My Anonymous Online Boyfriend...

By Queen_Loreen

5.3K 1K 2.2K

Online dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who... More

My Anonymous Online Boyfriend
émpnefsi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Writer's Reminder

Chapter 14

71 21 36
By Queen_Loreen

"Hindi pa raw po makakapasok si Kai, ma."

"Magpapahinga muna si Kai para hindi siya mabinat. Pinagpaalam ko naman na sa teacher niya kahapon na nilalagnat si Kai."

Habang inaayos ko ang gamit ko, kung anu-ano ang gamit na inaabot sa akin ni mama. Pamaypay, salamin, panali sa buhok, at kung anu-ano pang gamit na hindi ko naman gaanong kailangan.

"Ma? Bakit... ang daming gamit naman nito?" nagtatakang tanong ko habang nakangiti.

"Baka kailangan mo 'yan, sige na. Bilisan mo na at baka ma-late ka," utos ni mama sa akin at agad naman akong kumilos nang mabilis.

Nakita kong bumaba si kuya Jin mula sa kuwarto niya, bitbit na rin niya ang bag niya. Nagtaka naman ako dahil ang alam ko ay mamaya pa ang pasok niya. Sa pagkakaalam ko ay 7:30 a.m. pa ang pasok niya at hanggang 6:00 p.m siya ng gabi.

"Kuya? Ang aga mo namang papasok?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang bumababa siya sa hagdan.

"Kailangan e, may importante kaming gagawin kaya kailangan naming pumasok nang maaga."

"Oo nga pala, anak. Melissa." Nabaling ang atensyon ko kay mama nang tawagin niya ako.

"Okay lang naman sa'yo kung... doon ka na rin mag-aaral ng grade 11 at 12 sa school mo?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga. "Bakit po, mama?"

"Para hindi ka na mahihirapang maghanap ng school."

"E, mama? 'Di ba mayro'n na po tayong napiling school?" nalulungkot kong sabi kay mama ngunit mabagal siyang umiling na para bang nag-iisip.

"Para hindi ka na mahirapan mag-transfer, anak. Ayos lang ba sa'yo?" I pout after she asked me.

Wala naman din kasi akong magagawa kundi ang sundin si mama. Sa ayaw at sa gusto ko, susundin ko siya dahil alam kong mas alam niya kung ano ang mas maganda't mabuti para sa akin.

"Ma, sabay ko na po si Mel. Antayin ko na lang siya sa labas," sabi ni kuya at kinuha mula sa bulsa niya ang susi ng kotse niya.

"Sige po, mama. Ayos lang... po..." malungkot kong tugon kay mama.

"Ang 'bait talaga ng anak ko. Ingat kayo sa daan ha?" Tumango ako kay mama at sinabit ang backpack ko sa likod.

"Punta na po ako, mama." Naglakad ako papalapit sa pintuan at binuksan ito.

Doon ko nakita si kuya na nakatayo sa labas ng kotse niya, nag-aantay sa akin. Nang makita ako ni kuya, kinawayan niya ako. Naglakad ako papalapit sa kanya at bago pa man ako makasakay sa loob, muli kaming nagpaalam kay mama.

"Mama, alis na po kami."

"Ma, una na kami," pagpapaalam din ni kuya kay mama.

Tumango naman ang mama ko at kinawayan kaming dalawa ni kuya. Binuksan ko ang pinto ng kotse at umupo sa loob, sa tabi ng driver's seat. Alam ko namang papayagan ako ni kuya na umupo rito, basta't nakasuot ako ng seat belt.

Inayos ko muna ang upo ko bago isuot ang seat belt. Nang makapasok si kuya sa loob ay nagsuot na rin siya ng seat belt. This is not my first time going to school with him. Madalas akong hinahatid ni kuya papasok noong 7th grade pa lamang ako, high school pa lang din kasi si kuya noon kaya may time pa siya para ihatid ako.

"Mag-seat belt ka ah?" utos ni kuya sa akin bago siya magsimulang magmaneho.

"Tapos na, kuya," sagot ko naman.

