My Anonymous Online Boyfriend...

By Queen_Loreen

5.3K 1K 2.2K

Online dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who... More

My Anonymous Online Boyfriend
émpnefsi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Writer's Reminder

Chapter 22

66 20 21
By Queen_Loreen

"Bakit ba kayo nandito sa kuwarto ko?" tanong ko sa dalawa kong kapatid habang sila naman ay nakatitig lang sa akin.

Si kuya Jin ay nakaupo sa upuan malapit sa studying table ko habang si Kai naman ay nakahiga sa kama ko. Hindi ko alam kung bakit nandito na naman sila at nangungulit sa akin, sinumbong ko na sila kay mama pero hindi pa rin sila umaalis ng kuwarto ko. Nakapamewang ako habang nakatayo malapit sa pintuan ng kuwarto ko.

"Kuya, gusto ko nang magpahinga. Bakit ba kayo nandito?" reklamo ko sabay padyak nang padabog sa sahig.

"May nalaman ako sa'yo ah..." bigla na lang akong nanahimik at napalunok nang marinig ko ang nabanggit ni kuya Jin.

"A-ano 'yon, kuya? Wala naman akong masamang ginagawa ah..." kabadong sagot ko sa kaniya habang nanginginig ang mga kamay ko.

"Sino 'yang Nick na 'yan? Nanliligaw na ba siya sa'yo?" tanong ni kuya sa akin.

"Nakita ko kaya nagbigay siya kay ate ng rose saka chocolate ba 'yon?" ani Kai at ngumisi.

"Kita mo? Ano ang bilin sa'yo ni mama't papa? 'Di ba bawal munang magpaligaw—"

"Kuya, 'di naman ako nagpapaligaw e—"

"Talaga ba? Pero tinatanggap mo 'yong mga binibigay niya sa'yo?" Inirapan ko si Kai at muling ibinalik ang titig ko kay kuya Jin.

"Kuya, hindi ko naman siya sasagutin e—"

"'Di nga? Nagpapaligaw na 'yan kuya—"

"Tumahimik ka nga, Kai! Napakasulsol mo talaga kahit kailan e!" inis na sumbat ko kay Kai habang nakakunot ang noo ko.

"Melissa, ayaw na ayaw kong makitang magkasama kayo niyang Nick na 'yan ah? 'Pag may masamang nangyari sa'yo, kaya ka bang panagutan niyan?" sermon ni kuya sa akin.

"Kuya hindi naman kami close saka hindi naman kami laging magkasama e. Si Lory 'yong madalas kong kasama..." sagot ko naman kay kuya.

He crossed his arms and closed his eyes before taking a deep breath. Bahagya akong napayuko habang nakasimangot. Ito ang kinakatakutan ko e, ang malaman ni kuya na may nanliligaw na sa akin. Nakakainis kasi 'tong si Kai, akala mo naman hindi babaero, kahit hindi naman talaga. Nakakainis lang kasi minsan mali ang hinala niya tapos ako pa ang napapagalitan ni kuya o kaya ni mama. Ingat na ingat sila sa akin pero kay Kai hindi. Dapat siya nga ang iniingatan nila kasi paranoid e.

Muli kong inangat ang ulo ko at inirapan si Kai. "Kai para kang baliw d'yan! Tawa ka nang tawa!"

"Mali-mali naman hinala mo! Dapat talaga dalhin ka na sa mental hospital e, napaka-paranoid mo mali ka naman ng iniisip!" sumbat ko sa kaniya habang siya naman ay panay tawa pa rin.

"Tama na 'yan," sermon sa amin ni kuya.

"Mel, ayaw kong may nakakasama kang lalaki. Ingatan mo 'yang sarili mo dahil may mawawala sa'yo kung hindi ka mag-iingat," bilin ni kuya sa akin.

