Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020)
"Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
10 Years Later...
===Zenrie===
March 13, 2020
DAHAN-dahan kong minulatang aking mga mata at naaninag ko ang konting liwanag mula sa bintana ng aking silid dulot ng bukang-liwayway. 5:00 A.M. pa pala ayon sa pagtansya ko ng oras at medyo madilim pa. Tinatamad pa akong bumangon at matagal pa naman bago ang oras ng klase ko kaya minabuti ko munang umidlip saglit ng limang minuto. Isama mo pa ang malamig na hanging humahaplos sa balat.
Minulat ko ulit ang aking mga mata nang marinig ko ang napakalakas na alarming mula sa keypad kong cellphone. Agad kong kinuha ito at pinatay ang alarma kasabay ng pagtingin ko sa munting screen. Tumambad ang numerong 7 at sumunod naman ang dalawang 0. Noong una'y hindi ko ito pinansin hanggang sa nalaman kong isang oras at tatlumpung minuto na lang ang kulang bago magsimula ang klase ko.
"Anak ng... mahuhuli na ako sa klase ko!"
Kasabay ng matinding paggana ng aking adrenalin rush, napatalon ako pababa sa hinihigaan kong double-deck bed mula sa itaas na bahagi at hindi na nag-atubili pang maghanda para pumasok gaya ng isang tipikal na estudyante. At buti na lang nakaalis na 'yong kasama ko sa silid baka matawa pa ito at sabihing may tipaklong na tumalon dahil mahuhuli na 'pag nandoon pa siya.
Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng aking uniporme. Naisuot ko na rin ang aking puting school blouse na may mahabang manggas na nakainsert sa paldang kulay night sky blue na hanggang itaas ng tuhod ang sukat, night sky blue colored neck tie, black knee socks at 2 inches healed-black school shoes.
Naglagay na rin ako ng konting pulbo sa mukha at sa likod at naglagay ng lip balm na naaayon sa aking kulay rosas na labi. Sinuklayan na rin ang aking itim at matingkad na buhok na hanggang ibaba ng balikat ang taas habang nakaharap sa malaking salamin. Nagsuot na rinako ng salaming may anti-radiation at konting sukat ng grado sa lente. Medyo nanlalabo na rin kasi ng konti ang mga mata ko. At kapag labis naman ang pag-expose ko sa mga gadgets na walang suot na salamin, migraine talaga sa kanang parte ng ulo at mata ang aabutin ko. Mas matindi pa sa masaksak sa parteng ito. Makakaramdam ka ng hilo, pagsusuka, at minsan pa'y mawalan ng malay. Mas malala pa ito kaysa sa "Seal of the Right Eye" nanabasa ko sa isang patok na light novel na ginawan na ng anime adaptation.
Kasabay ng paglabas ko sa boarding house ay dinala ko na ang kulay itim kong bag na may tatlong keychain ng espadang nakakabit sa hawakan ng zipper na mula naman sa sinasabi kong light novel. Alam niyo na kung ano 'yon. Hindi ko na rin inisip kung anong oras na kaya tumakbo na lang ako papunta sa pinapasukan kong unibersidad, ang Strelia Aurelis University o SAU na isa sa mga prestige public university sa lungsod ng Dabaw. Sa bagay 50 meters lang ang layo ng tinutuluyan ko mula roon kaya mas mainam na sa 'kin ang lakarin na lang 'to.
Makalipas ang limang minutong pagtakbo ay nakapasok na ako sa unibersidad at dali-daling pumasok sa gusali ng Arts and Sciences Department. Sa pangatlong palapag matatatagpuan ang Literary and Arts Section na mismong kinabibilangan ng aming silid-aralan. Tamang akyat lang ng hagdan at talaga namang lalaki ang mga binti mo sa sobrang taas ng kinabibilangan niyong palapag.