My Anonymous Online Boyfriend...

By Queen_Loreen

5.3K 1K 2.2K

Online dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who... More

My Anonymous Online Boyfriend
émpnefsi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Writer's Reminder

Chapter 36

78 20 101
By Queen_Loreen

"Kuya, hahatid mo ba kami?" tanong ko kay kuya habang isinusuot ko ang sapatos ko.

"Sa'n ba ang punta niyo?"

"Sa Makati raw gusto nila e..."

Sabay-sabay na napatingin sina mama, Kai at kuya sa akin habang may pagtataka sa mga mukha nila. Nagulat din ako kasi nagpaalam naman na ako kay mama, pero parang nakalimutan o hindi niya ata narinig na sa Makati ang punta namin. Tango na lang kasi siya nang tango kanina habang nagsasalita ako. Baka hindi niya ako pinapakinggan kanina kasi busy siyang magluto.

"Makati? Ang layo naman—"

"Hindi, mama... isasama ko na lang si kuya, 'di ba?" 

"Kuya, nando'n si kuya Niel. Bonding daw kayo."

Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa akin, samantalang ako ay kanina pa daldal nang daldal. Don't tell me hindi nila ako papayagan, kung kailan nakabihis at nakaayos na ako, do'n pa sila hindi papayag.

"Ma, kasama naman po namin si kuya."

"Oo pala, ma. Napag-usapan kasi namin ni Niel na mag-bonding ngayon," dinig kong sagot ni kuya.t

"'Wag kayong paaabot ng gabi, ingatan mo 'yang kapatid mo Jin... iba na ang panahon ngayon," paalala ni mama kay kuya.

Bago pa man umakyat si kuya sa taas ay binigyan niya ang ng seryosong tingin. Totoong magkikita sila ni kuya Niel, hindi lang talaga prepared si kuya kasi tinatamad siyang umalis, pero dahil mahal niya ako, sasamahan niya ako—just to make sure that I am safe.

"Gala ka nang gala, ate. Saan na naman ang punta niyo ni kuya?" Umupo si Kai sa tabi ko tinaasan ako ng isang kilay.

"Aalis, malamang! Kasama ko naman si kuya kaya walang mangyayaring masama sa akin, okay?" sumbat ko sabay irap.

"Ba't 'di niyo kasi ako isama 'no? Kayong dalawa lang laging umaalis—"

"Wow ha? Ang kapal talaga... nagsalita pa ang laging late umuwi ngayon kasi nakakagala na sa hapon," I said as I crossed my arms and raised an eyebrow.

"Nagsalita ang mabunganga kong ate na akala mo taong bahay," madiin niyang sumbat sa akin.

"Walang introvert na gala nang gala ha? Walang gano'n, ate—"

"Kung sasampalin kita bakit 'di pa ngayon 'no?" inis kong sabi sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.

Kanina pa kasi siya nang-iinis. Paborito akong i-bully, pagtripan, at kung anu-ano pang kabalastugan. Hindi niya magawang i-bully si kuya lagi dahil madalas ay seryosong tao si kuya. Ayaw niyang may nangungulit sa kaniya, lalo na kapag busy siya at mas importante ang dapat niyang tapusin. Kaya itong si Kai, ako ang laging target. Simula pagkabata namin hanggang ngayon, ako ang inaasar niya.

"Gala pa, ate. Gala pa. Libutin mo buong mundo para pagbalik mo rito ugod-ugod ka na—" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay sinabayan ko siyang magsalita habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa dalawang tainga ko.

"Wala akong naririnig, wala akong naririnig... may naliligaw na kaluluwa..."

"Ipagdadasal ko na lang 'yong ligaw na kaluluwang napadpad dito sa bahay namin para matahamik na," pang-aasar ko habang sinasabayang magsalita si Kai.

"Nakikikain, nakikiligo, nakikitulog pa 'yong kaluluwang napadpad dito, hindi naman hotel bahay namin para mag-stay in siya," dagdag ko pa na mas lalong kinainis ni Kai.

"Wala akong naririnig... wala akong naririnig—"

"Ate, ang ingay-ingay mo... mga babae talaga maiingay bibig. Akala mo ambulansya." Dahan-dahan kong itinanggal ang pagkakatakip ng kamay ko sa mga tainga ko.

"Kapal ng mukha mo parang 'di ka maingay ah? 'Di ka lang pinapayagan ni mama sumama sa amin, nagrereklamo ka na sa 'kin?"

