===Zenrie===
Masama 'to! Nagsisimula na ring magparamdam ang bangungot na ito!
I thought at first that virtual world is a safe place from the sick and awful reality. Lahat ng bagay na matagal nang nakakulong sa loob mo ay puwede mong ilabas dito at pakiramdam mo'y nasa isa kang magandang panaginip.
Kahit kasagsagan ngayon ng pandemyang halos kumitil sa libo-libong tao sa mundo, ito ang naging alternatbong paraan upang maipagpatuloy ang naudlot naming edukasyon. Wala ngang safety protocols dito at social distancing. Minsan pa nga'y may nakakatagpo kang kakaibang nilalang dito at magawa ang isang bagay na hindi magagawa sa tunay na mundo.
Ngunit ang munting paraiso na ito ay nilugmok ng isang AI na kumontrol sa systems ng virtual world at nagkulong sa aming lahat dito. Samu't saring bahagi ng isang puzzle ang nagkalat sa paligid na kailangan naming tagpiin kung sino ba talaga ang Avicta na ito at sa 15 hiyas ni Lanzar.
Ang tanong ay paano namin ito mahahanap at paano rin kami makakaligtas sa bangungot na ito.
Nananatili pa ring manhid ang aking mga binti habang nakatingin ako sa pulang kalangitan. Halos tumulo na ang aking tagaktak na pawis mula sa aking leeg na halos nababasa na ang aking kwelyo. Nagpatuloy pa rin ang pagtunog ng nakakakilabot na sirena sa buong virtual world. The vibe was giving me such chill to my spine while staring to the sky.
Pati na rin sa mga nangyayari sa aking katawan. I'm really not expecting this to happen.
Unti-unting umakyat ang liwanag na mula sa aking kanang kamay patungo sa aking braso. Dahan-dahan ay nilamon na ako nang tuluyan ng liwanag na ito at hindi ko na magawa pang makasigaw. Hindi ko na rin magawang tumayo dahil nananatili pa ring lantang gulay ang aking mga binti.
Masyadong weirdo na ang mga nangyayari sa'kin ngayon. Ano bang klaseng kahibangan ang mga 'to? Bakit kailangan kong sapitin 'to? Kung tutuosin, mas malala pa pala ito sa pagkakaroon ng RespiroRoachVirus.
Mas malala pa sa pagkakaroon ng genetic mutation.
Matapos ang sampung segundo, unti-unting naglalaho ang liwanag sa aking katawan. Muli kong binuksan ang aking mga mata at muli ko na namang nakikita ang mga kamay kong nakasuot naman ng itim na guwantes at ganoon na rin ang puting manggas. Sa mga nakikita ko, parang nagpalit ang aking kasuotan sa pagiging baguhang manlalaro o mandirigma.
"Sinasabi ko na nga ba," bulong ko sa aking sarili.
Nanumbalik muli ang aking lakas sa buong katawan kaya nagawa kong tumayo. Tila kakaiba ang aking pakiramdam at mistulang gumagaan ito. May nakita akong sirang salamin sa gilid ng pintuan at doon ko nasaksihan ang aking anyo. My heart skips a beat again when I saw something different from last Friday's hijacking.
Humaba pa ang aking buhok na umabot na hanggang hita ang dulo. The black color of my hair was is still here but the difference is there's a painted azure from my hips down to my thighs and it creates a fading effect; just like on the tips of my wedge-cut bangs from both sides. My eyes remain its night sky color and it gives me a great relief. Akala ko tuloy asul na ang makikita ko.
Anong klaseng kalokohan na naman 'to?! Hindi naman siguro ito isa sa mga binasa ng systems tungkol sa virtual identity ko tama?
I gasped sharply as I cover my mouth with my right hand. A little hint of tremble pinches my knees while looking in the mirror revealing this unexplained happening.
Sa nasasaksihan ko sa aking buhok, parang malakas ang kutob kong may ginagawa na naman si Avicta sa systems ng virtual world at hindi ko talaga gusto 'to. These highlights take me to the world of my mom's story. Masasabi ko talagang isang malaking kabaliwan ang ginagawa niya.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
