Chapter 34.1: Blind Spot Test

120 0 0
                                        

===Zenrie===

May 15, 2020 06:30 AM

"COMMANDER ZENRIEEEEE!!" Isang malakas na tawag ang nagpamulat sa aking mga mata na umalingawngaw sa labas. Dahan-dahan na muna akong bumangon sabay unat ng aking katawan. "Gumising ka na!"

Napakaaga naman at iyon pa mismo ang maririnig kong alarm clock.

"I need more five minutes," matamlay kong tugon sabay bagsak ulit ng katawan ko sa kama.

"Zenrie, wakey-wakey! Oras na para mag-agahan!" paggising ulit ni Zoiren sa akin habang niyagyag ang aking paa. I just cover myself with a blanket and let my drowsiness swallow me. Mutikan ko na rin siyang masipa sa tiyan nang nilakasan pa niya.

Nakakatamad bumangon. Parang nakulangan pa yata ako sa tulog dahil din sa ginagawa kong training kaninang madaling araw. At the same time, fulfilling my duties as Black Navillerian Angelus na hindi nila nakikita.

It was way too close when someone woke up and saw her dashing into the woods. Mabuti na lang din at iniisip ng muntikan nang nakakita na namamalik-mata lang siya o nananaginip.

That's even weirder while we're trapped inside the dream with this gear and still dreaming.

Wala pa rin akong ganang bumangon. Parang binugbog sa pagod simula noong gawin namin ang ibang physical training kahapon. Parang sumali ako sa military.

Nang lumipat ako ng posisyon, isang malambing na boses ng isang lalake ang nasagap ng aking mga tainga. Kahit nakatulog kasi ako, malakas pa rin talaga ang pandinig at pandama ko.

"Zenrie-chan, okitte (Wake up)..." Wika niya sabay tapik ng aking balikat.

"Five more minutes please? Masyado pa namang maaga—"

"Commander Zenrie Matsouka-Hidalgo, it's time to get up!" He immediately grabbed the blanket and pulled it away from me. Dahil doon ay naramdaman ko ang malamig na hanging humaplos sa aking balat.

De tokwa! Kailangan kong makabawi ng tulog jusko.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad siya sa aking harapan: a good-looking bakunawa that I really wished to kick his face one more time.

"Ohayou (Morning)," nakangiting bati niya, habang ako ay inunat ang aking katawan.

Lumingon agad ako sa kanya at ngayon ko lang napagtantong medyo magkalapit ang mga mukha namin. Parang gusto kong magsagawa ng makeup tutorial ngayong umaga.

"Six feet social distance o baka magkaka-blush on at black eye ka pa sa mukha," mahinang sambit kong may riin sa dulo.

He suddenly moved an inch away, flinching. "Pasensya na," mahinang paumanhin niya sa'kin. "Ayan kasi, ang tagal mong magising."

"Kulang na lang ilagay pa namin ang tiramisu cake sa ilong mo para bumangon," pabirong saad naman ni Zoiren. Sarap ibato ng unan ang pagmumukha ng dalawang 'to.

Sa totoo lang, para akong nagbuhat ng ilang toneladang bato sa sobrang pagod. Pinagsabay kasi namin nitong nakaraan ang training ko bilang si Black Navillerian Angelus nitong madaling araw, tapos isang training pa kasama ang Arcantz Legionear. Isa pa, kasama si Mimi roon sa activity at muntikan pang mahagip ang tali niya sa alambre.

Ngayon naman ay nagpaalam siyang hindi na muna siya sasali dahil nga ay busy siya sa paghahanda ng mga kakainin at pag-aasikaso sa beach cottage. Kung nasa tunay na mundo pa ito, matinding pulikat ang abot naming lahat.

I glanced at them both after I stretched my back and arms. "Ang aga pa para mang-asar kayo. Pumunta na muna tayo sa kusina para makapaghanda sa susunod na training," saad ko habang kinuha ang itim na oversized black hoodie jacket sa student's window. Isinuot ko agad ito at kapansin-pansin ang pagtataka ni Zoiren.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now