"Kapag nalaman ko lang na may boyfriend ka na... susugurin ko talaga 'yang lalaking 'yan, pakakainin ko siya ng ligaw na damo." Napalunok ako habang pinagsasabihan ako ni kuya Jin.

Si Zach, siya ang unang pumasok sa isip ko nang mabanggit iyon ni kuya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mahuli ako ni kuya, ni Kai o kaya naman ni mama na may kausap sa messenger. Secured naman ang phone ko kasi may password, at ang conversation namin ni Zach ay na-move sa spam dahil in-ignore messages ko na siya bago ko iwan ang phone ko.

"Promise, kuya. Wala po." Itinaas ko ang kanang kamay ko.

"'Wag kang lalapit sa Nick na 'yan ah? Kung lalapit ka, dapat marami kang kasamang babae."

"O-opo..."

"Umiwas ka sa mga lalaki dahil hindi mo alam, baka kung ano pa ang gawin nila sa iyo."

"Lalo na sa mga nakikilala mo lang online. Mag-ingat ka, hindi natin alam kung scammer ba 'yan o utusan kang gumawa ng kalaswaan. Mag-iingat ka, Melissa."

***

"Mamaya sa library, na-receive mo ba 'yong message ko?" tanong ni Tasha sa akin.

"Hmm, oo."

"Sasabihan ko lang si Lory mamaya na may gagawin muna ako sa library at mauna na muna siyang umuwi." Nagulat na lang ako nang hawakan ni Tasha nang mahigpit ang dalawang kamay ko.

"Thank you, thank you so much... M-Mel," pagpapasalamat niya sa akin. Bago pa man ako makapagsalita ay agad kong inilayo ang sarili ko kay Tasha dahil nahagip ng mga mata ko si Lory na papalapit sa amin. Kararating lang niya.

"Lamig sa daan, kumusta ka, Mel?" tanong ni Lory habang ibinababa ang bag niya sa upuan.

"Okay lang naman, ikaw ba?"

"Okay lang din." Ngumiti siya sa akin at ipinakita ang suot-suot niyang kuwintas.

"Bagay ba sa akin?" tanong ni Lory habang gumagawa ng posing niya.

"Bagay na bagay sa'yo, Lory. Ang ganda mo," dinig kong sagot ni Tasha habang nakangiti ito.

Nawala ang ngiti sa labi ni Lory at ngumisi. She sat down on her chair and faced me. "Ano nga pala 'yong assignments natin? Tanong ko lang baka may nakalimutan akong gawin."

Pasimple kong tiningnan si Tasha habang nakatingin siya sa sahig. Nakasimangot siya at mukhang dismayado rin sa naging reaskyon ni Lory sa nasabi niya. Ang awkward din no'n at nakakahiya, pero wala nang mas nakakahiya pa sa pagsampal at pagsabunot niya kay Lory noon sa seaside. Marami pa ang nakakita, nanood at pinag-usapan kami.

"English, science saka sa arts may assignment din pala tayo ro'n," sagot ko naman na para bang wala akong napansing kakaiba.

"Ay 'yong arts, nagpaturo ako kay kuya. Nahihirapan kasi ako e, 'buti na lang nand'yan si kuya para tulungan ako." Inilabas ni Lory ang assignment niya sa arts at ipinakita sa akin ang abstract painting niya.

It reminds me of Tasha, arts will always let me remind of Tasha. Sadly, Lory doesn't care at all. Wala na siyang pake kay Tasha at sa hilig nito. Lory only cares about me. At masasabi ko ngang nakaka-move on na si Lory nang paunti-unti dahil hindi na siya gaanong naaapektuhan kapag nakikita niyang nag-iisa lang si Tasha.

"It feels like they are just back to being strangers."

