My Anonymous Online Boyfriend...

By Queen_Loreen

5.5K 1K 2.2K

Online dating, that's how Melissa started her first relationship. At the age of 15, she met Zach. The guy who... More

My Anonymous Online Boyfriend
émpnefsi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Writer's Reminder

Chapter 9

86 22 23
By Queen_Loreen

This is it, the moment of truth. Wala nang atrasan 'to. Sigurado naman akong maiintindihan nila ang sasabihin ko, expected ko nang magugulat sila, pero ayos lang sa akin. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang kaibigan nilang tahimik at walang kaalam-alam sa pag-ibig ay magkakaroon ng kasintahan.

"Nagawa mo na assignment mo sa English?" nagmamadaling tanong ni Tasha sa akin habang ako naman ay nakatulala lang.

Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko at natauhan naman ako. "A-ano 'yon?"

"Pakopya assignment sa English, 'di ko nagawa e... puro paintings inatupag ko kahapon. Please?" pagmamakaawa sa akin ni Tasha.

I have no choice but to let her copy my assignment in English, basta't huwag lang copy-paste, malalagot talaga kami sa English teacher namin. Madalas masungit si ma'am, pero paminsan-minsan naman ay nakakasunod namin siya. Very strict si ma'am pagdating sa mga assignments at recitations—kasama na rin ang journal namin na kung tawagin ay essay book na rin. Doon lahat nakalagay ang mga essays na ginagawa namin sa kaniya. And guess what? Sa loob ng dalawang araw, anim na essays ang pinapagawa sa amin. Gusto pa niya 'yong pagkahaba-habang essays e, hindi naman niya binabasa hanggang sa huli.

"Huwag mong kopyahin lahat, matuto ka nang mag-paraphrase," pangaral ko kay Tasha. Mabilis naman niyang hinablot ang English notebook ko mula sa desk ko at binuklat iyon.

Sa sobrang pagkakataranta niya ay hindi na gaanong maayos ang penmanship niya, mabilis magsulat si Tasha—kapag naghahabol na siya ng ipapasang assignments. Normal na lang sa amin ni Lory makopyahan ni Tasha ng assignments, pinagsasabihan nga rin namin siya na mag-ayos na siya ng pag-aaral niya dahil mas mahihirapan lang siya sa senior high school at college kung ang katamaran niya ay isasama niya hanggang sa pagtanda niya.

"Kaya mo 'yan, Tasha!" pagbibiro ni Lory at sinusubukang i-cheer si Tasha.

"'Wag ka ngang maingay! Papakainin kita ng siling labuyo—" napatigil si Tasha nang muling magsalita si Lory.

"Go Tasha! Kaya mo 'yan!"

"Hindi ka ba napapagod? Lagi ka na lang naghahabol ng assignments mo ta's kinokopya mo lang din?" Isinara ni Tasha ang notebook niya at ibinaba ang pen niya. Pinasa niya ang notebook ko sa akin at mataray na tinitigan si Lory.

"O, bakit? Ako lang naman din pinapagawa niyo ng assignments niyo sa arts natin ah?" sumbat niya kay Lory at tinaasan pa ito ng kilay.

Hinayaan ko muna silang mag-usap, alam ko rin naman kasing magbibiruan lang silang dalawa. Tama si Tasha, madalas kaming magpagawa ng assignments namin sa kaniya sa arts. Magaling kasi siyang mag-painting, drawing, pati digital arts ay marunong siya. How I wish na gano'n din ako kagaling sa paggawa ng arts, kaso hindi. Linya ko ang pagsusulat at doon ako madalas naka-focus. I enjoy writing stories since I was 11. Hindi man gaano kalawak ang vocabulary ko noon ay nakakagawa ako nang maayos na istorya. Sad to say, lahat ng sinulat ko sa papel na stories ay hindi ko naitago, malamang ay naitapon na iyon ni mama.

"E... magaling ka ro'n e. Stick man lang alam kong i-drawing kaya... salamat sa tulong mo." Lory crossed her arms, ang taas ng pride kahit nagpasalamat na.

"E 'di you're welcome!" Tasha answered.

"Sa uulitin," mahinang tugon ni Lory ngunit narinig namin iyon ni Tasha at nagkatinginan kami sa isa't isa.

"Para kayong mga timang, tulungan lang tayo para lahat aangat."

"Tulungan na hindi puro kopya at pagawa, kundi tulungan na magpapatulong kung paano iyon ang naging sagot at kung paano gumawa ng gano'n," paliwanag ko sa kanila, isang pangaral na rin.

Alam kong madalas silang nagbibiruan, pero minsan napupunta iyon sa away at tampuhan. Ako lagi ang pumapagitna kasi ayaw kong magkaroon kami ng tampuhan sa isa't isa. Importante pa rin ang pagkakaibigan naming tatlo dahil matagal na rin kaming magkakakilala't magkakasama. This is not the time to waste this friendship and the years we've spent just to be together and stay stronger.

"Ang ibig sabihin kasi ng pag-angat nating lahat, hindi 'yong puro kopya at pagawa lang."

