My Anonymous Online Boyfriend...

By Queen_Loreen

5.3K 1K 2.2K

Online dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who... More

My Anonymous Online Boyfriend
émpnefsi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Writer's Reminder

Chapter 35

58 20 43
By Queen_Loreen

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mawala si Zach. Sa loob ng tatlong araw, wala akong natanggap na message mula kay Zach. He didn't deactivate his account, it's still there and we're still friends. Pati ang account niya sa mobile legends, naka-follow pa rin sa akin. Iyon nga lang, hindi na siya gaanong nagbubukas gamit ang mga account na iyon. Halos araw-araw akong nag-aantay ng message niya ngunit wala akong natatanggap. Kahit isang kumusta lang, wala. Hindi na talaga siya nagparamdam.

Dinig ko ang pagbukas ng pinto ko at doon ko nakita si Kai na nakasilip. "Ate, kain na raw tayo," yaya niya.

"Susunod ako, saglit lang..." matamlay kong sagot.

Simula noong madaling araw ng Huwebes, nagkaroon ako ng sinat at nang dumating ang gabi, naging lagnat. Ngayong araw lang ako medyo naging maayos. Hindi ko alam kung bakit ako nilagnat no'n, pero ang hula ko ay dahil sa stress.

"Nang-iiwan kasi e... ingatan ko raw sarili ko... nagkasakit pa ako..." inis kong bulong sa sarili ko.

Mabagal akong tumayo mula sa kama ko at mabagal ding naglakad. Hindi pa ako masyadog makakilos nang maayos dahil kakagaling ko lang sa sakit. Hindi rin ako nakapasok ng dalawang araw dahil masama rin ang pakiramdam ko.

"Iba pala 'pag iniiwan... nagkakasakit..."

Ngayon, ang nararamdaman ko kay Zach ay inis. Naiinis ako dahil basta-basta na lang niya akong iniwan—sa mismong araw pa ng anniversary pa namin. Parang wala sa katinuan nang gawin niya iyon. Wala siyang sinabing gusto niyang makipaghiwalay, pero gano'n na rin iyon. Nang-iwan siya e, 'di natural, hiwalay na kami.

Nang makarating ako sa baba, sinalubong ako ni kuya Jin. Nagmukha tuloy akong lola dahil inaalalayan niya ako, hawak-hawak niya ang kanang braso ko habang ako naman ay hirap pa rin sa paglalakad dahil medyo nanghihina pa ang mga paa ko pati na rin ang katawan ko.

"Kumusta na? Okay na ba pakiramdam mo?" tanong ni kuya sa akin, mabagal akong tumango bilang tugon.

"Uminom ka pa rin ng gamot mo ah? Tutulungan na lang kita sa assignments na ipapasa mo sa Lunes."

Nang makarating kami kila mama, marami akong nakitang ulam na nakahain sa hapag-kainan. Hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil inaantay nila ako. Si Kai ay kakatapos lang magtimpla ng juice at si mama naman ay kakapatay lang ng rice cooker.

"Upo ka na," sabi ni kuya sa akin at dahan-dahan akong umupo sa tabi niya.

"May lagnat ka pa, ate?" tanong ni Kai sa akin pagkatapos niyang ilapag ang pitchel sa mesa.

"Wala na, pero iinom pa rin ako ng gamot."

"Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ka na lang nagkalagnat." My mom sat down on her seat and stared at me with a worrying look on her face.

"Stressed ka ba? May problema ka ba, nak?" sunod-sunod na tanong ni mama habang ako namam ay tahimik lamang.

"May... bumabagabag ba sa'yo?"

Isa-isa ko silang pinagmasdan at muli ko namang ibinalik ang titig ko kay mama. "W-wala po..." sabi ko.

***

My mom told me that I should stay here for a moment. Dito raw muna ako magpahinga sa labas ng bahay, dito sa bakuran namin upang makalanghap naman daw ako ng sariwang hangin. I admit, it's better to stay here than in my room. Mas nababawasan ang stress ko at nahihimasmasan ako. My mom really knows what's the better and best for her children.

"Mel, meryenda ka muna." Lumingon ako sa likod at nakita si mama na may dalang sandwich na nasa platito at orange juice na nasa baso.

"Masarap bang umupo-upo rito?" tanong ni mama sa akin. Inilapag niya sa maliit na mesa sa harapan ko ang meryenda at umupo siya sa tabi ko.

"Kumusta na ang pag-aaral mo?" Inakbayan ako ni mama.

"Okay lang po, hindi naman po ako gaanong nahihirapan," sagot ko.

"Mabuti naman kung gano'n. Uminom ka na ba ng gamot mo?"

"Opo, kanina pagkatapos kong kumain."

"Ang lungkot mo simula pa noong isang araw, may problema ka ba, nak? Kuwento ka naman sa akin." Matamlay akong ngumiti kay mama habang nag-iisip ako ng maaari kong sabihin.

"Hindi ko pa po kasi... masyadong nakakausap 'yong mga bagong classmates ko ngayon..."

Bahagya akong yumuko at sumimangot. I feel bad for lying—for not telling the truth. Hindi ko pa naman kayang sabihin kila mama dahil alam kong mawawala ang tiwala nila sa akin, alam kong mapapagalitan ako at ipapaalam nila iyon kay papa. Ayaw kong magkagulo-gulo kami dahil lang sa iisang kasalanang nagawa ko, ang magmahal ng taong hindi ko naman nakilala nang personal. Since me and Zach broke up, hindi ko na kailangang magtago. Wala na akong dapat itago kila mama dahil wala naman na silang malalaman mula sa akin.

"Bago pa lang naman kayo. Ngayong buwan lang kayo nagkita-kita. Mahaba pa ang panahon upang maging malapit ka sa kanila," bilin ni mama sa akin. Itinanggal niya ang brasong niyang nakaakbay sa akin at dinampot ang baso ng juice na nasa mesa at ibinigay ito sa akin.

"Hanggang ngayon ba... wala ka pa ring nakakausap sa kanila?"

"Si Chiena po, siya pa lang 'yong close ko."

"Ayos na 'yon na may nalalapitan ka. Huwag kang magmadali, kasi unang buwan niyo pa lang naman, marami pang oras para makilala mo silang lahat." Hinaplos-haplos niya ang ulo ko habang ako naman ay tahimik lamang na nakatitig sa isang direksyon.

"Ang papa mo, malapit na siyang makauwi. Baka raw next year o sa susunod na taon," masayang nabanggit ni mama sa akin.

Nabaling ang atensyon ko sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko. "Totoo mama?!" gulat kong tanong.

"Oo, halos ilang taon din siyang hindi nakakauwi kaya baka raw next year ay makakauwi na siya."

Iyon ang naging dahilan kung bakit ako nakangiti ngayon habang kausap si mama. Si papa ang naging dahilan kung bakit ako muling nabubuhayan ng dugo. Kahit na malayo pa ang dating ni papa, alam kong makakarating siya sa amin. Hindi ko habol ang mga pasalubong niya, bonus na lang iyon sa akin. Si papa talaga ang habol ko, gustong-gusto ko na siya makita at maka-bonding kahit ilang araw lang.

"Sana matuloy, ma."

"Hmm... matutuloy na 'yon, matagal na natin siyang inaantay e—"

"Mama!" Napalingon kaming dalawa ni mama sa likod nang sumigaw si Kai.

"O, bakit?" tanong ni mama.

"'Yong niluluto mo, baka sunog na, ma!" Mabilis na tumayo si mama mula sa upuan niya at tumakbo papasok ng bahay.

Hindi ko maiwasang matawa kapag tumatakbo si mama. Parang bata lang kasi na nakikipaghabulan. Kaya siguro nagustuhan ni papa si mama, ang cute kasi ni mama—sa kaniya talaga ako nagmana, walang halong biro.

After a few minutes, I remembered Zach again. Iyon na naman ang dahilan upang malungkot ako. Another thing, I haven't told what happened to Tasha and Lory. Alam kong magagalit sila, hindi sa akin kundi kay Zach. Pangangaralan din ako ng dalawang iyon dahil hindi ako nakinig sa kanila noong una pa lang. Kasalanan ko naman din kung bakit ito nangyari sa akin, dahil sa lintik na pag-ibig.

Hanggang ngayon hawak-hawak ko pa rin ang regalo niyang keychain, pero hindi ko ito pinpindot. Nagbabakasakali lang naman ako na umilaw ito, pero wala talaga. Tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam. Kapag matutulog ako, katabi ko rin ang cell phone ko at hawak-hawak ang keychain ko. Kulang na lang kahit sa pagligo ko dala ko itong mga 'to e.

A sigh escaped my mouth. "Kung hindi lang kita nakilala... hindi sana ako nalulungkot nang ganito..." bulong ko habang nakatitig sa keychain.

"Sarap kutusan ni Zach..." dismayadong bulong ko at napapakagat na lang sa ibabang bahagi ng labi ko habang pinanggigigilan ang keychain.

"You left me, you promised you won't... but look at us now... we're completely strangers..."

I sighed once again and pinned my hair behind my ears and looked into the cerulean sky as the wind continues to brush through my hair and my skin that makes me shiver. It gives me goosebumps. It gives me a nostalgic feeling.

"I didn't know love can be this complicated and upsetting..."

Gusto ko na lang bumalik sa pagkabata, mga panahong pagkain at paglalaro lang ang iniintindi ko. Hindi tulad ngayon na pati puso ko, iniintindi ko dahil sa sakit na iniwan ng taong mahal ko. Kung ano man ang ginagawa niya at nasaan siya, sana masaya siya.

"Sana masaya ka... na nang-iwan ka ng taong pinangakuan mong mamahalin mo hanggang sa pagtanda mo."

The break up, I didn't see it coming. At first I thought he was just being dramatic, he was just pranking me, but I was wrong. Habang tumatagal ang usapan namin nang araw na iyon, mas lumalalim ang mga sinasabi niya sa akin. Hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa na hindi siya nagbibiro, nagpapakatotoo siya, seryoso niya akong sinasabihan at pinaaalalahanan na pagod na siya, iiwan na niya ako, at hindi na siya magpaparamdam kahit na kailanman.

"Sana 'di mo na iiwan 'yong susunod mong girlfriend. Magpakalalaki ka naman!" inis kong sabi sabay irap sa keychain na hawak ko.

Sa totoo lang, mukha akong nababaliw rito. Wala akong kausap, pero nagsasalita ako. Wala e, ganito talaga ang epekto ng iniwan. Nagmahal, nasaktan, kinausap ang keychain. Since sa kaniya naman galing 'to, baka lang naman matanggap niya 'yong mga paalala ko sa kaniya.

"Sabihin mo sa magaling mong ama—char..."

Mabagal akong umiling at napangiti na lang sa nabanggit ko. Halatang kulang sa tulog, kulang din sa aruga. But to be serious, I really do miss him. Galit man ako at dismayado, hindi gano'n kadaling mawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Maybe one day, I'll wake up without looking for him and missing him. I'll wake up with a smile across my face that can be seen by many once again.

A smile that will teach me how to move on, leave the past behind, and start a new beginning in these present days and be prepared in the future. Start a new life without him, without finding him and without remembering him.

"We broke up, I never saw your face. I never met you in person, but I never doubted you... even though you were just my anonymous online boyfriend."

Continue Reading

You'll Also Like

452K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
65.5K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
166K 7.6K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...