Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020)
"Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
====Zenrie===
Sumapit na rin ang bakanteng oras namin matapos ang dalawa't kalahating oras na talakayan sa aming major subject at dumiretso agad ako sa main library upang makipagkita kay Zoiren. Nabanggit niya kasi kanina ang tungkol sa student's window at sa tingin ko'y hindi naman 'yon tungkol sa mga nakita naming game stats sa avatar setting. Kung iba man ito, talagang may isa na naman kaming bagay na iimbestigahan.
Pagdating ko sa pintuan ng library ay bigla na lang akong hinila ni Zoiren papasok sa pagbukas ko pa lang. Mabuti na lang at hindi kumalembang ang glass door at baka makakakuha ako ng isang violation na huwag mag-ingay sa library. Kahit nasa virtual world kami ay pwede pa rin kaming mapagalitan kahit sa maliit na ingay.
"Tokwa! Ba't mo naman ako hinila papasok rito?" mahinang tanong ko sa kanya saka inayos ang aking mangas sa kanang braso. Hininaan ko na rin ang boses ko na pabulong na para sigurado.
"Pasensya na Zenrie," paumanhin naman ni Zoiren. "Hinahabol kasi ako ng dalawang kaklase ko nang malaman nilang isa ako sa mga beta tester ng Project: Virtualrealmnet. Magpapaturo pa raw sila ng 'cheat' kung paano makakapasa sa pangalawang semestrong ito sa virtual world."
I slap my forehead because of what I've heard and annoyed at the same time. "Baka (Stupid)! Huwag mong sabihing hinahabol ka nila dahil sinabi mo sa kanila ang tungkol doon. Madaldal ka pa naman pagdating sa mga kaklase mo," medyo naiinis kong saad sa kanya.
"Parang ganoon na nga," matipid na sabi niya na may halong nerbyos saka hinimas ang kanyang batok. "Napagsabihan na rin ako ni Althea tungkol dito at binatukan pa nga ako."
Kung tuluyan kitang balian ng buto Zoiren?
"'Yan kasi."
"Pero maiba tayo ng usapan." Agad na pinalitan ni Zoiren ang aming usapan sa tunay na pakay naming dalawa. "Kanina 06:30 ng umaga kasi nang mag-log in ako sa virtual world ay may napansin akong kakaiba sa aking student's window. Kukunin ko na sana dapat ang aking bag sa item vault nang may nakita akong isang slot na may nakalagay na tandang pananong at kulay puti pa ito. Hindi ko ito ginalaw kanina kaya kita pinadalhan ng mensahe para rito."
There's a question mark from the item vault slot on the student's window? Ano na naman kaya ang ibig sabihin ng bagay na ito? Nitong beta test ay mga nagsulputang game stats at ngayon naman ay isang question mark? Kakaiba na talaga ang nangyayari rito ngayon.