The UnWanted Billionaire

By iampurplelynxx

21.2K 402 32

Ikakasal na sana si Louisse sa kan'yang soon-to-be husband pero nang dahil sa malagim na trahedya, ang inaasa... More

THE UNWANTED BILLIONAIRE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 8.1
CHAPTER 8.2
CHAPTER 9
CHAPTER 9.1
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 11.1
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14.1
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17.1
CHAPTER 17.2
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 21.1
CHAPTER 22
CHAPTER 22.1
CHAPTER 22.2
CHAPTER 23
CHAPTER 23.1
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 25.1
CHAPTER 26
CHAPTER 26.1
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 33.1
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48.1

CHAPTER 2

530 12 0
By iampurplelynxx

HINDI na mabilang pa ni Louisse kung pang-ilang beses na niya iyong paghugot ng malalalim na hininga.

Kasalukuyan pa rin siyang nasa loob ng bridal car habang tanaw niya mula sa loob ang mga bisitang naghihintay sa labas ng simbahan tulad niya, sa pagdating ng groom. Habang lumilipas ang bawat minuto ay kasabay no'n ang lalong pagtindi ng kabang nararamdaman ni Louisse.

Kaagad pumihit pakabila ang kan'yang ulo nang bumukas ang pinto ng bridal car. Pumasok sa loob si Eya at tumabi ng upo mula sa loob. Mabilis nitong isinara ang pinto saka tumingin sa kan'ya.

"Friend, wala ka pa rin bang balita kay Arthur? Sumagot na ba siya sa tawag mo?"

Nakagat ng dalaga ang pang-ibaba niyang labi bago napailing. "Hindi pa rin."

"Naiinip na ang mga bisita, L.A. Anong sasabihin natin sa kanila?"

Bahagya siyang yumuko. Muling humugot ng hininga saka niya sinalubong ang tingin ng kaibigan.

"P-pakisabi na lang na maghintay pa sila ng kahit sampung minuto pa. Eya, alam kong darating si Arthur. B-baka na-traffic lamang siya," aniyang bahagyang nanginginig ang boses sa pagpipigil na tuluyang maiyak sa harapan ng kaibigan.

Isang bahagi ng isip niya ang nagsusumigaw na wala na siyang hihintayin pa. Ngunit pilit niya iyong iwinawaksi at kinukumbinsi ang sariling hindi siya magagawang iwanan ni Arthur. Pareho nila iyong pinangarap at pinaghandaan, kaya naman alam niya sa sariling sisiputin siya ng kan'yang groom.

Makikita sa mga mata ng kan'yang kaibigan ang simpatya. Matagal pa itong tumitig sa kan'yang mga mata bago nagsalita. "Friend, hindi naman sa pinag-o-overthink kita. Pero sigurado ka bang darating pa talaga si Arthur?"

Pilit siyang ngumiti, pilit na pinapatatag ang loob. "Eya, darating siya. Nangako siya sa akin na magsasama kami hanggang sa huling araw ng mga buhay namin. Kasi kung hindi niya ako sisiputin sa araw na ito, sa tingin mo ba ay pupunta pa rito ang mga magulang niya?"

"Friend, kahit sila ay hindi magawang ma-contact si Arthur. Hindi nila alam kung nasaan na siya," sambit nito. "Mahigit isang oras na tayong naghihintay sa pagdating niya."

Muling napayuko si Louisse saka mahigpit na nahawakan ang suot na wedding gown. Nahagip ng kan'yang mga mata ang engagement ring na isinuot sa kan'ya ng nobyo.

"Louisse Anastacia Alejo, are you willing to spend your life with me?"

Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawa niyang kamay nang magsimulang pumatak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Tumataas-baba na rin ang kan'yang balikat dulot ng pagpipigil na lumakas ang kan'yang hikbi. Hanggang sa maramdaman niya ang bahagyang pagtapik ng kaibigan sa kan'yang balikat.

"Ako na ang magsasabi sa kanila na hindi na matutuloy ang kasal," ani Eya.

Pababa na sana ng sasakyan ang kaibigan nang pigilan ito ni Louisse. "Huwag. Dito ka lang, Eya. Pakiusap. Darating siya. Darating si Arthur. Sisiputin niya ako sa kasal namin, maniwala ka," pagpupumilit pa rin ni Louisse.

Magsasalita pa sana ang kaibigan nang pareho silang magulantang nang tumunog ang cellphone niyang nasa kandungan. Nagkatinginan muna silang dalawa bago niya iyon sagutin.

"K-kris."

Kahit anong pigil ni Louisse ay napapiyok pa rin siya nang tawagin ang pangalan ng kaibigan ng nobyo.

Humugot muli siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "Kumusta? Nahanap mo na ba si Arthur? Kasama mo na ba siya ngayon?"

Sandaling dumaan ang ilang minutong katahimikan bago tila nadurog ang puso ni Louisse nang marinig ang mga salitang binitiwan ni Kris.

[Louisse, wala sa hotel room niya si Arthur. Sinubukan ko na ring puntahan ang apartment niya pero wala na roon ang mga mahahalagang gamit niya. Louisse, I'm so sorry. Hindi ko na alam kung saan pa hahanapin ang kaibigan ko.]

Kusang nalaglag ang cellphone niya sa kan'yang kandungan. Muling naglandas ang luha ni Louisse saka niya naisubsob ang mukha sa kan'yang palad. Naramdaman na lang niya na kinabig siya ng kaibigan at marahang hinagod ang isa niyang braso.

"Tama na, L.A." pagpapatahan nito sa kan'ya.

"P-paanong...?" tila ayaw sambitin ng kan'yang labi ang mga salitang tumatakbo sa kan'yang isipan. "Paano niya ako nagawang iwan sa ere, Eya? Paano niya nagawa sa akin ang bagay na ito?"

Tila asidong pumapaso sa kan'yang lalamunan ang bawat salitang binitiwan. Ilang minuto rin siyang nag-iiyak sa bisig ng kaibigan. Nang pakiramdam ni Louisse na na-kontrol na niya ang emosyon ay pinahid niya ang natutuyo na niyang luha sa kan'yang pisngi. Determinado na siyang inilayo ang sarili mula sa kaibigan at nagbabalak nang bumaba ng sasakyan nang pigilan siya nito.

"Saan ka pupunta?" nag-aalang tanong ni Eya.

"Ako na ang magsasabi sa mga bisita."

Umiling naman ang kaibigan. "Ako na ang bahala. Mabuting umuwi ka na at magpahinga."

Marahan namang napatango si Louisse at hindi na lamang nakipagtalo pa. Muli niyang naramdaman ang pagkabig nito sa kan'ya at ang mahigpit nitong pagyakap.

"Everything is gonna be alright," anito at muling tinapik ang kan'yang balikat.

Nang makalabas na si Eya ay siya namang muling pagbuhos ng luha niya. Hanggang sa maramdaman niyang unti-unting tumatakbo na ang sasakyan. Sa huling pagkakataon ay muli niyang nilingon ang simbahan na naging dahilan nang tila pagkawasak ng kan'yang puso.

"M-manong sa apartment ko po tayo dumiretso."

Kahit hindi tingnan ni Louisse si Manong Berto ay alam niyang kanina pa ito nakatingin sa kan'ya, mula sa pag-uusap nila ni Eya. Matagal na nilang kakilala ang matanda kaya ramdam niya ang simpatya nito sa kan'ya.

Naipikit na lamang niyang muli ang mga mata. Tila napagod ang kan'yang isip sa araw na iyon. Isama pa ang puso niyang unti-unting dinudurog. Muli nanamang lumandas ang luha sa kan'yang pisngi nang maalala ang nakangiting mukha ng nobyo. Hindi siya makaisip ng magandang dahilan kung bakit hindi siya sinipot nito, pati na rin ang sinabi ni Kris na nawawala na ang mga mahahalagang gamit nito.

Balak mo ba akong takbuhan, Arthur?

Naikuyom na lang niya ang kan'yang kamao dahil sa naiisip na katanungan.


SUOT PA RIN ni Louisse ang kan'yang wedding gown na naghihikaos siyang nakarating sa hospital. Isang tawag ang natanggap niya kaninang lulan pa siya ng bridal car – tawag iyon mula kay Kris. Hindi na nga rin siya nagawang ihatid ni Manong Berto sa kan'yang apartment at doon na sila dumiretso.

Sapo ng kan'yang palad ang kan'yang bibig nang papalapit siya sa isang hospital bed. Nakatakip ang isang puting tela na iyon hanggang sa ulo ng taong nakahiga roon.

Muntik nang mabuwal mula sa pagkakatayo ang dalaga kung hindi lamang naging maagap si Kris.

