TRIGGER WARNING ⚠️: Depression, Abuse, Self-harm/Suicidal Tendencies
Hi, minasan! This chapter is heavy that may trigger, especially for those diagnosed with su*cidal depression, other mental illnesses, and family situations. I advise others to skip this chapter if they feel uncomfortable or start to trigger. Sa mga may lakas ng loob naman, read at your own risk. Stay safe, and take care!
~SymphoZenie
=================
===Issei===
May 14, 2020, 12:30 PM
Matsouka-Hidalgo Residence, Lotus Street
Naging makulimlim ang kalangitan nang dumungaw ako sa aking bintana. Sumabay pa ang malakas na bugso ng hangin na tila tumangay sa iilang dahon sa labas. Mukhang nag-fusion din ang malamig na hangin sa labas at ganoon na din ang aircon ko dito.
I was pretty busy putting my stuffs in the cabinet while looking at my laptop. Nilagyan kasi ni Prof. Leizuko ng surveillance cameras ang buong bahay para na rin sa aming seguridad. Para lang akong nasa isang spy series. Puwede rin akong mag-monitor rito kahit wala ako sa lab.
Mabuti na lang at naasikaso ko na rin 'to matapos kong maglapag ng kape at sandwich doon. Hindi pa kasi nananghalian si Prof. Leizuko sa sobrang abala..
"Issei," lumingon ako sa may pintuan nang marinig ko ang katok ni Mom. "Tapos ka na ba sa pag-asikaso mo riyan?" tanong niya sabay pasok.
Tumango ako sa kanya sabay sara ng cabinet. "Hai (Yes). Pababa na rin ako para salubungin si Tita Pricilea. Lumabas kasi siya para mag-grocery."
Halos mag-iisang buwan na rin simula noong pinatuloy namin sila sa bahay. Legit gulat talaga ang impresyon ko nang makita sila sa may gate. Para bang mula sila sa isang kuta na tumakas.
Gaya na lang sa napanood kong action series.
Kulang na lang 'yong pangmalakasang theme song gaya sa pelikulang So Close. 'Yong may dalawag ibon na nag-apir? Basta 'yon ang natatandaan kong unang bahagi sa lyrics.
Sa totoo lang, hangang-hanga rin talaga ako sa efforts nila. We also helped them in return from assisting my beautiful badass cousin who turned into Sleeping Beauty. Kailangan ng true love's kiss para magising siya. Kaso kuryente ang sasalo sa kanya.
Charot lang! Alam ko namang sapak ang ibibigay niya. Kumusta na rin kaya 'yong stalker na panay sunod sa kanya? At sa kumag na nagtraydor sa kanya sa laro? Kapag nakita ko 'yon, titirisin ko talaga ang pagmumukha n'on sabay saboy ng denatured alcohol.
Maalala ko rin. She will give that so-called first kiss to someone who's able to capture her heart and keeps the oath. Gaya ng nasa sinusulat niya ayiieeee!
Mabuti na lang at nakita ko na rin ang mga kasamahan niya noong nasa meeting sila. I'm pretty sure that she and the group hold a heavy responsibility. Isabay mo pa ang pagiging commander niya at pagtatago ng kanyang virtual identity.
I love her team of course. Mukhang may mala-knights in shining armor siya sa gilid ah.
Kilala ko na 'yong isa na kasama niya sa SAU. But who's that good-looking guy on her right? Mukha siyang oppa o senpai sa isang anime series.
"Dinalhan mo na ba ng kape't sandwich si Prof. Leizuko sa lab?" tanong ni Mom sabay upo sa aking kama. "Hindi ko rin kasi siya maasikaso dahil abala rin ako sa kusina. Nagluluto kasi ako ng pananghalian para sa atin. Kanina pa kasi siya nagtatrabaho sa sinasabing Project: Virtualrealmnet at pag-mo-monitor sa vital signs ng pinsan mo."
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