"Dapat ang mindset natin, paano 'to naging sagot, paano gumawa ng gan'to. Ano ang dapat gawin at ano ang dapat alamin," pangaral ko sa kanilang dalawa.

"Gets niyo ba?" tanong ko sa kanila habang palipat-lipat ang titig ko sa kanilang dalawa.

"Gusto ko rin naman talaga kayong... turuan sa arts e..."

"Kaso baka ayaw niyo rin-"

"Tasha, if you're willing to help us, just go for it. We will never let you down, we will listen to you." I gently stroke her back.

"Don't hesitate, if you think we need help, let us know. Ikaw ang nakakaalam kung kailangan pa namin ng improvement, don't be afraid to criticize us and our works," paliwanag ko kay Tasha.

"That's how we improve, by criticizing our works," sabi naman ni Lory at agad akong tumango.

"At para naman sa'yo, we will help you learn. That's how you improve, by learning the fact," Lory assured which is true.

You can't answer something if you don't know the real definition behind it. There are so many words that has the same spelling, but different meanings—that's what Tasha must learn. How to differentiate from this to that.

"Well, I guess I'll teach the both of you-kung may time ako." Me and Lory quickly nodded.

"And I will teach the both of you about science and math," sabi naman ni Lory.

"And I will be teaching you guys, English. About grammar, vocabulary, spelling, definitions, and more."

"Sabi n'yo 'yan ah?" tanong ni Tasha sa amin habang nakataas ang kilay niya.

"Oo naman, dapat tulungan, walang lamangan. Kung puwede namang makatulong, why not naman, 'di ba?" I quickly nodded when I heard what Lory have said.

"Alam niyo ba na ang balat ng saging ay puwedeng maging kulay blue?" tanong naman ni Lory sa amin.

Napatigil si Tasha sa pag-ikot ng ballpen sa mga daliri niya at natuon ang pansin kay Lory. "Totoo? Pa'no 'yon nangyari?" tanong ni Tasha.

"Kapag sobrang lamig daw ng klima, may possibility na mag-turn blue 'yong skin ng saging."

"Saan mo 'yan nabasa?" tanong ko naman.

"Sa isip ko," sagot ni Lory sa amin at nag-peace sign pa.

"Sabi na e, duda ako sa baliw na 'to..." inis kong sumbat.

***

After ng klase namin, niyaya ko muna sila sa milktea store kung saan madalas kaming tumatambay. Kahit may pera sila, nilibre ko na lang din sila. Nakakahiya naman kasi, kukunin ko ang oras nila tapos hindi man lang ako manlilibre. Strawberry flavor kay Lory, sa akin ay matcha pati kay Tasha.

"Sobrang importante ata niyang sasabihin mo e." Lory raised an eyebrow and stared at me.

Bago ko ibuka ang bibig ko, inunahan na akong magsalita ni Tasha. "Bakit? Buntis ka ba?" mabilis niyang tanong sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

"Hala! Hindi ah!"

"Pero related do'n?" sumunod namang nagtanong si Lory, ngunit binigyan ko lamang sila ng nagtatakang tingin.

"Ano ba ang nakain niyo at gan'yan kayo mag-isip?"

"Ano nga ba kasi 'yong sasabihin mo?" tanong ni Tasha sabay inom ng matcha milktea niya.

Bumuntong hininga ako at bigla na lang nakaramdam ng kaba. Right now, I feel afraid and spiritless. Kani-kanina lamang ay parang alive na alive ako at handa nang sabihin sa kanila ang sikreto ko, pero ngayon, nag-iba ang ihip ng hangin sa akin. I never thought that the fearless me, could be a coward and spineless person.

"Mel, ano na? Kaya mo 'yan, ano ba? May sakit ka ba?" tanong ni Lory sa akin ngunit hindi ako sumang-ayon sa kaniya.

"A-ano kasi..."

"May taning na buhay mo?"

"May problema ba sa family niyo?"

"May iba ka bang nararamdaman?"

"Tomboy ka ba?"

"Mahal mo na ba si Nick?"

Sunod-sunod nilang tanong at salit-salitan din ngunit kahut isa sa tanong nila ay walang tumama. Gusto ko nang sabihin ngunit hahanap muna ako ng magandang tyempo. Brief happenings muna ta's saka ko na sasabihin. Ayaw ko naman kasing biglain sila, kaya gano'n na lang muna ang gagawin ko.

"May ano kasi... nag-chat sa akin last time pa. Medyo matagal-tagal na."

"Zach ang pangalan niya."

"O, tapos?" Napatingin ako kay Tasha nang magtanong ito.

"Ayon... nag-usap kami tapos mabait naman siya," kuwento ko sa kanila habang sila naman ay tahimik lamang na nakikinig sa akin.

Ibinaba ni Lory ang hawak niyang milktea sa mesa. "Bakit hindi si Nick ang kinakausap mo?" tanong ni Lory.

"Hindi, hindi ko gaanong kinakausap kahit may messages siya sa akin."

"Tapos ayon na nga after a day... nagtanong siya sa akin-"

"Na ano?" Inilapit pa ni Lory ang mukha niya sa akin na para bang sabik na sabik malaman ang nais kong ipaalam sa kanila.