Maya-maya ay nagsimula na siyang mag-drive habang ako naman ay nakasandal sa kinauupuan ko at nakatitig lang sa labas ng bintana. Bigla na lang akong napangiti nang maalala ang tanong ko kay Kai kahapon.

"Kuya?"

"Hmm?"

"Nagsasabi ba si Kai sa'yo tungkol sa crush niya?" I heard his chuckle which made me smirk.

"Madalas, bakit mo naman natanong?"

Inilipat ko ang titig ko sa kaniya. "Kahapon kasi tinanong niya ako kung kumusta na raw si Lory."

"Tapos?"

"Nagtataka lang naman ako kasi... hindi naman sila close ni Lory... pero bakit niya tinatanong sa akin." Napangisi si kuya at namuo ang ngiti sa labi niya.

"Nagbibinata na si Kai... actually, binata na talaga siya," sagot naman ni kuya habang ang atensyon at mga mata niya ay naroroon pa rin sa daan.

"Kuya? Ano sa tingin mo?"

"Iisa lang ang alam kong sagot d'yan."

"Mel, he likes your friend."

***

"Sabi ni mama sa akin, 'di na raw ako lilipat ng school. Dito na raw ako mag-aaral ng senior high..." malungkot kong ipinaalam sa kanila dahil alam kong sila ay lilipat na ng school.

Balak pa naman naming tatlo pumasok sa iisang school kapag nag-senior high school na kami, kaso hindi na iyon mangyayari dahil maiiwan ako rito at sila naman ay lilipat na ng ibang school. Sad life, pero wala tayong magagawa dahil iyon ang gusto ni mama.

"Hala! Ako rin e! Sabi ni mama sa akin dito na lang din daw ako mag-aral para less gastos at hindi na rin daw ako mahirapan mag-transfer," tugon naman ni Tasha sa akin na talagang nagpangiti sa akin.

Lory's eyes widened after hearing what Tasha have said. "Hala?! So, ako lang pala 'yong aalis ng school?" gulat na tanong niya sa aming dalawa ni Tasha na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa amin.

"Siguro... gano'n na nga," sagot ko naman at bigla na lang natulala si Lory.

Maya-maya ay napasampal siya sa sarili niyang mukha. "Akala ko ba walang iwanan? Hanggang college magkakasama tayong tatlo?"

"Sabihin mo na kasi sa mama mo na 'wag ka nang palipatin, less gastos gano'n," suggest ni Tasha kay Lory at agad naman akong tumango.

"Sabihin mo rin mayro'n na rin dito 'yong strand na gusto mo," sabi ko rin kay Lory.

Para kaming mga sulsol kay Lory. Gano'n talaga kapag ayaw naming maghiwa-hiwalay kami. Friendship goals e, gusto namin magkakasama kami hanggang sa pagtanda. Iyong tipong hanggang kamatayan, magkakatabi rin kami sa libingan. Mas maganda 'pag magkakasama, walang iwanan.

"Sasabihin ko kay mama. Ba't naman kaai ang bilis niyong mag-iba ng isip? Mga letse—"

"E? Nanay na namin nag-decide," sumbat ko naman kay Lory.

"Oo nga! Ano pa ba ang magagawa namin? Syempre, wala na." Lory shrugged her shoulders while looking at Tasha.

"E 'di magpapaalam nga ako kila mama!" sumbat niya sa aming dalawa.

"'Buti naman 'no? Hanggang kamatayan, magkakasama tayo... hanggang libingan 'yan 'no?" sabi naman ni Tasha sa amin.

"Gusto niyo pa kahit sa iisang kabaong na lang tayong tatlo e, para siksikan 'di ba? Double dead," sabi rin ni Lory sa amin at sabay-sabay kaming nagtawanan.

Sa hindi malamang dahilan ay muli kong naalala ang sinabi sa akin ni kuya kanina tungkol kay Kai. I don't know if that's true, but I want to believe him since he and Kai are close to each other. Madalas magsabi at magkuwento si Kai kay kuya, lalo na 'pag tungkol sa babae, ka-bonding niya si kuya Jin sa mga gano'ng usapan.