***

Uwian na, at tulad nga ng nasabi ni Tasha sa akin ay roon kami sa library mag-uusap. Ako muna ang nais niyang makausap dahil hindi pa siya makahanap ng tyempo sa ngayon para kay Lory. Mukha raw kasing may galit pa si Lory sa kaniya at magiging mahirap para kay Tasha ang kausapin si Lory dahil nga sa nangyari sa kanilang dalawa, pisikal silang nagkasakitan sa harap pa ng maraming tao.

"Hello, ma?"

"Mel, antayin kita sa labas," bulong ni Lory sa akin at lumabas muna siya dahil kausap niya ang mama niya sa telepono.

Nabaling ang atensyon ko kay Tasha at sakto namang nakatingin din siya sa akin. "Gan'to ah? Mauuna muna kaming lumabas ni Lory tapos kapag malapit na kami sa gate, doon ako magpapaalam sa kaniya na maiiwan muna ako dahil may gagawin lang ako saglit sa library." Tumango naman si Tasha.

"Sige, tapos ako? Susunod na lang?"

"I will send a message before you go there, aantayin kita sa loob ng library," bulong ko pabalik sa kaniya

"Gets? Kaya ba?"

"Hmm... kaya naman," sagot niya sa akin.

"Mel! Tara na!" Sinuot ko ang bag ko. I gave her a stare as a sign that our plan starts right now. Pasimple naman siyang tumango.

"Tara," yaya ko kay Lory at tuloy-tuloy na kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa first floor ng building.

"Ang kapal talaga ng mukha ni Tasha 'no?"

"Sumasagot na para bang wala siyang nagawang kasalanan, patawa masyado." Ngumisi si Lory.

"Hayaan mo na, baka na-miss ka lang naman ng tao—"

"Oo, na-miss ko siya, to the point na gustong-gusto ko na siyang sabunutan dahil na-miss ko siya," sarkastikong sagot ni Lory sa akin.

"Grabe ka naman—"

"Nako! Grabe talaga 'no?! Grabe rin siya manakit e, sampalin ka ba naman at sabunutan, 'di ka pa ba matatauhan na kailangan mo ring sampalin at sabunutan 'yon."

"Tama na, ikaw na nga ang nagsabing matagal na 'yon e. Stop na dapat at mag-move on na," bilin ko naman kay Lory.

"Oo nga, sabi ko nga."

Ilang minuto kaming hindi nag-usap habang ako naman ay humahanap ng tyempo upang magpaalam na kay Lory. Nang makahanap ako ay agad ko siyang kinalabit at nabaling ang atensyon niya sa akin.

"Okay lang ba sa'yo kung mauna ka na munang umuwi ngayong araw?"

"Bakit?"

"May gagawin pa kasi ako sa library e, ano? Okay lang ba sa'yo?" tanong ko.

"Oo naman, basta mag-ingat ka sa pag-uwi mo ha?" bilin niya sa akin habang papalayo na siya nang papalayo.

"Oo! Ikaw rin, mag-ingat ka!" Kumaway ako sa kaniga at nang mawala na siya sa paningin ko ay muli akong naglakad papunta sa building kung saan naroroon ang library namin.

Bago pa man ako makarating ng library ay agad ko nang binuksan ang messenge ko upang i-message si Tasha na puwede na kaming magkita sa library at puwede na siyang magpunta roon.

"Message sent," bulong ko sa sarili ko.

This is the time I've been waiting for-to be able to speak with Tasha and know her thoughts. Hindi ko alam kung ano ang maaari niyang sabihin sa akin mamaya, pero ihahanda ko na ang sarili ko. This is the moment I've been waiting for.

"Ready your explanations, Tasha."

Continue Reading

You'll Also Like

592K 34.3K 36
{WATTYS 2020 WINNER} {FEATURED BOOK} Paris, 1663. 500 girls selected by King Louis XIV embark on a journey across the seas from their homeland. Each...
90.6M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
48.7K 3.6K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
8.1M 343K 52
"I hope you realize you made the worst f**king decision of your life." She could feel his cold icy blue eyes piercing through her soul. "I didn't as...