakan. Hindi na niya muling nakausap pa si Drake kaya hindi niya tukoy kung ano na ang kalagayan ng mga ito.

Natigil lamang siya sa pag-iisip nang bumukas ang pinto at pumasok si Zairus. Ramdam niya ang pagrerebelde ng kan'yang puso nang makitang nakangiti pa ang lalaki. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili at sinugod niya ito at pinaghahampas sa dibdib.

"Bakit mo ako dinala rito, Zairus? Nahihibang ka na ba?" Galit niyang tanong.

Pilit namang sinasalag nito ang bawat paghampas niya. "Teka nga, Louisse! Kumalma ka," anito sa mababang tono.

"Paano ako kakalma gayong kinidnap mo ako, ha? Hindi ka na nag-iisip nang maayos."

Natigil lamang siya nang tuluyan na nitong nahuli ang mga kamay niya at mabilis siyang niyakap. Nang mapagtanto ang ginawa nito ay buong puso siyang nagpumiglas mula sa pagkakayakap sa kan'ya ng lalaki. Hanggang sa matigil siya nang maramdamang hinaplos nito ang kan'yang buhok.

"Kumalma ka muna, Louisse. Hindi tayo niyan makakapag-usap kung patuloy kang aakto nang ganito."

May inis pa rin siyang nararamdaman para sa lalaki pero mas pinili niyang ikalma ang sarili. Maya-maya lang ay humiwalay na ito sa pagkakayakap sa kan'ya saka sinapo ang kan'yang pisngi. Pakiramdaman ni Louisse ay tila siya kandila sa oras na iyon na matutunaw dahil sa sa tinging ibinibigay nito sa kan'ya.

Hindi niya naihanda ang sarili sa sunod na hakbang nito. Naramdaman na lamang niya ang malambot nitong labi na nakalapat na sa kan'yang labi na kan'yang ikinagulat. Nang dahil do'n ay nanlaki ang kan'yang mga mata. Pero mas ikinagulat niya nang tila kusang gumalaw ang kan'yang kamay at malakas niyang naitulak si Zairus at kan'ya itong nasampal.

"Don't kiss me!" nagpupuyos sa galit ang kan'yang kalooban. "Wala kang permiso para halikan ako."

Imbes na magalit ito sa kan'yang ginawa ay ngumisi pa ang lalaki. "So, if I ask for permission, you will allow me?"

Nanlaki nanaman ang kan'yang mga mata. Ramdam niya rin ang pag-iinit ng kan'yang pisngi, pero dahil ayaw niyang mahalata nitong affected siya sa simple lamang nitong banat kaya muli niya itong hinampas sa dibdib na ikinatawa lamang nito.

Inangat nito ang kamay na tila waring sumusuko at mas lalo lamang lumapad ang pagkakangiti. "I'm joking, okay?"

"Hindi nakakatawa ang biro mo!" naiinis niyang tugon.

Sa muli ay malakas niya itong itinulak at patakbong lumabas ng bahay. Sandaling nakalimutan niyang nasa isla siya nito. Kaya ganoon na lang ang panghihinang naramdaman niya nang makita ang karagatan sa kan'yang harapan, habang ramdam niya ang mapinong buhangin sa kan'yang paanan.

Inilibot niya ang mga mata para hanapin ang bangkang ginagamit nila noon papunta sa kabilang resort, pero bigo siya nang walang nakadaong doon. Pati sa paglabas niya ay natitiyak niyang ni isa ay walang ibang tao siyang napansin sa loob ng mansyon, bukod sa kanilang dalawa ni Zairus. Tila siniguro ng lalaki na sila lamang ang naroroon.

"You can't run away this time, Louisse. If you want to play hide and seek, then hide here and I will seek you," ani ng boses mula sa kan'yang likuran.

Galit naman niyang hinarap ang lalaki. "Bakit mo pa ba kasi ako dinala rito, Zairus? Hindi ba at ayaw mo naman sa akin?"

Inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa saka inilibot ang tingin. "This place held so much memories of us, Louisse. Why wouldn't I bring you here? If this will be the way for you to remember everything."

Tila umurong ang galit na nararamdaman niya para kay Zairus. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nito at hindi niya maipagkakaila na bakas mula roon ang pangungulila.

