Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 25

83.5K 2K 140
By asherinakenza


STBFL: Chapter 25

Vanalein Rhyme Romeo

Naghalo halo na ang lahat ng nararamdaman ko, ni hindi ko na rin alam kung anong dahilan ng pag iyak ko. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.

"Thanks." Mahinang bulong ko nang abutan ako ni Stephen ng tissue. Nandito lang kaming dalawa sa sasakyan niya at pilit niyang pinapakalma ang kalooban ko.

Huminga siya ng malalim at nanatili ang titig doon sa harap ng parking.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni Tom. Pero sa tingin ko ay kailangan niyong mag usap." Pangaral niya sa akin, ibinaling ko sa kanya ang mata kong hilam na hilam sa luha.

Mahigpit ang kapit niya sa manibela nang tumitig din siya sa akin. "Rhyme, nakita ng dalawang mata ko kung paano mo titigan si Tom at kahit kailan hindi mo ako pinagmasdan ng ganoon nang aminin mong may nararamdaman ka para sa akin." Aniya na nagpakalabog sa puso ko.

"Don't miss this, h'wag mong hayaang magkaganito kayo dahil lang pareho kayong ayaw makinig sa isa't isa." Aniya at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

"Stephen.."

"Pakinggan mo siya. Kung hindi sapat para sa iyo ang dahilan niya at saka mo siya talikuran." Sambit niya at bumaba siya ng kotse niya, umikot siya sa harap at pinagbuksan ako ng pinto saka inalalayan niya akong makababa.

"Natatakot ako." Bulong ko, ngumiti siya at umiling. "Sasamahan kita at kung hindi mo man kayanin nasa likod mo lang ako. Kagaya ng sinabi ko sayo noon, gusto kong makabawi." Aniya at hinila na niya ako sa kamay ko at muli kaming bumalik sa loob ng bar.

Bumalik na sa normal ang lahat at parang walang nangyari kanina na sagutan sa amin sa lugar na ito dahil nagsasayawan na ulit ang mga tao. Malakas ang tugtog at halos hindi na magkarinigan ang mga nag uusap.

Pinunasan ko ang luha ko at panay ang lingon ko sa paligid at nagbabakasakaling makita ko siya. Mabilis ang tibok ng puso ko, para bang pakiramdam ko ay sasabog na ito. Tama si Stephen, kailangan ko munang makinig sa kanya at sa tingin ko kahit anong paliwanag niya ay tatanggapin ko pa rin.

Mahal ko si Andres kaya ako nasasaktan ng ganito. At kailanman ay hindi ko naramdaman ang ganitong katinding pagmamahal para sa iba, maaaring nagustuhan ko si Stephen noon pero hindi sapat ang nararamdaman ko upang masabi kong pagmamahal ang tawag doon sa pagkagusto ko sa kanya. Alam kong iba ngayon, may ipinapahiwatig yung puso ko na para bang ang gusto lang nito ay isang tao at si Andres iyon.

"Rhyme!" Napalingon ako sa sumigaw, "Jhom! Nakita mo ba si Andres?!" Hiyaw ko sa kanya, ngumiwi siya at napatingin siya sa pagkakahawak kamay namin ni  Stephen.

"Uhm, umuwi na siya, kaalis alis lang. Lasing na lasing." Ani Jhomarie, parang gusto ng lumubog ng puso ko.

Bumaling ako kay Stephen, "Alam mo naman ang bahay niya diba? Let's go." Sambit ni Stephen at nagpatianod na lamang ako sa paghigit niya sa akin palabas ulit ng bar! Narinig kong tinatawag pa ako ni Jhomarie pero hindi ko na iyon pinagbigyang pansin pa.

"Get in!" Sigaw ni Stephen at halata sa kanya ang pagmamadali, wala naman kaming hinahabol na dalawa pero gusto ng puso ko na lumipad nalang patungo doon at yakapin si Andres!

