My Anonymous Online Boyfriend...

By Queen_Loreen

5.3K 1K 2.2K

Online dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who... More

My Anonymous Online Boyfriend
émpnefsi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Epilogue
Writer's Reminder

Chapter 42

92 21 47
By Queen_Loreen

Today will be one of the most exciting and memorable day of my life. Me and Nick will be hanging out together. Pinaghandaan ko ang araw na ito dahil sabi ni Nick, pagkatapos nito ay marami na naman siyang aasikasuhin—busy na naman daw siya. I understand him as well as his situation. Graduating student na kasi siya kaya marami rin siyang dapat na asikasuhin at matapos dahil iyon ang mas importante.

"Kuya, dito na ako." Bago ko pa man tanggalin ang seat belt ko at buksan ang pinto ng kotse ay muli akong tinawag ni kuya.

"Dalawa lang kayo?" seryoso niyang tanong sa akin habang nakatingin siya sa rear view mirror ng sasakyan.

"Opo, kuya..." kabadong sagot ko.

"Mag-iingat ka. Tawagan mo 'ko 'pag kailangan mo nang makauwi," dagdag pa niya. Agad naman akong tumango at nginitian siya bago ko tanggalin ang seat belt ko.

"Opo, kuya. Ingat ka sa work mo." I opened the car's door and stepped outside. Padabog kong isinara ang pinto, hindi ako galit. Gano'n lang talaga ako magsara ng pinto.

Nagulat na lang ako nang bumusina si kuya ko. He gets angry whenever I do that—I mean all the time. Tinuturuan niya ako kung paano magsara nang maayos at hindi padabog, ngunit hindi talaga ako natututo at hindi ko talaga maintindihan. That's why he gets mad at me everytime I do that. Bad trip siya lagi sa akin.

"Sorry, kuya!" Kumaway ako sa bintana kahit na hindi ko nakikita ang loob ng kotse. Alam kong nakakuyumos na naman ang mukha ni kuya.

Muli siyang bumusina, signaling me to keep walking since he'll leave. I waved at him for the last time before he drove away. Nagsimula akong maglakad sa gilid upang makaiwas sa mga kotseng mabibilis magpatakbo. I'm already here, but Nick haven't replied to me yet. Basta't ang alam ko ay late siyang makakarating dahil may inaasikaso pa raw siya, pero dadating daw siya.

I looked at my wrist to check the time on my watch. "3:32 pa lang pala," bulong ko habang patuloy na naglakakad.

Kaya naman pala matagal-tagal pang makakarating si Nick, maaga pa pala ako. Ang napag-usapan kasi namin kahapon ay 4:00 in the afternoon. Siguro masyado akong excited kaya napaaga ang punta ko.

Si kuya Jin naman masyadong pagod, kaya minsan ay late na siyang pumasok sa work niya. He's already earning money, kaya nabibili niya ang gusto niya, pati kami ay nabibilhan na niya. Nakakatulong na rin siya sa expenses namin sa bahay, kaya kaunti na lang ang nagagastos ni mama sa padala ni papa tuwing unang linggo ng buwan.

Today I am wearing a red striped crop top, a high-waisted black jeans and and a white sneakers. Hindi ako masyadong maarte sa buhok ko kaya nakalugay lang ako, pero maayos naman at bagsak na bagsak. As usual, I always bring my beige colored sling bag kung saan nakakabit ang Sasha chibi keychain ko. May hawak-hawak akong panyo pampunas ng pawis at cell phone kung sakali mang tumawag si Nick.

"Nakakagutom ah." I scratched my nape and started searching for a restaurant.

Marami akong nadadaanan, pero wala akong mapili. Sabi ng tiyan ko, kumain na ako at magpakabusog, ngunit ang sabi naman ng utak ko ay huwag at antayin ko na lang si Nick sa isang tabi at manahimik. Since mas matimbang ang utak ko, ihahagis ko na lang ito para bawas bigat din sa katawan ko, joke.

It feels so awkward and weird when you're walking without anyone beside you. So, I switched on my phone once again to check the time. "Alas kwatro na." Saglit akong napatigil sa paglalakad at nakahanap ng puwede kong maupuan. "Dito muna ako."

Habang abala ako sa pag-scroll sa social medias ko ay bigla na lang akong naka-receive ng tawag. When I noticed that it's from Nick, I quickly answered the phone call. "Hello?"

