===Zenrie===
Sumapit na rin ang 01:00 ng hapon at nakaantabay na kami sa back stage ng open field arena. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi habang binubuksan ko ang aking mga social networking sites. I also posted an announcement to my Wattpad account that I'm going to be in the state of hiatus even if my work is about to end. Nagiging mas abala na kasi ako sa pag-aaral, training, at ang pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ni AI 6773 Avicta.
Pareho pa rin ang nakakalap naming impormasyon tungkol sa AI na ito. Wala pa ring ipinagbago habang pinagmamasdan pa rin ang paligid kung sakaling magkakaroon na naman ng ERCO 673. Gaya pa rin ng dati ay nananatili pa ring normal ang lahat habang wala pa ring nangyayaring kakaiba.
How come it is peaceful despite of the event? Mukhang nananahimik muna si Avicta ngayon.
Maliban doon, hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa ring kontakin si Prof. Leizuko para sa sitwasyong ito. Hindi ko alam kung naging aware ba siya sa mga nangyayari ngayon sa virtual world. Kahit ako ay hindi maiiwasang makakaisip kung ano na ang kalagayan nila roon.
Sana man lang ay walang masamang nangyari sa mga propesor at iba pang empleyado sa Sirius Tech.
But what's worse? 'Yong pagdating mo sa dorm ay kinain pala ng Jairus na 'yon ang pinakamamahal mong tiramisu cake. Panibagong award na naman ang binigay ko sa loko dahil doon at talaga namang hindi ako natutuwa. Patong-patong na ang mga atraso sa'kin ngayong linggong ito at talagang nakakakulo pa rin siya ng dugo.
Napabili ulit ako sa cafeteria kanina matapos kumain.
That was my booster for today's battle and he just ate it without asking Zoiren or me? What the heck?!
Habang hinihintay pa ang anunsyo ng host sa event, I decided to check my Twitter. My lips slightly parted when I read the latest trends.
Trending:
#SAUIntramurals2020
#DuelArenaTournament
#RoadToSemiFinals
#DeathGameSubjectERCO673
Mukhang trending rin ang hashtag sa huli tungkol sa death game subject.
Same thing as usual. Sino ba naman ang hindi mapapasama sa trending dahil sa usapin tungkol dito? This is a serious matter to talk about while we are stuck in the virtual world. Masuwerte ngang hindi ito umusbong, pero kinailangan pa rin maging mapagmatyag kung sakali.
Ito ang kauna-unahang intramurals ng SAU na ginaganap ngayon sa mundong alternatibo. Kahit naghihiyawan ang mga manonood ay hindi ko pa rin maiiwasang tignan sila sa mga mata at kumiliatis. That first day gave us the trauma, but then my smile widened when there's still hope.
There's a light behind the darkest hour.
Pero naiinstriga pa rin ako kung ano ang pinag-tweet ng mga netizens mula sa event. Siguradong nasa 50-50 na naman ang kalagayan ng ito.
"Oy! Humanda ka na r'yan Zenrie," tawag naman sa'kin ni Zoiren na patakbong lumalapit sa aking kinatatayuan. Paglingon ko ay naaktuhan kong muntkan siyang madapa ngunit agad namang nakabuwelo.
Hay! Hindi na rin talaga mawawala sa'kin ang mga tagpong ito araw-araw. Dapat nag-iingat siya.
"Ayos ka lang?"
"Yup. Huwag mo na lang pansinin ang bagay na 'yon," tugon naman niya't napakamot sa ulo.
"Ok." Pasimple na lang akong tumango at ngumiti sa kaniya. "Lagi kang mag-iingat lalo na sa dinadaanan mo para 'di ka madapa."
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
