Chapter 2: Sirius Tech Institute

173 12 2
                                        

===Zenrie===

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

===Zenrie===

Matapos ang emergency assembly sa school ground kanina, pinauwi na kami ng aming presidente sa SAU dahil sa banta ng RespiroRoachVirus na lumalaganap na sa mundo. Sa pagkakaalam ko kanina, nasa 30 na ang kaso ng virus na ito sa bansa at tigsasampu pa ang bilang sa Luzon, Visayas at Mindanao. Tatlo rito ang naitala na sa rehiyon at isa na rin ang namatay at gumaling na. Kahit maliit pa lang ang naitala, hindi pa rin tayo dapat maging kampante at sumunod na lamang sa paalala. Para rin naman ito sa kaligtasan natin.

Dumiretso agad ako sa aking boarding house at kinuha ang lahat ng aking mga gamit saka pinasok sa isang malaking maleta at bag. Naglalaman sa aking maleta ang lahat ng aking mga damit, personal hygiene kits, libro, writing tools, at ang munting stuff toy ko na chibi na may pakpak ng paruparo na lagi kong kasama sa pagtulog. Bigay kasi ito ni mama noong 9th birthday ko at iniingatan ko talaga ito at ayaw na ayaw kong mawala pa. Sa isang bag naman nakapaloob ang maliit na unan, kumot, dalawang sapatos at isang pares ng itim na tsinelas, bathrobe at tuwalya. Nagbihis na rin ako ng damit pagkatapos kong magligpit ng gamit at ipinasok ang aking uniporme at school shoes sa maleta at bag.

I wear my gray inner sando in tucked with my favorite black skinny jeans and black hoodie jacket zipped to my lower chest then I wear my white snickers with black lines on the side. I also tie my hair in ponytail and fix my right slash bangs and wedges on both sides where the left side is longer than the right. And also I don't forget to have a little retouch and my black mask for prevention.

Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako sa aking silid at sinarado ito nang maayos bago ko lisanin ang boarding house. Inilabilin sa amin ni Aling Susan na kunin na lang agad ang lahat ng gamit doon dahil hindi kami sigurado kung kailan matatapos ang pandemyang ito at sa buwang ito lang ang babayaran namin at hindi niya muna ito papatungan ag iba. Napakabuti talaga niya sa amin.

Dumiretso agad ako sa labas ng SAU upang maghintay sa pagdating ng susundo sa akin na taga Sirius Tech. Mas maaga lang din ako ng 15 minuto mula sa pinag-usapang oras sa text message. Nagtext na rin siya kanina na may isang kulay navy blue na van ang pupunta rito upang sunduin ako sa loob lang ng limang minuto. Huminga na muna ako nang malalim at isinuot ang aking hood upang proteksyon laban sa init ng araw at takpan na rin ang mukha ko sa malalim na dahilan. Wala naman akong social anxiety pero ayaw ko lang talaga minsan sa matataong lugar. May naaalala lang kasi akong ayaw na talagang balikan pa.

Matapos ang limang minutong paghihintay ay dumating na rin ang isang navy blue van na pumarada sa harapan ko. Binaba ko muna saglit ang bag na dala ko at ipinatong sa may hawakan ng maleta dahil sa kabigatan nito at nangangawit na ang mga braso ko. Habang binuksan ang van, tumambad sa aking mga mata ang isang babaeng sa pagkakaalam ko'y nasa 30's ang edad pero maganda at mestisa. Parang may lahi siyang Briton at medyo magkahawig sila ni Agent 99 sa pelikulang Get Smart dahil sa suot niyang puting suit. Maya-maya pa'y isang maalingawngaw at nakakainis na sigaw na mula sa isang lalaking estudyanteng binansagan ko nang stalker ang naloloka na at parang pinipigilan pa ako. Siya lang naman si Sack, ang lalaking takas sa mental na estudyanteng mula sa Business Administration Department na biktima ng "Bustednitis".

Class Code: ERRORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora