My Anonymous Online Boyfriend...

By Queen_Loreen

5.3K 1K 2.2K

Online dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who... More

My Anonymous Online Boyfriend
émpnefsi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Writer's Reminder

Chapter 39

80 21 51
By Queen_Loreen

September 6, 2018

Today is my 18th birthday. Everyone is present as well as my father. Umuwi talaga siya rito upang makasama akong mai-celebrate ang 18th birthday ko. Simple lang naman ang birthday ko dahil hindi puwede sa relihiyon namin ang makipagsayaw, ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoong Diyos dahil ginabayan niya ako at hindi pinabayaan. Dinagdagan muli niya ng numero ang aking edad, at hanggang ngayon ay walang kulang sa amin at hindi kami nagkakasakit nang malala.

"Happy birthday!" Chiena gave me a tight hug.

Kanina pa sila nanditong tatlo nina Lory at Tasha. As usual, tumulong sila kila mama't papa upang maluto na agad ang mga handa. Hindi pa rin ako makapaniwala na nadagdagan na naman ng numero ang edad ko. Parang kailan lang nang mag-birthday ako ng sweet 16th ko. Si kuya Jin ay 3rd year college na, graduating student na siya next year. Si Kai naman ay grade 11 na this school year at ako ay grade 12. Actually, papaalis na ako bilang senior high school student, ilang buwan na lang din ay college na ako sa susunod na pasukan. Parang dati lang ay grade 7 pa ako at pangiti-ngiti lang sa mga teachers kong tinatambakan kami ng assignments.

"Ang ganda mo talaga!" Sa sobrang panggigigil ni Lory sa akin ay kinurot niya ako sa braso ko.

I groan in pain and took a deep breath before turning my head towards her. "Ang sakit! Ikaw kaya kurutin ko—"

"Joke lang! I love you! Happy birthday ulit!" Muli niya akong niyakap at nang tawagin siya ng mama niya ay agad siyang naglakad papunta roon.

Ang venue namin, dito rin sa bahay. Malaki naman ang bahay namin kaya kasya ang maraming bisita. Ngayon, napapalibutan ako ng mga taong nagmamahal sa akin at sinusuportahan ako. Pati ang mga readers ko ay nabati na rin ako sa social medias ko. Marami silang pasabog na ginawa sa akin, pero hindi ko pa sila masyadong naaasikaso at napapasalamatan dahil busy rin ako sa personal life ko, but I promised that I will be present later at our group chat. The group chat I made for my readers.

"Ate, happy born day." Lumingon ako sa likod ko at nakita si Kai.

Hindi ko maiwasang yumakap sa kaniya. Mas natangkaran na niya ako at patuloy pa rin siyang tumatangkad. Mas matanda na siyang tingnan kaysa sa akin, at parang ako ang bunso sa amin. Medyo malalim na rin ang boses niya at nagma-mature na rin ang katawan niya. Hindi pa rin niya nililigawan si Lory dahil hindi pa raw pwede sabi ng mama't papa ni Lory. Mag-antay raw silang dalawa hanggang sa makatungtong sila ng bente anyos.

"Sana magbago ka na, 'wag ka nang maging maldita—" Napasampal ako sa kaniya nang wala sa oras ngunit hindi naman gaanong malakas.

"Baliw... 'di naman ako maldita ah," nakangiting sabi ko.

"Wow? Nagsalita na naman ang ate kong pusit—"

"Ah talaga? Mamaya ka sa 'kin, marami akong ihahampas sa'yo." Inakbayan niya ako.

"'Di joke lang. Love kita kahit maldita ka. Actually... 'di ka naman talaga maldita... pasaway lang ako kaya naiinis ka sa 'kin."

"May tama ka! Tamang-tama ka!" Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa muli siyang nagsalita.

"Puwede nang mag-boyfriend, ate. Puwede naman si kuya Nick pero... dapat ayusin niya 'yong panliligaw sa'yo," bulong niya sa akin habang nakatitig kay Nick na kanina pa nakikipag-usap sa mga kamag-anak namin.

Ang ngiti sa labi ko ay bigla na lang naglaho. Hanggang ngayon, wala pa rin akong pagtingin kay Nick, ngunit hindi siya tumitigil sa panliligaw niya sa akin. He still gives me gifts, but the hello wafer—not anymore. Isang taon na niya akong hindi nabibigyan ng wafer na iyon, at nagtataka ako kung bakit. Imbis na hello wafer at red rose ang natatanggap ko mula sa kaniya, puro toblerone na ngayon. Nagtataka ako pero hindi ko na binabanggit sa kaniya. It's fine with me since he is willing to give those to me.

"Hindi ko pa alam kung sasagutin ko siya... parang... hindi ko naman din kasi siya... nagugustuhan," sagot ko sa kapatid ko.

Halos isang taon na rin, isang taon na nang mawalan kami ng koneskyon ni Zach sa isa't isa. Binibista ko pa rin naman ang conversation namin at binabasa ang mga kabaliwan namin. Sad to say, hindi na siya gaanong active sa account na iyon. Madalang na lang siyang nagbubukas. Siguro nakagawa na rin siya ng bagong account niya at pinalitan ang pangalan niya para hindi ko makita at ma-add friend. Ang keychain na ibinigay niya sa akin, nasa akin pa rin hanggang ngayon—nasa bulsa ko lang. Kaya hirap akong magmahal hanggang ngayon dahil si Zach pa rin ang laman ng puso ko. Hindi pa rin ako nakaka-move on, mahal ko pa rin siya.

"Dapat sinasabi mo 'yan sa kaniya, ate. Masakit 'yan sa kaniya, umaasa siyang may pag-asa siya sa'yo, pero ang totoo... wala talaga kasi ayaw mo," bilin ni Kai sa akin. Sumimangot ako sa kaniya nang tingnan niya ako.

"Bakit hirap ka, ate? Bakit? May iba ka bang... napupusuan?"

Mabagal akong tumango at basta na lang nanghina ang katawan ko nang matanong ni Kai sa akin iyon. Parang nawalan ako ng lakas, nawalan ako ng saya at lumayo ang kasiyahan ko sa akin. Matagal na iyon, ngunit hindi pa rin mawalay sa isip ko. Ang araw na iniwan niya ako at hindi na nagparamdam.

"O-oo, pero... wala na akong pag-asa... kasi hindi ko naman siya lubos na... nakilala..."

Yes, I never met him in person, I never saw him virtually, but I can still hear his voice inside my head. The only thing I knew about him was his voice that is still playing inside my head like a song with a good rhythm.

***

"Happy birthday, nak." Inakbayan ako ni papa at hinalikan ako sa ulo.

Isa ito sa mga pangarap ko, ang makasama si papa sa birthday ko at maka-bonding siya kasama kami. God gave me the best gift this year, and I am very thankful to Him for continuously providing us numerous blessings.

Patapos na rin ang celebration ng birthday ko, nagkakainan na ang lahat ngayon. Si Nick ay nakita kong kausap ang dalawang kapatid ko. Hindi siya makakain nang maayos dahil napapalibutan siya ng dalawa at kinakabahan siya sa kanila dahil marami silang naitatanong sa kaniya. Bantay-sarado nila si Nick at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman kami gaanong nagkakalapit ni Nick dahil ayaw kong makita kami nina mama't papa.

"Masaya ka ba ngayon, Melissa?" tanong ni papa sa akin.

Bago pa man ako makasagot ay niyakap ko si papa. "Opo, papa."

"Thank you po kasi umuwi ka rito para makasama akong i-celebrate ang birthday ko," pagpapasalamat ko.

Noong isang araw pa dumating si papa, at pagdating niya, wala siyang inasikaso kundi kaming pamilya niya at ang parating na birthday ko na nagaganap na ngayon. Simple lang ang birthday ko, masaya naman ako. The people I love are all here, except for one person. He never made it, I thought he will be able to celebrate my 18th birthday with him, but I was wrong.