Alam kong nabubulag lang ako ngayon sa sakit na nararamdaman ko, maaaring matagal maghilom ito pero kung mas lalo kong palalalimin ang sugat nito ay mas lalo lang akong masasaktan. Halos sumigaw na ako sa saya nang sa wakas ay nakapasok na kami sa subdivision nila Andres, kulang nalang ay kumawala na ang puso ko sa saya!

"Lumiko ka sa kanan!" Sigaw ko kay Stephen, narinig ko ang pagngisi niya dahil mabilis kong tinanggal ang seat belt ko at kulang nalang ay sa bintana na ako ng sasakyan niya lumabas!

"Yung bahay na yon!" Turo ko kay Stephen.

Huminga ako ng malalim nang makita kong kapaparada lang ng sasakyan ni Andres doon sa tapat ng bahay niya. Bababa na sana ako upang salubungin siya pero napahinto ako nang makita kong bumaba si Mela mula sa driver seat.

Pinigilan kong gumapang ang selos sa buong katauhan ko pero naikuyom ko ang kamao ko nang bumaba si Andres mula sa passenger seat. Sinalubong siya ni Mela at may kung ano siyang sinasabi kay Andres.

"Rhyme, bumaba ka na!" Sigaw ni Stephen na para bang nagbabanta, pero nanigas lang ako sa kinauupuan ko. "Fuck!" Sigaw ni Stephen nang makitang gumapang ang kamay ni Andres sa balingkinitang baywang ni Mela at siniil ito ng napakalalim na halik! Parang huminto yung puso ko sa pagtibok nito, nanikip at may kung anong pumipiga na parang inuubos ang lakas ko.

Bumagsak ang kamay ni Mela sa kawalan at hinayaang mag lakad ang mga paa nila papasok sa loob ng bahay na hindi pinaghihiwalay ang nag aalab na labi sa isa't isa.

"No.." Bulong ko at bumaba pa ako.

"Rhyme!" Sigaw ni Stephen at sumunod siya sa akin!

Halos hilahin ko na ang sarili ko papalapit doon sa gate ng bahay ni Andres at parang may malaking bato na nakabara sa lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng luha ko, nandoon pa rin sila sa gilid ng pinto at hinahayaang magpakasasa ang labi sa isa't isa!

"Nababaliw ka na ba?!!" Sigaw ni Stephen nang bigla niya akong hinila at kinulong sa mga yakap niya! Itinungo niya ang mukha ko sa dibdib niya na para bang may gusto siyang itago sa mga mata ko!

Doon nang nagsimulang bumagsak ang luha ko sa kawalan. "Nananaginip lang ako diba?" Humihikbing sambit ko.

"I'm sorry!" Sigaw ni Stephen sa akin at mas lalong hinigpitan ang pag yakap.


Walang tigil ang luha ko sa pag agos, masyado akong nagpadalos dalos sa mga sinabi ko noon kay Andres, kaya heto ako ngayon at pinagmamasdan siyang nagpapakasasa sa labi ng iba hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

"That's not the point Kiel! Ang laki ng nawala! Sa tingin mo ba ay mababawi natin iyon?!" Umungol ako mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang malakas na boses ni Kuya Diel mula sa tapat ng pintuan ng kwarto ko, siguro ay nandoon siya sa kwarto ni Kuya Kiel.

Tumihaya ako at tumitig sa kisame, bumalik sa alaala ko kung paano nakita ng dalawang mata ko ang mga nangyari kagabi. Itinaboy ko pero hindi ko hiniling na ipagpalit ako.

Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi dito sa bahay, basta ang alam ko lang galit na galit ako kay Stephen sa pagpipigil niya sa akin na h'wag na uminom ng uminom kagabi. Matapos ko kasing makita si Andres at Mela ay nagpumilit ako bumalik sa bar at doon ilabas ang lahat ng sama ng loob ko.

"Rhyme, nangako ka sa Daddy mo na magbabago ka na." Bulong ko sa sarili ko, sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa sakit ng ulo ko! Mariin kong ipinikit ang mata ko pero mabilis ko iyon iminulat nang makita ko sa likod ng mga mata ko ang labi ni Andres na humahaplos kay Mela. Hinampas ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko! Matinding pagkirot kasi ang natatanggap non at nahihirapan akong huminga.