"K-kris, s-sabihin mong hindi ito totoo," nanginiginig ang boses na tanong ng dalaga.

"Louisse, you need to calm down."

"H-how?" Tila hangin lamang iyong lumabas sa kan'yang bibig. "How can I do that, huh?"

Naramdaman na lang ni Louisse ang bahagyang paghagod ni Kris sa kan'yang braso, pinapakalma siya nito. Sandaling humugot siya ng malalim na hininga bago abutin ng isa niyang kamay ang puting telang nakatakip. Gano'n na lang ang pagbuhos ng luha niya dahil hindi na makilala ang hitsura nito.

Naagaw ang pansin niya ng isang engagement ring na nakasuot sa daliri nito. Doon na tila napanghinaan ng loob si Louisse hanggang sa tuluyan siyang napaluhod.

"Bakit? Matatanggap ko pang hindi mo ako sinipot sa kasal nating dalawa, sa halip na makita kita sa ganitong kalagayan. Arthur, bakit?"

Hindi na napigilan ni Louisse ang mapahagulgol. Naupo na rin sa tabi niya si Kris, dinadamayan siya.

"Louisse, hindi lang si Arthur ang nandirito."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Sandaling dumaan ang ilang segundong katahimikan bago binasag iyon ng lalaki. "P-pati na rin si Lena."

Bumuka-sara ang bibig ng dalaga, hindi maapuhap ang tamang salitang nais niyang sabihin.

Sa tulong ni Kris ay muli siyang nakatayo nang maayos habang pareho nilang nilakad ang kinaroroonan ng kaibigan. Katulad ng nauna, may nakatakip ding puting tela sa kabuuan nito. Hindi na nakayanan pa ni Louisse na muli iyong tanggalin kaya si Kris na ang nagpresinta. Kahit ayaw makita ni Louisse, saksi ang dalawang mata niya na parehong sitwasyon ang sinapit ng nobyo at ng kaibigan.

"Ini-imbestigahan pa ang ilang nangyari sa crime scene. Ayon pa sa mga pulis, sinubukan ni Lena na pigilan si Arthur na umalis. Nag-agawan ang dalawa sa manibela na naging sanhi para mawalan ng kontrol ang sasakyan. Sumabog iyon na naging dahilan ng pagkasunog ng katawan nilang pareho."

Marahas na napailing si Louisse. Hindi niya magawang ma-proseso ang nangyayari. Kanina lamang sa simbahan ay naghihinagpis siya nang dahil sa hindi pagsipot ng kan'yang groom sa kanilang kasal.

"Paanong nangyari ito? H-hindi ko magagawang matanggap ito, Kris. Bakit pati ang kaibigan ko ay nadamay?"

Hindi na niya pinigilan ang sarili na lumapit sa kaibigan. Kahit na hindi na mababakas ang pagkakakilanlan ng hitsura nito ay hindi no'n napigilan ang pagnanais ni Louisse na sapuin ang mukha nito.

"L-lena."

Tila wala sa sariling pinagmasdan niya ang kabuuan ng babae. Hanggang sa isang tila nasunog ng papel ang nakaagaw sa pansin niya. Kinailangan pang magdahan-dahan si Louisse na kunin iyon mula sa kamay ng dalaga.

Nasunog na ang ilang bahagi ng papel ngunit hindi no'n maitatago ang sulat na nakalakip doon.

L.A,

Siguro kung binabasa mo na ang sulat na ito ay wala na ako sa tabi mo, Louisse. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Marami akong bagay na itinatago sa inyo ni Eya na kahit sa hukay ko ay dadalhin ko. Alam kong hindi ako naging mabuting kaibigan. Ngunit maaari ba akong humingi ng pabor? Kung sakaling matagpuan mo ang papel na ito, isa lang ang hihilingin ko. Louisse, I know it's too much but I want you to stay beside Zairus. Sabi ko naman sa'yo, bukod sa'kin ay ikaw ang nararapat para sa kan'ya.

And as for Arthur, he doesn't deserve you. If ever you will know the truth, I'm not begging you to forgive me – us. Don't forgive us. But do me a favor, be there and take care of Zairus Montell.

- Lena.

Marami mang tanong na bumabagabag sa kan'yang isipan ay isa lamang ang kan'yang natitiyak – nang mabasa niya ang huling habilin na iyon ng kan'yang kaibigan ay nangako siya sa sariling tutuparin iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

885K 30.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 36.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.