"Hello, Mel?"

"Malapit ka na ba?" tanong ko.

"Oo, papunta na ako. Mauna ka na sa seaside. Kita na lang tayo malapit do'n sa ferris wheel, puwede ba?"

"Hmm, sige. Bilisan mo ah?" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at inayos na muna ang pantalon ko.

"Oo, sorry sa pag-aantay ha? Medyo importante kasi 'tong inasikaso ko. Don't worry, papunta naman na ako."

"Okay, ingat ka. Pupunta na ako sa seaside." Muli kong narinig ang boses niya pagkatapos kong magsalita kaya inilapit ko pa ito sa kaliwang tainga ko.

"Ingat!" Hindi na ako sumagot, basta't ibinaba ko na ang tawag at nagsimulang maglakad.

***

Habang nag-aantay kay Nick dito sa seaside, malapit sa ferris wheel—naisipan ko munang bumili ng inumin kong tubig. Medyo mainit pa rin ang sikat ng araw kasi alas kuwatro pa lang. Napabili tuloy ako ng tubig nang wala sa oras, mabuti na lang at may dala akong payong dito. Kaya ginamit ko muna ito.

"Melissa!"

"Melissa Keistyn!"

I started searching for someone who have been calling out my name. When I spotted that person, I saw Nick waving both of his hands at me. Siya na rin ang lumapit sa akin para hindi na ako bumaba rito sa mataas kong inuupuan.

"Hello! Gutom ka na ba? Nananghalian ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Since napapansin kong natatamaan siya ng sikat ng araw, inusog ko nang kaunti ang payong sa kaniya upang hindi siya mainitan at masilaw.

"Kumain naman na ako, bonding tayo! Gusto ko mag-bike e."

Tinulungan niya akong makababa sa inuupuan ko at hinawakan ang payong para sa akin dahil mas matangkad siya. Nagsimula kaming maglakad papunta sa bike, kung saan puwedeng mag-arkila.

"Gusto ko rin no'n e, magkano na nga ulit ang arkila ro'n ng isang bike?" tanong ni Nick sa akin.

"Depende ata kung ilang minutes or hours mong gagamitin 'yong bike. Okay na sa akin kahit 15 minutes lang," sabi ko kay Nick.

"Sige, libre na kita." Halos tumalon ako sa tuwa nang marinig ko iyon mula kay Nick. Nakita ko naman ang ngiti sa labi niya.

"30 pesos lang naman ata 'pag less than 30 minutes 'no?" I shrugged my shoulders.

Habang tumatagal ay mas lalong nagiging malamig ang paligid namin dahil malapit na ring lumubog ang araw. Habang tumatagal din ay mas dumarami pa ang taong nagpupunta rito, may dala-dalang pagkain o kaya naman ay sasakay ng rides. Iba ang trip namin ni Nick ngayon, ang magbisikleta at libutin ang buong seaside.

"Magkano po ang bayad 'pag 15 minutes lang po, kuya?" tanong ni Nick sa nagpapa-arkila ng mga bike.

"30 pesos lang po. Kapag 30 minutes po ay 60. Isang oras naman po ay 110 pesos," sagot ng lalaki sa kaniya.

"15 minutes lang po, dalawa po aarkilahin ko."

Habang si Nick ay abala sa pakikipag-usap sa lalaki, ako naman ay nag-aantay lang dito na para bang prinsesa. Sarap ng buhay e 'no? Gano'n talaga kapag gentleman ang kasama mo. Nagtataka nga rin ako kung bakit hanggang ngayon, wala pa ring napupusuan si Nick o kaya naman ay girlfriend na.

"Mel, tara na," yaya ni Nick sa akin.

Agad ko namang nilapitan ang isang bisikleta at umangkas na. Hilig ko na talaga ang pagbibisikleta simula pa noong bata ako. Lagi kaming umiikot nila kuya sa village gamit ang mga bike namin, ngayon na lang ulit ako nakasakay ng bike dahil nitong lumaki na ako ay mas naging abala na ako sa pag-aaral ko. Kaya, natutuwa ako ngayon na muli na naman akong makakagamit ng bisikleta kasama pa si Nick.

"Una na ako ah?"

"Wait lang, antayin mo 'ko!" Lumingon ako kay Nick, aangkas pa lang siya sa bike niya, samantalang ako ay ready nang magpidal.

