Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020)
"Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
===Zenrie===
April 14, 2020 12:00 PM
SAU Gymnasium Arnis Facility
I tapped my fingers while staring at the two ham sandwiches on the table. My left hand let my face to rest in just a minute while trying to rewind everything what happened yesterday. Magkahalong saya at pagkabahala ang tumatakbo sa aking emotional status ngayon dahil sa mga narinig namin na kakaibang anunsyo.
Masaya, dahil hindi namin inaasahang kami ang itinanghal na kampeon sa dance contest at pangatlo naman sila Zoiren. Maraming sabi-sabi na dahil daw 'yon sa special trick na ginawa ko sa last part kaya nanalo kami, kahit ang tunay na dahilan naman ay ang matinding koordinasyon namin sa pagsasayaw. Ngayon lang din ulit nanalo ang kinabibilangan kong college program mga limang taon na rin ang nakalipas. Defending champion kasi ang Engineering Department dati.
Napalitan naman ang mga malaking ngiti namin noong marinig na namin ang isang anunsyong magpapahamak sa mga napiling estudyante upang makilahok para doon. Minsan gusto kong magtanong kung nakainom ba siya ng gamot pang-maintenance. Kasi naman, hindi pa talaga namin nakokompirma kung tama ba ang mga inuulat sa kanila ng mga tech experts ng SAU kung ligtas bang idaos ito o hindi.
Tahimik kaming nakikinig sa host. Lahat ng mga mata at tainga ay nakatuon sa kaniya habang hinihintay namin ang anunsyo tungkol sa resulta ng naganap na dance contest. Nasa ibaba naman kami ng bleachers kasama ng iba ko pang kasamahan sa grupo.
Katatapos lang inanunsyo ng host na nasa third place ang Institute of Technology and Computing Department na kinabibilangan nila Zoiren at Althea sa stage. Malaki rin ang mga ngiti nila nang matanggap ang kanilang bronze trophy at maliban d'on, may 3 months' supply pa silang pagkain bawat isa sa kanila at 10,000 cedmit na paghahatian ng grupo. Sapat na rin 'yon para madadagdagan na rin ang kanilang financial status sa kanilang student's window account.
Ngayon naman ay ang hinihintay ng lahat: ang pag-anunsyo ng kampeon sa dance contest sa taong ito na inaabangan ng lahat. Sa ngayon kasi, Engineering Department at Arts and Sciences na lang ang naiwan sa sitwasyong ito na talagang nagbibigay ng malakas na kabog sa aming dibdib. Both of our groups are standing in front of the stage as the hosts opened the envelop window with the name of the winner inside.
Ang unang tatawagin ng mga host ay ang kampeon sa contest na ito, habang ang hindi naman ay second place. Ito na rin ang pinakahihintay na moment of truth sa sitwasyong ito.
"And now, the winner of SAU Intramurals Dance Contest is..." pamimitin naman niya.
Lahat ng mga mata'y nakatingin sa kanila. Guests, students, and even the faculty staffs are excited to know who owns the throne of the best dance group this year in virtual world edition. Kahit si Mimi ay napahawak na sa kamay ko nang mahigpit sa sobrang kaba. Nagiging yelo pa nga sa lamig ito.