Chapter 31.2: The Temporaries

40 0 0
                                        



===Zoiren===


Venetiani Beach, 01:30 PM


"HAY! Nasaan na ba ang dalawang 'yon?" Napakamot na lang ako ng ulo habang nakatingin sa bawat alon ng dagat.


Kanina lang ay kausap ko ang dalawang 'yon nang makarating na kami rito. Wala naman akong nakikitang kakaiba maliban lang sa nakapatay 'yong camera ni Zenrie sa kanyang student's window.


Mukhang sa tingin nagpalit talaga siya ng damit dahil kanina pa niya tiniis ang trip ni Emmie. Sino ba naman kasi ang tokwang papasuotin ang two piece beach attire tapos ayaw naman pala? Sa pagkakaalala ko rin kasi ay gusto niyang protektahan ang kanyang kinaiingatang modesty.


Mostly, she's versatile in every outfit she wears. Ang angas din niyang tignan noong nagkasama kaming pumunta sa mall bago pa siya nag-open up sa'kin tungkol sa sinasabing dati niyang kalaro sa game.


Hanggang ngayon, napapaisip pa rin ako kung sino ba 'yong tinutukoy niya. Siguro matinding trust issues na rin ang pinapasan niya sa sobrang tagal ng panahon. Kahit na rin siguro si Black Navillerian Angelus na kaibigan niya.


Kailan ko rin kaya makikilala ang top rank player na 'yon?


Pero 'yong taong hindi pa rin natatanggal sa isipan ko ay ang babaeng tumulong sa aming tatlo nitong nakaraan. That Blue-eyed Maiden in exact.


I wonder kung isa siya sa mga karakter na lumabas sa librong binabasa namin ngayon tungkol sa Avillerius.


Nagtanong ako sa kanya nitong nakaraan tapos paggising ko nasa dorm na ako. Hanggang ngayon parang hina-hunting pa rin ako ng mga matang 'yon.


"Ang tagal naman ng dalawang 'yon." Pa-buntong-hininga namang usal ni Ranzou habang papalapit siya sa kinatatayuan ko. May bitbit pa siyang isang bote ng orange juice. "Baka isang trak pa ng pagkain ang dadalhin nila kaya hindi pa dumarating."


"Basta pagkain talaga," pairap namang saad ni Emmie.


"Bakit na naman Emmie?" naiinis na tanong niya't biglang kinurot ang pisngi. "Hindi ako nakabawi ng kain kanina kasi nga may pinapautos sa'min 'yong prof namin."


Kahit kailan talaga, parang aso't pusa rin ang dalawang 'to. Noong unang araw din naming nakulong sa virtual world, ito lagi ang nasasaksihan ko.


Partida, pati sa paghuhugas ng mga plato pagtatalunan pa nila.


Mukhang malapit talaga sila sa isa't isa sa kabila ng pang-aasar.


Noong una talaga, medyo naninibago ako nang makilala ko rin nang lubos ang mga kaibigan ni Zenrie. Sa totoo lang, sa pagkakaalala ko ay hindi talaga siya 'yong tipong nagtitiwala agad sa iba. Oo, sabihin na lang nating mala-yelo o nakakatakot dahil sa wala siyang emosyon ang unang impresyon ko sa kanya noong magkita kami sa book launch.

Class Code: ERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon