My Anonymous Online Boyfriend...

By Queen_Loreen

5.3K 1K 2.2K

Online dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who... More

My Anonymous Online Boyfriend
émpnefsi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Writer's Reminder

Chapter 33

71 20 27
By Queen_Loreen

Month of April has arrived. Today is a special day as we receive our certificates and medals after a long and tough journey in high school, the most exciting and fun life of all students. Hinding-hindi ko makakalimutan ang buhay ko simula nang ako ay tumungtong ng grade 7 hanggang grade 10, this is by far the most memorable time of my life.

Nandito pa lang kami sa bahay, ngunit ramdam ko na ang kaba habang iniisip ko ang maaaring mangyari mamaya. Marami ang puwedeng mangyari, ngunit ang pinaka-aantay ko ay ang pagbigay sa akin ng certificate ko at pagsabit ni mama ng medal sa akin.

"Pa'no si Kai, mama? Mag-isa lang siya rito?" tanong ko habang nakaupo ako sa sopa, nag-aantay kay mama na ayusin ang bag niya.

"Nasabihan ko na siya kagabi na mag-ingat siya at huwag magpapasok kung hindi naman niya kilala."

"Uuwi na rin naman ang kuya mo mamaya dahil half day lang daw sila ngayon," dagdag pa niya at muli na naman siyang nagtungo sa taas dahil may nakalimutan ata siyang isuksok sa bag niya.

Habang nag-aantay akong matapos si mama sa gawain niya, ginamit ko muna ang cell phone ko. Binuksan ko ang messenger at tiningnan ang mga chat ng classmates ko sa group chat namin. Ang iba ay nandoon na, ang iba ay paalis pa lang at ang iba ay on the way na. Habang binabasa ko ang mga chat nila, hindi ko maiwasang ngumiti—excited kasi ang lahat, lalo na't halos lahat kami sa section namin ay nakapasok sa with honors.

"Sasaya ng mga 'to ah," nakangiting bulong ko sa sarili ko habang binabasa ang messages nilang kanina pa na-send nila sa group chat.

"Oo nga pala... naka-graduate na kuya ni Lory kahapon!" Nagmadali akong hanapin ang conversation namin ni Lory sa messenger at nang makita ko ito ay agad kong pinindot ang chatbox.

I want to congratulate his older brother. Isa na siyang ganap na college student sa susunod na school year. Si Lory naman ay senior high school student na. Sa pagkakaalam ko ay valedictorian ang kuya ni Lory, nakaka-proud na nakaka-amaze kahit na alam kong matalino naman talaga ang kuya ni Lory. If I was his mother, I would be really proud and happy for my son because he attained a great achievement that not all has the chance to achieve.

"Congrats pala sa kuya mo!" I sent the message to Lory and after that, I heard my mom's footsteps.

"Tara na, nak. Commute na lang tayo, wala 'yong kotse e, ginamit ng kuya mo," sabi ni mama sa akin.

Agad naman akong tumayo mula sa sopa at binitbit ang paborito kong sling bag. Ito kasi ang regalo ni mama sa akin at nagustuhan ko, kaya lagi ko na itong ginagamit saan man ako magpunta.

"Mamaya, sa restaurant na lang tayo magce-celebrate," banggit ni mama sa akin.

"Sino po kasama natin?"

"Nakausap ko na ang mama nina Lory at Tasha."

"Isasama raw nila ang family nila, pero ang sabi naman ng mama ni Lory sa akin ay nag-invite pa siya ng mga kamag-anak niya," sagot ni mama sa akin.

Binuksan ko ang pinto at nauna na akong lumabas, sumunod naman si mama sa akin at isinara niya ang pinto. Kaya pala nagdala si mama ng lalagyan ng toga ko kasi tatanggalin ko ito mamaya kapag nasa restaurant na kami at kakain.

"Sige, tara na. Dalian na lang natin," sabi ni mama sa akin.

Mahigpit akong napahawak sa sling bag ko at bumuntong hininga. A strange feeling of excitement filled me as I imagine what will happen later. I am nervous, but I felt more excited after knowing that I would be able to spend my time with my classmates for the last time.

***

Naririto na kami ngayon sa moving up ceremony namin. Kasama kong nakapila si mama, hindi ko mahanap ang ibang classmates ko dahil alphabetically arranged kami from first to last section. Zevallos ang apelyido ko kaya malamang nandito kami sa likod ni mama. Worth it naman ang pag-aantay dahil may certificate at medal akong makukuha.

Sa totoo lang, nakakapagod tumayo nang ilang minuto. Halos mag-iisang oras na kaming nakatayo rito dahil nga alphabetically arranged. Wala kaming magagawa kundi mag-antay. Malapit-lapit na rin naman kami sa stage ni mama dahil ilang estudyante na lang ang nasa harapan ko. Less than 20 na lang, sina Tasha at Lory ay nakatapos na dahil nasa gitna lang ang apelyido nila.

"Ngumiti ka sa camera, nak ah? Ipapakita natin 'to kay papa mo," bilin ni mama sa akin at agad naman akong tumango.

Habang paiksi nang paiksi ang pila, nakakaramdam ako ng kaba at saya. Mas nagiging mahigpit din ang hawak ko sa braso ni mama dahil haharap kami sa maraming tao.

"Zevallos, Melissa Keistyn G. With honors." Sabay kaming naglakad ni mama papaakyat ng stage. Before I receive my certificate, I shook the principal's hand and some of the teachers while smiling.

Nakuha na ni mama ang medal at dahan-dahan niya itong isinabit sa akin. Humarap kaming dalawa sa camera at ngumiti. Sa mga oras na ito, napatigil na lang ako sa paghinga, ang nararamdaman ko ngayon ay saya. Masaya ako dahil proud ako sa sarili ko na nagawa kong abutin ang pangarap ko na dati ay plano ko pa lamang.

I am proud to say that this school year, 2016-2017, I ended my high school journey as an honor student that will always be a big achievement for me and my family. This will be one of the proudest moments I've made for me, my family and God.

Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoong Diyos dahil ginabayan niya ako at tinulungan akong maabot ang mga pangarap ko bago man ako magtapos ng pagiging high school student. Laking pasasalamat ko sa Panginoong Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan, marami man akong problemang nasagupa bilang estudyante, iyon ay aking nasolusyonan dahil din sa tulong Niya.

***

"Congrats, Mel!" sabay nilang sabi sa akin at niyakap ako.

Kararating lang namin dito sa restaurant, bumungad na agad sa akin ang pagkarami-raming tao. Marami kasing inimbita ang mama ni Lory kaya mas dumami pa kami.

"Congrats din sa inyo! Pati pala sa kuya mo, Lory," sabi ko sa kanila.

"Sana all na lang talaga valedictorian," sabi naman ni Tasha.

Nang mahagip ng mga mata ko ang kuya ni Lory ay agad ko itong nilapitan. "Hello po, kuya Niel!" Kinawayan ko siya at nang makuha ko ang atensyon niya ay nginitian niya ako.

"Hello, Mel. Kumusta? Congrats pala ah?"

"Congrats din po, kuya!" masaya kong sabi sa kaniya.

"Thank you, kumusta na pala si kuya Jin mo? 'Di na kami gaanong nakakapag-usap no'n ah?" tanong niya. Saka ko lang ulit naalala na tropa pala sila ng kuya ko.

Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkakausap ng kuya ko dahil busy na si kuya sa college life niya. Marami raw siyang gawain at minsan din ay hindi na siya nakakatulog nang maayos.

"Busy po siya sa college life niya, kuya," nakasimangot kong sagot kay kuya Niel.

"Sabihin mo sa kaniya, bonding kami minsan. Ka-miss siyang kasama e," bilin naman ni kuya sa akin at agad akong tumango.

"Sige, kuya. Sasabihin ko po."

"Salamat, congrats pala ulit. 'Wag kayong kabahan kapag senior high na kayo. Enjoy niyo lang 'yan," bilin ni kuya sa akin.

"Wala namang mahirap, basta't may tiyaga kayong mag-aral. Wala 'yan sa talino, nasa diskarte 'yan. Nasa sipag at tiyaga."

"Kaya kung masipag kayo at may tiyaga, malalagpasan niyo rin 'yan, parang high school lang din naman ang senior high e... 'yon nga lang, nag-level up nang kaunti. More challenging and exciting."

Tumatango-tango lang ako habang nakikinig sa kaniya. Relate ako sa mga sinasabi ni kuya, hindi naman kasi talaga ako gano'n katalino, masipag lang talaga akong mag-aral at may tiyagang tapusin ang mga assignments at projects ko kahit wala pang deadline.

"Kuya, alam mo bang lumalandi na 'yong kapatid mo sa kapatid ko?" Nanlaki ang mga mata ni kuya Niel at napalunok.

"Sino? Kay Jin? Kay Kai?"

"Parehas, kuyachar... kay Kai po," sagot ko.

"Dati pa naman gusto na ni Lory si Kai, okay lang sa akin kung sa'n sila masaya."

"Pero ayaw ko munang magkaroon ng pamangkin, baka ihagis ko silang dalawa sa kalawakan." Napakamot ako sa ulo ko habang nakangiti nang marinig ko ang sinabi ni kuya Niel.

Nakakita ako ng ilaw sa keychain na hawak ko, kaya natuon ang pansin ko rito. Papindot na sana ako ngunit muling nagsalita si kuya Niel.

"Sige, punta muna ako kila mama ah?" pagpapaalam niya sa akin.

"Sige, kuya!" Kumaway kami sa isa't isa at nang makaalis siya at muling natuon ang pansin ko sa keychain na hawak ko.

Papindot na sana ako ngunit muli na naman siyang umilaw. This is the second time it light up. Siguro miss na miss na ako ni Zach, hindi naman sa pagiging assuming, pero parang gano'n na nga. I pressed the keychain's button to send him a signal that I miss him as well.

Patuloy akong nakatitig sa hawak kong keychain at hindi na namalayang nakangiti na pala ako. Kahit ano man ang ginagawa ko o nasaan man ako, lagi ko siyang inaalala. I'm attached and I can't let go anymore. Mag-iisang taon na kami, alam kong malapit na iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan kung kailan kami nagsimulang nagkausap at kinabukasan no'n ay naging kami na agad.

I will never forget how we stumbled across each other and how we ended up being together until now. The unique love story of me and him that gave me hope and inspiration. An unexpected occurrence of crossing each other's paths that I feel will end up in a good way.

Continue Reading

You'll Also Like

67.5K 2.2K 50
- 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 ⌌┈┈┈┈┈┈┈ ┊ .˚💌 ༘┊͙ ❝ 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗳𝗮𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 ┊ 𝗴𝗮𝗺𝗲, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮-𝗶𝗶𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝘀𝗮...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
48.8K 3.6K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
720M 11.4M 114
Tessa Young is an 18 year old college student with a simple life, excellent grades, and a sweet boyfriend. She always has things planned out ahead of...