"Ay, Lory?"

"Yes?"

"Gusto mo ba talaga si Kai? Like, as in like na like, gano'n?" tanong ko sa kaniya. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka nang maitanong ko sa kaniya iyon.

"What? Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya sa akin ngunit nakita ko ang paglunok niya.

"Oh come on, don't pretend... don't hide it," pang-aasar naman ni Tasha kay Lory at kinindatan ako ni Tasha.

"A-ano na namang... a-ano na ba 'yang mga tanong niyo? Para naman kayong praning..."

"Aminin na kasi—"

"Oo nga aminin mo na!" pang-aasar naman ni Tasha.

"Aamin na 'yan, aamin na 'yan!" sabay naming pang-aasar kay Lory.

"Aamin na 'yan—"

"Oo na! Gusto ko siya!"

"Happy? Happy na kayo?" inis niyang sumbat sa amin habang nanlalaki ang mga mata dahil sa sobrang galit.

Ang ibang kaklase namin ay napatingin sa amin, ngunit hindi namin sila pinansin. Hinayaan lang namin sila. Ang importante ngayon sa akin ay ang pag-amin ni Lory na gusto niya ang kapatid ko. Hopefully, good news ito kay Kai, alam ko naman kasing may gusto rin siya kay Lory. Crush back na this.

"Ayiee! Kilig naman this girl! Age doesn't matter ha?" pang-aasar muli ni Tasha kay Lory habang si Lory naman ay bahagyang nakayuko.

"Lory, Lory?"

"Ano na naman?" inis na tanong niya sa akin at parehas kaming inirapan.

"Alam mo ba?" pagsisimula ko habang nakatitig sa kaniya.

"O, ano na naman 'yan?" tanong ni Lory sa akin.

"Alam mo ba na... he also likes you?"

***

"Ate Fe! Hindi na po kami lilipat ng school!" masayang ipinaalam ni Tasha kay ate Fe.

Si Lory naman ay tahimik lamang na nagbabayad ng pagkain at inumin niya, samantalang kami ni Tasha ay kanina pa nakikipagkuwentuhan kay ate Fe. Kanina pa napapansin ni Lory na tahimik, ngunit hindi naman ipinapaalam ni Lory ang dahilan. Nahihiya siya kaya hindi siya makapagsalita sa amin. Now that she knows it, it's time to tell Kai the truth as well. Kinikilig ako na excited.

"Nako, maganda 'yan, may bibili pa rin ng mga tinda ko sa loob ng dalawang taon pa," biro naman ni ate Fe sa amin.

"Kahit naman po wala na kami rito, bibili pa rin kami sa'yo e," sabi ko.

"Tatandaan ko 'yan ha? 'Di ko 'yan kalilimutan." Nagtawanan kaming tatlo habang ang iba namang estudyante ay nakatitig lamang sa amin habang bumibili.

"Sige, mag-ingat kayo sa pag-uwi ah?"

"Opo!" sabay-sabay naming sagot at nagsimula nang maglakad.

Habang naglalakad kami papauwi, napansin ko ang ngiti sa labi ni Lory. I think it's because of what I've said earlier, she really likes Kai. Kung papipiliin naman ako e mas gusto ko na lang na si Lory ang makakatuluyan ng kapatid ko kaysa sa iba pang babae. Mahirap makisama lalo na't maarte o maldita. At least, balang araw, kapag si Lory at Kai ang nagkatuluyan, alam ko na ang ugali ni Lory at hindi ko na kailangang mag-adjust.

Ngayong araw na ito, hindi ko nakita si Nick, kaya wala rin akong hello wafer. I've been enjoying reading the pick up lines on the wrappers of that wafer. Somehow, I feel like it's connected to me and Zach's relationship.
Even though we're in a long distance relationship, I feel the connection between us. I feel like he's just there, close to me—staring at me and keeping me safe.

It feels like Zach has been loving me for a long time.

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
132K 9.1K 102
Si Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan n...