"Una na ako!" pang-aasar ko sa kaniya at nagsimula na akong magpidal.

"Hoy! Mel! Gano'n ah... okay!" Dinig ko sigaw niya mula sa malayo habang ako naman ay naka-pokus lang sa dinadaanan ko at nakangiti.

"Paunahan pala ah?" Dinig ko ang boses ni Nick na ikinagulat ko dahil nasa isang gilid na rin siya at kasabay ako.

"Joke lang! Antayin mo 'ko!" Ngayon ay ako naman ang nagrereklamo habang siya ay tawang-tawa.

"Kaya mo 'yan!" sigaw niya.

"Wait!"

Talagang sinulit at inubos namin ang kaunting minuto namin sa pagbibisikleta. Paikot-ikot lang din kami sa seaside at madalas ay nag-uunahan. Nang matapos kami ay muli naming ibinalik ang bisikleta at kumain muna ng meryenda. Si Nick na ang nagpunta ng Jollibee upang bumili ng coke float, fries at burger. Nilibre na naman niya ako at hindi naman ako makatanggi dahil ayaw kong madismaya siya.

"Sarap talaga ng burger nila 'no?" sabi naman ni Nick sa akin at agad akong tumango dahil may laman ang bibig ko.

"Sobra," sagot ko at pinunasan ang bibig ko gamit ang tissue.

"Nag-enjoy ka naman ngayon?"

"Oo naman 'no! Minsan lang din 'to mangyari kasi busy na tayo sa pag-aaral natin," sagot ko at muling kumagat sa burger na hawak ko.

"Oo nga e... hindi ko na rin alam kung... kailan ulit tayo magkikita." Napansin kong napatigil si Nick sa pagsubo ng pagkain niya at naging abala sa hawak niyang cell phone.

Kapansin-pansin din para sa akin ang matamlay niyang ngiti habang nakatitig sa phone niya. So, I nudged his shoulder. "Ba't malungkot ka? Nag-away ba kayo ng baby mo?"

"Baliw, wala ako no'n. Nag-chat na kasi 'yong kaibigan ko—'yong lagi mong kinukumusta—"

"O, bakit daw?" mabilis kong tanong sabay kuha ng fries sa lalagyan nito.

"Papunta na raw siya rito. Gusto ko na rin siyang ipakilala... sa'yo..." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon.

"Hoy! Baliw! Nirereto mo 'ko sa kaniya?!" Napahampas ako sa braso niya at tinaasan ko rin siya ng isang kilay.

He didn't reply, he just stared at me while I see his weak smile. "Gusto kong... makilala mo siya..."

"Ulit..."

***

5:32 in the afternoon, malapit nang lumubog ang araw. We're still waiting for Nick's friend to show up. Paparating na raw siya sabi sa akin ni Nick, at hindi ko alam kung bakit gusto akong ipakilala ni Nick sa lalaking iyon. Siguro dahil dati ay napapansin niyang madalas kong natatanong ang kaibigan niya sa kaniya, at gusto ko ring makilala nang kaunti ang kaibigan niya.

"Ayan na siya." Bigla akong kinabahan nang marinig ko si Nick. Kung saan nakatitig si Nick ay napatingin na rin ako roon.

Nick's friend is tall just like him. Malaki ang ipinagbago niya, ngunit natatandaan ko pa rin ang mukha niya noong junior at senior high school pa lang ako. Namumukhaan ko pa rin siya kahit may pinagbago ang itsura niya pati ang katawan niya. Nakatulala lang ako sa kaniya hanggang sa makalapit siya kay Nick. Inakbayan siya ni Nick at nakangiting humarap si Nick sa akin.

"Melissa, I want you to meet Clyde."

Clyde stared at me. Hindi maipinta ang mukha niya. Parehas kaming natahimik at hindi maibuka ang bibig. Dahil sa sobrang hiya ko ay bahagya akong ngumiti kay Clyde at napayuko na lang habang iniipit ko ang buhok ko sa kaliwang tainga ko.

"Kumusta ka na?"

"Mel..."

My eyes widened as I slowly lifted my head up. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko kaya napalunok na lang ako habang nakatitig sa kaniya nang matapos siyang magsalita.

He is not just a no one, he is a someone.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
53.5M 381K 66
Stay connected to all things Wattpad by adding this story to your library. We will be posting announcements, updates, and much more!
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
33.6K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...