"Kung gusto mong magreklamo, do'n ka sa presinto... pati mga tao sa preso makikinig sa'yo," mataray kong sabi sabay belat sa kaniya.

"Hindi ko alam kung bakit sinasabi ng iba na maganda ka—sa paningin ko kasi pangit ka," madiin niyang sagot.

"Ikaw nga hindi ka pa patay, pero mukha ka nang bangkay," sumbat ko.

Kanina pa kami nagsasagutan ng kapatid ko, pero walang umaawat sa amin. Si mama kasi ay may ginagawa at si kuya naman ay nagbibihis sa taas. Madalas kaming ganito ni Kai, bonding na rin naman namin ang asarin ang isa't isa, at kung sino ang pikon, talo. Kaya kahit napipikon ako, hindi ko ipinapakita sa kaniya. Magaling ako sa sumbatan.

"O, ano? Ano? Wala ka nang masabi kasi totoo naman 'di ba?" pang-iinis ko pa habang siya naman at tahimik lamang, ngunit nanlilisik na ang mga mata niya nang tumingin sa akin.

"Ikaw, mukhang pusit, pero silent 't'..."

Hindi rin ako nakasagot nang maintindihan ko ang nabanggit ni Kai. Nagkatitigan lang kami sa isa't isa habang siya naman ay nakangisi. Kung anu-ano ang nalalaman, masyadong napaghahalataan.

***

"Bakit ang layo naman nina kuya Jin at Niel sa atin? Nasa kabilang table pa sila?" tanong ni Tasha sa amin.

Sumulyap ako kina kuya Jin at Niel, masaya silang nagkita kanina at ngayon ay abala sila sa pag-uusap. Hindi namin alam kung ano ang pinag-uusapan nila, pero ang hula ko, tungkol na naman 'yan sa mga crush nila. Gano'n naman ang mga lalaki e, mahilig magkuwentuhan tungkol sa babae.

"Baka masyadong private 'yong pinag-uusapan nila kaya kailangan nilang lumayo sa atin," sabi naman ni Lory.

Nandito kami ngayon sa isang Japanese reataurant. Kanina pa kami naka-order ng makakain namin at nag-aantay na lang kaming dumating ang mga order namin. We made this time as an opportunity to ask something about each other.

"Guys, may ipapaalam pala ako sa inyo..."

Me and Lory both took a glance at Tasha after hearing her. I know she will be announcing something important, and we want to hear it from her as soon as possible.

"Ano 'yon?"

"'Wag sana kayong mabibigla 'no?"

Me and Lory both nodded at the same time. Tasha took a deep breath first and gave us a smile. "Kami na ni... Theo..." nahihiyang sabi niya sa amin.

Alam kong sinabihan niya kami na huwag mabibigla, pero hindi namin naiwasang mabigla. Parang noon lang ay may doubt pa siya sa sarili niya at kay Theo, pero ngayon, sila na. I'm happy for them. Though, Tasha is still young, I know she'll handle it nicely. Sana all may crush back.

"Congrats! Sana all... crush back," sabi ni Lory habang pumapalakpak.

"Congrats... sana all mahal..."

Nabaling ang atensyon nilang dalawa sa amin. Ang masayang ekspresyon ng mukha nila ay napalitan ng nag-aalalang ekspresyon. I didn't intend to say it out loud and catch their attention. Well, now that they smell something, I have to say it in order for them to know what really happened.

"Bakit?" sabay pa nilang tanong sa akin.

Bumabalik na naman ang mga alaala ko kay Zach, ang mga pinagsamahan namin at kung paano niya ako iniwan noong araw na iyon. Kung paano niya ako sinaktan at hindi na nagparamdam. All of those happened so fast.

"Mel? Magsabi ka lang sa amin—"

"Wala na kami ni Zach..." tugon ko na may mahinang boses. I don't want my older brother to hear it.

Parehas ko silang pinagmasdan, they are speechless. Napatakip pa si Tasha sa bibig niya habang si Lory naman ay nakanganga. If I will tell the story, they will understand why. It's not my fault nor Zach's. Siguro ito ang itinadhanang mangyari.

"He broke up with me... four days ago..." matamlay kong sabi.

Muli na naman akong nanghina. Kanina ay masaya lang kami, ngunit nang masabi ko na sa kanila ang problemang dinadala ko, pati ang mood nila ay napalitan—naapektuhan dahil sa akin. Nanghihina ako kaya matamlay rin ako. Kakagaling ko lang sa sakit, pero mas masakit ang ginawa ni Zach. I know the year we've spent together wasn't even that long, but the memories and happiness we shared to each other—all of those memories were wasted because of our separation. There's no regret in me, because he was the one who left me, and I hope he doesn't regret his decision.

