Chapter 16: Butterfly Effect

46 3 6
                                        



===Zenrie===


Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at naaninag ko ang isang liwanag mula sa kisame. My vision seems to be blurry until it becomes clear. Tumambad sa akin ang ilaw at ang puting kisame at sinuyod ko na rin ang aking mga mata sa paligid. May isang malaking puting kurtina ang nakaharang sa bandang kaliwa ng aking higaan at agaw-pansin din sa aking mga mata ang isang malaking oxygen tank sa tabi. Naaninag ko rin ang kulay berdeng kurtina sa glass window at muli na namang umakap sa'kin ang hangin na parang isang kumot. It gave me a slight chill on my skin and realized that I didn't wear my jacket.


Malamang hindi ito ang dorm na tinutuluyan namin ngayon. Paano ba naman magkakaroon ng oxygen tank ang dorm ng SAU at mala-ospital na kama?


Lagot... mukhang nasa clinic na naman ako.


Ano nga pala ang nangyari? Hindi naman siguro ako inatake ng isang Terbaeus o ng migraine ko kanina habang naghihintay kay Zoiren sa gazebo bago pa...


Bago pa dumating si Sack at gumawa ng matinding eskandalo.


Hold a second... did I pass out?


Kaasar! Bakit naman ako mahihimatay kahit nasa virtual world ako? Napakaweirdo na talaga ng mga pangyayaring ito.


Huli kong natatandaan ay biglang kumirot ang dibdib ko't inalalayan ako nina Jairus at Zoiren bago pa ako pumunta sa tinatambayan kong gazebo tapos narinig ko pa ang mga boses nilang pilit akong ginigising. Nangyari iyon matapos na mahuli ng dalawang guwardya si Sack mula sa gulong ginawa niya.


Tapos narinig ko pa si Prof. Rythen.


Ano ba kasing nangyari habang nawalan ako ng malay?


Hindi ko maiwasang hawakan ang aking dibdib habang pilit kong inaalala ang mga nangyari kanina. Sumagi na ang lahat ng mga impormasyon sa aking isipan tungkol sa kulay ng mata, kay Avicta, Blaurei, Avillerius, 15 hiyas ni Lanzar, at iba pang bagay. Mukhang ito na ang isa sa mga senyales na iwasan ko na munang mag-overthink. Mas lalala pa tuloy ang kalagayan ko kapag nagkataon.


Ayokong may mag-aalala na naman at madagdagan ang kanilang pasanin dahil sa nangyari sa'kin kanina.


Dahan-dahan akong bumangon mula sa aking higaan at muli na naman akong nakaramdam ng konting hilo at tusok sa ulo. Napailing ako't natigilan sa aking binabalak sa loob ng tatlong segundo at bigla na naman itong nawala. Parang kapareho lang noong nasa library at university gymnasium ako. Everything seems to be a déjà vu.


"Mabuti at gising ka na Zenrie," bungad sa akin ng isang babaeng nakasuot ng maroon na bestida at lab coat. Lumapit siya sa akin habang inilapag niya ang aking jacket sa tabi. "Kumusta na pala ang pakiramdam mo? Nakakaramdam ka pa rin ba ng pagkahilo at paninikip ng dibdib?"


Marahan akong lumingon sa kaniya't naaninag ko ang kaniyang malaanghel na ngiti. Her chestnut brown eyes are shimmering especially when the light strikes her both irises; just like her copper brown long bob hair. Binuksan niya ang kaniyang medical window at sinuri ang aking vital signs upang malaman ang aking kalagayan. She held a blue armband from the window and put it on my right arm. In just a single press, the other window started to check the status of my blood pressure and heart rate.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now