"Na... kung puwede raw... girlfriend na niya ako—"

"Ano?! Ano sinagot mo?!" Nanlaki ang mga mata ni Tasha nang magulat siya. Pati ako ay napatalon sa upuan ko nang tumaas ang boses niya.

Hindi ko sila matingnan sa mga mata nila dahil nahihiya ako, ikinahihiya ko ang naging desisyon ko noon. Hindi ko naman kasi alam na totoo pala iyong gustong mangyari ni Zach, akala ko nagbibiro lang siya. Hindi ko pa naman din siya kasi gaanong sineseryoso kaya ayos lang sa akin kung nagbibiro lang siya. Hindi ko rin naman pinangarap magkaroon ng boyfriend.

"Wala naman akong nagawa... oo na lang..."

Dinig ko ang pagbuntong hininga nilang dalawa. Parehas ko silang pinagmasdan at kita ko sa kanilang mga mukha ang pagtataka. Pati rin naman ako ay magtataka kung gano'n ang mangyayari sa kanila. Isang araw lang naman kasi ang nakalipas tapos tatanungin na agad kung puwede bang maging girlfriend. That would be so weird, but it already happened. Hindi ko naman na maibabalik ang ngayon sa noon.

"So, ano? Mabait naman?" tanong ni Tasha sa akin at tumango naman ako.

"Ilang araw na kayo?" sunod namang tanong ni Lory.

"Siguro... malapit nang mag-one week."

"May picture ka niya? Tingin nga ng itsura—"

"Wait, wait, wait!" Tumingin si Lory kay Tasha at tinanong ito, "Akala ko ba hindi dapat bumabase sa mukha para magmahal ng isang tao?"

"Hindi nga! Pero syempre boyfriend niya 'yon, dapat alam niya ang itsura ng lalaki. Ano ka ba naman." Inirapan niya si Lory at muling ibinalik ang titig sa akin.

"Patingin ako, Mel..." utos ni Tasha sa akin ngunit wala akong maibigay.

Napalunok ako at mabagal na umiling. "W-wala akong... picture niya e..."

Napahampas ang dalawang kamay ni Lory sa mesa. "Aba! Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

"A-ayaw niyang magbigay e..."

Tasha looked at me and slowly shook her head. "Mag-isip ka nang maayos kung may Zach ka ba talagang kausap... mamaya ibang tao pala 'yang nakakausap mo at hihingi sa'yo nang kung anu-ano," sermon ni Tasha.

"Mel, matalino ka. Maging alerto ka," payo naman ni Lory sa akin.

Iyon din ang ipinagtataka ko, kung bakit ayaw magbigay ni Zach ng picture niya. Gusto ko lang naman makita ang itsura niya, pero wala siyang ibinibigay sa aking litrato kahit isa lang. I don't even know where he lives—kung saan ba 'yang letseng Manda na 'yan.

***

Messenger

10:23 PM

Meloves
Ilang araw na tayo, 'di ko
pa alam itsura mo

Boyfie Ko
Sorry, love

Wala kasi akong
pang-picture e

Sira 'tong camera ng phone
ko, saka dalawa pa kami ng
kapatid kong gumagamit dito

Meloves
Talaga? E, bakit hindi kayo
bilhan ng bago?

Boyfie Ko
Ayaw kasi ni mama e, baka
raw masira mata namin

Sorry, love

Meloves
Kahit lumang picture mo sa
cell phone mo wala rin?

Boyfie Ko
Wala rin e, 'di ako mahilig
mag-picture...

I love you, sorry

Meloves
Hayss, kailan ko kaya
makikita mukha mo.

Mag-iisang linggo na tayo, 'di
pa rin kita masyadong kilala...

Boyfie Ko
Promise, love

'Pag may pang-picture na
ako, magbibigay agad ako
ng picture sa'yo.

Meloves
Okay

Boyfie Ko
Strikto kasi sila mama e

Ayaw kami masyadong ibabad
sa gadgets.

Meloves
Pati boses mo hindi ko rin
alam...

Boyfie Ko
Send ako voice message
bukas hihi

Kantahin kita? Gusto mo
maggitara ako? Piano?

Meloves
Kahit ano, basta boses mo

Boyfie Ko
Sige, love hihi

Promise po. I love you

Meloves
Okay

Boyfie Ko
Cute mo *kurot sa pisngi*

Hindi na ako nag-reply. Basta't ibinaba ko na lang ang cell phone ko sa studying table at sumandal sa upuan. I feel sad and confused at the same time. Hindi ko kasi alam kung nagsasabi ba si Zach ng totoo o ayaw lang talaga niyang ipakita ang itsura niya dahil nahihiya siya. It doesn't matter to me, if he's my boyfriend, he must let me know about him.

If this will continue to happen, I might leave him. I won't be dating someone like him anymore. Someone too secretive and mysterious. It's indeed true that if you love each other, you don't base on that person's look. But in this case, it's too much. I don't know anything much about him nor where he lives—where Manda is located. I never heard of that place in my whole life.

"One day, I'll know everything about you... but don't let me wait."

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
277K 17.2K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
159K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...