Chapter 17.1: Into the Woods of Exiles

Mulai dari awal
                                        

With these overviews, I realized that every person has its own time of metamorphosis in life. It really takes time until the right one comes. It doesn't need to rush things in life or you'll trip and fall easily. Hard work and patience is the key to reach the final process.

Sa sitwasyon ko ngayon parang masasabi kong kapapasok ko lang sa aking chrysalis chamber. Nagsilabasan ang mga sintomas ng sinasabi niyang metamorphosis na agad ding nagpamulat sa aking isipan. Akala ko tuloy nahawa na ako sa naturang virus na nasa tunay na mundo at binawi ko naman 'yon sa aking isipan.

"Mukhang kailangan ko munang tiisin ang bagay na ito sa ngayon, pero sa puntong hindi ako mahahalata ng iba na may kakaibang nangyayari sa'kin," sabi ko sa kaniya.

"Tama ka. Kailangan mo ring maitago ang bagay na 'yan at huwag kang magpapahalata. Alam ko namang magaling ka sa bagay na 'yan noh! Virtual identity mo nga kinaya mong itago, ang pagsasailalim mo pa kaya sa Navillerian Metamorphosis?" Paalala naman ni Blaurei sa akin at muling dumapo sa aking balikat.

"Gan'on na nga. Pero Blaurei, paano na lang sa mga kasamahan ko sa laro at si Mimi? Puwede ba nilang malaman ang kalagayan kong 'to?" Nakatuon pa rin ang aking atensyon sa kaniya habang inaayos ko ang aking navy blue sleeveless coat.

Muli na ring pumasok ang bagay na ito sa aking isipan. Tanging sila Ranzou, Althea, Emerson at Jairus lang ang nakakaalam sa aking virtual identity bilang si Black Navillerian Angelus at sa pagiging top rank ko. Sa kasong ito naman, kailangan kong isikreto ito sa kanila kahit mapagkakatiwalaan ko naman silang huwag ipagsabi sa iba; maliban nga lang kay Jairus na sinabi sa guild ang aking pangalawang pseudonym na kinaiingatan ko rin.

Isang mabigat na desisyon ulit ang gagawin ko matapos kong marinig ang sagot ni Blaurei.

"Hindi puwede!" Blaurei objected.

"Huh?" I muttered, putting my hands down rapidly. My eyes widened once again from her answer. "Kahit malapit sila sa'kin?"

"Oo kahit malapit sila sa puso mo."

"Bakit naman?"

"Saka ko na ipapaliwanag sa iyo dahil kailangan mo na silang puntahan bago pa nila mapansin." Seryosong tugon naman niya.

Hindi naman sa nagdadalawang isip ako pero ipinagkatiwala ko rin sa kanila ang aking sikreto minsan. Ngunit sa mga ikinikilos ko kanina ay tila gumagawa na ako ng bagay na dapat kong takpan.

Tama si Blaurei. Mukhang iyon na muna ang gagawin ko sa mga sandaling ito para na rin sa seguridad nila.

Tumango ako bilang tugon sa kaniya. "Nauunawaan ko ang desisyon mo Blaurei. Para na rin ito sa kapakanan ng mga kasamahan ko upang hindi sila madamay. Ayokong mapahamak sila dahil sa bagay na ito."

"Mismo Zenrie."

I glanced on the mirror to look with my own reflection. This hair fading from black to azure stamps my curiosity on what the systems are going on. Even the story of the real Black Navillerian Angelus encircles my mind especially on how she looks like through your imagination. She has this kind of hair, but I don't have those sapphire eyes like her.

Pero ang katanungan ko naman ay totoo ba ang mga sinabi ni Prof. Rythen sa kaniyang mga nasaksihan habang may midterm exams kami kahapon. Ang binanggit lang niya ay azure eyes na medyo magkalapit sa sapphire blue. These colors are under the different types of hues in blue.

Bago pa man ako pumasok, kinailangan ko na munang humanap ng paraan upang hindi nila ako mahalata. Isa na talaga sa aagaw ng atensyon sa kanila ay ang buhok ko. Isa pa, parang akong ewan sa damit na 'to lalo na't hindi bagay ang sleeveless cloak sa puting long-sleeved shirt.

Class Code: ERRORTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang