Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 30

97.5K 2.4K 215
By asherinakenza

STBFL: Chapter 30

Vanalein Rhyme R. Santos

"Enjoy!" Magiliw na paalala ko kay Lexi mula sa kabilang linya, nakwento niya sa akin kahapon na may out of town sila ng asawa niya. Masaya ako para sa kanya, dahil kahit papaano ay natututunan niyang mahalin ang lalaking ipinakasal sa kanya ng mga magulang niya.

"Thank you, Rhyme. Ikaw, mamasyal ka naman. Parang dati lang sinusuka mo ang pagtatrabaho pero ngayon halos yakapin mo na yan." Panunuya niya sa akin, ngumiti lang ako.

"Sira ka." Bulong ko, "O sige na,mag enjoy kayo ng asawa mo." Paalam ko sa kanya bago ko tuluyang pinatay ang tawag.

Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang mga papeles na dadalhin ko sa meeting ko sa Go De Perfumè, alam ko kung bakit ganito nalang ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Makalipas ang isang buwan ay muli kaming maghaharap na dalawa.

"Trabaho lang, Rhyme." Bulong ko sa sarili ko.

Nagring na ang cellphone ko hudiyat na nasa baba na si Stephen kaya nagmadali na akong lumabas ng opisina ko.

"Malaki dapat ang sahod ko, masyado na yatang demanding ang amo ko." Biro niya sa akin!

Hinampas ko ang braso niya. "Kailan lang naman ako humiling sayo na ipagmaneho mo ako, nasira ang sasakyan ko, alam mo namang ilang buwan din yon na nakatengga sa bahay. Hayaan mo at ipapagawa ko na." Natatawang sagot ko sa kanya, kadalasan kasi at sa kanya ako nakikisuyo na ipagmaneho ako sa lahat ng meeting ko, ayoko naman kasing mag-hire ng panibagong driver dahil gastos lang din yon.

Ewan ko ba, natatawa ako sa sarili ko dahil parang natatakot na akong basta nalang gumastos. Naiintindihan ko na ngayon sila Dad kung bakit ganoon nalang sila kahigpit sa akin noon pagdating sa pera.

Dahil ang hirap palang kitain nito. Dugo't pawis mo ang kabayaran bago ka makakuha ng sapat na pera na masasabi mong para sayo talaga.

"Kung kailan ka nagkatrabaho at saka ka nagkuripot." Panunuya niya sa akin na siyang tinawanan ko lang.

"Siya nga pala, next month na yung grand opening ha?" Paalala niya sa akin, napag usapan kasi naming dalawa na maging magkasyoso sa trabaho, mag oopen kami ng panibagong branch ng coffee shop niya pero ako ang main investor niya, at kagaya ng pangarap ko noon, kapag may libreng oras ako ay doon ako sa coffee shop mag aaral ng mga culinary test tungkol sa baking.

"Gosh, pasensya ka na kung hindi ako nakakapunta sa site." Sambit ko.

"It's alright, masyado ka nang maraming tinatrabaho and besides kaya ko naman 'to." Nakangiting aniya habang nagmamaneho.

"Sigurado ka bang kaya mo?" Usisa ni Stephen bago pa ako tuluyang pumasok sa building ng Go De Perfumè, alam niya kung sinong kameeting ko ngayong araw na ito.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti. "Hindi naman ako pupunta dito kung hindi ko kaya." Sagot ko sa kanya.

Tinitigan niya lang ako na para bang naninigurado siya at napapitlag ako nang yakapin niya ako. "Kapag hindi mo kaya tawagan mo lang kaagad ako, hintayin kita dito sa labas." Bilin niya, ngumiti ako. Mabuting kaibigan si Stephen, iyon na siguro ang huling masasabi ko patukol sa kanya, nagkasakitan man kami noon pero alam kong hilom na ang sugat namin sa bawat isa at masaya akong maging magkaibigan kaming dalawa sa panahong ganito.

Mabigat na hakbang ang ginawa ko patungo sa loob ng building ng kumpanya nila. Sumalubong sa akin ang dating receptionist na nakasagutan ko noong unang beses na makapunta ako dito, tumakas ang ngiti sa labi ko sa alaalang nakipag away pa ako sa kanya.

May mga bumati sa akin at may ilang din naman na nakatingin lang. Mabibigat na paghinga ang pinakawalan ko nang makasakay na ako sa loob ng elevator.

"Noong unang punta mo dito, nadatnan mong may kahalikan si Andres." Natatawang bulong ko sa sarili.

Sana ganoon nalang ulit, yung panahong nakita ko siyang may ibang kahalikan ay hindi manlang ako naaapektuhan. Yung tipong balewala lang sa akin iyon dahil hindi ko pa siya mahal noon.

Sana bumalik yung panahong, hindi ko pa siya nakikilala. Hahayaan ko nalang na makuha nila Dad ang kotse at atm cards ko. Sa ganoong paraan siguro ay hindi na sana kami nagkasakitan pa.

Labis ang kabang nararamdaman ko nang tumunog na ang elevator, nasa palapag na ako ng opisina ni Andres.

Marahan kong dinala ang sarili ko patungo sa tapat ng pinto at kumatok ng dalawang beses, ilang sandali pa ay dahan dahang bumukas iyon at iniluwa noon si Andres na titig na titig sa mga mata ko. Nanghina ang binti ko at nanlamig ang kamay ko dahil sa kaba at lalim ng titig niya sa akin.

Malamlam ang mga mata niya at halata sa mukha niya ang depresyon, ni hindi manlang siya nag abalang mag shave kahit na alam niyang haharap siya sa meeting ngayong araw na ito.

"Good morning, ready for the advertising meeting?" Pinilit kong patatagin ang boses ko upang tabunan ang kabang nararamdaman ko ngayong kaharap ko siya.

"Ah..yes." Mahinang bulong niya at nilakihan niya ang bukas ng pintuan upang makapasok ako.

Nauna na akong maglakad sa kanya at hindi ko mapigilan ang mahigpit na pagkapit ko sa mga papeles. Ganoon pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya, pagmamahal na nahahaluan ng hinanakit.

Umupo ako sa mahabang sofa ng opisina niya at doon naman siya sa kaharap ko. Pilit kong iniiwasan ang mga titig niya.

"Na-email na sa akin ni Mr.Go ang tungkol sa new perfume ng kumpanya, kailangan nalang pag aralan kung paano i-a-advertise. I also heard na hindi ka tumatanggap ng mga artista para i-endorse ang mga product niyo. Mas gusto mong mag-pa-audition ng mga bago." Litanya ko, inilatag ko sa center table ang mga papeles pero nararamdaman kong nakatitig pa rin siya sa akin.

"Pero, naisip kong mas maganda kung kilalang personalidad ang kukuhanin natin. Paano mabebenta ang mga yan kung hindi artista ang mag-e-endorse. Hindi lang kayo ang malulugi, pati na rin ang advertising company namin." Patuloy ko.

Hinayaan ko lang siyang nakatitig sa akin habang patuloy ako sa pagsasalita, pero hindi ko na nakayanan iyon kaya hinuli ko na ang mga titig niya kahit na alam kong manghihina ako.

"Itutuloy pa ba natin 'tong meeting na 'to? O ako lang ang magsasalita hanggang sa matapos 'to?" Sermon ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at saka tumayo, "I'm sorry, wala ako sa wisyo magtrabaho." Pag amin niya sa akin na nagpabilog sa dalawang mata ko.

"Malaking pera na ang nawala dito tapos yan lang ang isasagot mo sa lahat ng nireport ko sayo?" Naiinis na pahayag ko sa kanya, tumungo siya doon sa swivel chair upang doon maupo, binuksan niya ang laptop niya at itinutok ang mga paningin doon. Tumayo ako at naglakad ako papunta sa harap niya.

"H'wag na tayong magpanggap, Vanalein. Alam nating dalawa na hindi pa rin tayo maayos." Bulong niya na hindi ako pinagbibigyang pansin, nanikip ang dibdib ko at nararamdaman ko nanaman ang pag iinit ng dalawang mata ko.

"I'm just doing my job, Andres." Mariin na sagot ko sa kanya na naging dahilan upang balingan niya ako.

"Just leave the papers, ako na ang bahala. H'wag mo nang pahirapan ang sarili mo, malalim ang paghinga sa pagitan ng pagsasalita mo, I know, ayaw mo akong makita. Nararamdaman ko." Malamig na aniya, nanlambot ang puso ko at pakiramdam ko ay bibigay nanaman ito sa sakit.

"Napaka-unprofessional mo." Nanginginig ang boses ko nang ibulong ko yon.

"Pagdating sayo hindi ko kayang maging professional, bakit? Hindi ko kayang magpanggap na hindi ako nasasaktan habang naririnig ko ang malalim mong paghinga na punong puno ng hinanakit dahil sa akin." Matigas na pahayag niya na nagpahina sa binti ko, namamawis ang kamay ko sa sobrang kaba at pinipiga ang puso ko sa bawat salitang binibitawan niya.

"Just leave that fucking papers and I will send my secretary para sa mga susunod na meeting." Aniya, pinag hirapan kong gawin ang mga papeles na iyon pero hindi ko naman akalain na babaliwalain niya lang. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko sa galit sa kanya.

Nanginig ang lalamunan ko at hindi ko na kinaya pang pigilan ang pagtulo ng luha ko. Kita ko sa mga mata niya ang hinanakit, maging pakiusap niyang h'wag akong umiyak ay nakikita ko sa mga mata niya.

"Alam na alam mo talaga kung paano ako paiiyakin." Sumbat ko sa kanya.

"Leave, Vanalein. I don't wanna see you crying. Naninikip ang dibdib ko." Nahihirapang pakiusap niya sa akin.

Naninikip at kumikirot din ang dibdib ko. Mas lalo kong pinagtagpo ang mga mata namin at may kung anong tumusok sa puso ko nang dahan dahan kong makita ang pagbagsak ng luha ni Andres.

"I really hate myself for loving you this much." Humihikbing bulong ko na nagpaangat sa labi niya.

Pilit kong pinunasan ang luha ko pero panay pa rin ang pagtulo nito.
"You told me I was the best, that's why I did everything to be the best for you, to be perfect for you."
Nakakatawang isipin na kahit gaano kasakit ang nararamdaman ko para kay Andres ay nagagawa ko pa rin siyang mahalin, nagagawa ko pa ring magpasikat sa kanya para lang mapatunayang hindi siya nagkamali sa sinabi niya sa akin noon na ako ang the best para sa kanya.

"You made me realize that you don't need a better woman, because you are happy with someone like me who's always the best for you." Umiiyak na sumbat ko sa kanya, oo alam kong maling sumbatan ko siya, pero hanggang kailan ko itatago lahat ng hinanakit ko para sa kanya.

"Pero mali pala ako, because the better person will always be the best for you." Nakangiti pero patuloy ang pag iyak ko.

"Vanalein.." Garalgal na tawag niya sa akin, hanggang ngayon ang laki pa rin ng epekto noon sa akin. Sobrang nagwawala pa rin ang puso ko sa tuwing tatawagin niya ako sa ganong paraan.

"I'm sorry, kung hindi ako naging better person para sayo. Siguro kung hindi ako nagpaka the best para sayo, hindi mo na sana ako mapapaiyak ng ganito." Pagtatapos ko bago ko siya tuluyang tinalikuran.

Panay ang paghabol ko sa hininga ko dahil sa hikbing kanina ko pa pinapakawalan. Ramdam ko ang titig ng mga staff ni Andres sa akin dahil sa walang tigil na pag iyak ko pero binalewala ko ang mga pagtiyig na iyon, pilit kong pinipindot ng paulit ulit ang elevator para bumukas na ito pero hindi ako sinusunod nito.

Naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin ang sakit na nararamdaman nito ngayon.

"Please.." Pakiusap ko habang paulit ulit kong pinipindot iyon.

Pero napahinto ako nang maramdaman ng pulso ko ang pamilyar na paghawak niya sa akin. 
Bumaling ako sa kanya at tumingala ako upang mapagmasdan ang umiiyak na mga mata niya habang malalim ang titig sa akin.

"Bwisit na elevator, bakit ayaw bumuk--" Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis niyang angkinin ang labi ko!

Nanlambot ang binti ko at napapikit ako sa mainit at marahan na paghalik sa akin ni Andres, sandaling halik na nagpawala sa puso ko.

"I'm..I'm sorry, you are enough, Love, just as you are." Umiiyak na sambit niya at saka ikinulong niya ako sa bisig niya.

***
A/N: Tragic ending nga kasi to, wag na tapusin! Hahaha! Pasensya na po kayo sa napaka tagal na pag a-update ko. Ngayon lang kasi ako ulit nakatikim ng day off, napakasarap palang mag day off. Hahaha! Salamat po sa patuloy na paghihintay ng update! :)

Love lots :*

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

463 86 43
Heyza Garcia hates all men because of what happened in the past. He despised and feared them at the same time. But one thing led to another, he met a...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
30.8K 680 44
(Us Against The Fate Series #1) Behind that strong and brave woman, there is a weak and broken one who's asking for forgiveness repeatedly. A cold a...