Did he really miss her?

Mabilis na ipinilig ni Louisse ang ulo. Napaka-imposible na gano'n ang nararamdaman nito sa kan'ya. Isang paghahalusinasyon iyong matatawag. Lalo na't halos isumpa na siya nito noon. Pilit niyang ipinaalala sa sarili na huwag magpapaapekto sa ganoong tingin ng lalaki. She never knew what his plan. Baka nga tamang sabihin na ang totoong balak nito ay sabihin kay Tonyo na naroroon siya. Kaya mas pinili nito ang isla para wala na talaga siyang kawala.

"No one will disturb us here, Louisse. Tayong dalawa lang. Walang bangka. Walang ibang tao. We can spend the rest of our time being together. Ayaw mo ba 'yon? Ayaw mo bang makasama ako?"

Iniwas niya ang tingin sa lalaki. Hindi siya maaaring bumigay.

"What would I get from you if ever I agree staying here with you?"

Muli niyang naibalik ang tingin kay Zairus nang maramdamang nagsimula itong lumapit sa kan'ya. Huminto lang ito ng ilang dipa na lang ang layo nila sa isa't isa saka marahan siyang hinawakan sa braso at nagawa pa siyang haplusin ng lalaki. Naroon na naman ang mainit na pakiramdam ni Louisse na tanging si Zairus lamang ang nakakapaghatid ng gano'ng pakiramdam sa buo niyang katawan.

"I just need you to stay here for a week, Louisse. After that, you will be free doing what you want," puno ng senseridad nitong sambit.

"Why?"

Curiousity kills her. Bakit pa ba nito gugustuhing makasama siya?

"Because I waited for you, Louisse. Is it enough reason?"

May nais siyang marinig na sagot mula kay Zairus, pero dumaan na ang ilang minuto ay hindi na nito nagawang dugtungan ang sinabi. Heto nanaman siya at nagpadarang nanaman sa pag-aasam ng bagay na imposible namang mangyari. Kaya napabuntong-hininga na lamang siya. Ano pa nga ba ang ini-expect niya mula kay Zairus? Masasaktan lamang siya kung aasa siyang tulad ng nararamdaman niya, kahit ilang taon na ang lumipas ay ganoon din ang nararamdaman nito para sa kan'ya. That's really impossible...

"Fine! I will stay here for a week. No extension!" pagpapaalala niya.

Naglabasan ang mapuputi nitong ngipin nang ngumiti ito. Habang pagsimangot naman ang naging dulot no'n kay Louisse. Hindi niya nais na mahawaan siya ng kasiyahang nararamdaman nito.

"Then, let's go eat our breakfast. Hindi na masarap ang pagkain kapag lumamig na," pag-aya nito sa kan'ya na nagawa pang ilahad ang kamay sa kan'yang harapan. Bago pa magbago ang isip ni Louisse ay ipinatong niya na ang kamay doon at nagpahila kay Zairus.

Buong pusong inasikaso siya ni Zairus. Mahaba ang lamesa pero sila lamang dalawa ang kumakain. Hindi niya akalain na may childish side siya, dahil pag-alis ni Zairus ay naghanap siya ng maaaring ilagay sa pagkain nito. Napangiti siya nang may mahanap sa mga lalagyan ng mga gamot at inihalo iyon sa pagkain ng lalaki.

Patay-malisya siyang maganang kumain nang bumalik ito. Kuntudo ngiti nanaman ang kumag nang magsimula na ring kumain. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang makitang nalukot ang mukha ni Zairus. Mabilis itong tumayo pero naging maagap siyang pinigilan ito sa pamamagitan ng paghawak niya sa palapulsuhan nito. Pigil ni Louisse ang sarili na matawa nang makitang pawis na pawis na ang gilid ng noo nito, nagtatayuan na rin ang balahibo at ramdam niyang nagsisimula nang manlamig pati na ang balat nito.

"Where are you going? Lalayasan mo ako?" inosente niyang tanong.

"I need to use the bathroom. Something is wrong with my stomach."

Bago pa siya makapagsalita ay mabibilis na ang lakad nitong tinungo ang second floor ng bahay. Nang tuluyang mawala ito sa kan'yang paningin ay hindi na napigilan ni Louisse ang sarili at tuluyang natawa. Muntik pang mag-echo ang boses niya sa dining room kung hindi niya lamang napigilan ang sarili.

Sigurado siyang magtatagal ang lalaki sa banyo kaya lumabas muna siya ng bahay, bitbit ang cellphone. Mabilis niyang tinipa ang numero ni Drake. Memorize niya iyon just in case of emergency. Nakahinga siya ng maluwag nang mag-ring na iyon. Ilang ring lang ay may sumagot na mula sa kabilang linya.

[Louisse.]

Naglaho ang tila mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Louisse nang mahimigan ang boses ni Drake.

"Ayos lang ba kayo? Nasaan kayo?"

Aware si Louisse na tukoy ni Drake ang pag-aalala niya sa himig ng kan'yang boses.

[No worries, Louisse. Nasa safe kaming lugar.]

Nang dahil sa isinagot nito ay tuluyang nakahinga ng maluwag si Louisse. "Pwede ko bang makausap si Alexandros?"

Naging maingay ang background ng kabilang linya, hanggang sa tuluyan na niyang narinig ang boses ng anak. [Mom? Are you okay?]

Pigil ni Louisse ang sariling maiyak. Ito na ang nalagay sa alanganin pero mas inuna pa siyang tanungin ng anak. Ramdam niya rin na sobra na siyang nangungulila rito. Tuloy ay bigla niyang naisip na mas mainam na yatang nagtatago sila, sa pamamagitan no'n ay natitiyak niyang kasama niya ito at nasa tabi niya.

"Okay lang si mommy. Behave ka ba naman diyan? Hindi ka ba sakit sa ulo kila Tito-Ninong?"

[No, I'm not, mommy. Kasama mo na ba si Daddy?]

Napangiti si Louisse nang mag-tagalog ang anak. Nahihimigin niya pa rin kasi sa tono ng boses nito ang accent. "Yes, baby. I'm already here with your dad. Kaunting hintay na lang at makakasama mo na kami. Kaya wait for us, okay, baby? Naiintindihan mo naman si mommy, hindi ba?"

[I understand you, mom. I will wait for the both of you to get here.]

Hindi rin nagtagal ang usapan nilang mag-ina. After they tell 'i love you' to each other, she hung up the phone. Mabilis niyang itinago sa secret pocket ng kan'yang suot na shorts ang cellphone at muling bumalik sa dining room. Sumusubo na siya ng pagkain nang maulinagan niyang papasok na si Zairus, bakas ang panghihina sa mukha nito.

"Did you put something on my food?" may paghihinalang tanong nito.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" Itinaas pa niya ang kamay saka nag-drama. Nagkunwari pa siyang sinapo ang dibdib. "Pumayag na nga akong mag-stay dito ng isang linggo. Tapos ganyan mo lang pala ako itatrato. Pagsisisihan ko na ba ang pagpayag ko, Zai?"

Namutla naman ang mukha nito. "Hindi naman sa gano'n, Louisse."

Bago pa nito madugtungan ang sinasabi ay tumayo na siya. "I'm done with my food. Nawalan na ako ng gana. Kausapin mo na lang ang sarili mo."

"Oh, come on, Louisse!"

Inirapan niya lamang ito at tuluyang tinalikuran. Napangisi siya habang naglalakad papunta sa hagdanan.

"Tell me what I need to do for you to forgive me," anito na pilit siyang hinahabol.

Huminto naman siya saka muli itong nilingon. Pigil niya ang matawa nang makitang nakahawak ito sa tiyan.

"Sa dati kong kuwarto ako matutulog."

Halata sa bakas ng mukha ni Zairus na hindi ito sang-ayon sa naging pahayag niya.

"Subukan mo lang tumanggi at isang linggo mo talagang kakausapin ang pader." Iyon lamang ang kan'yang sinabi at muli niya na itong tinalikuran saka tuluyang inakyat ang hagdan.

"Sisiguraduhin ko na ako ang masusunod sa loob ng isang linggo, Zairus," pipi niyang pagkausap sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
133K 5.6K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.8M 293K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...