Sa gitna ng pag iisip ko ay nagulat ako sa malakas na pagkalabog mula sa kwarto ni Kuya Kiel! Halos pagsisihan ko ang biglaang pagtayo dahil kumirot ang ulo ko pero pinagwalang bahala ko iyon at mabilis na binuksan ang pinto ng kwarto ko!

Bumungad sa akin ang nakabukas na pinto ng kwarto ni Kuya Kiel at nakita ko siyang nakalupasay doon sa sahig at dumudugo ang gilid ng labi. Hinila siya ni Kuya Diel sa kwelyo at nagpantay ang mga mata nila.

"Come on, Kiel, alam kong kaya mo. Pero bakit hinahayaan mong mawala lahat ng pinaghirapan ni Dad?!" Nanginginig ang boses ni Kuya Diel dahil sa galit pero nanatiling walang pakialam si Kuya Kiel.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya Diel kaya mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa!

"Nag aaway nanaman ba kayong dalawa?!" Singhal ko pero hindi nila ako pinansin. Nagsasawa na ako sa ganitong set up, na para bang wala akong silbi sa mga problema namin ngayon.

"I'll give you three fucking months para bawiin ang lahat ng pinaghirapan ni Dad. Three fucking months, Kiel." Maawtoridad na sambit ni Kuya Diel bago tuluyang bumaling sa akin. "We need to talk Rhyme." Matigas na pahayag niya at nauna nang lumabas ng kwarto ni Kuya Kiel, sandali kong tinignan si Kuya Kiel.

"Babalik ako Kuya, sandali lang." Sabi ko at saka sumunod na ako kay Kuya Diel patungo sa sala. Nakahalukipkip siya doon habang pinagmamasdan ako.

"Kuya, h'wag naman kayong mag away ni Kuya Ki--"

"It's not about Kiel, it's about you. Where have you been last night? Ibinabalik mo nanaman ba ang dating pag uugali mo?" Sermon niya sa akin at mas lalong nilaliman ang pagtitig sa akin, lumunok ako ng sunod sunod.

"J...jan lang." Nakatungong bulong ko, namana ni Kuya Diel ang pagiging istrikto ni Dad at mas lalong lumala iyon nang makapag asawa na siya. Madalas na niya akong pagalitan kahit noon pa kaya naman nung nalaman ko noon na aalis na siya sa bahay namin dahil mag aasawa na siya ay nabunutan ng tinik ng takot ang puso ko.

"Jan lang? Look at yourself! You're definitely a mess! Amoy alak ka nanaman at sabi ni Raquel umuwi ka na walang kamalay malay at namamanhid ang buong katawan dahil sa alak and for Pete's sake, yung lalaking kinalolokohan mo noon ang naghatid sayo kagabi! You are twenty six years old, Rhyme! You're not a baby princess anymore! Wake up!" Dinig na dinig sa buong bahay ang boses ni Kuya nang isampal niya sa akin ang katotohanan at hinayaan kong mag unahang tumulo ang luha ko.

"I'm sorry, Kuya." Bulong ko at halos masaktan ko na ang daliri ko sa kamay dahil sa pagsasalikop ko nito sa bawat isa. Tama naman siya, hindi na ako bata pero umaasta pa rin akong bata.

"I'm sorry." Paulit ulit na bulong ko, huminga ng malalim si Kuya at hinila niya ang necktie bago tuluyan akong dinaluhan at pinunasan ang luha ko saka niyakap ako.