"Bakit? Bakit daw? May iba na siyang napupusuan?" sunod-sunod na tanong ni Lory sa akin.

"Sabi niya, he fell out of love. Parang dati lang, pinangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan, pero... hindi naman niya tinupad—"

"Look at what he did, Mel. G*go 'yon ah! Nasaan na 'yon?" mataray na tanong ni Tasha sa akin. Sinitsitan siya ni Lory upang hindi siya marinig ng mga kuya namin.

"Sabi ko na nga ba't sasaktan ka lang niyang lalaking 'yan."

"Naiinis ako sa mga gan'yang lalaki, sila 'yong nanggulo sa buhay ng babae, sila 'yong pumasok sa buhay ng babae, tapos sila pa 'tong mananakit. Aba'y napakatarantado naman kung gano'n!" Tasha clenched her fists and bit her lower lip.

"Asan na 'yang Zach na 'yan nang masampal ko magkabilaan at sipain ko 'yong—" Lory covered Tasha's mouth using her right hand to prevent Tasha from saying inappropriate words.

"So, hindi na siya babalik?" malungkot na tanong ni Lory sa akin.

"Hindi... hindi na. Kung hindi na nagpaparamdam... hindi na ako aasa..."

Itinanggal ni Tasha ang pagkakatakip ni Lory sa bibig niya. "Kung hindi siya nakahanap ng iba, bakit ka niya iniwan? What's his reason?" tanong ni Tasha.

"Hindi sapat ang na-fell out love lang siya 'no? What's his main reason why he left you? Dahil kung wala siyang ibang masabi bukod sa mababaw niyang dahilan... sorry ha? He fell in love with someone and he chose that person over you," gigil na saad ni Tasha.

Tasha crossed her arms and slightly shook her head. "Mel, hindi mo siya deserve. Huwag mo nang hahabulin ang lalaking hindi ka naman talaga pinahalagahan hanggang huli."

"He told me, he knows that the second person to come in my life really loves me. Kaya 'wag ko raw tatanggihan ang taong iyon..."

"So, ano na? Ano na ang balak mo?" tanong ni Lory sa akin.

"I'm not ready to fall in love again, at least not for now... because I am still attached to him..."

"I still love him, but it's better to leave the memories behind, because the person I shared with those memories will never come back. He left the path he promised to walk with me. So, I have to to leave the path as well and start a new one to be able to forget him."

***

After our meet, me and my older brother went home safely. It's already 10:50 p.m. but I am still wide awake. So, I decided to use the diary and pen Nick gave to me as a gift when I achieved with honors last school year. I opened the diary and stared at the blank paper.

Dear Z,

I know you wouldn't be able to read this, but this letter is for you.

It all started when you added me as your friend on social media. I accepted your friend request, you left a message to thank me for accepting you. We started chatting for a while, we became friends. After a day, you asked me—asked me to be your girlfriend. I was hesitating at first, but said yes. You felt the happiness you were once looking for.

After how many months, I became more comfortable when having a conversation with you, but... I asked for a picture of you for me to see your face, but... you made an excuse that your camera wasn't working so, I tried to understand your reason. A year has passed until you got tired of me, but I wasn't, because I fell in love with you. We were happy and comfortable with each other, though we haven't seen each other in person. We had a long distance relationship, but you weren't bothered about it at all because you told me, you love me.

After a year of loving each other, we cut our connection to one another, without me seeing your face. It makes me sad after realizing that you entered my life, asked me to be yours, and after thinking and asking myself—you already got me—you were happy that time. You were even thanking God because you felt lucky having me in your life. It hurts, it hurts me because you were the first one who askd me to be in a relationship with you, and in the end, you were also the first one to cut ties between us.

And just like that, I never saw you in person, I never saw a picture of you. You were just my anonymous online boyfriend.

Thank you for a year of love and happiness. I love you, good bye and have a great journey.

Yours truly,
Melissa Keistyn

Continue Reading

You'll Also Like

393K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.2M 65.1K 35
When social services threatens to take away her younger sister, budding singer Kamree Philips must accept help from her young, attractive boss in ord...
407K 11.6K 29
"No one is looking for you. No one cares you're gone. You're better off here. With me. I love you, Raiden. And I won't let anyone take you from me. Y...
132K 9.1K 102
Si Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan n...