===Zenrie===
Matapos naming mag-log out ay nagkaroon kami ng munting pagpupulong kasama sila Prof. Leizuko at Prof. Aise tungkol sa mga nangyari sa virtual world at sa mga oras na ito ay pinag-uusapan namin ang nangyaring munting insidente.
"Rupert and Lezmond, I guess you already know what happened earlier in the virtual world right?" seryosong tanong ni Prof. Leizuko.
Sa mga oras na ito ay pinagsabihan niya ang dalawang damuhong tungkol sa nangyari kay Ellah. Naging seryoso siya noong tumingin siya sa screen ng computer at nasaksihan ito. "You accidentally pushed Beta Tester #9 Ellah on the railings and you didn't make an act to help her. Hinayaan niyo lang siyang kumapit sa railings habang humihingi siya ng tulong. Hindi niyo man lang siya hinatak pataas at pinapanood niyo lang siya hanggang sa mahulog."
"But it's just an accident Prof. Leizuko," pagtanggi naman ni Rupert sa mga paratang. "Kung hindi lang sana ako kinulit ni Lezmond ay hindi sana nahulog ang magandang si Ellah sa railings."
Nang-iinsulto ba ang mokong na'to?
Kumontra naman agad sila Ellah at Andy sa kanyang mga sinabi. Aakma sanang suntukin ni Andy si Rupert pero agad namin siyang pinigilan ni Calyx at ni Emerson.
"You kidney bean-brained scumbags! Do you think my twin sister doesn't felt terrified on what you've done? Where did you put your brain while playing like kids and pushed her accidentally? 'Ni hindi niyo man lang siya tinulungang iangat! And don't insult my sister you careless jackasses!" nagagalit na saad ni Andy sa kanila. Namumula na ang kanyang mukha dahil rito at tila umuusok pa ang ilong niya.
Mabuti naman at pinakalma na siya ni Ellah bago pa man magkakagulo ang lahat. Sa nakikita ko naman kay Ellah ay mas nagiging mahinahon na siya kumpara kanina. Siya na rin ang nagpatuloy sa pagsasalita.
"Nakatingin lang sila sa akin at hindi nila ako inangat habang humihingi ako ng tulong Prof. Leizuko. Pero buti na lang at agad dumating si Zenrie at iniligtas ako," sabi ni Ellah at nakangiting tumingin sa akin.
"I see," pagsang-ayon naman ni Prof. Leizuko sa kanyang mga sinabi at tumango. Siguro nakita rin niya ang ginawa ko habang inililigtas ko si Ellah. Naku lagot.
Lumapit agad siya sa akin at kinausap.
"I saw what you've done while saving her. Pinagtataka ko rin kung paano tumaas ang mga antas ng lakas at bilis na taglay mo at sa tingin ko ay may kinalaman ito sa iyong virtual self. But I guess it's just normal for you and for the other beta testers. Isipin mo na lang na nasa isang mala-science fantasy fiction theme ang klase niyo roon sa virtual world. But when you notice something weird, I really need your help to unlock those mysteries," mahinang sabi ni Prof. Leizuko na agad ko namang ikinagulat. Akala ko tuloy ay papagalitan na naman ako gaya nila pero hindi.
Unlock some mysteries? Hindi kaya ang tinutukoy niya ay ang mga nakalagay sa student's window na kanina rin namin pinag-usapan ni Zoiren? Kahit ako ay hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang bagay na ito kahit pa nakalabas na ako sa virtual world. Nakakapagtaka naman.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