"Grow up, Rhyme. Kakampi mo kami ni Kiel, pero isipin mo naman ang sarili mo. Hindi habang buhay na ganyan ka." Sambit niya at hinalikan ang buhok ko, tumango ako at panay ang hingi ko ng tawad. "Nagpromise ako kagabi kay Dad, na huli na yung paglalasing ko kagabi. Kaya lang Kuya, hindi ko kasi alam kung paano ko matatakasan yung sakit na nararamdaman ko kagabi. Pakiramdam ko alak lang yung makakawala nito, yung makakapamanhid sa buong katawan ko. I'm sorry!" Humahagulhol na hiyaw ko sa dibdib ni Kuya, panay ang pagpiga ng puso ko. Gusto ko nalang mamanhid iyon lalo na sa tuwing maiisip kong dalawang lalaking mahal na mahal ko ang wala na sa buhay ko. Wala na si Dad at para sa akin wala na rin si Andres. Willing akong makinig sa mga explanation niya, pero hindi pala ganoon kadali yon lalo na at alam mong nabahiran na ng pagdududa ang sinasabi niyang pagmamahal sa akin. Ayokong marinig na sasabihin niya sa aking lasing lang siya, dahil napakagagong rason na yon.

"Aray!" Sigaw ni Kuya Diel ngayong ginagamot ko na ang sugat na natamo niya sa gilid ng labi niya mula sa pagkakasuntok sa kanya ni Kuya Diel. Umalis na rin si Kuya kanina dahil may meeting pa daw siya, masaya ako kahit papaano dahil nagkaayos din kaming tatlo kaagad. Humingi ng paumanhin si Kuya Diel kay Kuya Kiel pero alam kong napipilitan lang silang dalawa para sa akin dahil hindi man nila sabihin ay ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa.

"Tsk, ano ba kasing nangyari at nawala ang mga pinaghirapan ni Dad?" Usisa ko sa kanya at nilagyan ko na ng band aid ang gilid ng labi niya.

"Thanks." Ani Kuya matapos kong gamutin iyong sugat niya.

Huminga siya ng malalim, "Kagaya ng alam mo, mortal na kaaway ni Dad noon pa si Mr.Evanco, pero dahil sa magandang presentation ni Tom kay Dad noong nakaraang buwan ay naengganyo si Dad na makipag deal ulit kay Mr.Evanco." Pinalagpas ko sa kabilang tainga ko ang pangalan ni Andres upang hindi ko na maalala pa ang mga nakita ko kagabi.

Si Mr.Evanco ang number one na karibal namin sa company sa larangan ng advertising.

Si Dad at Kuya Diel ang naghahawak ng Advertising Company namin, pero ngayon ay pasan pasan na lahat ni Kuya iyon, maging ang Automobile Company na iniwanan ni Dad ay si Kuya Diel lahat ang nag aasikaso.

"Hindi ba dating partnership ni Dad ang mga Evanco?" Usisa ko, tumango si Kuya. "Yeah, matalik na kaibigan ni Dad noon si Mr.Evanco, pero nasilaw sa inggit kay Dad kaya naghahangad na makuha ang lahat ng mayroon si Dad." Kwento ni Kuya Kiel.

"50% of the advertising compang money ay hawak ni Mr.Evanco."

"What?!" Sigaw ko.

"Kaya may dahilan para magalit sa akin ang Kuya Diel, it's not easy, Rhyme. Bago ang lahat ng ito sa akin, hindi ako hari na alam na kaagad ang lahat. I have to start with small things, hindi yung ganitong kabigat. Bago palang akong tinuturuan ni Dad. And I want Kuya Diel to teach me, pero nauuwi lang ang lahat sa pag aaway. Kagaya mo lang din ako na ayaw sa company, what the fuck am I doing? Isinuko ko ang pangarap ko para magawa ang gusto ni Dad sa company." Nanghihinayang na kwento ni Kuya Kiel, gustong mag stick na Kuya sa propesyon ng pagpipinta. Samantalang si Kuya Diel naman ay business minded.

"Unti unti ko namang minamahal ang kompanya, pero aayawan ko ito kung walang susuporta sa akin. At isa pa, nangako ako kay Dad." Buntong hininga ni Kuya at humiga sa kama niya.

Pinagmasdan ko lang siya.

"Anong kailangang gawin para mabawi kay Mr.Evanco yung napaghirapan ni Dad?" Usisa ko, bumaling sa akin si Kuya at tinitigan ako.

"You can't do it." Bulong niya.

"Kuya."

"Hindi rin ako papayag." Bulong ni Kuya Kiel, kumunot ang noo ko.

"Spill it out!" Hiyaw ko kahit na parang alam ko na ang sasabihin niya.

