Chapter 12.1: Beta Tester #1-A

81 3 21
                                        


===Zenrie===

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

===Zenrie===

"Long time no see, Jairus. What a surprise to see a person like you visiting me in Strelia Aurelis," nakangising saad kong may halong sarkastiko.

Nagkatinginan kaming dalawa kahit nasa tatlong metro lang ang aming pagitan. Hindi pa rin maialis sa aking mga mata ang mariing tingin sa kanya na talagang gigil na akong kunin ang espada sa aking item vault. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagpakita ngayon sa aking harapan ang isang ahas na may matinding kamandag.

Ano namang puwersa ang nag-udyok sa kanyang puntahan ako rito? Ang kapal din ng mukha ng mokong na ito.

Lumapit ako sa kanya habang nakakibit-balikat. Hindi rin naman siya umalis sa kanyang kinatatayuan at pinahintulutan niya akong lumapit. Tumigil ako sa layong 70 sentimetro at nagsalubong ang aming mga tingin. His hazel brown eyes are stunning yet opposite to his filthy soul hiding behind his iris. Binigyan niya ako ng isang mala anghel na ngiti at huminga nang malalim.

"Wala ka pa rin talagang ipinagbago Zenrie-chan. Nakangiti pa rin at minsa'y seryoso lalo na kapag nasa laro. I can still sense your assassin/sword player's aura everytime I look into your eyes," nakangiting sabi ni Jairus, kasabay ng pagtangka niyang paghawi sa aking buhok.

I raise my hand up to my chest that made him to refrain from doing it. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya habang palihim namang nakakuyom ang aking kanang kamao sa likod. Ang apoy sa aking puso ay mas lumagablab pa nang makita ko ang mukha ng isang ahas na bumisita sa SAU.

"Ikaw rin Jairus," sarkastikong saad ko. "Wala ka pa ring ipinagbago lalo na sa hitsura mo. You're still looking good and a charismatic sword player."

"Same to you. Thanks for the compliment." He beamed a smile and tilts his head to the left. Wow huh! Ginanahan pa talaga ang mokong na 'to.

Nakangisi naman ako sa mga sinabi niya at yumuko nang bahagya. "You're welcome."

Maya-maya pa'y hinakbang ko ang aking kaliwang paa paabante at umikot kasabay ng pagtaas ng aking kanang paa. Sumapul ito sa kaliwang pisngi ni Jairus at tumilapon sa pader. Mabuti na lang at hindi ito nagkaroon ng mga konting crack dahil sa lakas ng aking pagkakasipa. Kanina ko pa talaga gustong gawin 'to nang makita ko siya sa mismong harapan ko. Nakakagigil!

At kung hindi niya alam, ang sinasabi ko lang naman sa konting compliment ay gusto kong basagin ang kanyang maamong mukha at nagawa ko nga.

Napahimas si Jairus sa kanyang kaliwang pisngi na kung saan nagdulot ito ng malaking pulang marka habang dumadaing siya. Nakakadagdag na rin sa karisma niya ang munting pinsala sa kaliwang pisngi niya.

"Grabe ang lakas n'on!" Daing niya. "I didn't see that coming. Mabuti na lang at may pain absorber protocol sa systems kaya hindi ko nararamdaman ang sakit."

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now