Chapter 9: The Stranger

55 2 9
                                        




Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.



===Zenrie===


Mabilis naming tinahak ang lokasyon kung saan nagmula ang malakas na sigaw ng isa sa mga nawawalang estudyante. 17 minuto na rin ang nakalipas nang matagpuan namin si Georgia na nagtamo ng mga pinsala sa katawan at palaisipan pa rin hanggang ngayon kung paano ba siya nakatakas sa sinasabing estrangherong dumukot sa kanila at ang mga kakaibang sugat sa kanyang katawan.


Pambihira naman ang bagay na 'to! Hindi ko akalaing hahantong ito sa operasyon ng pagliligtas sa isang bihag ang aming normal na klase rito sa virtual world.


May hinala na rin ako sa simula pa lang na may kakaiba na talagang nangyayari rito simula pa noong sumalang kami sa beta testing. Maliban sa biglaang pagsulpot ng game stats na strength, agility at intelligence, dumagdag pa ang kakaibang mga abilidad na mas tumaas pa ang antas mula sa normal na kapasidad nito gaya na lang ng pagtalon nang mataas at mabilis na pagtakbo na parang kidlat. Hindi ko alam sa ngayon pero pakiramdam ko may gustong sumabotahe sa Project: Virtualrealmnet o kaya nama'y gustong agawin ang proyektong ito. Ewan ko ba. Samu't saring mga teorya na rin kasi ang pumapasok sa isipan ko tungkol sa mga nangyayari.


Kahanga-hanga nga ang kauna-unahang virtual reality project na ito sa Pilipinas at ginamit bilang advance technology learning system ng mga estudyante. Isa na kami sa mga unang tumangkilik ng kakaibang teknolohiyang ito mula sa 20 magkaibang unibersidad sa bansa. Pero hindi ko alam kung kami lang ba talaga ang kabilang sa proyektong ito. Napaisip tuloy ako kung paano na lang ang mula sa antas na kindergarten hanggang senior high school?


Being a part of this project is an opportunity; also become a part to solve some unknown mysteries.


Nakarating na rin kami sa isang malawak na bahagi ng gubat na medyo hindi nasisinagan ng buwan. Sa aming harapan ay tumambad ang nag-iisang puno ng balete sa aming harapan na nakatayo sa gitna. Mayayabong ang mga baging at dahon nito ngunit kapansin-pansin ang kakaibang kulay nito mula sa normal na baleteng makikita sa tunay na mundo. Mistulang mangitim-itim na berde ang mga dahon at baging habang magkasingkulay naman ng uling ang kahoy nito. Ang taas din nito ay maihahalintulad sa red wood na pinakamataas na puno sa buong mundo kumpara sa naturang puno na nakikita natin sa labas ng alternatibong mundo. May mga usok ding lumalabas sa bawat butas nito na kulay berde rin na halos mapapatakip ka na lang ng ilong upang hindi malanghap ito. Mas malala pa ito sa amoy ng gasolina.


"Nakakatakot naman ng lugar na 'to," sabi ni Althea habang pinagmamasdan ang paligid.

Class Code: ERRORNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