Chapter 34.2: In the Eyes of the Peculiar

63 0 0
                                        

TRIGGER WARNING ⚠️: Domestic Violence, Vulgar Words, Su*cidal Tendencies that may not suitable for very young audiences.

Hi, minasan! This chapter is heavy that may trigger, especially for those diagnosed with su*cidal depression, other mental illnesses, and family situations. I advise others to skip this chapter if they feel uncomfortable or start to trigger. Sa mga may lakas ng loob naman, read at your own risk. Stay safe, and take care!

~SymphoZenie

====================

====================

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

===Zenrie===

July 12, 2015, 04:30 PM

"SINASABI ko na nga ba! Ano 'tong nabalitaan kong nakipag-away ka sa kaklase mo?!" Marahas akong hinila ni Garita sa sulok ng hapag-kainan. Halos lumabas na lahat ng usok sa kanyang mga tainga at nakaakmang kunin ang walis tambo sa gilid.

"Kahit kailan talaga pasaway kang bata ka! Alam ko talaga sa simula pa lang para ka nang demonyo kung umasta."

Pinilit kong magmakaawa kay Garita habang sunod-sunod na ang mga palo niya sa'kin. "Nakakamali po kayo Garita. Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko dahil sinira niya ang project kong family tree."

Halos bumabaon na ang parteng pinaghampas niya ng walis sa braso't binti ko. Tumulo na nang tuluyan ang mga butil ng luha sa mukha ko't pilit na sinangga ang aking mga kamay at braso para protektahan ang ulo ko.

Ano bang ginawa ko? Pinoprotektahan ko lang naman ang sarili ko kanina sa klase. Ilang beses ko nang iniinda ang pinaggagagawa nila sa'kin kahit sa pisikalan na.

"Family tree mo 'yang mukha mo!" halos mapahiyaw na ako sa sakit nang matamaan niya ang aking likod. "Ang sabihin mo ay ginawa mong punching bag ang batang 'yon. Nabaliw ka na siguro sa kababasa mo ng mga walang kuwentang libro sa kuwarto mo at pagkalikot ng ibang bagay r'yan. Ano ka, tech genius? Nasisiraan ka na!"

"Buti nga sa'yo!" rinig kong kutya ni Arman sa likod. He even stick his tongue out at me while laughing hysterically. "Pabida ka kasi."

"Tama na po! Nasasaktan na ako sa ginagawa niyo," pagmamakaawa ko sa pangalawang pagkakataon habang basag na ang aking boses sa kaiiyak.

Tuloy pa rin ang pamamalo ni Garita sa'kin habang humihikbi na ako sa sakit. Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Para na akong nagiging lantang gulay sa bawat palo.

"Gagawa ka pa ng family tree, eh 'di ba't iniwan na kayo ng mama niyo?" Garita said and chuckled mockingly. "Kami na ang nasa posisyon niya ngayon at ako na ang mama mo, Zenrie!"

Inangat ko ang aking tingin sa kanya. Nagsisimula na namang lumagablab ang aking mga mata at tila gusto kong turuan ng leksyon ang babaeng ito.

Hindi na ako nakapagpigil pa't agad kong inagaw ang walis sabay tulak sa kanya. Sa lakas ng tulak ko ay nasubsob ang puwet niya sa sahig kasabay ni Arman.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now