"50% ng pera ng company ay na kay Mr.Evanco, at si Mr.Go ang nakapirma doon. Mababawi lang ang proposal na iyon kung ipagpapatuloy ang engagement niyo ni Tom. At hindi kami papayag ni Kuya Diel doon." Galit na utas ni Kuya na nagpaangat sa labi ko, kumalabog ang puso ko dahil sa galit.

"Mr.Go?" Sa pagkakaalala ko ay siya ang Daddy ni Andres.

"Yes, kaibigan din ni Mr.Go si Mr.Evanco, alam naman nating pareho na sagana sa Perfumè at ilang personal use ang Go De Perfumè at wala silang advertising company, that's why Mr.Go and Mr.Evanco wants to close the deal with Dad, pero gusto ni Mr.Evanco na sa kanya na lahat mapunta ang kalahating porsyento ng kumpanya, pumayag si Mr.Go sa usaping iyon dahil sa kagustuhang magkaroon ng sariling advertising company. Hindi na niya kakailanganing maglabas ng malaking pera kung sakaling mag-merge ang Evanco-Go Company. Pero mababawi ni Mr.Go ang 50% natin dahil isa siya sa nagmamay ari na ng 50% advertising company natin. But you have to marry his son." Litanya ni Kuya na nagpainit sa dalawang mata ko.

Lumapit si Kuya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Pero hindi ka namin ibebenta ni Kuya Diel, gagawin namin ang lahaf para mabawi ang pinaghirapan ni Dad."

Tinakpan ko ang mukha ko at umiling iling ako. Hinila ni Kuya Kiel ang kamay ko at pilit akong pinapatahan.

"B..but you need my help, right? H..hindi naman pu-pwedeng kayo lang ang gagawa ni Kuya Diel ng paraan." Umiiyak na sambit ko, I have to do something for this family! Hindi ako papayag na wala akong isasakripisyo para sa kanila.

Nanlaki ang mata ni Kuya at umiling iling. "No. Hindi pwede." Sambit ni Kuya Kiel.

Tinitigan ko ng buong lakas si Kuya Kiel at hinayaan kong tumulo ng tumulo ang luha ko. Ganoon naman diba? Kahit ano gagawin mo para sa pamilya mo, para sa ikaaayos ng pamilyang nakagisnan mo na. Hindi pwedeng wala kang isasakripisyo kahit maliit na bagay para lang matigil na ang isang gulo na mayroon kayo sa pamilya.

Ang advertising company at Automobile Company ang bumuhay sa aming magkakapatid. Yon din ang naging dahilan kung bakit mayroon kaming magandang buhay ngayon, dugo't pawis ang pinuhunan ng mga magulang ko upang palaguin iyon at hindi kami papayag na magkakapatid na basta na lamang iyon maglaho na parang bula.

Pinunasan ko ang luha ko at pilit kong pinatatag ang boses ko na parang may nakabarang malaking bato sa lalamunan ko.

"I...I have to marry him."

Alam kong ipinangako ko sa sarili ko kagabi na hindi na ako maghahanap pa ng kahit na anong koneksyon na magpapalapit sa akin kay Andres para protektahan ang puso ko na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagmamahal sa kanya kahit na punong puno na ito ng galit.

I'm going to marry him for the sake of money. Damn it, hindi ko inakalang magpapakasal ako dahil sa business. Pero kailangan kong mabawi ang alam kong dapat ay sa amin. Minsan ka lang naman magpapaka-martyr diba, Rhyme? At sa minsan na yon ay magiging panghabang buhay na impyerno ang buhay ko kasama siya.

****

A/N: Thank you so much sa paghihintay ng updates! I love the STBFL and SDTR readers. :) Nakakawala ng lungkot ang mga comments niyo. Salamat po!

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
3.6M 3.9K 1
Now a published book under PSICOM Publishing Inc. Available in bookstores nationwide! Their whirlwind romance ended as fast as it began. When both...
1.1M 27.8K 30
Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer skills with his guitar. But he's not just...
3.4M 59.6K 33
Jerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, in...