"Saglit lang si papa rito, anak."

"Saba maintindihan mo iyon." Ang yakap ko kay papa ay itinanggal ko at sumimangot sa kaniya.

"Alam ko po, papa. Nalulungkot po talaga ako... pero sana makabalik ka ulit dito," sagot ko sa kaniya at muli niya akong nginitian.

"Oo naman, babalik ako." Inilibot ko ang mga mata ko sa aking paligid at pinagmasdan ang mga taong nakapaligid sa amin na may iba't ibang gawain.

"Lumalaki na kayong magkakapatid, parang dati... binubuhat ko pa kayo. Ngayon, hindi ko na kaya... malalaki na kayo ngayon." Dinig ko ang pagbuntong hininga ni papa, ngunit alam kong masaya siya, masaya siyang binabalikan ang nakalipas na panahon kasama kaming pamilya niya.

"Basta lagi mong tatandaan, Mel... huwag ka munang magpapaligaw ha?"

"Ikaw lang ang anak kong babae kaya pahahalagahan kita at iingatan hangga't maaari."

Everytime they tell me these words, I can't help but to feel guilty. They didn't have any clue that I already had one before, and I actually feel sad about it because I thought we will be able to make it, but no. He gave up and left me. Tama nga ang pangaral at bilin sa akin ng mga magulang ko pati na rin ng mga kapatid ko. Love can hurt us in many ways, the deeper you love, the deeper you'll hurt yourself too in the end. So now, I am suffering because of my choice that didn't work well and the way I wanted it to be. He left me wounded, and this wound will remain a scar.

"Alagaan mo ang sarili mo, Melissa. Iwasan mo muna ang umibig sa isang lalaki hangga't maaari. Iyan ang puwedeng maging sanhi ng lungkot at pagkawasak ng puso mo."

***

I stared at the portrait Tasha painted for me. The gift she gave to me when I turned 16. It's still here, I always imagine that this is the exact face of Zach, but sadly, he's not here anymore.

"Iniwan mo ako, tingnan mo naman... hanggang ngayon, hinahanap-hanap pa rin kita," sabi ko habang nakatitig sa painting. I am curled up in a ball while sitting on this chair beside my studying table.

"Marami tayong pangarap, 'di ba?"

"Marami tayong pangako sa isa't isa?"

"Ngayon, tingnan mo... hindi ko alam kung nasaan ka na at ano na ang nangyayari sa'yo. Wala na akong balita sa'yo... hindi ko pa nalaman kung ano ang itsura mo." A tear escaped my left eye, but I quickly wiped it using my index finger.

"Kahit umiyak ako nang umiyak dito... wala naman nang mangyayari kasi hindi ka naman na babalik."

"Iniwan mo na lang ako nang basta-basta." Itinaas ko ang hawak kong keychain at ipinakita ito sa painting.

"Ito, ito 'yong iniwan mo sa akin, pero may isa ka pang iniwan." Tinuro ko ang dibdib ko malapit sa puso ko.

"Dito, may iniwan ka rito. Sakit, sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin." Ibinaba ko ang hawak kong keychain at ngumisi.

"Nahihirapan ako sa araw-araw. Halos isang taon na akong hindi makatulog nang maayos."

"But I hope you'll find someone you'll never hurt. Love her, care for her, make her happy, and let her feel that she is important to you." Muli kong ibinalik ang titig ko sa painting at bigla na lang tumulo ang luha ko.

"I hope you'll treat her better than what you did to me. I am the diamond, and she is the gold."

"If it's hard to find diamond, it's harder to find gold. So, if you found gold, keep it and never let go of it. It's precious, so it should be treasured and valued."

Continue Reading

You'll Also Like

39K 1.1K 33
Meet Scarlett Davina Del Louise Grande, a woman whom everyone calls PLAYGIRL, posing as a lesbian to prevent what happened years ago but even as her...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
720M 11.4M 114
Tessa Young is an 18 year old college student with a simple life, excellent grades, and a sweet boyfriend. She always has things planned out ahead of...
631K 16K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...